Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

CHRISTMAS CANTATA 2023 “Nang Dumating ang Pag-ibig”

Characters:
Venice: Christian friend Ervin - Luv (boyfriend scene 1)
Vherlie: naghahanap ng pag-ibig Ace - Babe (boyfriend scene 2)
Romeo - holdaper (scene 2). David - Pappy (sugardaddy scene 3)
Bryxe- Pastor

Opening Song: " Awitan Sya’t Purihin”

SCENE 1: Magsaysay (Yellow Cab)

Venice: (Naglalakad) Nakakatuwa naman paskon- pasko na sa church kanina...kahit 2 weeks pa bago
mag Pasko. Kumusta na kaya ang dati kong schoolmate? Buti na lang pagkatapos ng 2 taon,magkikita
ulit kami.

Vherlie: (nakaupo may katext) (Ervin nakatayo sa malayo nakikipagtext kay Vherlie)

(Chat heads)
Vherlie: Luv, dadating ka pa ba?Kailangan ko ng tulong sa thesis ko.
Luv: Sorry, Luv,, kailangan ako ni Nanay. Hindi ko sya maiwan ngayon kasi namatay yung
pusa nya. Sorry...
Vherlie: #!$&@

Venice: O, Vherlie... Kumusta ka na? Ang laki yata ng pinagbago mo? Sa school dati, cheerleader
ka ...ngayon mukhang nerd ka na.

Vherlie: Ayun nga, Venice. Lahat na lang ginawa ko para mag fit-in sa mundo ng boyfriend ko na Top 1
sa class namin. Matalino nga, Mama's boy naman. Sabi nya, mahal nya ko pero lagi akong iniiwan sa
ere… inindian ako sa mga lakad namin kasi di maiwan Nanay nya. Pano na yung scholarship ko , hindi
nya ko natutulungan sa thesis ko! (Iiyak)

Venice: (Hihimasin sa likod si Vherlie) Sama ka na lang sakin sa church... Alam mo ang Panginoong Hesus,
dahil sa pagmamahal sa atin, kahit ang Ama sa Langit at ang kaharian Nya, iniwan Nya para lang
maipakitang mahal Nya tayo.

Song: "Still He Came" Quartet

Venice: Ano, sama ka sakin sa church sa Linggo?

Vherlie: Wag na muna ngayon, Venice. Sa susunod na pagkakataon na lang.

Venice: Ok...

SCENE 2: (Vherlie at Venice nakaupo nang magkahiwalay magkausap sa cp)

Venice: Hello… Vherl? Napatawag ka… at may pangtawag ka?!


Vherlie: Ghurl, attend ako sa church mo sa Sunday! Dun mo nadin malaman bakit may pang call
na ko. (ngiting-ngiti at kinikilig)

Venice: Wow, talaga, aattend ka? Amen! Sure yun? Sunduin kita ha…

Vherlie: Oo naman, ghurl, sure yun. Hindi naman ako katulad ng Ex ko na laging nang
Iindian. Pero wag mo na akong sunduin... Ako na lng pupunta dun. Alam ko naman kung
saan yun.

Venice: Ex? nag break na kayo nung Luv mo? Anyway, answered prayer ako na aattend ka na...
See you on Sunday.

SCENE 3: Church (choir singing)

Song: “ Angels We Have Heard On High” (choir)

Venice: (After choir, titingin sa relo…) Anong oras na, wala pa si Vherlie..

(Dadating si Vherlie at Ace sobrang pormang mayaman... Magsesenyasang umupo at makinig)

Bryxe: Please open your Bibles in the book of Luke…

Pagkatapos ng service...
Ace: naglalakad lakad , tinitignan ang building)

Venice: (pabulong) last time nagkita tayo, sobrang mahiyain at pala aral ka kung tignan. Ngayon naman
napaka sosyal mo pumorma..

Vherlie: Bagay ba? (Iikot ng konti) Eto kasi gusto ng bf ko ngayon. Ssshh.. palapit na sya.(lalakas ang
boses habang papalapit si Ace) Sorry, ghurl, late kami. Ayaw kasi ni Babe ipasok yung car nya jan sa
rough road. Dun lang sa labas naka park yung BMW nya baka daw magasgasan sa branches ng trees jan
sa sides.

Ace: Yeah, your church is nice. But the road? Nah…

Vherlie: (titingin kay Ace) Sshhhh…

Venice: A-a-aahh... Ok. Sige ihatid ko nlng kayo jan sa labas.

(Sa kanto...may lalapit na holdaper haharang)

Ace: Yo, what's the problem with you,man?

Romeo:(tutukan ng baril si Ace) Hold up to! (Itututok kay Vherlie ang baril at kukunin ang bag) Akin na
yang bag mo!
Ace: ( magtatago sa likod ni Vherlie habang kinukuha ng holdaper ang bag.) Sige na kunin mo na yang
bag nya.(lalayo pagkatapos itulak ng konti papunta sa holdaper si Vherlie) kunin mo narin sya wag mo
lang akong sasaktan.(tatakbong nagtititili)

Romeo: (Isosoli ang bag kay Vherlie) Sayo na ‘to Miss. Nakakaawa ka e.(Aalis na umiiling)

Vherlie: (ngangawa habang hinihimas ni Venice) sabi nya mahal nya ko at tutulungan nya kong
makabayad sa pag-aaral ko... Sa ganito nga di nya ko matulungan, iniwan ako, ay ipinain pa sa
kapahamakan…

Venice: Vherl, pag tao talaga pwede tayong ipahamak at pabayaan. Pero ang Dios, handang
magpakasakit at magbuwis ng buhay Nya para sa atin.Tayo ang dapat magbayad ng kasalanan natin,
pero inako Nya ito dahil mahal Nya tayo.

