Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Bb. Frances Ann A.

Ordinario ay isinilang
noong Mayo 25, 2005, sa San Pedro Hospital
sa Davao City. Sa kasalukuyan, nasa ika-
labing dalawang baitang siya sa Holy Child
College of Davao, kung saan ang pangarap na
kurso niya ay Bachelor of Early Childhood
Education. Sa kanyang edad na labinwalo,
marami nang narating na tagumpay si Bb.
Frances na nagbibigay inspirasyon sa kanya
upang mas pagbutihin niya ang kanyang mga
ginagawa at ibigay ang lahat ng kanyang
makakaya para sa Diyos. Ang pagsusumikap at pananampalataya ay mga
natatanging kakayahan niya na nagbigay daan sa kanyang tagumpay. Sa
hinaharap, ang kanyang pangarap ay nakatutok sa larangan ng pagtuturo at
pagiging positibong halimbawa para sa mga kabataan. Ang kanyang pamilya
ang pangunahing inspirasyon ni Bb. Frances. Sila ang nagtuturo sa kanya na
maging mas mahusay pa at huwag mawalan ng pag-asa sa anumang
sitwasyon. Ang kanyang ina, bilang kanyang unang guro, at ang mga guro sa
paaralan ay nagiging halimbawa sa kanya sa kanilang dedikasyon sa
edukasyon. Sa kanyang libreng oras, masigasig siya sa pagbabasa ng aklat
tulad ng Little Women, nanonood ng telebisyon, at naglalaan ng oras kasama
ang pamilya. Ang mga prinsipyong sumasalamin sa kanyang pang-araw-araw
na pamumuhay ay ang laging magtiwala sa Diyos, maging mapagpasalamat,
maging magalang at mabait sa kapwa. Nagbibigay siya ng serbisyo sa
komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras para sa pakikipag-usap o
pagboboluntaryo sa mga community outreach programs. Sa hinaharap,
inaasam ni Bb. Frances na makapagtapos ng kanyang pag-aaral at
makagawa ng mga bagay na makabuluhan para sa kanyang komunidad. Nais
din niyang maglingkod sa Diyos sa anumang paraan na maaari niyang
gampanan. Sa kanyang propesyonal na paglalakbay, natutunan niya na may
mga pangyayaring hindi maiiwasan ang mga di-inaasahang pangyayaring ito
ay mayroong mga aral na makakatulong sa kanyang paglago bilang isang
tao. Para sa mga gustong makipag-ugnayan kay Bb. Frances Ann A.
Ordinario, maaaring kontakin sa numerong ito: 0905 217 5307.

You might also like