Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KASAYSAYAN NG EDUKASYON SA PILIPINAS

PRE-KOLONYAL
Pinagtutuunan ng pansin ang mga pagiging lider upang makatulong sa pag-unlad.
-Bago pa dumating ang Espanyol, may nangunguna na noon sa Pilipinas kung saan ang mga
namumuno ay ang mga tribo. Sila ang nagtuturo sa mga estudyante bilang isang guro.
Hindi pormal, magulo, at kulang sa kagamitan.
- Sa ilalim lamang ng puno nagtuturo ang mga tribo, nakaupo lamang ang mga bata sa lupa at
gumagamit lamang ng makikinis na bato sa pagsulat.
Mas itinuturo sa mga bata ang bokasyon kumpara sa akademiko. Sapagkat mahalaga noon sa
kanila ang pangangaso, pangingisda, atbp., kaysa sa pag-aaral ng mga bata.
Pangangaso para sa mga lalaki at mga gawaing-bahay naman para sa mga babae. - preparasyon
para sa buhay mag-asawa.
- Mas pinagtutuunan nang pansin ang pag-aasawa noon para sa mga babae. At ang mga lalaki
naman ay puro sa pagtatrabaho na lamang.
-May pagpapahalaga sa edukasyon mayroong Alibata na siyang gumagabay sa kanilang
pagsusulat at pagbabasa.
- Mayroon ng sariling alpabeto ang mga Pilipino kung saan ito ay ang Alibata na itinuturo noon
sa mga bata sa kanilang pag-aaral.

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA


SISTEMA NG EDUKASYON
-Ang uri ng edukasyon na mayroon ang sinaunang pilipino ay nakabase sa mga sinaunang
paniniwala at tradisyon.
-May mataas na antas ng marunong bumasa at sumulat sa mga sinaunang pilipino. Ang mga
magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga mga bata.
- Mga maharlika na magmamana ng kanilang kaharian o komunidad ay binibigyan edukasyon
tungkol sa pamamahala. Sinaunang alpabeto na binubuo ng labimpitong (17) titik, tatlong (3)
patinig at labinapat (14) na katinig.
-Katas ng dahon ang kanilang tinta.
-Sa mga dahon at balat ng punong kahoy sila sumusulat.
-Matutulis na bakal at dulo ng kutsilyo ang kanilang panulat.
Nang dumating ang mga Espanyol sa aling bansa nagkaroon ng pagbabago ang Sistema ng
edukasyon sa Pilipinas. Ang di-pormal na edukasyon sa panahon ng mga ninuno ay naging
pormal.
Maraming paaralan ang itinatag ng iba't ibang misyonero sa ating bansa. Unang naitatag
ang mga paaralang parokyal at ang mga paring misyonero ang naging mga unang guro. Itinuro
rito ang relihiyong Kristiyanismo, wikang Espanyol, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika, sining
at paggawa. Ipinasasaulo ang aralin sa mga mag-aaral maging ang mga dasal.
May mga paaralang itinayo para sa kalalakihan at kababaihan. Ang unang paaralang itinatag
para sa kababaihan ay ang Sta. Potenciana noong 1589. Ang naitatag naman para sa kalalakihan
ay ang Kolehiyo ng San Ignacio sa Maynila noong 1589.
Binigyang-diin sa edukasyong primarya ang pagtuturo ng Doctrina Kristiyana at mga
pagsasanay sa pagbasa ng alpabetong Espanyol at wikang Filipino. Nagtatag din ng mataas na
paaralan o sekondarya upang maragdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Ang relihiyon at
wikang Latin ang itinuturo sa halip na wikang Espanyol.

PANAHON NG MGA AMERIKANO


Maraming natutuhan ang mga Pilipino sa kultura ng mga Amerikanong nagpabago sa
kanilang pamumuhay sa loob ng apatnapung taong pananakop.
Edukasyon
-Ipinakilala din ng mga Amerikano ang Sistema ng pampublikong paaralan.
-Ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa Estados Unidos upang makapag-aral ng libre.
Tinawag sila bilang mga pensionado (iskolar).
Mga Gurong Thomasites
-Ang mga naging unang guro na Ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas.
-Sila ay dumating noong ika-23 ng Agosto taong 1901 sakay ng barkong S.S.
-Thomas 600 ang Thomasites na dumating at nagsilbing guro ng mga Pilipino

PANAHON NG HAPON
Ibig ng mga Hapones na mapalapit ang kalooban ng mga Pilipino sa kanila kaya binuksan
nilang muli ang mga paaralan na isinara nang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Ibinigay nila ang sumusunod na tuntunin sa pagbubukas ng paaralan:
-Pagpapalaganap ng kulturang Pilipino
-Pagtataguyod ng Edukasyong Bokasyunal at Pang-elementarya.
-Pagtuturo at pagpapalaganap ng Niponggo o wikang Hapones.
- Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.
-Pagtuturo sa implementasyon ng "Greater East Asia Co-Sphere."

Matapos maibigay ang mga tuntuning ito, pinabuksan na ang paaralan sa bansa.
Pinahahalagahan din ang pag-unlad ng agrikultura, pangingisda, medisina at inhenyeriya.
Ipinagamit ni Pangulong Jose P. Laurel ang Tagalog bilang opisyal na wika sa bansa. Mga gurong
Pilipino lamang ang pinayagang magturo ng Tagalog, kasanayan sa Pilipino, at Edukasyon sa
wastong pag-uugali. Iniutos din ng mga Hapones ang pagtatakip ng iba't ibang aklat na
naglalarawan ng tungkol sa Amerika at iba pang bansang kanluranin.

TRIFOCAL EDUCATION SYSTEM


• 1946 -Naibalik sa mga Pilipino ang pagpapatakbo sa edukasyon sa pilipinas ng makalaya ang
mga Pilipino sa mga amerikano.
• 1947 -Binuo ang Department of Education at naging kaagapay nito sa pagbabalangkas ng
regulasyon para sa mga paaralan ang Bureau of Private and Public Schools.
• 1972 -Naging Department of Education, Culture and Sports ang ahensiya.
•1978 -Naging Ministry of Education
• 1982-Education Act.
•1987 Sports. Muling tinawag na Department of Education, Culture and Sports.
•1994 Inihiwalay ang regulasyon para sa mga kolehiyo at pamantasan nang itatag ang
Commission on Higher Education o CHED. Para sa mga kursong bokasyonal ay ang Technical
Education and Skills Development Authority o TESDA. Naging pokus ng Department of
Education, Culture and Sports ang regulasyon ng mababa at mataas na paaralan.
•2001-Muli itong tinawag na Department of Education na kasalukuyan pa rin nitong pangalan.
• 2012-K+12 Program
• 2020-New normal class

You might also like