Kabanat A1: Tungo Sa Mabisang Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

KABANAT

A1
TUNGO SA
MABISANG
KOMUNIKASYON

“Ang ating Pambansang Wika ay pahalagahan


Kilalanin ang mahaba at makulay nitong
kasaysayan
Alamin ang konseptong, elemento, at gamit sa
lipunan

1
Taglay ng mga ito, sarili nating
pagkakakilanlan.”

ARALIN 1
ANG KONSEPTONG PANGWIKA
“Ang wika’y mahalagang instrumento ng komunikasyon
Makatutulong sa pagkakaroon ng mabungang interaksiyon.”

MAHALAGANG TANONG PAGPAPALALIM NA GAWAIN


Bakit mahalaga ang wika? sa paanong Sa araling ito’y maiuugnay mo ang
paraan ito nagiging instrumento ng mga konseptong pangwika sa mga
mabisang pakikipagtalastasan, napakinggang sitwasyong
kapayapaan, at mabuting pakikipagkapwa pangkomunikasyon tulad ng isang
Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito ng mahigit pitong libong pulo na mabibilang sa tatlong malalaking
pangkat ng pulo sa bansa: ang Luzon, ang Visayas, at ang Mindanao. Dahil sa nasabing kalagayang heograpikal, hindi
maiiwasan na magkaroon tayo ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipinong may kanya-kanyang wika at diyalekto. Ito ang
pagbigay-daan sa napakaraming wika at diyalektong ginagamit sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating bansa ay hango sa Census of Population and
Housing (CPH) na isinasagawa tuwing isang dekada ng National Statistics Office (NSO). Ayon sa datang ng CPH noong
2000, may humigit-kumulang 150 wikat at diyalekto sa bansa. Tagalog ang nangungunang wika na ginagamit ng 5.4
milyong sambahayan; pangalawa ang Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano sa 3.6 milyong sambahayan; pangatlo ang
Ilocano sa 1.4 milyong sambahayan; pang apat ang Hiligaynon/Illonggo sa 1.1 milyong sambahayan. Maliban sa mga
nabanggit, ang iba pang wika at diyalektong bumubuo sa sampung pinakagamiting wika sa bansa ay ang sumusunod:
Bikol/Bicol, Waray, Kapampangan, Pangasinan o Panggalatok, Maguindanao, at Tausog.

(Ang pinagbatayan sa estadistikang ito ay ang Census of Population and Housing (CPH) noong 2000 sapagkat
ang datos mula sa CPH noong 2010 kaugnay sa wika at diyalekto ay hindi pa nailalathala. Masasabing hindi perpekto
dahil na rin sa katagalan ng panahon kung kailan isinasagawa ang cencus subalit mahalaga pa rin ang datos na ito dahil sa
ipinahihiwatig nito ang galagayan ng mga wika at diyalekto sa ating bansa.)

ANG WIKA
Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika. Mula sa pinagsama-samang
makabuluhang tunog, simbulo, at tuntunin ay nabubuo ang mga
salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at
pagpaparating ng mensahe sa isa't isa. Nagkakaintindihan tayo, nakapagbibigay tayo ng ating mga
pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa
puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o pasulat gamit ang wika.

2
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila" at “wika" o “lengguwahe". Ito ang
pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito'y naging
language ma siya na ring ginagamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming
wika sa buong mundo, ang mga silatang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito
marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba't ibang tunog ay
nililikga sa pamamagitan ng iba't ibang posisyon ng dila. Kaya naman, ang wika ay may tradisyonal at
popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na
ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan
sa isa't isa.
Marami ding dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba't ibang pagpapakahulugan sa wika tulad ng
mga mababasa sa kabilang pahina:
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1), ang wika ay tulay na ginagamit para
maipahayag at mangyari ang anumang mithiin o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating
ekspresyon at komunikasyon na epektong nagagamit. Ginagamit ng tao ang wika sa kanya-kanyang pag-
iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa
kanyang sarili.
Ayon kay Henry Allan Gleason Jr., isang lingguwista at propesor emeritus sa University of
Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng mg tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
Binigyang pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong paraan: ito ay
isang sistemang komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita at gramatikan ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain.
Samantala, ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang sining tulad
ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o png pagsusulat. Hindi rin daw ito tunay na likas
sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. Gayumpama'y naiiba ito sa
mga pangkaraniwang sining dahil ang tao'y may likas na kakayayang magsalita tulaf ng nakikita natin sa
paggakgak ng mga bata; wala kasing batang may likas na kakayahang gumawa ng serbesa, mag-bake, o
sumulat. Higit sa lahat, walang philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang inimbento; sa
halip, ito ay marahan at hindi sinasadyang nalilinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso.
Madalas, hindi natin gaanong nabibigyang-pansin o hindi gaanong napag-iisipan ang kahulugan
ng wika sapagkat tila ba likas o natural na sa atin ang pagkatuto at paggamit ng wika sa ating
pagpapahayag mula pa pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Subalit marahil iyo nang napagtanto na ang
wika ay hindi lang basta tunog ang nililikha ng tao, bagkus ito’y isang napakahalagang instrumento ng
komunikasyon. Nakapagpapahayag ang tao ng mga saloobin sa pamamagitan ng wika kaya't nararapat
lang na pagyamanin at gamitin nang naaayon sa angkop na layunin.

ANG WIKANG PAMBANSA


Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba't ibang pangkat ng Pilipinong gumagamit ng
iba't ibang wika at diyalekto. Humigit-kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa. Ang
kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang
wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa
atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang pambansa.
Kung babalikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi naging madali ang pagpili sa wikang
pagbabatayan ng wikang pambansa. Mahaba at masalimuot ang prosesong pinagdaanan nito. Sa huling
dalawang aralin ng kabanatang ito ay tatalakayin nang mas malalim ang kasaysayan ng ating wika
simula sa panahon bago dumating ang mga Espanyol hanggang sa kasalukuyang panahon subalit sa
ngayon ay magkakaroon ka ng paunang impormasyon sa pamamagitan ng time line ng mga
pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakahirang sa Filipino bilang wikang pambansa.
1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba't ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito,
naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal 3
noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga
1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa
Artikulo XlV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1936 na nagsasabing:

“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang


pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga't hindi itinatakda ng batas,
ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.”
Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming talakayan kung
anong wika ang gagamitin batayan sa pagpili ng wikang pambansa. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng
isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag
ng Surian ng Wikang Pambansa. Pangunahing tungkulin nito ang "mag-aaral ng mga diyalekto sa
pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa
mga umiiral ng wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng
nakararaming Pilipino". Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang
batayan ng wikang pambansa dahil sa naturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo
tulad ng sumusunod:
"ang wikang pipiliin ay dapat...
 wika ng sentro ;
 wika ng sentro ng edukasyon;
 wika ng sentro ng kalakan; at
 wika ang pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan."

1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog
upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.

1940: Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blgm 134, nagsimulang ituro ang
wikang pambansag batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong
Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Bilang 570.

1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino
sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, sa Kalihim ng Edukasyon noon.
Sa panahong ito'y higit na binigyang-halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang
ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa,
gayundin sa iba't ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at
komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa.

4
1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng
usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV,
Seksiyon 3, blg 2:

"Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na


magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino."
Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas.
Gayunpama'y hindi naisagawa ang Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad ng itinadhana
ng Saligang Batas.
1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong
Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XlV, Seksiyon 6
ang probisyong tungkol sa wika na nagsasabing:

"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat


pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

Napakalayo na nga nang nalakabay ng ating wikang pambansa upang maging isa itong wikang
nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa maibatas at magamit
ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa hinaharap upang lalo pa tayong
magkaintindihan at mapalawig ang ating pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagtatagumpay.

WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO


Ayon kay Virgilio Almario (2014:12) ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging
wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang
uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng
gobyerno. Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito
ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
Ano-ano ang nga wikang ginagamit bilang panturo sa loob ng inyong silid-aralan? Nakatutulong
ba ang mga ito upang higit mong maunawaan ang iyong mga aralin at aktibong makibahagi sa mga
gawain at talakayan?
Ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XlV, Seksiyon 7, mababasa
ang sumusunod:

"Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay


Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic."

Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga
paaralan. Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay
naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko
at pribado man. Tinawag itong Mother-Tongue Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).
Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, "ang paggamit ng wikang ginagamit din
sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga
mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural."

5
Pinatunayan ng mga isinagawang pag-aaral na lokal at internasyonal na ang paggamit ng wikang
kinagisnan sa mga unang taon ng pag-aaral ay nakalilinang sa mga mag-aaral na mas mabilis matuto at
umangkop sa pag-aaral ng pangalawang wika (Filipino) at maging ng ikatlong wika (Ingles).
Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay itinadhana ng DepEd ang labindalawang
lokal o panrehiyong wika at diyalekto para magamit sa MTB-MLE. Subalit sa taong 2013 ay
nadagdagan pa ito ng pito kaya't labinsiyam na wika at diyalekto na ang ginagamit tulad ng mga
sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug,
Maguindanao, Meranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at
Surigaonon. Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan: (1) Bilang hiwalay na
asignatura; at (2) bilang wikang panturo.
Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang magiging
pokus sa kindergarten at unang baitang ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa ikalawa hanggang
ikaanim na baitang ay bibigyang-diin ang iba't iba pang komponent ng wika tulad ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Sa mas mataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga
pangunahing wikang panturo o medium of instruction.

B. Niuugnay ang mga konseptong pangwika sa pagbuo ng sariling talumpati o panayam (PP11FC-1a-1.3)
Masusubukan ngayon ang iyong husay sa paggamit ng ating wikang pambansa. Kung si PNoy ay may SONA,
ikaw naman ay may SOLA o State of the Language Address. Bubuo ka ng isang maikling talumpating maglalahad
sa kalagayan ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon. Magsaliksik ka upang ang bubuoin mo ay nakabatay
sa mga totoong datos at hindi sa pansariling opinyon mo lang. Humandang bigkasin sa harap ng iyong kapangkat
o maging sa harap ng klase ang iyong dalawang minutong talumpati. Gawing gabay ang rubric sa ibaba.

PAMANTAYA 4 3 2 1
N
Mensaheng Malinaw na Taglay ng talumpati Bahagyang taglay ng Hindi makikita sa
Taglay malinaw na ang mensahe tungkol talumpati ang talumpati nsg
makikita sa sa tunay na mensahe tungkol sa mensaheng nais
talumpati ang kalagayan ng wikang tunay na kalagayan ipabatid tungkol sa
mensahe tungkol sa Filipino sa ating ng wikang Filipino tunay na kalagayan
tunay na kalagayan panahon na sa ating ng wikang Filipino
ng wikang Filipino nakabatay sa kasalukuyang sa kasalukuyang
sa ating konseptong panahon. Bahagya panahon. Pawang
kasalukuyang pangwikang rin itong nakabatay sariling opinyon
panahon na natalakay at sa konseptong lamang ang
nakabatay sa nasaliksik. pangwikang nilalaman at sa
konseptong natalakay at konseptong
pangwikang nasaliksik. pangwikang
natalakay at natalakay at
nasaliksik. nasaliksik.
Pagbigkas sa Nabigkas ang Nabigkas ang Hindi gaanong Nabigkas ang
Talumpati talumpati nang talumpati nang malinaw ang talumpati subalit
malinaw, may malinaw, bahagyang pagbigkas. Hindi rin halos hindi marinig
angkop na paglakas naiangkop ang gaanong naiangkop ang tinig at wala
6
at paghina ng tinig, paglakas at paghina ang paglakas at ring kaangkupan ang
at may wastong ng tinig, at may paghina ng tinig, at damdamin.
damdamin. wastong damdamin. hindi gaanong
naramdaman ang
taglay na damdamin.
Kilos at Angkop na angkop Angkop ang kilos at Hindi gaanong Walang kaangkupan
Ekspresyon ang bawat kilos at ekspresyon ng angkop ang kilos at ang kilos at
ekspresyon ng mukha, kumpas ng ekspresyon ng ekspresyon ng
mukha, kumpas ng kamay, galaw ng mukha, kumpas ng mukha, kumpas ng
kamay, galaw ng mata, at labi, at kilos kamay, galawng kamay, galaw ng
mata at labi at kilos sa entablado sa mata at labi at kilos mata at labi, at kilos
sa entablado sa mensahe ng sa entablado sa sa entablado sa
mensahe ng talumpati. mensahe ng mensahe ng
talumpati. talumpati. talumpati.

