Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

DESKRIPSYON NG MGA KALAHOK

KALAHOK #1 Nikki Reyes


Ang unang kalahok ay edad dalawampu't dalawa (22) taong gulang, naninirahan sa San
Juan, Metro Manila. Ayon kay “Nikki” hindi niya tunay na pangalan, siya ay maagang naulila sa
kaniyang mga magulang, marahil ang kanyang ina ay pumanaw ng siya ay ipinanganak. Sa
kadahilanang ito, siya ay ipinagbilin sa kanyang tiyahin na nakatira sa Ermita, Maynila. Hindi na
nakapagtapos ng pag-aaral si Nikki, dahil sa sila ay kapos sa pera. Siya ay isang katoliko na
isinilang at lumaki sa Maynila. Si Nikki ay mayroong maputing kompleksyon ng balat, tuwid at
kulay kahel na buhok, at may taglay na tipikal na tangkad ng isang Pilipina. Napagdesisyunan ni
Nikki na makibahagi sa mundo ng alter taong 2021, sa mga taong kasagsagan ng pandemya sa
Pilipinas. Ang pangunahing rason sa pakikipahagi ni Nikki sa ganitong kalakaran ay pinansyal
na pangangailangan, upang siya ay tumayo sa sariling mga paa sa labas ng puder ng kanyang
tiyahin.

KALAHOK #2 Aaron Gonzaga


Si Aaron ay dalawampu't apat (24) taong gulang na nakatira sa Alabang, Muntinlupa.
Siya ay bunso sa tatlong magkakapatid. Nakapagtapos si Aaron sa kursong Business
Administration major in Financial Management and Business Analytics. Pinanganak na katoliko
si Aaron sa probinsya ng Rizal, ngunit ng siya ay tumuntong sa elementarya, napagpasyahan ng
kanyang magulang na lumipat sa Muntinlupa dahil sa pag destino ng kanyang ama sa trabaho sa
lugar na ito. Pagdating sa pisikal na kaanyuan, kayumanggi at mahaba ang buhok ng kalahok
ngunit ito ay nagbibigay sa kanya ng impresyon na siya ay may lahing banyaga marahil na rin sa
hubog ng kanyang ilong, at kulay tsokolate niyang mga mata. Napag alaman na sumabak sa alter
community si Aaron taong 2022, dahil nag udyok sa kanya ang matinding kagustuhan upang
siya ay makapagladlad sa kanyang tunay na kasarian.

KALAHOK #3 Harvey Cruz


Ang kalahakok na ito ay dalawampu't-isa anyos (21) na mag-aaral sa Immaculada
Concepcion College. Sa kanyang sariling mga salita, sinabi niyang, "Ano lang.. Uhmm.. go with
the flow lang. Sabay lang sa trip ganon. Kasi kapag di mo nasabayan, wala di ka rin tatagal sa
ganto." Tilang ito ang kanyang pangunahing prinsipyo sa buhay, na ipinahayag niya sa isang
kalmadong paraan. Sa kanyang mga pahayag, ipinakita niyang positibo siyang sumusunod sa
takbo ng buhay, laging handa sa mga kaganapan, at hindi nagpapadala sa mabigat na mga bagay.
Ayon sa kanya, ang pagiging sabay sa agos ng buhay ay nagiging paraan upang maging
matagumpay at hindi maapektuhan ng mga hamon. Nagbigay rin siya ng perspektiba tungkol sa
mga tao na maaaring may hindi kanais-nais na intensyon sa simula. Sa kanyang salaysay, "Nung
una rin marami rin di na maganda ang intensyon, pero kailangan mo lang din sila aralin para di
ka na maapektuhan sa mga susunod kasi unang una, pera ang kailangan mo hindi ibang tao."
Nangangahulugan ito na handa siyang harapin ang mga pagsubok at pag-aaral sa karanasan, at
ang kanyang pangunahing layunin ay makamtan ang kanyang pangangailangan, lalo na sa aspeto
ng pinansiyal. Sa kabuuan, ipinakita ng kanyang mga salita ang kanyang matatag na pananaw sa
buhay, ang kanyang kakayahan na mag-adjust sa mga pagbabago, at ang importansya ng personal
na pag-unlad para sa kanya.

KALAHOK #4 Klio Morales


Ang kalahok ay (20) taong gulang, in a relationship at nakatira sa Marikina . Siya ay
panganay sa kanilang magkakapatid. Ang kalahok ay huminto sa pag - aaral at kasalukuyang
nagtatrabaho na. Batay sa kanya, gusto niyang maranasan ang mga bagay ng hindi niya pa
nagagawa ka naman sinubukan niya ang buhay ng pagiging isang alter. Nabanggit niya na hindi
maganda ang pakikitungo ng kanyang ama sa kaniya dahil sa trabahong napili nito. Ngunit sa
kabila ng lahat nanatili pa rin siyang positibo.

