Professional Documents
Culture Documents
OLA Marikina
OLA Marikina
Inang Maria
Eduardo P. Hontiveros, SJ
PAGSISISI
O Diyos Ama na nasa Langit, may-ari ng aking buhay. Ikaw ang lumikha sa akin at nagkaloob
ng buo kong pagkatao. Panginoong Hesukristo, Diyos na Totoo at Tao namang Totoo, may-ari
ng aking kaluluwa. Ikaw ang sumakop sa akin at nagligtas sa pang-aalipin ng kasalanan sa
pamamagitan ng pag-aalay Mo ng Iyong buhay at pagbubuwis ng Iyong Banal na Dugo.
O Diyos Espiritu Santo, may-ari ng aking katauhan bilang tahanan, Ikaw ang nagpapabanal at
nagpupuspos sa akin ng Espiritu ng katotohanan at pag-ibig. Alam ko po na akong nagmula sa
alabok ay isang makasalanang hindi nararapat na mayapakan man lang ng Iyong Banal na
Talampakan, ngunit naglakas-loob pa rin akong lumapit sa Iyo ngayon. Buong puso po akong
nanalig sa Iyong mga salitang hindi Mo tatanggihan at itatakwil ang sinumang makasalanang
tapat na nagsisisi sa mga nagawang kasalanan at nagbabalik-loob sa Iyo. Kaya ngayon, puno ng
mataimtim na pagsisisi, nagtitika ako na hindi na muling magkakasala sa Iyo. Patawarin mo po
ako. Naghihirap ang aking puso at kalooban na puno ng kalungkutan sa pagtalikod sa Iyo.
Hinihiling ko po na ako ay tulungang hindi na muling magkasala at nang sa gayon, maging
marapat ako na Kayo ay sambahin at papurihan nang walang hanggan sa langit. Siya nawa.
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
O Banal Na Santatlo, kinikilala ko na Kayo ang tanging Diyos at sa inyong pagka-Diyos na kahit
Tatlong Persona ay iisang Diyos lamang. Minarapat ninyo na ang Katamis-tamisang Birhen ay
mahayag bilang Ina ng mga Walang Mag-ampon. O Kamahal-mahalang Maria, kaawaan Mo po
at dinggin ako ng Iyong sawing palad na Anak. napalayo ako sa Iyo at sa Diyos dahil sa paulit-
ulit kong pagkakasala. Tinanggihan ko kayo dahil sa aking kapalaluan, ngunit ngayon,
nangungulila ako sa Inyo. Ngayong nadarama ko ang mga hirap at takot sa buhay ay nababatid
ko na Kayo ang tangi kong kailangan, ngunit tuwing naiisip ko ang aking mga kasalanan,
nadarama ko ang matinding hiya para lumapit sa inyo. Sa ganito pong kalagayan, lumalapit ako
sa Inyo, aking Inang Birhen, Bituin sa Karagatan at takbuhan ng mga makasalanan. Ipahintulot
mo Po na Kayo ay aking maging dalanginan at ipakita mo ang Iyong habag, Yayamang Kayo ay
kinilala naming Ina ng mga Walang Mag-ampon. Para sa akin ay ibinuhos ng Iyong Anak ang
Banal Niyang dugo, kaya’t ibuhos Mo din naman ang Iyong awa at pagmamahal. Akayin mo po
akong muli patungo sa inyong Anak. Tulungan Mo akong ilapit sa Kanya ang aking mga
pangangailangan. Sa iyong pamamagitan, nananalig akong makakamtan ko ang kanyang habag.
Dakilang Tanda
Bienvenida Tabuena, Eduardo P. Hontiveros, SJ
Koro:
Dakilang tanda, ikaw O Maria,
kahanga-hanga ang iyong tagumpay.
UNANG ARAW:
Reina
EBANGHELYO
Ebanghelyo mula kay San Lucas (Lucas 1:38)
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.”
Pagkatapos, umalis na ang anghel.
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
IKALAWANG ARAW:
Madre
EBANGHELYO
Ebanghelyo mula kay San Lucas (Lucas 1:28-31)
Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng
Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” Naguluhan si Maria sa sinabi ng anghel at inisip niyang
mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pagbati. Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang
matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at
manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus.
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
IKATLONG ARAW:
Maestra
EBANGHELYO
Ebanghelyo mula kay San Lucas (Lucas 2:15-19)
Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo na
sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.” Nang
makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo na sa
Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.” Nang makita
ng mga pastol ang sanggol, isinalaysay nila ang sinabi ng anghel tungkol dito. Namangha ang
lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Tinandaan ni Maria ang mga bagay na ito, at ito'y
kanyang pinagbulay-bulayan.
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
IKAAPAT NA ARAW:
Abogada
EBANGHELYO
Ebanghelyo mula kay San Mateo (Mateo 2:13-15)
Pagkaalis ng mga pantas, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon.
Sinabi nito sa kanya, “Bumangon ka't dalhin mo agad sa Egipto ang iyong mag-ina. At huwag
kayong aalis doon hangga't hindi ko sinasabi sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang
patayin.” Bumangon nga si Jose at nang gabi ring iyon, dinala niya sa Egipto ang kanyang mag-
ina. Doon sila nanirahan hanggang sa mamatay si Herodes. Sa gayon, natupad ang sinabi ng
Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Egipto.”