Song: That's What He Did For Me (sixtet) or “I’m Still Amazed” Mixed Trio

Vherl: (magpapahid ng luha) alis na ko Ghurl...(maglalakad palayo)

Venice:(pasigaw) Next week, Vherlie .. may Cantata kami,..attend ka

Vherlie: chat nlng.

SCENE 4: Kalsada(sa may fruit stand )

Song: “ Holy Night” (Tagalog)

Venice: (nagmamadali) Naku,late na ko.Friday kasi, rush hour pa.. Maraming nagbabyahe.. Final practice
pa naman namin para sa cantata sa Sunday.(may mabubunggong matandang lalaki na may katabing
babae na nakataalikod) Ay, Tatay David, kayo po pala sorry po. Di ko po sinasadya…

David: Ah, walang anuman yan Iha. Buti nga at ako ang nadali mo, hindi itong aking nobya.

Vherlie: (haharap kay David) ano yun Pappy?

Venice: Vherl?!

Vherlie: Ah... Hehe. Hi, Venice.(Haharap kay David) Ah, Pappy, wait lang ha...kausapin ko lang sya...
Pakitignan mo nlng dyan yung mga inorder kong fruits para sa Noche Buena sa Sunday.(hihilahin si
Venice palayo)

Venice: (habang hinihila ni Vherlie) break na kayo nung Babe mo? Boyfriend mo si Tatay David na
kaklase ng Papa mo?!

Vherlie: sshhh... Nakita nya kong umiiyak nung Sunday nung iniwan ako ni Babe . Mabait naman si
Pappy... at para narin akong may Tatay... Alam mo naman, iniwan ako ng tatay ko 10 yrs ago .. ok na ito
at least ginagalang nya ko tapos sasagutin nya daw pag aaral ko kasi mahal nya daw ako. Basta alagaan
ko daw sya na parang nung magkasama pa sila ng asawa nya.
Venice: Huh? Vherlie, alam mong alam ko at naintindihan ko gaano kahirap na walang tatay... Kasi
broken family din kami. Pero, wala nang ibang mas hihigit na magbibigay ng pagmamahal at pagkalinga
ng isang ama kundi ang Panginoong Dios.Di katulad ng tao, wala Syang hinihinging kapalit. Ang relasyon
na inaalok ng Dios sa atin ay libre at isang regalo. At nakita mo na kung gaano kadakila ang Panginoong
Dios at Ama sa buhay ko.

Song: "Still You Are" (Mixed Quartet)

Vherlie: Sige na... Bye na muna. Tutulungan ko pa si Pappy s pamimili.Chat nlng.

Venice: Vherl, sa Sunday... cantata!

Vherlie: tignan ko.

SCENE 5: Church ( Venice nakaupo, nagc cp)

(Chat heads)
Vherlie: Ghurl....

Venice: Hala... 3 hours ago pa tong message ni Vherlie...

(Chat heads)
Venice: Vherlie, sorry, late reply, sobrang busy kanina preparation for Cantata namin
tonight.Napaano ka?

Vherlie: Kakagaling ko lang sa Barangay... Sinaktan ako ni Mang David.

Venice: Mang David? As in si Tatay David.. si Pappy mo? Naku, Vherlie... Saan ka na? Punta ka dto
sa Church... Nuod ka ng Cantata...Abot ka pa... 20 minutes pa naman ...Usap tayo after.

Vherlie: ok.

Pagkatapos ng ilang minuto…

Vherlie: (uupo bigla sa tabi ni Venice).

Venice: (yayakapin si Vherlie) buti nakarating ka... Pero mag start na. Mamaya na tayo mag usap…

Choir: Because He Came

Bryxe: salamat po sa mga awit na yan pero walang hihigit sa pangangaral ng Dios .. Buksan nyo ang
inyong Bibliya... Ang sabi ng Bible, ... Si Kristo ay namatay,nilibing at nabuhay na muli para bayaran ang
ating mga kasalanan. Kailangan lamg sa isang maikling panalangin, magsisi at tanggapin si Kristo bilang
sariling Tagapagligtas. Sino po ang gustong tumanggap?

Vherlie: (magtataas ng kamay)

Bryxe: sa Pangalan ni Hesus, Amen.


Vherlie: salamat, Venice sa wakas naunawaan ko ang pagibig ng Dios sa Akin. Ngayon, may Ama na ako
na alam kong kailanman ay hindi ako iiwan at pababayaan at puro at sinsero ang pagibig sa akin.
(Magyayakap)

Song: Then Came Jesus

Song: Sanlibutan, Magdiwang Ka

Special Number: Pagibig ng Krus

You might also like