Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Title: Tinig mula sa Karimlan

Format: Radio Drama


Duration: 10 mins.
Writer/Producer/Director: Cherry Ann M. Medico/ Elizabeth C. Barrera
Cast: Cherry Ann M. Medico bilang Sara at Narrator
Myra A. Lorenzo bilang Anie at Bata 2
Shena Lyn A. Bagauisan bilang Sally, Bata 3 at Host
Sheferd John B. Rapio bilang Lolo at Radio Technician
Roy Vincent A. Pua bilang Joey at Bata 1

Scene One: Bakuran


1. INTRO MUSIC: FADE IN AND FADE UNDER BED
2. Narrator: Isang mapagpalang araw sa ating mga tagapakinig. Ngayong
3. umaga, mapapakinggan natin ang isang kuwentong punong-
4. puno ng aral at pag-asa. Inihahandog sa inyo ng SMrC
5. production, ito ang dramang pinamagatang, “Tinig mula sa
6. Karimlan”.
7. THEME MUSIC: FADE UP AND FADE UNDER BED
8. Bata 1: Iyang baliw!
9. Bata 2: Ahh baliw! Hahaha!
10. Bata 3: Iyang baliw! baliw!
11. Lahat: Hahaha
12. Sara: Hoy! Anong ginagawa niyo sa tita ko!
13. Bata 1: Yan na si Sara!
14. Bata 2: E baliw naman talaga yang tita niya.
15. Sara: Hindi baliw ang tita ko! Gusto niyo ito, dederetso to sa muka
16. niyo pag di kayo tumigil!
17. Bata 3: Takbo!
18. Bata 1: Bilisan niyo!
19. Sara: Uwi na tayo tita, kanina ka pa hinahanap sa bahay.
Scene Two: Labas at Loob ng Bahay
20. Anie: Asan na nga ba si Iyang, san na naman kaya nagpunta ‘yon?
21. SFX: OPENS DOOR (SOUND EFFECT)
22. Sara: Mama, andito na po si tita!
23. Anie: Iyang, bat ka umaalis ng di nagpapaalam?
24. Iyang: Diyaan lang po sa labas ate.
25. Anie: Oh siya, kumain ka na. Nauna na kami kanina.
26. SFX: TRICYCLE (SOUND EFFECT) FADE IN AND FADE
OUT
27. Anie: Si tatay ba yan? Teka Iyang ubusin mo muna yang pagkain mo
28. Ramon: Asan ang paborito kong apo?
29. Sara: Si lolo? Lolo. (Natutuwa)
30. Anie: Mano po.
31. Sara: Mano po lolo.
32. Ramon: Kamusta ang apo ko. Siyempre may dala akong paborito mong
33. mansanas at spaghetti.
34. Sara: Wow! Thank you, lolo.
35. Ramon: Kargahin ko nga ang apo ko.
36. Sara: Lo hindi na po ako maliit na bata, mabigat na po ako. Ahh,
tita…
37. Sandali lang tita…
Scene Three: Loob ng Kwarto
38. SFX: CLOSES DOOR (SOUND EFFECT)
39. Sara: Bat mo naman ako hinila tita?
40. Iyang: (Iiiyak) Dito ka lang! Dito ka lang! Dito ka lang… (Paiyak na)
41. Sara: Oh! umiiyak ka na naman tita. Tungkol ba to sa mga salbaheng
42. bata kanina? Sabihin mo sakin.
43. Iyang: Hindee… Sara dito ka lang, dito ka lang. (Umiiyak)
44. SFX: LOCKING THE DOOR (SOUND EFFECT)
45. Sara: Bat mo nilalock yang pinto? Tara muna dun kila lolo.
46. Iyang: No. Hindi, sara making ka… Dito ka lang! (Umiiyak)
47. Sara: Oh sige, ganito nalang. Sa’yo na tong mansanas.
48. Iyang: (Umiiyak)
49. Sara: Mmmmmh! Tahan na tita, ahh! Alam ko na, maglaro nalang
50. tayo. Hanapin mo ko tita. (Tumatawa)
Scene Four: Loob ng Bahay
51. THEME MUSIC: FADE IN AND FADE OUT
52. SFX: HEAVY RAIN (SOUND EFFECT)
53. SFX: PHONE RINGING (SOUND EFFECT)
54. Anie: Oh Joey! Anong oras na, hindi ka na naman ba makakauwi?