ARALIN 2
MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO, at
MULTILINGGUWALISMO
“Mga konseptong pangwika’y mahalagang matutuhan
makatutulong sa mas malalim na pagkakaunawaan.”

MAHALAGANG TANONG PAGPAPALALIM NA GAWAIN


Bakit mahalagang matutuhan ng isang Sa araling ito’y maiuugnay mo ang
tao ang mga wika o wikaing ginagamit sa mga konsetong pangwika sa mga
kanyang paligid? Sa paanong paraan napanood na sitwasyong
maaaring makatulong sa isang taong ang pangkomunikasyong sa telebisyon.
pagiging multingguwal?

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique o natatangi
lamang sa tao. Ayon kay Chomsky(1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala
sa ibang nilalang tulad ng mga hayop. Nagagamit ng tao ang wika upang makapagpahayag ng kanyang mga karanasan,
kaisipan, damdamin, hangarin, at iba pa batay sa pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o pagkakataon kaya naman
masasabing ang wika ay natatanggi lamang sa tao at hindi sa iba pang nilalang.
May mga eksperimentong isinasagawa upang malaman kung ang komunikasyon ba ng mga hayop ay katulad ng
sa wika ng tao pero hanggang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan. Bagama't may mga hayop na natuturuang magsalita
dahil nakakabigkas sila ng ilang salita o maiikling pangungusap subalit hindi ito likas at madalas na nasasabi lamang nila
ang mga salita o pangungusap na natutuhan nila kapag nauudyukan o nabibigyan sila ng insentibo ng taong nagsanay sa
kanila. Hindi masasabing malikhain ang pangungusap na nabubuo nila dahil ito'y karaniwang bunga lang ng pag-uudyok
sa kanila. Sa kabilang banda, ang tao ay gumagamit ng wikang naangkop sa sitwasyon o pangangailangan ( Paz, et. al.
2003; pahina 4).
Kung gayo'y maituturing na isang mahalagang handog sa tao ang kakayahang makipagtalastasan gamit ang wika.
Nararapat lamang nating pagyamanin ang kakayahang ito at gamitin sa pamamaraang makabubuti hindi lang sa sarili
kundi sa higit na nakararami.

UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA , AT IBA PA


7
Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, at kinakatawan din ng L1. Sa
wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at
damdamin.
Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid
na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga
kaklase, guro, at iba pa. Madalas ay sa magulang din mismo nagmumula ang exposure sa isa pang wika
dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang iisang wika. Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang
naririnig ay unti-unti niyang natutuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng sapat na
kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na
ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.
Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang mga taong
nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang
napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa, at kasabay nito'y tumataas din ang antas ng
kanyang pag-aaral. Dito'y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna'y
natututuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nasasalita rin ng
wikang ito. Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya aa lumalawak na mundong kanyang
ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas, kung saan may
mahigit 150 wika ang wikaing ginagamit sa iba't ibang bahagi ng bansa, ay pangkaraniwan na lang ang
pagkakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong wika.

MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO AT
MULTILINGGUWALISMO
MONOLINGGUWALISMO

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng


isinasagawa sa bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang wika ang
ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang
monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo, wika ng negosyo, at
wika ng pakikipaglastasan sa pang-araw-araw na buhay.
Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wika at wikain sa ating bansa, ang Pilipinas ay
maituturing na multilingguwal kaya't mahihirapang umiral sa ating sistema ang pagiging
manolingguwal.

BILINGGUWALISMO

Matatawag mo ba ang sarili mong bilingguwal?Bakit? Anong pagpapakahulugan ang maibibigay


mo para sa salitang bilingguwalismo?
Binigyang pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield(1935),isang amerikanong lingguwista ang
bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay
kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield na maaaring mai-kategorya sa
tawag na "perpektong bilingguwal" ay kinontra ng pagpapakahulugan ni John Macnamara (1967), isa pa
ring lingguwalistang nagsasabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakahayan sa isa sa apat
na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,pagsasalita,pagbabasa at pagsusulat sa
isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. Sa pagitan ng dalawang magkasalungat na
pagpapakahulugan ito ay may iba pang pagpapakahulugan ang naibibigay tulad ng kay Uriel
Weinreich(1953), isang lingguwistang Polish-American,na nagsasabing ang paggamit ng dalawang
wikang magkasalitan ay tinatawag na billinguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay
8
bilingguwal. May mga tanong sa ganitong pagpapakahulugan ni Weinreich dahil hindi nabanggit kung
gaano ba dapat kadalas o kung gaano ba dapat kahusay ang isang tao sa ikalawang wika upang maituring
siyang bilingguwal (Cook at Singleton: 2014).
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang mataas
sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito,dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang
halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika. Balance bilingual ang
tawag sa mga taong nakagagawa ng mga ganita at sila'y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit
ng mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap(Cook at
Singleton:2014).
Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon natin ng
interaksyon, maging sa mga taong may naiibang wika. Sa ganitong mga interaksyon nagkakaroon ng
pangangailangan ang tao upang matutuhan ang bagong wika at ng maangkop siya sa panbagong
lipunang ito.Sa paulit ulit na exposure o pakikinig sa mga nagsasalita ng wika unti-unti'y natututuhan
niya ang bagong wika hanggang sa hindi niya namamalayan matatalas na siya rito at nagagamit niya na
nang mabisa ang bagong wika sa pakikipag-usap at sa paglahad ng kanyang mga personal na
pangangailangan.Sa puntong ito'y masasabing bilingguwal na siya.

BILINGGUWALISMO SA WIKANG PANTURO

Makikita sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang batas ng 1973 ang probisyon para sa


bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral
sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalaan man o sa kalakalan.
"Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Filipino.Hangga't hindi binabago ang batas,ang Ingles at Filipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas".
---Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973

Ayon kay Ponciano B.P. Pineda (2004:159) ang probisyong ito sa Saligang Batas ang naging
basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagharap sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura ng
kahilingang ipatupad ang patakarang bilingual instruction na pinagtibay ng Board of National Education
(BNE) bago pa umiral ang Martial Law.Ang patakarang iyon ay alinsunod sa Executive Order No.202
nabubuo ng Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) tungkol sa dapat maging
katayuan ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.
Dahil sa pagsusumikap ng Surian ng Wikang Pambansa ay nilagdaan ang isang makasaysayang
patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon Bilang 73-7 na nagsasaad na "ang Ingles
at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1
hanggang antas unibersidad sa lahat ng paaralan,publiko o pribado man".
Noong Hunyo 19,1974, ang Department of Education ay naglalabas ng guidelines o mga panuntunan
sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department Order No. 25, s ,1974.Ang
ilan sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay ang sumusunod:
 Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matataas sa pagpapahayag sa mga wikang Pilipino
at Ingles.
 Ang pariralang bilingual education ay binigyang katuturan sa magkahiwalay na paggamit ng
Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula Grade 1 pataas sa mga tiyak na
asignatura.Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Pilipino ay Social Students/Social
Science,Work Education,Character Education,Health Education at Physical Education. Ingles
naman ang magiging wikang panturo sa Science at Mathematics. Ang Pilipino at Ingles bukod sa
gagamiting mga wikang panturo ay ituturo parin bilang mga asignaturang pangwika.Wala sa
patakaran subalit itinatakda ng mga panuntunang magagamit na pantulong na wikang panturo
ang bernakular sa pook o lugar na kinaroroonan ng paaralan.

MULTILINGGUALISMO
9
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Maroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya
naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa atin, lalo na sa mga nakatira sa labas ng
katagalugan, ay nakakapag salita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles at isa o higit pang wikang katutubo
na karaniwang ang wika o mga wikang kinagisnan. Sa kabila nito,sa loob ng mahabang panahon,ang
wikang Filipino at wikang Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa mga paaralan.
Gayumpama'y nananatiling laganap sa nakakaraming batang Pilipino ang paggamit ng unang
wika sa halip na Filipino at Ingles. Kaya sa pag papatupad ng Deped ng K to 12 curiculum, kasabay na
ipatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at sa Grades 1, 2, at
3.Tinawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based- Multilingual Education. Ang mga pamantayan sa
pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s 2012 na kilala den bilang Guidelines on the Implementation
of the Mother Tongue Based-Multilingual Education(MTB-MLE). Nakalahad dito na simula sa araling
taon 2012 at 2013, ipapatupad ang MTB-MLE sa mga paaralan. Naaayon ito sa maraming pag aaral na
nagsasabing mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang gagamitin sa kanilang pag
aaral.Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977) , napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang
wikang panturo sa mga unang taon ng pag aaral. Ayon sa kanila,mahalaga ang unang wika sa
panimulang pagtuturo ng pagbasa,sa pag-unawa ng paksang aralin,at bilang matibay na pundasyon sa
paturo sa pangalawang wika.
Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang Deped ng walong
pangunahing wika lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang panturo at
ituturo din bilang hiwalay na asignatura.Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod; Tagalog,
Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, at ang apat na iba pang
wikain ay ang Tausug, Maguindanaoan, Merano, at Chavacano. Pagkalipas ng isang taon, noong 2013
ay nagdagdag ng pitong wikain kaya't naging labinsiyam na ang wikang ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay
ang sumusunod: Ybanag para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City, Cagayan, at Isabela: Ivatan para sa
mga taga Batanes, Sambal sa Zambales: Aklanon sa Aklan, Capiz: Kinaray-a sa Antique: Yakan sa
Autonomous Region of Muslim Mindanao; at ang Surigaonon para sa lungsod ng Surigao City at mga
karatig-lalawigan nito.
Maliban sa mga nasabing unang wika (L1). Ang Filipino(L2) at ang ingles (L3) ay itinituro din
bilang hiwalay na asignaturang pangwika sa mga nasabing antas. Sa mas mataas na antas ng
elementarya, gayundin sa high school at sa kolehiyo, mananatiling Filipino at Ingles ang mga
pangunahing wikang panturo.
Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang polisiya para
sa multilingguwal na edukasyon. Ito ay isang magandang modelo ng pagtuturo para sa isang bansang
tulad natin may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo at mga kabundukan at may umiiral na
napakaraming pangkat at mga wikain sa pagkat mapalalakas muna ito ang pagkatuto ng mga magaaral sa
kani-kanilang unang wika. Inaasahang higit nilang mauunawan at kalulugdan ang mga aralin kung ito'y
ituturo sa wikang matataas na sila at lubos na nilang nauunawaan. Ito ngayon ang magiging bridge o
tulay upang kasunod na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang pambansa, ang Filipino
at gayundin ang wikang Ingles. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino lll, "we should become tri-
lingual as a country, learn english well and connect to world, learn Filipino well and connect to our
country, retain your dialect and connect to your heritage".

10
PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:____________
ANTAS/PANGKAT:__________________________________ LAGDA NG MAGULANG: _______________

GAWAIN 2.4 PALAWAKIN PA NATIN


Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebebisyon
(F11PD-Ib-86)
PANUTO: Panoorin ang alinman sa mga palabas pantelebisyon na nasa ibaba. Lagyang ng tsek (/) ang palabas na
napili at pinanood mo saka sagutin ang mga tanong.
Tonight with Arnold Clavio sa episode Marian Rivera, Boobay, and Ana Feleo take the “Test of
Friendship” sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=CAPMuQ38Wh4
Isang segment sa SONA: Ilang tricycle driver, nagtigil-pasada para manood ng kalyeserye ng Eat
Bulaga sa State of the Nation ni Jessica Soho sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=6uxGgIfSKuw
Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa episode na Mareng Winnie interviews billionaire David
Consuji, 5th richest Filipino sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=APV_PkEGTkw
Kris TV sa episode na Are Piolo and Sarah big spenders? sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE

11
PAMAGAT NG PALABAS:
______________________________________________________________________
PANGALAN NG HOST:
_________________________________________________________________________
MGA NAGIBNG BISITA:
________________________________________________________________________
1. Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ang paraan ng pagsasalita ng host ng
napili mong palabas pantelebisyon?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang bisita o mga bisita?
3. _____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Batay sa narinig mo sa host, masasabi ,o bang ang salitang ginamit niya sa pagbo-broadcast ay kaniyang
unang wika? Bakit oo o bakit hindi?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong bubuoing mga kasagutan.

