Professional Documents
Culture Documents
MEKANIKS NG LAR-WPS Office
MEKANIKS NG LAR-WPS Office
Ang Piko ay isang popular na larong pambata sa bansa. Karaniwan itong nilalaro ng mga batang babae
at minsan naman mga batang lalake.
A. Panimula
- Kailangan ng mga manlalaro na pumili ng pamato - ito ay isang bagay na ginagamit bilang pananda
kung nasaan ang manlalaro ito ay maaring maging isang piraso ng bato o isang piraso ng basag na
pinggan.
- Sa hugis ay dapat mayroong mga guhit na naghihiwalay sa iba. Ito ay maaring mga hugis kahon o
parisukat. Ang mga parisukat na ito ay lalagyan ng mga numero para malaman kung alin sa mga ito ang
pagkasunod-sunod na siyang tatalunan ng mga manlalaro.
- Kailangan gumuhit ang mga manlalaro ng isang hugis gamit ang chalk, uling, o puting bato.
- Mamimili ang mga manlalaro ng mauuna. Iba’t-iba ang paraan ng pamimili. Puede ang maiba-taya o
jack en poy.
B. MgaPanuntunan
- Ang manlalaro ay kailangang maghagis ng kanilang mga pamato sa loob ng hugis. Dapat ay hindi ito
nasa guhit o sa labas ng guhit.
C. Paglalaro
- Ang unang manlalaro ay ihahagis ang kanyang pamato sa numero uno. Kailangan niyang tumalon sa
numero 2 papuntang sa pinakamataas na numero at pabalik. Pagkatapos sa kanyang pagbalik ay kukunin
niya ang kanyang pamato.
- Ihahagis niya naman ngayon ang pamato sa bilang 2 at tatalon sa numero1 lalaktaw sa numero 2 at
pataas at pabalik na naman at kukunin ang pamato.
- Patalikod n’yang ihahagis ang kanyang pamato at kung saang hugis ito pumatak ay “bahay” nya na
ito at hindi na maaring tumapak dito ang mga kalaban.
- Sa huli, kung sino ang may pinakamaraming bahay, s’ya ang panalo!!!