55. Joey: Oo nga mahal, anlayo kasi ng biyahe namin nagyon e, sabi ni
56. boss dito nalang daw muna kami sa Nick Hotel magpalipas ng
57. gabi.
58. Anie: Bakit daw?
59. Joey: Eh andaming inaasikaso ni boss e. Umuulan ata diyan?
60. Anie: Oo, anlakas nga e.
61. Joey: Oh sige, mag-iingat ka’yo diyan.
62. Anie: Sige, mahal. Ikaw din.
63. Anie: Tay, hindi pa ba kayo uuwi mag gagabi na.
64. Ramon: Ayun nga e! Malakas na din ang ulan wala na akong
masasakyan
65. nito.
66. Anie: Hmm! Sige na nga, pero sa sala po kayo matutulog ha! Sara, sa
67. kwarto ka namin ng papa mo matulog.
Scene Five: Loob ng Kwarto
68. THEME MUSIC FADE IN AND FADE UNDER BED
69. Sara: Nauuhaw ako, makainom nga.
70. SFX: OPENS DOOR (SOUND EFFECT)
Scene Six: Kitchen
71. SFX: POURING WATER INTO A GLASS (SOUND EFFECT)
72. Sara: Lolo!
73. SCARY MUSIC: FADE IN AND FADE UNDER BED
74. Sara: Nakakagulat naman po kayo lo. Lo, anghigpit po ng yakap
niyo.
75. (Natatakot)
Scene Seven: Stockroom
76. INTENSE MUSIC FADE UP AND FADE UNDER BED
77. Sara: Lolo ba’t po tayo andito? Lolo… (Iyak ng kinikilabutan)
78. Ramon: Wag kang maingay. Maglalaro lang tayo. Hmmm… (Ungol
79. manyak)
80. Sara: Lo wag po! (Umiiyak)
81. Ramon: Sige, papatayin ko kayo ng nanay mo.
82. Sara: Lolo, apo niyo po ako.
83. Ramon: Wag kang maingay sabi, wag na wag kang magsusumbong,
84. papatayin ko talaga kayong lahat!
85. Sara: (Ummiiyak)
86. Iyang: Demonyo ka! Ahhh! (Pinokpok ang ulo ng tatay)
87. SFX: RAMBULAN (SOUND EFFECT)
88. Ramon: Ahhh! Iyangg! Kahit kelan ka talaga! Eto sa’yo!
89. Sara: Tita! tita! (Umiiyak)
90. Ramon: Ahhh! (Pinagpopokpok ang ulo ni Iyang)
91. Sara: Mama! Tulonggg! Tulong! Tita? (Umiiyak!)
92. Anie: Tay! demonyo ka talaga!
93. Sara: Mama si tita! (Umiiyak)
Scene Eight: Labas ng bahay
94. SFX: POLICE CAR (SOUND EFFECT)
95. SFX: AMBULANCE (SOUND EFFECT)
Scene Nine: Police Station
96. SAD MUSIC: FADE UP AND FADE UNDER BED
97. Anie: Nagtiwala ako sa’yo ulit! (Umiiyak) Umasa pa akong
98. magbabago
99. ka pa dahil tatay ka pa rin namin pero hayop ka tay! At wala
100. ka na talagang pag-asa! (Galit na galit)
101. Ramon: Anak! Hindi ko sinasadya!
102. Anie: Ano tay! Hindi mo sinasadyang gahasahin ang kapatid ko noon
103. tapos ngayon hindi mo pa rin sinasadya na gawin naman ito sa
104. anak ko!?Anong klase kang ama, demonyo ka! Baboy!
105. Sally: Anie, anak! (Umiiyak)
106. Anie: Wag mo sabihing kakampihan mo parin yang hayop na nay?
107. Kung nanahimik ako noon sa nangyari kay Iyang, ngayon hindi
108. na! Anak ko na yung biktima dito nay! Pagbabayaran niya lahat
109. ng kahayupang ginawa niya sa kapatid ko at kay Sara.
110. Sisiguraduhin kong mabubuluk siya sa kulungan!
Scene Ten: ICU/Hospital
111. SAD MUSIC: FADE UP AND FADE UNDER BED
112. SFX: CARDIAC MONITOR (SOUND EFFECT)
113. Sara: Tita, sorry. (Umiiyak) Napahamak ka dahil sa akin! Huhuhu!
114. Ngayon ko palang naiintindihan kung bakit mo ko nilalayo lagi
115. kay lolo at kung bakit ka umiiyak nalang sa gilid sa tuwing