KALAHOK #5 Maru Saito


Ayon sa kalahok o mas kilala bilang “Maru”, (26) taong gulang na kasalukuyang
naninirahan sa Mandaluyong, pangalawa sa magkakapatid at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang
Hotel, pinasok niya ang pagiging isang alter sa edad na (18). Ani niya, masaya siya sa ginagawa
niya at hindi niya pinapansin ang sinasabi ng karamihan sa kaniya. Isa sa mga dahilan niya kung
bakit niya ito ginawa ay dahil sa hirap ng buhay. Kuwento niya pa, isa na siya sa mga
breadwinner ng kanilang pamilya mula noong pumanaw ang kaniyang ina.
KALAHOK #6 Luna Gregorio

Ang kalahok na si Luna Gregorio ay dalawampu’t dalawang taong gulang na nakatira sa


Quezon City, Wala siyang asawa at siya ang bunso sa apat niyang kapatid. Sa kasalukuyan siya
ay nag tratrabaho sa isang kumpanya ng call center. Si Luna ay may lahing ilokana na
nagsasamba sa Catholic Church. Ayon sa mananaliksik si Luna ay may pag ka kulot na buhok,
mestisa na balat at may tattoo sa kanyang balikat. Nangyari ang panayam kay Luna Gregorio
noong ika-una ng disyembre taong ika-dalawang libo’t dalawang pu’t tatlo. Si Luna ay nag
simula ng pagiging Alter noong kasagsagan ng pandemya taong ika-dalawang libo at labing
siyam, Ayon kay Luna nagawa niya ito marahil sa kahirapan kumita ng salapi noong pandemya.

KALAHOK #7 Coco Bumanlag


Ang kalahok na si Coco Bumanlag ay dalawang pu’t limang taong gulang na nakatira sa
lungsod ng San Juan. Si Coco ay kaisa-isang anak at sa kasalukuyan hindi siya nag-aaral at nag
tratrabaho. Ayon kay Coco kumikita siya sa paraan ng pag-aalok ng maseselang litrato o bidyo sa
social media apps. Si Coco ay isang Katoliko at may lahing batangan. Bago mag simula ang
panayam, Namasdan ng mananaliksik si Coco. Ang katawan ni Coco ay nasa magandang
kondisyon at mayroon siyang tattoo na makikita sa braso. Ayon kay Coco matagal na niyang
alam ang alter sa social media apps. Nag simula ito noong ika-dalawang libo at labimpitong taon
kung saan naisip niya na maaari niyang pagkakitaan ang kanyang katawan.

KALAHOK #8 Navi Mason


Ang kalahok ay nasa dalawampu’t dalawang-taong (22) gulang, single, at naninirahan sa
Manila City. Ang kalahok na ito ay nag-iisang anak lamang at nag-aaral sa kolehiyo, siya ay nasa
huling taon na niya. Kini-konsider niya ang kanyang sarili bilang isang working student. Isinaad
na rin ng kalahok ay siya ay isang Catholic, at isang Asian-American sa dugo. Na bigyan pansin
na rin ng mga mananaliksik na ang kalahok ay isang above-average build. Isinagawa ang
interview ng kalahok na ito noong, Disyembre 2, 2023. Nabanggit na rin ng kalahok ay
nagsimula sya sa paggagamit ng Alter ng taong 2018, ang rason na kung bakit siya nagsimula
dito ay dahil para sa kanyang sarili at ma-build ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

KALAHOK #9 Quinn Santos (Romel)


Ang kalahok ay nasa dalawampu't anim na taong (26) gulang, single, at naninirahan sa
Quezon City. Siya ay ang pangatlong anak, sa apat na magkakapatid. Siya ay isang working adult
na, at isang Catholic. Binanggit na rin niya na siya ay isang buong Pilipino sa dugo. Nabigyan
pansin ng mga mananaliksik na ang kalahok ay may mga tatoo sa kanyang mga katawan, mas
lalo na sa kanyang mga braso. Ininterbyu ng mga awtor ang kalahok sa araw ng Disyembre 2,
2023. Isinaad ng kalahok na ang kanyang rason na kung bakit sya nagsimula gumamit ng Alter
ay dahil sa kakulangan sa pera, dahil sa sobrang hirap ng buhay sa Pilipinas.

KALAHOK #10 Annie Mendiola


Ang kalahok na ito ay isang bente (20) anyos na naninirahan sa Quezon City. Siya
ngayon ay nagtatrabaho na at tumigil na muna sa pag aaral. Gayunpaman, nabanggit niya na nais
niyang bumalik sa pag aaral kapag ang kanyang pangkaisipang kalusugan ay nasa mabuting
lagay na. Siya ay nag iisang anak lamang; hiwalay na ang kanyang mga magulang at parehong
nasa ibang bansa at mayroon nang sari sariling pamilya. Bagamat ganoon ay nakikipag
komunikasyon pa rin siya sa kanyang mga magulang paminsan-minsan. Tulad ng nabanggit niya
sa interview, ang unang rason niya sa pagiging parte ng alter ay para lamang magbigay saya sa
kanyang sarili, ngunit habang nagtagal ay naging isa na rin itong pinagkukunan niya ng puhunan.

