Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Arkitekturang Pilipino ay hindi natin maitatanggi na ito ay hindi pa

masiyadong nakikilala sa pangkabuohang konteksto sa larangan ng


Arkitektura. Naalala ko noong tinanong kami ng isa sa naging guro namin
sa "History of Architecture", tinanong niya kami kung mayroon bang
Philippine Architecture at kung meron ay ano iyon. Halos lahat sa buong
klase namin ay sumagot na mayroon, pero hindi matukoy kung ano ito.
May mga sumagot naman na ang Arkitekturang mayroon ang Pilipinas ay
ang "Bahay Kubo", may mga sumagot na ang Arkitekturang istilo ng
Pilipinas ay ang paggamit ng mga natural at organik na materyales tulad
ng kahoy, at kawayan, na nagpapahayag ng adaptasyon sa lokal na klim a
at kapaligiran.. Pero hindi ba't pati ang ibang bansa ay gumagamit din ng
ganitong istilo? Dahil malaki at maganda ang epekto nito sa mga
istraktura? Ngayon, may isa akong kaklase na sumagot na walang
arkitektura ang Pilipinas, sa pagkakatanda ko sa sagot niya, sinabi niya
na walang pagkakakilanlan ang Pilipinas sa larangan ng arkitektura.
Walang istilo o mga istruktura na kilala ang Pilipinas, hindi katulad ng
mga bansang may sariling katangian at mukha ang bawat disenyo at
estado nito sa larangan ng arkitekto.

Pero kung titingnan at susuriing mabuti ang konteksto ng arkitektura ng ating bansa, ang
Pilipinas ay may kakaiba at bukod tanging taglay at estado sa panahon ngayon. Na
nagpapahayag na hindi pa huli para sa atin ang maging kilala sa pangkalahatang konteksto
ng arkitektura, Basta’t patuloy lamang tayo sa paglaganap, pagpapanitili, at pagpapahalag a
sa kasaysayan, tradisyun, kultura at kaalam sa Arkitekturang Pilipino.

VELLA, MARJORIE JANE T. 201911110

You might also like