Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Na! na!na!

Heyana

Hahiyaha naha

Naheya heyana Yanuwa

Hanahe | Yunuwana

SPEECH CHOIR (KASAGANAAN)

Ang pag-aani sa bawat butil ng karunungan,

mula sa silong ng mga Pilipinong may dunong at katwiran.

Hindi pa umiiral ang agos ng kolonyal na kamay, ay atin pa ring tinataglay.

Saksi ang mga taong ito,tayo ay masagana.

Masagana sa pag-asa,sa puso at sa diwa.

Walang bahid ng pait at itinatanim na galit,

Sa parang ng mga taong nagkakaisa’y likas na kaakit-akit.

Kultura'y umusbong,hiyas ng sinaunang lahi,at halimuyak ng kapayapaan ang siyang namumutawi.

Sa palasyo ng karunungan, sa luklukan ng katarungan

Sa tagpong ito, and Datu ang siyang pangunahing tauhan.

"Taglay ko ang dangal ng diwang makatao para sa kapakanan ng mga nasasakupan ko!"

(Transition: new chant medyo jolly na, new formation)

Sa dakong silangan, Saan? (Saan?)

Doon sa timog silangan

Ating tunghayan, ang islang puno ng kasaganaan

Tahimik na pamumuhay sa nayong Pilipinas,

Kay yaman sa produktong bigas,niyog at perlas


Pananim na umusbong sa mayabong na lupa

Sa ginto (ginto? kayraming ginto),pilak at tanso

Rinig ko'y baybayin ang sistemang kinamulatan

Paggamit ng titik at kudlit na sila lang ang nakakaalam

Nariyan pa’t sinasamba ang mga diwata’t anito

Lihim ng kalangitan, pahiwatig ng buwan at hangin

Higit sa lahat, higit pa sa lahat

Nayong nagkakaisa’t nagtutulungan

Dito’y walang tutumbas

Sa kumpas ng alon sa dalampasigan

Dinig ang tinig ng ugong na dala ng kalakalan

Unti-unting naiimpluwensiyahan

Unti-unti na ngang nababahiran

Unti-unti na ring gumagapang ang lason sa mga kulturang kinagisnan

Nang barkong Espanyol, ay dumaong sa baybayin

(Dinig ko’y Magellan, Magellan ang kaniyang pangalan)

Pagkakaibigan daw ang kanilang hangarin

(shhhhhhhhh, sshhhhhhhhh)

Sila’y naparito para sa lihim na layunin

"Palitan ang paniniwala! Ang 'di sumunod ay siya ring magiging kaawa-awa."

(eksena: nariyan na sila,magkubli, magkubli, ahhhhhh)


Mga yaman nga'y unti-unti tinatangay ng hangin

Ginto,pilak at yamang likas, sa isang iglap, napunta sa mga taong ganid at sakim

Mga Pilipino wala na ngang nagawa

(Trabaho dito, trabaho doon, bakit sa mesa’y wala kaming maihain?)

Dugo’t pawis ay ibinigay, manginginabang Español na salarin.

Tatlong daan tatlumpu't tatlong taon

Angking kasaganaan noon, tuluyan na ngang nabaon

Nasaan na? Nasaan na? Bakit ito ay nasa palad na ng iba?

(malusob ang mga espanyol tas mabaril ng mga sibilyan)

(*enter: may iiyak na babae tapos sad song acapella)

(Eksena: Unti unting manghihina, mahiga sa sahig)

(change of mood: machant sin anticipating ohhhhhh,oooooaaahhh, oaahhhhh kay maabot si Rizal)

“Jose Rizal ang aking pangalan, tinaguriang Pambansang bayani ng ating bayan.

Gamit ang kapangyarihan ng tinta't papel ko, narito'y Noli Me Tangere at El Filibusterismo, aklat na nag-
uulat ng pangyayaring magulo kabilang na ang mga paring umastang santo, pamamaraan naman nila’y
di makatao."

Nagising ang diwa, tumibok ang pusong di humihibik

Maghimagsik! Maghimagsik! Layang Maghimagsik!

(*enter ang group of boys)

“ Para sa ating kasarinlan at kasaganaan. Punitin ang sedula.”

“Punitin.”
Mabuhay bayang Sinilangan, Mabuhay!

(shhhhhhhhhhhh, shhhhhhhhhh)

Nang ang kalayaan ay ating nakamit? Kasaganaan ba’y muling naibalik?

Pagmasdan, pagmasdan ating kasalukuyan (solo)

Kasaganaan sa likas-yaman, teknolohiya, kultura’t kasaysayan (every word iaact)

Kasaganaan ay 'di nasa tabi-tabi lang

Ito'y 'di tungkol sa karangyaan o salapi lamang

Ito'y 'di rin materyal na maaaring makuha ninoman

Sapagkat ang tunay na kasaganaan ay nasa diwang makabayan!

Pangkat-pangkat, sama-sama, kabit-bisig, nagkakaisa

Nagkasama, nagkaisa, nagkaisa at nagkasama

(kami'y mga guro!)

" Sa aming pagtuturo kamuwangan ay magbubukas,

Dahil Kasaganaan sa kaalaman ang ambag namin sa Pilipinas!"

(kami'y kabataan!)

"Gamit ang pananggang edukasyon, doon namin kayo maiaahon, kami ang kabataan, ang pag-asa ng
bayan!"

Lakas ng tao! Lakas ng bayan!

Ating itaguyod ang kasaganaan

You might also like