PUNTOS PAMANTAYAN
4 Sa bawat sagot ay maliwanag na naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood
na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.
3 Sa bawat sagot ay naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa telebisyon.
2 Bahagyang naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa telebisyon.
1 Hindi naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na siywastyong
pangkomunikasyon sa telebisyon.

12
ARALIN 3
MGA BARAYTI NG WIKA
“Mga barayti ng wika’y mahalagang matutuhan
Makatutulong ito upang tayo’y higit na magkaunawaan.”

MAHALAGANG TANONG PAGPAPALALIM NA


Bakit mahalagang matutuhang GAWAIN
tanggapin at igalang ng isang tao Sa araling ito’y maiuugnay
ang iba’t ibang barayti ng wikang mo ang mga konseptong
ginagamit ng iba’t ibang tao sa pangwika sa mga
paligid? Sa paanong paraan napakinggang sitwasyong
maaaaring makatulong ang pangkomunikasyon sa
Ang wika man ay namamatay o nawawala rin. Mangyayari ito kung hindi na ginagamit at nawala na ang
pangangailangan dito ng lingguwistikang komunidad na dating ginagamit nito. Maari ring mamatay ang wika kapag marami
nang tao ang nandayuhan sa isang lugar at napalitan na ng mga salitang dala nila ang mga dating salita sa lugar. Minsan
nama'y ang mga bagong salitang umusbong para sa isang bagay na higit nang ginagamit ng mga tao kaya't kalauna'y
nawawala o namamatay na ang orihinal na salita para dito.
Makikita sa ibaba ang ilang salitang Filipino na patay na o unti-unti nang nawawala dahil hindi na ginagamit, tulad
ng perang nawala na sa sirkulasyon kaya't nakalimutan na ng mga tao. Ikaw, makikilala mo pa kaya ang mga ito? Takpan ang
kasing kahulugang nasa kanan at subukin kung alam mo oa ang ibig sabihin ng bawar isa sa mga salitang ito.
 alimpuyok (amoy o singaw ng kaning nasusunog)
 anluwage (karpintero)
 awangan (walang hanggan)
 hidhid (maramot)
 hudhod (ihaplos)
 napangilakan (nakolekta)
 salakat (pag-krus ng mga binti)
Maliban sa mga salita,marami na ring wikain o diyalekto sa ibat ibang panig ng bansa ang unti unti nang nawawala o
namamatay dahil halos wala nang gumagamit sa mga ito.Ayon sa mga pag-aaral,umaabot sa 35 sa mga katutubong wikain o
diyalekto sa bansa ang nanganganib nang makalimutan ng kasalukuyang henerasyon dahil hindi na nila ito ginagamit.
Paano kaya maiiwasang mamatay ang wika? Ayon kina Paz,Hernandez,at Penerya (2003),hindi mamamatay ang isang
wika hangga't mat mga gunagamit pa rin ng mga ito bilang kanilang unang,wika habang ginagamit pa sa pamilya,sa pang
araw-araw na gawain,at sa pakikihalubilo sa kapwa.Kapag ganito ang sitwasyon, mananatiling buhay na buhay ang wika.
13
HETEROGENOUS AT HOMOGENOUS NA WIKA
Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat wika ay binubuo nang
mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kaseng homogenous ang isang wika kung pare parehong mag
salita ang lahat ng gumagamit ng isang wika. Subalit hindi ganito ang wika sapagkat nag kakaroon ito ng
pagkakaiba iba sanhi ng iba't ibang salik ng lipunan tulad ng edad,hanapbuhay, rehiyon o lugar, antas ng
pinag- aralan, kasarian at iba pa. Ipinapakita ng iba't ibang salik panlipunang ito ang pagiging
heterogenous ng wika. Ang iba't ibang salik na ito ay nag reresulta sa pag kakaroon ng iba't ibang barayti
ng wika.

BARAYTI NG WIKA
Hindi maiiwasan ang pag-kakaroon ng barayti ng Wika dahil sa pakikipag ugnayan ng tao sa
kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sa pag-uugnayang ay may
nalilinalang na wikang pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.
Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag aralan ang pag kakaroon ng iba't ibang
barayti ng wika. Mababanggit dito ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa Genesis 11: 1-9 kung saan
sinasabing labis na mapagmataas at mapagmalaki ang mga tao at sa paghahangad ng lakas at
kapangyarihan sila ay magkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sila ng Diyos
sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba't ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintindihan, natigil
ang pagtatayo ng tore na tinawag ng Babel at dito naganap ang pag kakaiba iba ng wika ng mga tao.
Sa kasalukuyan panahon ay pinag aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan sa
mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayari nagreresulta sa tinawag na
Divergence, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iba't ibang uri o barayti ng wika (Paz, et. al. 2003).
Isa-isa nating kilalanin ang bawat barayti ng wika.

DAYALEK

Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga pangkat mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan,rehiyon o bayan. Maaring gumamit ang mga tao ng isang wikang
katulad sa ibang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang
kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pag buo ng mga pangungusap
na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Bagama't may pagkakaiba ay nagkaka
intindihan naman ang mga nagsasalita ng mga dayalek na ito. Halimbawa, dayalek ng wikang Tagalog
ang barayti ng Tagalog sa Morong, Tagalog sa Maynila, Tagalog sa Bisaya. Ang isang Bisaya na nag
sasalita ng Tagalog o Filipino, halimbawa, ay may tono na hawig sa Bisaya at gumagamit ng mga
leksikon o ilang bokabularyong may pinag samang Tagalog at Bisaya na tinatawag ding "TagBis" o
Tagalog na may halong Bisaya tulad ng Cebuano, Ilonggo, Waray ,Samarnon, Aklanon at iba pa. Dito
kadalasang pinapalitan ang panlaping "um" ng "mag". Halimbawa, "Magkain tayo sa mall" ay tiyak na
magkakaintindihan parin ang dalawang nag uusap gamit ang barasyon ng wika sa kani kanilang
lalawigan o rehiyon. Makikita rin sa barayting ito ang magkakaibang kahulugan ng ilang bokabularyo ng
mga taong pare parehong nag sasalita ng isang wika tulad ng nasa ibaba:

14
TAGALOG SA TAGALOG SA TERESA, MORONG, CARDONA, AT
RIZAL BARAS
Pilitaw Diladila
Mongo Balatong
Makikipagkasalan Magkakangay
Timba Sintang
Hikaw Panahinga
Ate Kaka
Tatay Tata
Lolo Amba
Biik Kulig
Lola Inda, pupu, nanang
Sitaw Gulay, pinugo
Latek Kalamay Hati

IDYOLEK
Kahit isang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan
ng pagsasalita qng bawat isa. Ito ang tinatawag na idyolek. Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at
kakayahang natatangi ng taong nagsasalita. Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika
ang bumibigkas nito nang magkaparehong-magkapareho. Dito lalong napatunayang hindi homogeneous
ang wika sapagakat may pagkakaiba-iba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na
rin sa kanya-kanyang indibidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang
komportable magpahayag.
Madalas na nakikilala o napapabantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging
pagsasalita o idyolek. Kilala ang idyolek ni Marc Logan kung saan mahilig siyang gumamit ng mga
salitang magkakatugma sa mga nakatatawang pahayag. Naging viral din sa YouTube ang Pabebe Girls
na nakilala at ginaya pa nang marami sa nausing dub smash dahil sa kanilang “pabebeng” idyolek. Kilala
rin ang idyolek ng mga batog na komentarista sa radyo at telebisyon tulad nina “Kabayan" Noli De
Castro, “Magandang Gabi, Bayan"; Mike Enriquez, “Hindi namin kayo tatantanan!”; Mareng Winnie,
“Bawal ang pasaway kay Mareng Winnie!” Nariyan din ang idyolek ng iba pang kilalang personalidad
na madalas nagagaya o nai-impersonate tulad nina Kris Aquino, “Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey!
Darla!” Ruffa Mae Quinto, “To the highest level na talaga itoh!”; Donya Ina (Michael V), “Anak, paki-
explain. Labyu!”; at marami pang iba.

SOSYOLEK

Ito ang barayti ng wikang bakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansing ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa ilang
katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, at iba pa. May
pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matatanda sa mga kabataan; ng mga
maykaya sa mahihirap; ng babae sa lalaki, o sa bakla; gayundin ang wika ng preso; wika ng tindera sa
palengke; at iba pang pangkat. Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan
ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao
na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutugan ang sosyolek nito.
Kabilang din sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o tinatawag ding gay lingo. Ito'y isang
halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binabago nila ang
tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa ang mga salitang churchill para sa soyal, Indiana Jones o nang-
indyan o hindi sumipot, bigalou o malaki (big), Givenchy o pahingi (give), Juli Andrews o mahuli, ay iba
pa. Ang unang intensiyon sa paggamit ng mga wikang ito ay para magkaroon sila ng sikretong
lengguwaheng hindi maiintindihan ng mga taong hindi kabilang sa kanila, subalit sa kasalukuyan,
nagagamit na rin ito ng nakararami. Isang patunay na ang wika ay buhay at mabilis yumabong. Patunay
15
rin ito na malakas ang impluwensya ng “gay lingo” dahil hindi lang sa mga beauty parlor naririnig ang
mga ito kundi sa iba't ibang lugar at pagkakataon na rin. Halimbawa, sa palitan ng patutsadahan ng mga
tagapagsalita ng Pangulong Aquino at ni VP Binay ba nag-ugat sa “True State Of The Nation Address” o
TSONA ng pangalawang pangulo. Tinawag ni Lacierda na “charot" o isang biro ang TSONA ni VP
Binay. Sumagot naman si Joey Salgado, tagapagsalita ng Office of the Vice President ng “Imbey ang fez
ni secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol
dahil hindi trulalu.”
Maraming magkakaibang komento ang inani ng patutsadahang ito. May mga hindi sumang-ayon
at agad pinuna ang sagutan ng dalawang kampo at ang wikang ginamit. May mga naaliw rin tulad ni
dating Commissioner Ruffy Biazon ba nag-post sa kanyang Twitter account ng ganito, “bonggacious
ang tarayan, naloka aqui.”
Nabibilang din sa barayting sosyolek ang wika ng mga “coño" na tinawag ding coñotic o
contospeak isang baryant ng Taglish. Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino
kaya't masasabing may code switching na nangyayari. Halimbawa, sa pangungusap na “Bilisan mo at
late na tayo" kung saan ang salitang Ingles na late ay naihalo sa iba pang salita da Filipino. Sa “coñotic"
o “conyospeak" ay mas malala ang paghahalo ng Tagalog at Ingles na karaniwang ginagamitan ng
pandiwang Ingles na make na ikinakabit sa mga pawatas na Filipino tulad ng “make basa, make kain,
make lakad,” ay madalas ding kinakabitan ng mga ingklitik sa Filipino tulad ng pa, na, lang, at iba pa.
Ito ay karaniwang maririnig sa mga kabataang may kaya at nag-aaral sa mga ekslusibong paaralan. Ang
ganitong uri ng pagsasalita ay karaniwang ipinagtataas ng kilay ng nakararami. Makikita sa ibaba ang
usapan ng magkaibigang gumagamit ng “conyospeak.”
Kaibigan 1: Let's make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I'm calling Anna pa.
Kaibigan 1: Come on na. We'll gonna make pila pa. It's so haba na naman for sure.
Kaibigan 2. I know, right. Sige, go ahead na.
Kung ang coño ay sosyolek ng mga “sosyal” o “pasosyal" na mga kabataan, may isa pang barayti ng
sosyolek para sa mga kabataang jologs, ang “jejemon" o “jejespeak". Sinasabing ang salitang jejemon
ay nagmula sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbaybay ng hehehe na nagmula sa Hapon na
pokemon. Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa wikang Ingeles at Filipino ngunit sinusulat nang
may halo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malaki at maliit na titik kaya't mahirap
basahin o intindihin lalo na ng hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping. Noong una'y nagsimula lang ito
sa kagustuhang mapaikli ang salitang tina-type sa cellphone upang ipagkasya ang ipadadalang SMS o
text message na may limitadong 160 titik, numero, at simbolo lang kaya sa halip na “Nandito na ako"
pinapaikli at nagiging “d2 na me.” Subalit, kalaunan, sa halip na mapaikli ay napapahaba pa ng mga
jejemon ang mga salita o mensaheng ginagamitan ng titik, numero, at simbolo. Madalas nagagamit ang
mga titik H at Z sa mga salita ng jejemon. Makikita ang ilang halimbawa sa ibaba:
 3ow ph0w, mUsZtAh nA phow kaOw? “Hello po, kumusta po kayo?”
 aQokuHh iT2h “Ako ito.”
 IMiszqeKyuH “I miss you.”
 MuZtaH “Kumusta?”