KALAHOK #11 Brandon Salido


Ang kalahok na ito ay bente kwatro (24) anyos na naninirahan sa Manila City. Siya ay
nakapagtapos na ng kolehiyo at kasalukuyang nagtatrabaho. Siya ay ang pangalawang anak sa
kanilang tatlong magkakapatid; mayroon siyang ate at bunsong kapatid na babae. Ang kanilang
magulang ay hiwalay na ngunit sila ay sumama sa kanilang ina upang manirahan. Sa ngayon,
naka bukod na ang kalahok sa kanyang pamilya at nabanggit din niya na mas komportable na
siyang nagsasagawa ng content sa kanyang alter account. Ayon nga sa panayam, ang kanyang
rason sa pagsasagawa ng mga litrato at bidyo sa alter ay dahil sa pera.
KALAHOK #12 Ashley Libarios
Ang kalahok na ito, isang dalawampu't-apat na taong gulang, ay nagpasyang itigil
pansamantala ang kanyang pag-aaral upang magkaruon ng sariling kita at mapanatili ang sarili.
Sa kanyang pahayag, inihayag niya na ang pagbebenta ng mga video ng ganitong uri ang naging
pinakamabilis at pinakaefisyenteng paraan para sa kanya upang makakuha ng pera. Dagdag pa
niya, isinama niya ang mga opinyon ng mga mas matanda hinggil sa aktibidad ng pagbebenta o
pagiging miyembro ng Alter. Ayon sa kanya, ang bawat aspeto ng buhay ay may sari-saring
opinyon ang tao, at sa kanyang palagay, hindi na niya ito masyadong iniintindi. Subalit, sa kabila
ng kanyang pananaw na hindi masyadong iniintindi ang opinyon ng iba, masaya siyang ibinahagi
ang kanyang sariling perspektiba. Nagsasaad siya ng pangyayari sa kanyang buhay at kung paano
nito nakatulong sa kanyang pangangailangan.

KALAHOK #13
Si Deej nasa 24 taong na kasalukuyang nag-aaral at naninirahan sa Tanay, Rizal. Ngayon, siya ay
nasa isang masayang relasyon sa kaniyang kasintahan. Bilang isang Pilipino na lumaki sa isang
relihiyosong pamilya, nahihirapan siyang itago ang kaniyang pinagkaka-abalahan sa kaniyang
pamilya. Bukod sa pag-aaral at pakikipag kalakalan sa mundo ng Alter ay wala naman na siyang
ibang ginagawa. Base sa pakikipag-usap kay Deej, mapapansin na siya ay mahilig mag-work out
at mayroong maraming hikaw. Sa ngayon, halos mag dadalawang taon na siyang
nakikipagkalakalan sa mundo ng Alter.

KALAHOK #14
Si Tin ay isang college student sa National University. Siya ay 19 taong gulang pa
lamang. Para kay Tin, naninibago pa siya sa mundo ng Alter. Ayon sa kanya, wala pang isang
taon mula ng siya ay magsimula dito. Katulad ni Deej, si Tin ay nahihirapan rin sa pagtatago ng
kaniyang ginagawa sa kaniyang pamilya. Base sa aming pag-uusap, isa sa mga hilig ni Tin ay
ang mag window shopping kasama ang kaniyang Boyfriend at mag make-up. Kaya naman, hindi
nakakagulat na palagi siyang nag-aayos ng mukha at buhok. Isama mo na rin ang kaniyang
paraan ng pananamit.
KALAHOK #15 Ken Esguerra
Ang kalahok, 27-anyos mula sa Pateros, ay nagbahagi ng kanyang karanasan sa paggawa ng
bidyo. "Uhmm.. hindi ako ganon ka confident sa sarili ko. Gusto ko malaman kung ano
mangyayari kung magbenta ako ng sarili ko." Ipinalabas niya ang kanyang kahinahunan at
kagustuhan na tuklasin ang sarili. Sa kwento, ipinakita niya ang pag-usbong ng kanyang
self-confidence dahil sa suporta ng kanyang tagahanga. "Nakatakip naman din mukha ko, okay
lang basta nafi-feel ko na navavalidate yung katawan ko." Mahalaga sa kanya ang pagpapahalaga
sa sarili at kumportableng pakiramdam sa sariling balat. Sa buong kwento, kita ang paglalakbay
ng kalahok sa pagsiklab ng kanyang kumpiyansa sa sarili sa kabila ng kanyang mga pangamba at
kahinahunan.

You might also like