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
IKA-LIMANG ARAW:
Bienhechora
EBANGHELYO
Ebanghelyo mula kay San Lucas (Lucas 1:56-58)
Nanatili si Maria kina Elizabeth nang may tatlong buwan bago siya umuwi. Dumating ang oras
ng panganganak ni Elizabeth at nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki. Nang mabalitaan ng
kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anak na siya'y labis na pinagpala ng Panginoon,
nakigalak sila sa kanya.
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
IKA-ANIM NA ARAW:
Libertadora
EBANGHELYO
Ebanghelyo mula kay San Lucas (Lucas 2:33-35)
Namangha ang mga magulang ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa bata. Binasbasan
sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak
o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya
ng marami, kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil dito, magdaranas ka ng matinding
kapighatiang parang isang patalim na itinarak sa iyong puso.”
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
IKAPITONG ARAW:
Consoladora
EBANGHELYO
Ebanghelyo mula kay San Lucas (Lucas 1:40-45)
Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang pagbati
ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu
Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa
iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko
ng iyong pagbati ay gumalaw sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. “Pinagpala ka,
sapagkat sumampalataya kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
IKA-WALONG ARAW:
Remedio
EBANGHELYO
Ebanghelyo mula kay San Juan (Juan 2:1-5)
Nang ikatlong araw, may kasalan sa Cana sa Galilea, at naroon ang ina ni Jesus. Si Jesus at ang
kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan. Naubos ang alak, kaya't sinabi ng ina ni
Jesus sa kanya, “Anak, wala na silang alak.”
Sinabi ni Jesus, “Ipaubaya na lang po ninyo ito sa akin, Ginang. Hindi pa ito ang aking tamang
oras.”
Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
IKA-SIYAM NA ARAW:
Luz
EBANGHELYO
Ebanghelyo mula kay San Lucas (Lucas 1:46-49)
At sinabi ni Maria,
“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking
Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng
tao'y tatawagin akong pinagpala; dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng
Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan!
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
REINA
AMPUNIN, O REYNANG MAHAL,
KAMING ALAGAD MONG TUNAY
UPANG MAKAPAG-TAGUMPAY
SA MGA KAAWAY
KAMING IYONG MGA AMPON,
SA IYO’Y SUMISILONG
MADRE
AMPUNIN, O GILIW NA INA
KAMING SADYANG NINITA
NA KUPKOP NG IYONG SINTA
TANGHURAN NG AMING PITA
UPANG DIN SA IYONG TULONG
LIGAMPAM NAMI’Y HUMANTONG
MAESTRA
AMPUNIN, O MAESTRANG PANTAS
KAMI’Y TURUANG MAGMALAS
MGA LALANG NI SATANAS
NANG MATUTO NGANG UMIWAS
DAYA NIYA’Y DI AAYON
SA ADYA NG IYONG DUNONG
ABOGADA
AMPUNIN, MO NA NGA KAMI,
O MAHAL NA PINTAKASI
IPAGSANGGALANG PARATI
SA SALANG IPAGSISI
ANG BANSOT MAN AY YAYABONG
SA LILIM NG IYONG KANLONG
BIENHECHORA
AMPUNIN MO NG BUONG AWA,
O MAPAGKAWANG-GAWA
KAMI PONG NAGDARALITA
DITO SA BAYAN NG LUHA
HIRAP MAN AY SUSON-SUSON
LINGAPIN MO’T MALILIPOL.
LIBERTADORA
AMPUNIN AT ARUGAIN
O MAPAGTANGGOL NA BIRHEN
KAMI NA KAHIT SALARIN
MGA TUNAY MONG ALIPIN
ILIGTAS KAMI SA SULSOL
NG DEMONYONG MAPANLIMBONG
CONSOLACION
AMPUNIN, O MAPANG-ALIW
KAMING TANANG NARIRITO
NA NAMAMANHIK SA IYO NA KAMI’Y ALIWIN MO
DALITA’T LUMBAY AY YAYAON
PAGSIPOT NG IYONG TULONG
LUZ
AMPUNIN MO AT ILAWAN,
ANG TANANG NAHAHANDUSAY
SA MALAKING KADILIMAN
NG SALA AT KAMATAYAN
SAKLOLOHAN KAMI NGAYON
AT SA HABANG PANAHON
PANGWAKAS NA PANALANGIN
O Maria, Inang kaibig-ibig, nararamdaman naming buong giliw Mong tinutunghan kaming
humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming mga pangangailangan. Sakaling hindi nararapat na
igawad ang aming kahilingan, isinasamo namin sa Diyos na igawad sa amin ang lalong
ikalulugod Niya Ang isang dakilang pagsunod sa Kanyang Banal na Kalooban. Kapuri-puri at
ulirang pamumuhay! Igawad mo rin sa amin ang biyaya ng kaligayahan sa langit At doon ay
magpupuri kami kasama ng lahat ng mga Banal sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Jesukristo,
Kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang- hanggan. Siya Nawa.
Pangwakas na Awit
Salve Regina
Eduardo P. Hontiveros, SJ