Maliban sa mga nabanggit na sosyolek ay maari ding tumukoy sa pangakat ng isang propesyon,
partikular na trabaho, o gawain ng tao. Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng partikular na
pangkat ay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa, ang mga abogado ay
makikilala sa mga jargon na tulad ng exhibit, appeal, complainant, at iba pa.

ETNOLEK

Ito ay barayti ng wika muka sa etnolongguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa
pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng
isang pangkat-etniko. Halimbawa’y ang sumusunod:
 Ang vakkul ay tumutukoy sa gamit ng mga ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
16
 Ang bulanon na ang ibig sabihin ay full moon
 Ang lulipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
 Ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o minamahal
 Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at dulo ng salita tulad ng shuwa
(dalawa), sadshak (kaligayahan), pershen (hawak)

REGISTER

Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit
niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng magsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang
kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi
masyadong kilala. Pormal na wika rin ang nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad
ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan, at iba
pa. kapag sumusulat ng panitikan, ulat, at iba pang uri ng pormal na sanaysay ay pormal na wika rin ang
ginagamit.
Ang di pormal na paraan ng pagsasalita at nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan,
malapit na kapamilya, mga kaklase, o mga kasing-edad, at ang matatagal ng kakilala. Nagagamit ito sa
mga pamilyar na okasyon tulad ng kasayahang pampamilya o magbabarkada gayundin sa pagsulat ng
liham pangkaibigan, komiks, sariling talaarawan, at iba pa.
Isang halimbawa nito’y ang pagsasabing “Hindi ako makakasama, wala akong datung” kapag
kaibigan ang kausap pero “Hindi po ako makakasama dahil wala po akong pera” kapag sa guro sinabi
ang sitwasyon.

PIDGIN AT CREOLE
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native language’ o
katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taoong nagtatangkang
mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila
alam ang wika ng isa’t isa. Halimbawa’y ang nangyayari nang dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga
at makipag-usap sila sa mga katutubo roon. Dajil pareho silang walang nalalaman sa wika ng bawat isa
kaya nagkaroon sila ng tinatawag na makeshift language. Wala itong pormal na estruktura kaya’t ang
dalawang nag-uusap ang lumilinang ng sarili nilang tuntuning pangwika. Sa kaso ng mga Espanyol at
katutubo ng Zamboanga, nakalikaha sila ng wikang may pinaghalong Espanyol at wikang katutubo.
Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika.
Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula bilang pidgin ay nagging likas na wika o unang wika na
ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon, kaya’t nabuo ito
hanggang sa magkaroon ng pattern mga tuntuning sinunod na ng karamihan. Ito ngayon ay tinatawah na
creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar. Halimbawa, ang
sinimulang wika ng Espanyol at wikang katutubo sa Zamboanga ay pidgin subalit nang maging unang
wika na ito ng mga batang isinilang sa lugar, nagkaroo ng sariling tuntuning panggramatika at tinawag
na Chavacano (kung saan ang wikang katutubo ay nahaluan na ng impluwensiya at bokabularyo ng
wikang Espanyol o Kastila) at ito ngayon ay naging creole na.

17
PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:____________
ANTAS/PANGKAT:__________________________________ LAGDA NG MAGULANG: _______________
GAWAIN 3.4 PALAWAKIN PA NATIN
Napapanood at naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga narinig na sitwasyong pangkmunikasyon sa
telebisyon o radyo (F11PD-Ib-86)
PANUTO: Pakinggan o panoorin ang sumusunod na mga programang panradyo o pantelebisyon at saka sagutin
ang mga tanong:
Batman joketime- Batanggenyo SUPER COMEDY part 2 (Ang Batman Joke Time ay mula sa isang
programang panradyo mula sa Batangas). Maaari itong marinig mula sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=mS7nQ-NCR2c
Angelica spoofs Kris on Aquiknow & Aboonduh Tonight mula sa programang Banana Split sa link na
ito: https://www.youtube.com/watch?v=t23O2wrxso0
Michael V as Ex-President Gloria Macapagal Arroyo mula sa Bubble Gang 13th Anniversary sa link na
ito: https://www.youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE
1. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-pansin sa paraan ng pagsasalita ng host sa programang
panrandyo/pantelebisyong napakinggan mo?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Bakit ito ang isinagot mo?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Bakit kaya dayalek ng mga Batangas ang napiling gamitin para sa Batman joke time?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

18
3. Bakit sina Boy Abunda, Kris Aquino at Gloria Macapagal Arroyo ang napiling gayahin o i-spoof sa mga
pinanood mo? Ano ang masasabi mo sa kanilang idyolek?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
4. May mga nagamit bang jargon ang host o ang mga bisit? Kung mayroon, ano-ano ang mga ito?
_______________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong bubuoing mga kasagutan.
PUNTOS PAMANTAYAN
4 Sa bawat sagot ay maliwanag na naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong
pangkomunikasyon sa telebisyon.
3 Sa bawat sagot ay naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon
sa telebisyon.
2 Bahagyang naiugnay ang mga konsetong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa
telebisyon.
1 Hindi naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sotwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.

19
ARALIN 4
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
“Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan.
Ito ang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan.”

MAHALAGANG TANONG PAGPAPALALIM NA GAWAIN


Bakit mahalaga ang wika sa Sa araling ito ay magsasaliksik ka ng
pagbuo ng nagkakaisa at mga halimbawang sitwasyong
nagkakaunawaang lipunan? nagpapakita ng gamit ng wika sa
lipunan.
Tinatawag na lingua franca ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan. Ito ang wikang
ginagamit upang lubos na magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang komunidad. Sa Pilipinas, itinuturing ang
Filipino na lingua franca. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Unibersidad ng Ateneo sa Manila noong 1989,
napatunayan na ang Filipino ay isa nang ganap ng lingua franca. Sa Pilipinas, 92% ang nakauunawa ng Filipino, 51% ang
nakauunawa ng Ingles, at 41% ang nakauunawa ng Cebuano.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipno, "Wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa Metro
Manila, Pambansang Punong Rehiyon, at sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng mga panghihiram sa mg wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika para sa Iba't ibang sitwasyon, sa
mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. "

ANG WIKA AT ANG LIPUNAN


Tulad ng ating paghinga at paglalakad kadalasan ay hindi na natin mapapasin ang kahalagahan
ng wika sa ating buhay. Marahil dahil sa palagi na natin itong ginagamit. Ngunit ang tututo ay hindi na
natin matatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagkapwa. Ito ay mahalagang instrumento nag
uugnay sa bawat isa sa lupunan. Ayon kay Durkheim (1985) isang sociologist nabubuo ang lipunan ng
mga taong naninirahan sa isang pook. Ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya kanyang papel
na ginagampanan.Sila ay namumuhay,nakikisama,at nakikipagtalastasan sa bawat isa.
Sinumang gumagamit ng wika upang makipagkapwa ay dapat nakakaalam ng wikang ginagamit
ng kanyang katalastasan. Hindi sila mag kakaunawaan kung hindi nila katulad ng wikang ginagamit ng
isat isa. Kaya ang mga tao namumuhay sa isang liponan at nakakapagusap gamit ang isang wikang
kapwa sila nasasalita at nauunawaan ay mas mag kakasundusundo at mag kakaisa.
Hindi maikakaila na ang wika ay nag uugnay sa mga taonsa isang kultura ito ang kailangan
identidad o pag kakakilanlan. Nag bibigay ito ng anyo sa diwa at saloobin ng wika hindi lamang ng mga
taong kasapi sa grupo ngunit maging ng mga taong hindi kabilang sa pangkat.
20
Tinukoy ng lingguwista si W.P Robinson ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang Language
and Social Behavior (1972). Ito ay ang sumusunod; (1) pagkilala sa estado ng damdamin at
pagkatao,panlipunang pag kakalkilanlan, at tigayan; (2) pag tukoy sa antas ng buhay sa lipunan.
Ang isang lipunan ay nakabubuong sariling paKakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng
wika na ikinaiiba nila sa iba pang pangkat.bawat tao rin ay pagkakaiba sa iba pang tao. Bawat tao ay
may sariling katangian,kakayahan!at kaalaman hindi maaaring katulad ng iba.
Sadyang napakalaki ng gampanin ng wika sa isang lipunan. Ito ang nagbibigkis sa mga kasapi sa
lipunan. Ito ang instrumento ng kanilang pagkakaunawaan;at ito amg simbolo ng kanilang pag
kakakilanlan.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


Ang pinakadiwa ng wika ay ang lipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ang
kwento ni Tarzan. Mga mga tunog ng hayop ang kanyang unang natutunan dahil ito ang wika ng mga
kasama nyang hayop sa gubat. Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao ay mahihirapang
matutong magsalita dahil wala nan siyang kausap. Maging ang isang taong bagong lang sa isang
komonidad na may ibang wika kung hindi ito makikipag ugnayan sa iba ay hindi matuto ng ginagamit
nilang wika. Kung ganun ang isang komonidad ay hindi matututong mag simula sa paraan kung paano
nag sasalita ang mga naninirahan sa komunidad ay iyon. Sadyang ang wika nga ay isang sistema ng
pakikipag ugnayan na nag bubuklod sa mga tao hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa
lipunan.
Marami-rami narin ang nag tangkang i-kategorya ang mga tungkulin sa wika batay sa gampanin
nito sa ating buhay isa na rito M.A.K Halliday na naglahad sa pitong tungkulin ng wika na mababasa
kanyang Exploration in the Function of Language (Exploration in language Study)(1973).

Ang pitong tungkulin ng wika inisa isa ni M.A.K Halliday ay ang sumusunod:

1. INSTRUMENTAL- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga


tao gaya ng pakikipag ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham sa patnugot at pagpapakita ng mga
palatastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halagang produkto ay may
halimbawa ng tungkuling ito.
2. REGULATORYO- Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng
ibang tao. Ang pagbibigay ng serbisyong gaya ng pagtuturo ng lokakasyon ng isang partikular na
lugar,at direksyon sa pagluluto ng isang ulam;direksyon sa pagsagot sa pagsusulit, at direksyon
sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkulin regulatoryo.
3. INTERAKSIYUNAL- Ang tungkulin ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro kuro tungkol sa partukular ng isyu;
pagkikipagkwentuhan ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o
kapalagayan-loob; paggawa ng liham, pangkaibigan; at iba pa.
4. PERSONAL- Saklaw ng tungkulin ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan kasama rin dto ang pag-uulat ng talaarawan at journal at ang pag
papahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
5. HEURISTIKO-Ang tungkulin ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon may
kinalaman sa paksang ping-aaralan. Kasama dto ang iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga
tanong tungkol sa paksang aralan; pakikinig sa radyo; panonood sa telebisyon at pag babasa ng
pahayagan, magasin, blog at ang aklat kung saan nakakakuha tayo ng impormasyon.
6. IMPORMATIBO-Ito ang kabalikataran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o
paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay impormasyon sa paraan
na pagsulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay ulat, paggawa ng pamanahong
papel, tesis, panayam, at pag tuturo.
21
Si Jacobson (2003) naman a TV nag bahagi rin ng anim na paraan ng pag babahagi ng wika.