116. nakikita mo siya. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi
117. naikuwento nila mama pero tita dahil sakin, nag-aagaw buhay
ka
118. ngayon dito sa hospital.
119. SFX: CARDIAC MONITOR FLATLINE (SOUND EFFECT)
120. Sara: Tita? Mama… mama…
121. Anie: Doc, ang kapatid ko!
122. Sara: Tita…
123. Sally: Iyang, anak ko!
124. (IYAKAN)
Scene Eleven: Funeral Home
125. THEME MUSIC: FADE UP AND FADE UNDER BED
126. Sally: Iyanggg! Kasalanan ko lahat ng to! Wala akong kwentang ina.
127. Anie: Galit ako sa’yo nay pero di ko magawang ipagtabuyan ka dahil
128. nanay pa rin kita!
129. Sally: Patawarin niyo ako anak! Natakot din ako sa tatay niyo.
130. Anie: Ang sakit-sakit nay! Tatay naming siya e. Dapat siya yung
bisig
131. na prumoprotekta sa amin pero baliktad nay dahil siya ang
132. sumira sa buhay ng kapatid ko at ngayon sa anak ko naman!
133. Alam mo din palang dati na siyang minomolestya ni tatay nun
134. pero wala kang ginawa. Hanggang kelan ka magpapakatanga!
135. Sinabi mo pang nagbago na siya kaya pinagkatiwalaan namin
136. siya ulit pero anong nangyari nay? Inulit pa sa anak ko at sa
137. pamamahay ko pa mismo! Hayoppp!
138. Sally: Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko pero maniwala
139. ka man o hindi, sinubukan kong labanan siya anak pero natakot
140. ako nung pinagbantaan niya ako noon na papatayin niya
kayong
141. magkapatid kung magsusumbong ako. Patawarin niyo ako
hindi
142. ko kayo naprotektahan!
143. Anie: Ang sabihin mo nabulag ka sa pagmamahal mo kay tatay!
144. Joey: Mahal, huminahon ka muna. Alam kong biktima tayo ng mga
145. masasakit na nangyari kaya mas mabuting bigyan muna natin
ng
146. oras na maghilom ang mga sugat natin.
Scene Twelve: Stage
147. SAD MUSIC: FADE UP AND FADE UNDER
148. Sara: Hindi naging madali ang buhay namin sa proseso ng paghilom.
149. Bitbit ko palagi ang ala-ala ni tita Iyang. Hindi baliw si tita,
150. naghihirap siya noon sa kondisyong PTSD o post-traumatic
151. stress disorder sanhi ng malalim ng depresyon matapos
152. maranasan ang isang traumatic na pangyayari. Hindi ko kaagad
153. naintindihan ang mga babala niya sa akin noon dahil hindi ko
154. nalaman kaagad. Ganunpaman, sa kabila ng kalagayan niya,
155. nagawa niya akong iligtas sa kapahamakan at karahasan ng
156. aking lolo kaya si tita Iyang, siya ang aking hero. Dahil sa
157. kaniya, naging matapang ako at siya ang naging inspirasyon ko
158. kung bakit isa ako ngayon sa mga nagsusulong ng End-VAWC
159. at mental health awareness. Nawa’y samahan niyo ako sa aking
160. mga adbokasiya. Maraming salamat!
161. SFX: MALAKAS SA PALAKPAK NG MADLA (SOUND
EFFECT)
162. Host: Iyan po ang inspiring at powerful na mensahe ng ating magiting
163. at dakilang End-VAWC at mental health advocate, walang iba
164. kundi si Attorney Sara Rodriguez! Palakpakan po natin muli!
165. SFX: MALAKAS SA PALAKPAK NG MADLA (SOUND
EFFECT)
166. OUTRO MUSIC: FADE IN AND FADE OUT

You might also like