1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE)- Saklaw nito ang pag papahayag ng mga


saloobin, dadammin, at emosyon.
2. PANGHIHIKAYAT (CONATIVE)- Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at
makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakikiusap.
3. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (PHATIC)- Ginagamit ang wika upang
makipag ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
4. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (REFERRAL)- Ipinakikita nito ang gamit ng wikang
nag mula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng
mensahe ate impormasyon.
5. PAGGAMIT NG KURO-KURO (METALINGUAL)-Ito ang gamit na lumilinaw sa mga
suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. PATALINGHAGA (POETIC)- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining ng paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
Matapos unawain ang iba’t ibang tungkulin ng wika ayon sa dalawang dalubhasa, maiiba na ang
pananaw natin sa wika. Hindi na natin ito titingnan bilang isang normal na bagay na ginagamit sa
araw-araw kundi isang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.

PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:____________


ANTAS/PANGKAT:__________________________________ LAGDA NG MAGULANG: _______________
GAWAIN 4.4 PALAWAKIN PA NATIN
Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. (F11EP-Ie-31)
Ang paggamit ng wika ay sadyang hindi maiiwasan. ‘Ika nga ng iba, ito ay inevitable. Ang halaga nito ay
panlipunan. May kung anong lakas itong taglay na nakapagpapabuo at nakapag-iisa sa lipunan. Makikita natin ang
kahalagahan ng paggamit ng wika kahit kalian at kahit saan. Kung dati-rati ay limitado lamang tayo sa panonood
ng telebisyon, pakikinig ng radyo, pagbabasa ng mga diyaryo at magasin upang makita o makarinig ng mga
sitwasyon ng pakikipagtalastasan, ngayon ay makakukuha tayo ng iba’t-ibang sitwasyon nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan sa iba’t iba pang paraan. Magsaliksik ng sitwasyong magpapakita ng gamit ng wika sa lipunan.
Iulat ang nakalap na impormasyon.
Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong gagawin.
22
PAMANTAYAN 3 2 1
Pananaliksik Nakapagsaliksik ng mga Nakapagsaliksik ng Nakapagsaliksik ng
halimbawang sitwasyong halimbawang sitwasyon. halimbawang
pinatunayan ng mga May sangguniang sitwasyon.may
inilahad na inilahad na nagpatunay sangguniang inilahad
mapagkakatiwalaang na sinaliksik ang ngunit kaduda-duda o
sanggunian. halimbawa. hindi mapagkakatiwalaan.
Paraan ng paglalahad ng Malinaw na malinaw na Malinaw na nailahad ang Hindi malinaw na nailahad
nasaliksik inilahad ang nasaliksik na nasaliksik na mga ang nasaliksik na mga
mga halimbawang halimbawang sitwasyong halimbawang sitwasyong
sitwasyong nagpapakita ng nagpapakita ng gamit ng nagpapakita ng gamit ng
gamit ng wika sa lipunan. wika sa lipunan. wika sa lipunan.
Nilalaman May ilang halimbawang May halimbawang hango May halimbawang hindi
kapani-paniwala at hango sa mga totoong kapani-paniwala at
sa mga totoong pangyayari pangyayari sa buhay. mistulang kathang isip
sa buhay. lamang.

ARALIN 5
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
(UNANG BAHAGI)
“Ating lingunin ang nakaraan, alamin ang kasaysayan,
Ito’y susi sa lalong pagkaunawa ng wikang pambansang ating pagkakakilanlan.”

MAHALAGANG PAGPAPALALIM NA
TANONG GAWAIN
Bakit mahalagang matunton Sa araling Ito’y
ang kasaysayan ng wika? magsasagawa ka ng isang
ano ang kabuluhan nito sa panayam sa aspektong
Hindi natin matatawaran ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang pambansang magbibigkis sa
mamamayan. Gamit ang isang wika, mabilis na magkakaunawaan sa isang lipunan. Sa mga nagdaang aralin, naunawaan natin
kung paano isinilang ang wikang pambansa sa kabila ng mahigit na isangdaang wikang umiiral sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Sinasabing ang mga wika sa Pilipinas ay kabilang sa malaking pamilya ng mga wikang Austronesian. Kabilang sa pamilyang
ito ang sumusunod:
 Mga wika mula sa Formosa (Taiwan) sa hilaga hanggang New Zealand sa timog.
 Mula sa isla ng Madagascar sa may baybayin ng Africa hanggang Easter Islands sa gitnang Pasipiko.
Ang limang daang wikang kasali sa pamilyang Austronesian ay sangwalo (1/8) ng mga wika sa mundo. Ang relasyon
ng mga wika ay sinasabing nagbibigkis ng wikang katutubo sa Pilipinas sa kadahilanang kahit nagsasariling wika ay may mga
nagkakaisang katangian ang mga wikang katutubo sa gramatika, sa estruktura ng pangungusap, sa leksikon, at iba pa. Ito ang
itinuturing na dahilan kung bakit nagiging madali para sa isang Pilipino ang matuto ng iba pang wikang katutubo sa Pilipinas.
Sanggunian: Almario, Virgilio S. Madalas Itanong ukol sa Wikang Pambansa: Komisyon sa Wikang Filipino, [C. 2004]

23
ANG PINAGMULAN NG WIKA
Batid natin ang kahalagan ng wika sa ating buhay. Ito ay isang instrumento ng pagkakaunawaan.
Ayon sa mga propesor ng Komunikasyon na sina Emmert at Donaghy (1981), ang wika, kung ito ay
pasalita, ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay
iniuugnay natin sa mga kahulugan nais nating iparating sa ibang tao. Ngunit saan nga ba nagmula ang
wika? Walang nakakaalam kung paano ito nagsimula ngunit maraming mga haka-haka at teorya tungkol
sa pinagmulan ng wika. Ang lingguwistang nag-aaral at nagsuri ng wika ay nakalap sa iba't ibanh
teoryang maaaring magbigay-linaw sa pinagmulan ng wika, bagama't ang mga ito ay hindi
makapagpapatunay o makapagpapabulaan sa painanggalingan ng wika. Ang ilan sa mga ito ay makikita
sa kabilang pahina.

1. PANINIWALA SA BANAL NA PAGKILOS NG PANGINOON

Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat,
Sa Genesis 2:20 naisulat na “At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at mga ibon sa
himpapawid at ang bawat ganid sa parang”. Ayon sa bersong ito, magagamit kasabay ng pagkalalang sa
tao ay ang pagsilang din ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Sa Genesis 11:1-9 naman ay ipinakikita ang pinagmulan ng pagkakaiba-iba ng wika. Basahin ang
sumusunod na mga berso mula sa bibliya.
Genesis 11:1-9 Ang Bagong Magandang Balita Bibliya

ANG TORE NG BABEL


Sa simula’y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa
daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan, nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at doon
na nanirahan. Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa ang
ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng
isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak
sa daigdig”. Bumaba si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao.
Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng
mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan, Ang
mabuti’y bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan”. At ginawa ni
Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagkakatayo ng
lunsod. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo’y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga
tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.

2. EBOLUSYON
Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang mga tao ay nagkaroon ng
sopistikadong pag-iisip. Umunlad ang kakayahan ng taong tumuklas ng mga bagay na kakailanganin nila
upang mabuhay kaya sila ay nakadiskubre ng mga wikang kanilang ginamit sa pakikipagtalastasan. Sa
huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, ang mga iskolar ay nagsimulang mag-usisa kung paanong ang
tao ay nagkaroon ng mga wika. Nagsulputan ang sumusunod na mga teoryang nagtatangkang ipaliwanag
ang pinagmulan ng wika.
24
a. TEORYANG DING-DONG

Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog
ng kalikasan. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang boom ay palaging naikakabit sa pagsabog, splash sa
paghampas ng tubig sa isang bagay, at whoosh sa pag-ihip ng hangin. Sinasabing ang paggaya sa mga
tunog ng kalikasan ay bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga salita ng mga sinaunang tao. Ipinapakita
ng teoryang ito na ang lahat ng bagay ay may sariling tunog na maaring gamitin upang pangalanan ang
bagay na iyon. Malaking tulong ang paggaya ng mga tunog sa paglikha nila ng sariling wika.

b. TEORYANG BOW-BOW

Katulad ng Teoryang Ding-Dong, ang wika raw nagmula panggagaya ng mga sinaunang tao sa
mga tunog na nililikha ng mga hayop, katulad ng bow-wow para sa aso, ngiyaw para sa pusa, kwak-kwak
para sa pato, at moo para sa baka. Pinaniniwalaang nabuo ng mga primitibong tao ang kanilang mga
unang salita sa panggagaya sa mga ito. Sinasabi pang kagaya ng mga sanggol na nag-uumpisang
magsalita, ginagaya ng mga ito ang mga tunog na kanilang naririnig. Hindi rin nakapagtataka kung bakit
tinawag na “tuko” ang tuko. Ngunit marami ang hindi sang-ayon sa teoryang ito sapagkat sa bawat bansa
ay naiiba ang tawag sa mga tunog na nililikha ng mga hayop gayong pare-pareho naman ang mga ito.

c. TEORYANG POOH-POOH

Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng
sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap,
kalungkutan, at pagkabigla. Ang patalim ay tinawag na ai ai sa Basque ay “aray”.

d. TEORYANG TA-TA

Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng
dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita. Ayon sa
mga nag-aral ng ebolusyon ng tao, ang salita raw ay mula sa mga galaw at kumpas na humantong sa
pagkilala ng wika.

e. TEORYANG YO-HE-HO

Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na kapag nagtatrabaho
nang magkakasama. Ang mga tunog o himig na namumutawi sa mga bibig ng tao kapag sila ay
nagtatrabaho nang sama-sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.

Sa sanaysay na isinulat ni Jean-Jacques Rosseau, ang pagkalikha ng wika ay hindi nagmula sa


pangangailangan nito ngunit nanggaling sa silakbo ng damdamin. Ang pangangailangan ay maaaring
makapaghati-hati sa mga tao at magtulak sa kanilang magkanya-kanya, ngunit ang silakbo ng damdamin
ang nagtulak na mamutawi sa bibig ng mga tao ang iyak, halakhak, sigaw, galit na maaaring pinagmulan
ng sinaunang wika. Sa kabila ng maraming teoryang nagtangkang magpaliwanag sa pinagmulan ng
wika, hindi pa rin matiyak kung saan, pano, at kailan nagsimula ang paggamit ng tao rito. Ngunit sa
gitna ng pagtuklas sa pinagmulan ng wika, nananatili ang katotohanang ang wika ay umuunlad at
nagbabago kasabay ng pagbabago ng panahon at lipunan.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


25
Sa unang bahagi ng araling ito ay matututunan mo ang iba't ibang teoryang nagtangkang
ipaliwanag ang pinagmulan ng wika. Ngayon naman ay malalaman natin ang pinagmulan ng ating
wikang pambansa. Maraming tanong ang sasagutin ng paglalahad ng kasaysayang ito. Bagi pa man ito
italaga bilang wikang pambansa ay marami na rin itong pinagdaanan. Ating alamin ang kasaysayan ng
wikang pambansa.

PANAHON NG KATUTUBO
Sadyang naging isang malaking palaisipan para sa mga siyentipiko at antropologo kung paano
umusbong o saan nag mula ang mga taong unang nanirahan sa Pilipinas. Maraming alamat at teoryang
nabuo patungkol sa tunay na pinagmulan ng lahing Pilipino. Narito ang ilan sa mga ito:

1. TEORYANG PANDARAYUHAN

Nakilala ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer,
isang Amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong
dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang mga grupo Negrito,
Indones, at Malay. Ngunit bunga ng masigasig na pananaliksik at pag-aaral, ay unti-unting nagkaroon ng
liwanag. Nasira ang teorya ni Beyer nang pangkat ng mga arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas
sa pangunguna ni Dr. Robert B. Fox ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng
Tabon sa Palawan noong 1962. Ang natagpuang bungong ito ng tao ang nagpatunay na mas unang
dumating sa Pilipinas ang tao kaysa sa Malaysia na sinasabing siyang pinanggalingan ng mh Pilipino.
Tinatawag na Taong Tabon ang mga labing kanilang natagpuan dito. Tinatayang nanirahan ang mga
unang taong ito sa yungib ng Tabon na may 50,000 na ang nakaraan. Kasama sa mga nahukay na labi ng
Taong Tabon ay ang ilang kagamitang bato tulad ng chertz, isang uri ng quartz, gayundin ang mga buto
ng ibon at paniking nagpapatunay na nabuhay ang mga taong ito sa pagkuha ng pagkain sa kapaligiran.
May nakuha ring mga bakas ng uling na katibayan ng kaalaman sa pagluluto ng pagkain.
Sa mga makabagong impormasyong nakalap noong 1962, lumabas na unang nagkaroon ng tao sa
Pilipinas kaysa sa Malaysia at sa Indonesia. Pinatunayan din nina Landa Jocano sa kanyang pag-aaral
ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advance Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik
ng National Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawansa unag lahing Pilipino sa Pilipinas.
Ayon din sa kanilang ginawang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking na
kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java na kabilang sa Homo Erectus.
Ngunit makalipas ang ilang taon ay natagpuan naman ni Dr. Armand Mijares ang isang buto ng paa
na sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan. Tinawag itong Taong
Callao na sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalipas.

2. TEORYA NG PANDARAYUHAN MULA SA RELIHIYONG AUSTRONESYANO

Isa sa mga pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino ay ay ang Teorya ng
Pandarayuham mula sa Relihiyong Austronesyano. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino
ay nagmula sa lahing Austronesian. Ang Austronesian ay hinango sa Latin na auster na
nangangahulugang “south wind” at nesos na ang ibig sabihin at “isla".
May dalawang pinaniniwalaan teorya kung saan nagmula ang mga Austronesian. Ayon kay Wilheim
Solheim II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog-Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga
isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon, at pag-
aasawa ay kumalat ang mga Austronesian sa iba't ibang panig ng rehiyon. Ayon naman kay Peter
Bellwood ng Australia National University , ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at
Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC.

26
Anuman ang totoo sa dalawang teoryang ito, isa lang ang tiyak na ang mga Pilipino ay isa sa mga
pinakaunang Austronesian. Bilang lahing Austronesian, kinilala ang mga Pilipino bilang unang
nakatuklas ng bangkang may katig. Sa paglipas ng panahon ay naging makabago ang pamamaraan ng
paglalayag ng mga Pilipino na siyang naging dahilan upang kumalat ang lahing Austronesian sa iba't
ibang panig ng daigdig tulad ng Timog-Silangang Asya, Australia, New Zealand, Timog Africa, at
maging sa Timog Amerika. Ang mga Austronesian din ang kinikilalang nagpaunlad ng pagtatanim ng
palay ay ng rice terracing na tulad ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banawe. Naniniwala rin ang lahing
ito sa mga anito na naglalakbay sa kabilang buhay gayundin ang paglilibing sa mga patay sa isang banga
tulad ng natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan.
Kung susuriin, batay sa mga nabanggit na
mga teorya, ang unang taong nanirahan
sa Pilipinas ay nagtataglay na ng mga
patakarang pangkabuhayan, kultura,
at paniniwalang panrelihiyon. Gayundin,
mahihinuha na sila man ay may sarili nang
wikang ginagamit bagama't pinaniniwalaang
walang isang wikang nanaig sa pilipinas noon.
Gayumpaman, napatunayang marunong
sumulat at bumasa ang mga katutubo. May
sinusunod silang pamamaraan ng pagsulat
na tinatawag na baybayin. May mga
ebidensyang magpapatunay sa paggamit
nila ng baybayin. Ang mga ito ay matatagpuang nakasulat sa biyas ng kawayang matatagpuan sa Museo
ng Aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas. Sinasabing malaking bahagi ng kanilang
ginawa noon ay hindi na matagpuan sapagkat sinunog na ng mga dayuhang Espanyol ang mga ito sa
dahilang kagagawan daw ito ng mga diyablo. Maliban sa dahilang iyon, nabuo sa kanilang sarili na
magiging sagabal iyon sa pagpapalaganap nila ng pananampalatayang Katoliko.
Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong titik-tatlong patinig at labing-apat na katinig.
Binibigkas ang katinig na may kasamang tunog na patinig na /a/. Kung ang patinig ay binibigkas ng
may kasamang patinig na /e/ o /i/ nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas, samantalang tuldok sa ibaba
naman kung ang nais isama ay /o/ o /u/.
Ang baybayin ay gumagamit ng dalawang guhit na pahilis (//) sa hulihan ng pangungusap.

PANAHON NG ESPANYOL
Pagkatapos ng mga katutubo, ang mga Kastila naman ang nandayuhan sa Pilipinas. Layunin
nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang Kristiyanismo. Ayon sa mga Espanyol, nasa
kalagayang “barbariko, di sibilisado at pagano” ang mga katutubo noon kung kaya’t dapat lamang
nilang gawing sibilisado ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Ngunit naging
malaking usapin ang wikang gagamitin sa pagpapalawak ng Kristiyanismo. Naniniwala ang mga
Espanyol noong mga panahong iyon na mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa
pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Ang pananakop ng mga Espanyol
sa Pilipinas ay naging katumbas na ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang mga prayleng Espanyol
ang siyang naging institusyon ng mga Pilipino. Upang maisakatuparan ang kanilang layunin, inuna nila
ang paghahati ng mga isla ng mga pamayanan. Nakita nila na mahirap palaganapin ang relihiyon,
patahimikin at gawing masunurin ang mga Pilipino kung iilan lamang ang prayleng mangangasiwa. Ang
pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na orden ng misyonerong Espanyol na pagkaraa’y naging lima.
Ang mga ordeng ito ay ang Agustino, Pransiskano, Dominikano, Heswita, at Rekoleto.

27
Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga
katutubo. Nang sakupin ng mga Espanyol ang mga katutubo, mayroon na ang mga itong sariling wikang
ginagamit sa pakikipapag-usap at pakikipagkalakalan, ngunit pinigil nila. Sa loob ng maraming taon,
sinikil nila ang kalayaan ng mga katutubong makipagkalakalan sa ibang lugar upang hindi na rin nila
magamit ang wikang katutubo. Kahit na inalis ang restriksiyong iyon, hindi pa rin nila magawa ang pag-
alis-alis at ang paglipat-lipat ng bayan dahil sa takot sa prayle, moro, at maging sa mga tulisan.
Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong
Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo. Nakita nilang mas madaling matutunan ang
wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng
kanilang relihiyon mas magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung ang mismong banyaga ang
nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil dito ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-
panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal para sa mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong
wika.
Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng
mamamayan noong panahon ng mga Espanyol. Naging usapin ang wikang panturong gagamitin sa mga
Pilipino. Iniutos ng Hari na gamitin ang wikang katutubo sa pagtuturo ngunit hindi naman ito nasunod.
Nagmungkahi naman si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol. Sina Carlos I
at Felipe II naman ay naniniwalang kailangang maging bilingguwal ng mga Pilipino. Iminungkahi
naman ni Carlos I na itinuro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol. Sa huli napalapit ang
mga katutubo sa mga prayle dahil sa wikang katutubo ang ginamit nila samantalang napalayo naman sa
pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang gamit nila.
Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng
katutubo noong ika-2 ng Marso 1634. Nabigo ang nabanggit na kautusan kaya si Carlos II ay lumagda
ng isang dekrito na inuulit ang probisyon ng nabanggit na kautusan. Nagtakda rin siya ng parusa para sa
mga hindi susunod dito. Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda sa isa pang dekrito na
nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa pamayanan ng mga Indio.
Mababatid sa parte ng kasaysayang ito na nanganib ang wikang katutubo. Sa panahong ito,
lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang
mga katutubo. Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang
magbibigkis ng kanilang mga damdamin.

PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO


Matapos ang mahigit tatlong daang taong pananahimik dahil sa pananakop ng mga Espanyol,
namulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang dinaranas. Sa panahong ito, maraming mga
Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang
humanap ng karunungan.
Nagkaroon din ng kilusang propaganda noong 1872 na siyang naging simula ng kamalayan
upang maghimagsik. Itinatag din nina Andres Bonifacio ang Katipunan. Ang wikang Tagalog ang
ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtaguyod
ng wikang Tagalog.
Nang panahong iyon sumibol sa mga maghihimagsik na Pilpino ang kaisipang “isang bansa,
isang diwa” laban sa mga Espanyol. Pinili nilang gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay,
tula, kuwento, liham at mga talumpati na punumpuno ng damdaming makabayan. Masisidhing
damdamin laban sa mga Espanyol ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat. Kahit si Rizal at iba
pang propagandista na sumulat na gamit ang wikang Espanyol ay nakababatid na ang wika ay malaking
bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.

28
Masasabing ang unang konkretong pagkilos ng mga Pilipino ay nang pagtibayan ang
Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899. Ginawang opisyal na wika ang Tagalog bagama’t
walang isinasaad na ito ang magiging wikang pambansa ng Republika.
Nang itinatag ang Unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo, isinaad sa Kontistusyon na
ang paggamit ng wikang Tagalog ay opisyal. Doon lamang sa mga gawaing nangangailangan ng
paggamit ng wikang Tagalog ito gagamitin. Sinasabing ang pamamayani ng mga ilustrado sa
Asembleyang Konstitusyonal ang pangunahing dahilan nito. Nais ding maakit ni Aguinaldo ang mga di
Tagalog. Nakakalungkot isiping naging biktima ng politika ang wikang Tagalog. Nag-uumpisa pa
lamang sana itong lumago ay napailalim na naman ito sa dayuhang wika.

29
PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:____________
ANTAS/PANGKAT:__________________________________ LAGDA NG MAGULANG: _______________
GAWAIN 5.6 PALAWAKIN PA NATIN
Nakapagsasagawa ng isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.
(PP11FC-1a-5.2)
Hinding maitatangging magkaugnay ang wika at kultura. Sinasabing hindi ito maaaring paghiwalayin
sapagkat kung wala ang wika ay wala ring kultura. Ang wika ang siyang pagkakakilanlan ng kultura. Ito ang
identidad ng isang komunidad at nagbubuklod sa kanila upang magkaisa. Pansinin na ang isang bansa o maging
isang probinsiya ay may iba’t ibang wikang ginagamit. Katulad na lamang ng iba-ibang diyalekto sa iba-ibang
katawagan para sa iisang bagay lamang.
Ngayon ay pipili ka ng isang komunidad at susuriin mo ang wikang kanilang ginagamit. Makipanayam ka
sa ilan sa mga naninirahan sa komunidad na ito upang malaman mo kung mayroon ba silang isang wikang
ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa bawat isa at kung paanong nakaaapekto sa kanila ang pagkakaroon ng iisang
wika o pagkakaroon ng magkakaibang wikang umiiral sa kanilang komunidad. Gawing gabay ang mga tuntunin
sa pakikipanayan sa ibaba.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pakikipanayam
1. Bago ang Panayam
 Tiyakin ang layunin at saklaw ng panayam.
 Humingi muna ng pahintulot sa kakapanayamin. Alamin ang lugar, oras, petsa kung kalian at saan
siya maaaring kapanayamin.
 Ihanda ang mga tanong. Tiyaking malinaw at hindi paligoy-ligoy ang tanong.
2. Habang Nakikipanayam
 Huwag gambalain ang pagsasalita ng kapanayam.
 Isulat ang mahahalagang tala.
 Maging magalang sa pakikipag-usap.
 Huwag ipahalata ang alinlangan o pagsang-ayon sa kanyang pahayag
 Tapusin ang panayam sa pamamagitan ng taos-pusong pasasalamat.
3. Pagkatapos ng Panayam
 Iayos ang nakuhang tala.
Ang mga talang nakalap mo ay iyong gagamitin sa isusulat mong sanaysay sa susunod na aralin.
Gawing gabay ang rubric sa ibaba.
1 2 3
Katiyakan ng Layunin Hindi pa tiyak ang layunin Nakabuo ng tiyak na layunin Nakabuo ng tiyak na layunin
sa pakikipanayam at sa pakikipanayam. sa pakikipanayam at ito ay
mababakas na hindi handa naiparating sa
sa gagawin kakapanayamin.
Kahandaan ng mga Nakapaghanda ng mga Nakapaghanda ng Nakapaghanda ng lohikal,
Tanong tanong ngunit hindi magkakaugnay na tanong magkakaugnay at
magkakaugnay. nang maaga. epektibong tanong ng
maaga.
30
Pag-unawa sa Panayam Narinig ngunit hindi Narinig at naunawaan ang Narinig at naunawaang
nauunawaang mabuti ang mga sinabi ng kausap batay mabuti ang mga sinabi ng
mga sinabi ng kausap kaya sa ilang bagay na naitala. kausap batay sa
walang masyadong mahahalagang bagay na
mahalagang bagay na naitala.
naitala.

ARALIN 6
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
(IKALAWANG BAHAGI)
“Marami nang pinagdaanan, ang mahalaga’y naisakatuparan ang pagtalaga sa isang wikang pambansa na
nagpapakita na tayo’y mamamayang may iisang diwa.”

MAHALAGANG PAGPAPALALIM NA
TANONG GAWAIN
Bakit kailangang isulong Sa araling ito’y
ang pagtatanggol ng makagagawa ka ng isang
Wikang Pambansa? sanaysay batay sa isang
panayam tungkol sa
Alam Mo Ba?
Nagsimula ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika nang lagdaan ni Pangulong Sergio Osmeña ang isang
proklamasyong nakasulat sa Ingles noong ika-26 Marso, 1946 na may pamagat na “Designating the Period from March 27 to
april 2 of Each Year ‘National Language Week’” Isinaad ng naturang Proklamasyon Blg. 25 na ang panahon mula Marso 27
hanggang Abril 2, taon-taon, ay magiging “Linggo ng Wika” bilang pagsunod sa Batas Komonwelt Blg. 570 na nagsaad na
kinakailangan gumawa ang gobyerno ng mga nararapat na hakbang tungo sa pagsulong ng Wikang Pambansa. Saklaw ng
petsa ng Linggo ng Wika ang pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco “Balagtas” Baltazar, isang haligi ng panitikang Pilipino.
Nang panahong iyon, hinihiling na ang lahatng paaralan, pribado man o publiko, hanggang mga kolehiyo at unibersidad, na
magsagawa ng kaukulang palatuntunan sa buong linggo upang ipamalas ang kanilang pagmamahal sa wikang pambansa.
Noong ika-26 ng Marso, 1954 naglabas ng Proklamasyon Blg. 12 ang Pangulong Ramon Magsaysay na may
pamagat na “Nagpapahayag na Linggo ng Wikang Pambansa ang Panahong Sapol sa ika-29 ng Marso Hanggang Ika-4 ng
Abril Bawat Taon.” Nakasulat ang proklamasyon sa wikang Pilipino.
Inilipat muli ng Pangulong Magsaysay ang panahon ng Linggo ng Wika sa bias ng Proklamasyon Blg. 186 noong 23
Setyembre, 1954 at may pamagat na “Na Nagsususog sa Proklamasyon Blg. 12 na May Petsang Marso 26, sa Pamamagitan
ng Paglilipat ng Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa Buhat sa Marso 29-Abril 4 sa Agosto 13-19 Bawat Taon.”
Sinasabing ang dahilan daw nito ay upang hindi lumabas sa taong pagtuturo ang pagdiriwang. Saklaw rin ng Linggo ng Wika
ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang Ama ng Wikang Pambansa.
Naging kontribusyon naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang pagtatalaga ng “Buwan ng Wikang Pambansa”
tuwing Agosto 1-31 sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong 15 Hulyo. 1997.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Sa ikalimang aralin ng yunit na ito, nabasa mo ang unang bahagi ng kasaysayan ng wikang
pambansa. Nabatid mo na ang ating wika ay nagdaan sa maraming yugto mula sa Panahon ng mga
Katutubo, sa Panahon ng mga Espanyol hanggang sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino. Sa araling ito ay
ipagpapatuloy sa natin ang kasaysayan ng paglago ng wikang pambansa.
31
PANAHON NG MGA AMERIKANO
Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa
pamumuno ni Almirante Dewey, Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino. Lalong nabago
ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil nadagdagan ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking
kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino.
Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo nang panahong iyon. Sa dinami-rami ng
wika’t wikain sa Pilipinas ay isang wikang dayuhan ang nagiging wikang panturo at ito rin ang ginamit
na wikang pantalastasan. Buhat sa antas primarya hanggang kolehiyo, Ingles ang naging wikang panturo.
Dahil sa pagnanais na maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan,
nagkaroon ng pambansang sistema ng edukasyon sa kapuluan. Inaasahang sa pamamagitan ng sistema
nila ng edukasyon, magiging tama ang edukasyon ng mamamayan, masaklaw, at magtutura sa mga
Pilipino ng pamamahala sa sariling bayan, at higit sa lahat ay mabibigyan din sila ng isang wikang
nauunawan ng lahat para sa mabisang pakikipagtalastaan sa buong kapuluan.
Ang komisyong pinangungunahan ni Jacob Schurman ay naniniwalang kailangan ng Ingles sa
edukasyong primarya. Nagtakda ang komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso, 1901 na
nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpapahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo.
Hindi maging madali para sa nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles sa mga mag-aaral sa
ikauunawa nila ng tinatawag na tatlong R (reading, writing, arithmetic). Hindi maiwasan ng mga guro
ang paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag-aaral. Naging dahilan ito upang
ang Superintende Heneral ng mga paaralan ay magbigay ng rekomendasyon sa Gobernador Militar na
ipagamit ang bernakuar bilang wikang pantulong. Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na Tagapayo
ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya na Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog,
Ingles-Bisaya at Ingles-Bikol. Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga
gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral. Nang sumunod na taon, may
ipinakilalang bill sa Asembleya ng nagmumungkahi sa paggamit ng mga diyalekto sa pambayang
paaralan ngunit ito ay hindi napagtibay.
Nang mapalitan ang director ng Kawanihan ng Edukasyon, napalitan din ang pamamalakad at
patakaran. Ipinahayag ng bagong director na wikang Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at
ipinagbawal ang paggamit ng bernakular.
Ang sumusunod ay nakasaad sa service manual ng Kawanihan ng Edukasyon:

Inaasahang ang
bawat kagawad ng Naniniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang
kawanihan ay magdaragdag maipalaganap agad sa kapuluhan ang wikang Ingles upang madaling
ng kanyang impluwensiya sa magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano. Mga sundalo ang unang
paggamit ng opisyal na nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong Thomasites.
Sistema sa ingles at Noong taong 1931, ang Bise Gobernador Heneral George Butte
maipaunawa ang
na siyang Kalihim ng Pambayang Pagtuturo, ay nagpahayag ng kanyang
kadahilanan ng
panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na
pagsasakripisyo nito.
Tanging Ingles lamang ang taong pag-aaral. Sinabi rin niyang hindi kailanman magiging wikang
dapat gamitin sa pag-aaral, pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika ng
sa bakuran ng paaralan, at satahanan. Sumang-ayon sa kanya sina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw.
gusali ng paaralan. Ang Ngunit matibay ang pananalig ng Kawanihan ng Pambayang Paaralan na
paggamit ng ingles sa nararapat lamang na Ingles ang ituro sa pambayang paaralan. Ang
paaralan ay nararapat sumusunod ay ilan sa mga dahilang nagtataguyod ng paggamit ng Ingles:
bigyang-sigla. (1) Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa
suliraning administratibo. Ang mga mag-aaral ay mahihirapang lumipat
sa ibang pook ng kapuluan sa kadahilanang iba-iba ang itinuturong wika sa iba’t ibang rehiyon.
Kung Ingles lamang ang ituturo sa lahat, walang magiging suliranin dito. (2) Ang paggamit ng iba’t-
ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo. (3)
32
Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular. (4) Malaki na ang nagasta
ng pamahalaan para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang pambansa.
(5) Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pag kakaisa. (6) Ingles ang wika ng
pandaigdigang pangangalakal. Ang paggamit ng wika ay makakatulong sa katayuan ng Pilipinas sa
daigdig ng pangangalakal. (7) Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at agham. Kailangang
malaman ng mamamayan ang mga ito upang umunlad ang kalinangan ng Pilipinas. (8) Yamang nandito
na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.
Kung ang mga tagapagtaguyod ng paggamit ng wikang Ingles ay maraming dahilan, ang
nagtataguyod naman ng paggamit ng bernakular ay may katwiran din. Ito ang sumusunod: (1)
Walumpung porsyento ng mag-aaral ang nakaabot ng hanggang ikalimang grado lang kaya pagsasayang
lamang ng panahon at pera ang pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman sa kanilang sosyal at
praktikal na pamumuhay. (2) kung bernikular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo
sa primarya. (3) Kung kailangan talagang linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lamang na
Tagalog ito sapagkat isang porsyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles.
Limampung porsyento ng mamamayan ang hindi nakauunawa ng Ingles, apatnapung porsyento ng mga
bata ang hindi matatanggap sa paaralang pambayan taon-taon. (4) Hindi magiging maunlad ang
pamamaraang panturo kung ingles ang gagamitin dahil hindi naman natututo ang mga mag-aaral kung
paano nila malulutas ang problemang kahaharapin nila sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Hindi nila magagamit ang Ingles maliban kung sila ay magpapatuloy sa unibersidad o pupunta sa ibang
bansa. (5) Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nag papakita ng
nasyonalismo. Bagama’t hindi pa nakakamtan ng Pilipinas ang kasarilan, naniniwala silang ang kalayaan
ay kinakailangan sa paglinang ng isang nasyonal na personalidad. (6) Nararapat lamang na mag sagawa
ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat katulad ng bernakular. Ang pagkakaroon ng malaking gastos
upang malinang ang pagtuturo ng wikang Ingles ay hindi dapat idahilan sapagkat alam naman nila na
hindi ito magbubunga ng mabuti. (7) Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang
mga Pilipino. Nakakalungkot isiping ang magiging kontribusyon ng mga Pilipino sa pandaigdigang
panitikan ay nakasulat sa wikang Ingles. (8) Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo
upang magamit ang bernakular, kailangan lamang na ito ay pasiglahin.
Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, nagsagawa ang Kawanihan ng
Pambanyang Pagtuturo ng mga alituntuning dapat sundin. Ito ay mga sumusunod paghahanap ng gawa
na Amerikano lamang, pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magturo ng Ingles at iba pang aralanin;
pagbibigay ng malaking tuon o diin sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon,
pagbabawal ng paggamit ng benakular sa loob ng paaralan, pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles,
paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan, at pag-alis at pagbabawal ng wikang
Espanol sa Paaralan.
Nagsagawa ang mga Amerikano ng mga pag-aaral, eksperimento at sarbey upang malaman kung
epektibo ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Ang unang pagsisiyasat ay ginawa ni Henry Jones
Ford. Iniulat nito na “gaya ng makikita, ang gobyerno ay gumagastos ng milyon-milyon para maisulong
ang paggamit ng wikang Ingles upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol at mga dayalek sa mga
ordinaryong usapan, at ang Ingles na sinasalita ay kay hirap makilala na Ingles na nga.” Ganito rin ang
obserbasyon nina Propesor Nelson at Dean Fansler (1923) na maging ang mga kumukuha ng mataas
na edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles.
Sa sarbey na ginawa nina Najeeb Mitri Saleeby at ng Educational Survey Commission na
pinamumunuan ni Dr. Paul Monroe, natuklasan nila na ang kakayahang makaintindi ng mga kabataang
Pilipino ay napakahirap tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan paglabas nila ng paaralan. Sa
madaling salita, kahit na napakahusay ng maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito
magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kanya-kanyang wikang bernakular na
nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang araw-araw na gawain.
Makikita ang mga duda ni Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa pagtuturo sa ulat ng 1925
Monroe Survey Commission. Sa kadahilanang maraming bata ang himihinto sa pag-aaral sa loob ng
limang taon, nasasayang lamang ang malaking gastos upang makapagdala ng mga Amerikanong guro
upang magturo ng Ingles dahil hindi mapapantayan ng isang Pilipinong sinanay na magturo ng wika ang
33
kakayahang magturo ng Ingles ng isang Amerikano. Suportado ni Joseph Ralston Hayden, Bise
Gobernador ng Pilipinas noong 1993 hanggang 1935, ang sistemang ginagamit ng karaniwang Pilipino
kapag hindi kailangang mag-Ingles. Iginiit din ni Saleeby na makabubuti ang magkaroon ng isang
pambansang wikang hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at mas epektibo ang
paraan ng edukasyon sa buong bansa.
Noong nagkaroon ng Kumbesiyong Konstitusyonal, naging paksa ang pagpili ng wikang
pambansa. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging
wikang pambansa. Ang panukala ay sinusugan naman ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang
pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Nakasaad ang probisyong pangwika sa Artikulo
XIV, Seksiyon 3 ng Saligang batas ng 1935. Nilikha ng batasang pambansa ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na nagsasaad ng opisyal na paglikha sa Surian ng ikang Pambansa noong ika-13 ng
Nobyembre, 1936. Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging
batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng
pagpili ng wikang tatawaging Wikang Pambansa. Ipinalabas noong 1973 ni Pangulong Quezon ang
kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang
gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.

PANAHON NG MGA HAPONES


Noong panahon ng mga Hapones nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa. Sa
pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang paggamit ng
Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Maging ang paggamit ng lahat ng mga aklat
at peryodiko tungkol sa Amerika ay ipinagbawal din. Ipinagamit nila ang katutubong wika,
partikular ang wikang Tagalog, sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan. Masasabing ito ang
panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.
Sa panahong ito ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal
na wika ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo). Upang maitaguyod din ang patakarang militar
ng mga Hapones pati na rin ang propagandang pangkultura, itinatag ang tinatawag na Philippine
Executive Commision na pinamumunuan ni Jorge Vargas. Nagpatupad ang komisyong ito ng mga
pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces sa Pilipinas.
Pagkaraan lamang ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksan muli ang mga
paaralang bayan sa lahat ng antas. Itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang-diin ang
paggamit ng Tagalog upang maalis na ang paggamit ng wikang Ingles. Ang gobyerno-militar ay nagturo
ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang-bayan. Sinusuri ang kakayahan ng guro sa wikang Nihonggo
upang kapag sila ay naging bihasa na ay sila naman ang magtuturo. Ang mga nagsipagtapos ay
binibigyan ng katibayan upang maipakita ang kanilang kakayahan sa wikang Nihonggo. Ang katibayan
ay may tatlong uri: Junior, Intermediate, at Senior.
Sa panahong ito ay isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas.
Ang pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng
kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong Hapones ang mga layunin ng kapisanang ito. Si Benigno
Aquino ang nahirang na direktor nito. Pangunahing proyekto ng kapisanan ang pagpapalaganap ng
wikang Pilipino sa buong kapuluan. Katulong nila sa proyektong ito ang Surian ng Wikang Pambansa.
Noong mga panahong iyon, maraming debate tungkol sa wika ang nagsulputan. Nagkaroon ng
usapin sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa at liberal na aral sa tradisyon ng mga
Amerikano. Hindi naman ito lantarang ipinakikita dahil ang bayan ay nasa ilalim ng Batas Militar.
Mayroon ding debate sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga kapwa Tagalista na ang pinagtatalunan
ay tungkol lamang sa maliliit na bagay, katulad ng kung saan gagamitin ang gitling. Nagkaroon ding ng
argumento ang mga Tagalog sa di Tagalog. Isa pa rin ang usapin sa pagitan ng mga Tagalista laban sa

34
mga may kaalamang panlingguwistika na kapwa naman para sa wikang pambansa ngunit nagnanais
lamang na matalakay ang wika batay sa pagiging agham nito. Hindi sumang-ayon ang mga Tagalista sa
labis na pagiging tradisyonal ng mga may kaalamang panlingguwistika dahil sa kanilang palagay ay
hindi na ito makatwiran.
Noong panahon ng mga Hapones naging masigla ang talakayan tungkol sa wika. May tatlong
pangkat na namayagpag sa usaping pangwika. Ito ang pangkat ni Carlos Ronquillo, pangkat ni Lope
K. Santos, at pangkat nina N. Sevilla at G. E. Tolentino. Bagama’t maliliit na bagay lamang ang
kanilang mga di napagkakasunduan ay tumawag ito ng pansin.
Sa pagnanais ng mga Hapones na itinaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay ang Surian ng
Wikang Pambansa noong panahong iyon. Si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga
Hapones at di Tagalog. Para sa madaling ikatututo ng kanyang mga mag-aaral ay gumawa siya ng
kanyang tinawag na “A Shortcut to the National Language”. Iba’t ibang pormularyo ang kanyang
ginawa upang lubos na matutuhan ang wika.
Hindi maikakailang sa panahon ng mga Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan tungkol sa
wika. Marahil ay dahil na rin sa pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin ang wikang Ingles. Noong
mga panahong ito napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles. Noong mga panahong ito napilitan ang
mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat gamit ang wikang ito.

PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA


KASALUKUYAN
Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa táyo ay magsarili simula noong Hulyo 4, 1946.
Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt
Bilang 570.
Ito ang panahon ng pagbangon sa mga nasalanta ng digmaan. Dahil bumabangon pa lamang ang
Pilipinas nang mga panahong iyon, sumentro sa mga gawaing pang-ekonomiya ang mga Pilipino.
Naramdaman pa rin ang impluwensiyang pang-ekonomiko at panlipunan ng mga Amerikano. Maraming
mga banyagang kapitalista, na karamiha’y Amerikano, ang dumagsa sa ating bansa.
Nakaapekto ito sa sistema ng ating edukasyon na tumutugon sa pangangailangan ng mga
korporasyon at kompanya. Ito ang naging sanhi ng pagkabantulot sa pagsulong, pag-unlad, at paggamit
ng wikang pambansa. Bagama’t ang pelikulang Pilipino at komiks ay gumagamit ng wikang Pilipino,
naging paboritong midyum pa rin ang Ingles.
Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog, ito ay
naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose B. Romero, ang
dating Kalihim ng Edukasyon. Nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simula sa
taong-aralan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang
Pilipino. Noong 1963, ipinag-utos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino. Ito ay
batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado
Macapagal.
Nang umupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, iniutos niya, sa bisa
ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 s. 1967, na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay
pangalanan sa Pilipino. Nilagdaan din ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang Memorandum
Sirkular Blg. 172 (1968) na nag-uutos na ang mga ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahalaan
ay isulat sa Pilipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa
panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Ang
35
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968) naman ay nagtatagubilin sa lahat ng kawani ng
pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na pangungunahan ng Surian ng Wikang
Pambansa sa iba’t ibang purok lingguwistika ng kapuluan.
Noong 1969 naman nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan
na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan
naman ay sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.
Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim
Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan
sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal.
Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng
bagong batas ang Constitutional Commision. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang
gawin upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong Aquino isinulong
ang paggamit ng wikang Filipino. Ang Seksiyon 6 ng Artikulo XIV ng Slaigang Batas 1987 ay
nagsasaad ng sumusunod:
WIKA
SEK 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
SEK 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisislbi na pantulong na mga
wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang Kastila at Arabic.
SEK 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng
mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at pagpapanatili.
Tinupad ito ng Pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No. 335, ito
ay “Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanain, opisina, ahensya, at instrumentality ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino
sa opisyal na mga transaksyon, komunikayson, at korespondensiya”. Isang atas na matabâng na
itinuloy ng ibang administrasyon at hindi pinansin ng Kongreso.
Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya ng Executive
Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal na wikang
panturo---ang Ingles, sa halip na ang Filipino. Nalungkot ang maraming tagapagtaguyod ng wikang
Filipino sa atas na ito.
Sa kasalukuyan, masasabing marami pa ring sabagal sa pagsulong ng wikang Filipino. Ngunit
kung ang pagbabatayan natin ay ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino, masasabi nating
mabilis nga ang pagsulong nito. Bunga ito ng epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan.
Resulta rin ito ng patuloy at dumaraming paglabas ng mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino,
lalo na ang komiks. Ilan pang dahilan ay ang patuloy na pambansang pagtangkilik sa mga telenobela at
pelikulang Pilipino, at ang paggamit ng Filipino sa radio at telebisyon.
Noong ika-5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang
Kalupunan ng KWF sa sumusunod na depenisyon ng Filipino: Ang Filipino ay ang katutubong wika na
36
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng
mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong pinauunlad
ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamitsa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t
ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga
lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong
wika ng bansa (http;//kwf.gov.ph/wp-content/uploads/FAQ_2,4,15.pdf)
Katulad ng sinabi ng Komisyon ng Wikang Filipino, napakarami pang dapat gawing upang
sumulong at magtagumpay ang wikang Filipino. Patuloy itong yayaman sa pamamagitan ng araw-araw
na paggamit ng mga mamamayan. Sáma-sáma nating abutin ang wagas na hangaring maging wika ng
karunungan ang wikang pambansa.

PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:____________


ANTAS/PANGKAT:__________________________________ LAGDA NG MAGULANG: _______________
GAWAIN 6.6 PALAWAKIN PA NATIN
Nakagagawa ng isang sanaysay na batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko
ng napiling komunidad (F11EP-Iij-32)
Sa mga naunang aralin ay nabatid mong magkaugnay ang wika at ang kultura. Sinasabing hindi
ito maaaring paghiwalayin sapagkat kung wala ang wika ay wala ein an kultura. Ang wika ang siyang
pagkakakilanlan ng kultura. Ito ang identidad ng isang komunidad at nagbubuklod sa kanila upang
magkaisa.
Sa aralin 5 ay pumili ka ng isang komunidad at sinuri mo ang wikang kanilang ginagamit.
Nakipagpanayam ka sa ilan sa mga naninirahan sa komunidad na ito upang malaman kung mayroon
silang wikang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa bawat isa. Ngayon naman ikaw ay isang peryodista o
manunulat sa pahayagan. Balikan ang iyong mga tala mula sa panayam sa Aralin 5. Batay sa mga talang
ito ay sumulat ng isang sanaysay o artikulong tatalakay sa aspektong kultural o lingguwistiko ng
napiling komunidad. Ang iyong sanaysay ay ilalathala sa isang pahayagan para sa mga mag-aaral sa
Senior High School. Layon nitong ipabatid sa kanila na ang isang komunidad ay may ginagamit na isang
wikang simbolo ng kanilang pagkakakilanlan at instrumento ng kanilang pagkakaunawaan. Hangarin din
nitong ipaunawa sa mga mambabasa na bagama’t minsa’y may indibidwal na pagkakaiba ang bawat
miyembro ng komunidad may ilang aspektong nakapagbubuklod sa kanila- ang kultura at ang wika.
Gawing gabay ang rubric sa ibaba.

37
MARKA PAMANTAYAN
4 Nakagawa ng isang malinaw na sanaysay na may kaisahan. Batay ito sa isinagawang
panayam. Masusing tinalakay ng sanaysay ang aspektong kultural at lingguwistiko
ng napiling komunidad. Nagbigay rin ng mga halimbawang nakapagpatunay at
nagbigay-linaw sa inilahad.
3 Nakagawa ng isang malinaw na sanaysay batay sa isinagawang panayam. Tinalakay
ng sanaysay ang aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.
Nagbigay rin ng halimbawang nakapagpatunay sa inilahad.
2 Nakagawa ng isang sanaysay batay sa isinagawang panayam. Hindi gaanong
natlaakay ng sanaysay ang aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling
komunidad. Nagbigay ng mga halimbawa ngunit hindi nakapagpatunay sa inilahad.
1 Nakagawa ng isang sanaysay ngunit hindi ibinatay sa isinasagawang panayam. Hinid
gaanong natalakay ang aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad.

38

You might also like