Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Uri ng Tekstong Deskriptibo

1. Deskripsiyong Teknikal
- paglarawan sa detalyadong pamamaraan

Halimbawa:
- Ang ngiting matipid ay bahagya lamang ang ginagawang pagkibot ng bibig.
- Si Aling Cora ay ang babaeng kulot ang buhok at may tindahan ng school supplies sa
kanto ng Mabini.

2. Deskripsiyong Impresyonsitiko
- paglarawan ayon sa pansariling pananaw o personal na saloobin

Halimbawa:
- Ang pagngiti ay nakatutulong upang magmukha kang bata.
- Minamalas ang mga taong iyan dahil hindi sila marunong magbigay ng biyaya sa kanilang
kapuwa at madadamot sila.

Anyo ng Tekstong Deskriptibo

1. Karaniwan (obhetibo)
- paglalarawang hindi sangkot ang damdamin
- ang paglalarawan ay ayon sa nakikita ng mata

Halimbawa:
- Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang napaliligiran ng mga karagatan.

2. Masining (suhetibo)
- paglalarawang naglalaman ng damdamin at pananaw ng taong naglalarawan
- naglalayong pukawin ang guniguni ng mambabasa

Halimbawa:
- Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag habang pasan ang kaniyang anak na maputla pa
ang kulay sa isang papel.
Mga Karaniwang Lihis sa Pangangatwiran (Fallacies)

1. Argumentum Ad Hominem
- argumento laban sa karakter
- pag-atake sa mismong katauhan, kalagayan at kredibilidad ng taong kausap sa halip na talakayin
ang isyu

Halimbawa:
- “Huwag natin siyang iboto. Nambabae ang taong iyan.”
- “Hindi magiging mahusay na pinuno ng bansa ang politikong iyan dahil isa siyang
binabae.”

2. Argumentum Ad Baculum
- paggamit ng pwersa o pananakot
- Sa halip na magbigay ng ebidensya ang tagapagsalita ay gumagamit na lamang ng pananakot
upang makuha ang loob at mapaniwala ang kausap.

Halimbawa:
- “Umanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka maliligtas at masusunog ka sa
dagat-dagatang apoy!”
- “Isa ka sa pinakamatagal na empleyado ng pahayagang ito na pagmamayari ng mga
magulang ko. Kaya huwag mo na sanang isulat pa ang naganap na insidente ng
pambubugbogko kanina. ”

3. Argumentum Ad Misericordiam
- paghingi ng awa o simpatya
- Ang pangangatuwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa awa o simpatya ng
kausap.

Halimbawa:
- “Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na estudyante dahil lalo silang kawawa kapag
sila ay bumagsak.”
- “Kailangang tanggapin ninyo ang aking proyekto. Nagkasakit ako dahil sa paghahanda ng
aking ulat .”

4. Argumentum Ad Numeram
- batay sa dami ng naniniwala sa argumento
- Ang paninindigan sa katotohan ay batay sa dami ng naniniwala.

Halimbawa:
- “Marami akong kilalang mahilig sa alak pero wala naman silang sakit sa atay kaya hindi
ako naniniwalang masama ang alak sa kalusugan.”
- “Lahat naman naging parte ng pagkabata ang pangungupit sa magulang kaya walang
masama kung mangupit paminsanminsan.”

5. Argumentum Ad Ignorantiam
- batay sa kawalan ng sapat na ebidensya
- Ang pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat
na patunay kung tama o mali ang pahayag.

Halimbawa:
- “Ipahid mo lang sa mukha mo ‘yung konting banana ketchup sis before going to bed, hindi
mo naman kasi masasabing hindi nakapuputi if hindi mo pa na-try, right?”
6. Cum Hoc ergo propter Hoc
- with this, therefore because of this
- Ang pangangatuwiran ay batay sa sabay na pangyayari;ang isa ay dapat dahilan ng isa o may
ugnayang sanhi at bunga.

Halimbawa:
- “Maswerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako, mataas ang benta ko.”
- “Si Jes at Jen ay gifted child dahil Lactum ang gatas nila. Kaya naman lahat ng batang
iinom ng Lactum ay magiging gifted child din.”

7. Post Hoc ergo propter Hoc


- after this, therefore because of this
- Ang pagmamatuwid ay batay sa magkasunod na pattern ng mga pangyayari , ang nauna ay
pinaniniwalaang dahilan ng kasunod na pangyayari

Halimbawa:
- “Pareho nila akong niregaluhan ng panyo kaya naman pareho rin nila akong pinaiyak at
iniwan. Sa susunod hindi na ako tatanggap ng regaling panyo nang ‘di na ko muling
paiyakin at iwan.”
- “Talo na naman ang Tamaraws. Nanood kasi ako, e. Sa tuwing nanonood ako ng laro nila
lagi silang natatalo.

8. Non Sequitur
- walang kaugnayan
- Ang konklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa nauna.

Halimbawa:
- “Hindi nagagalingan si Ronald sa musika ng bandang iyan dahil baduy raw manamit ang
mga bokalista”
- “Dapat bigyan ako ni Sir ng mataas na grado sa Filipino 5, mataas yata ang grado ko noong
Filipino 4.”

9. Circular Reasoning
- paikot-ikot na pangangatwiran
- Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na punto.

Halimbawa:
- “Tayo ay nagkakasala sapagkat tayo ay makasalanan”
- “Hindi ako nakarating sa meeting dahil lumiban ako nang araw na iyon”
- “Ang Bibliya ay mga salita ng Diyos dahil ang mga salita ng Diyos ay nasa Bibliya.”

10. Hasty Generalization


- padalos-dalos na paglalahat
- Paggawa ng panlahatang pahayag o konklusyon batay lamang sa iilang patunay o katibayang may
kinikilingan. Pagbuo ng argumentong wala gaanong batayan.

Halimbawa:
- “Tiyak na babae ang drayber ng sasakyan na iyan. Napakabagal ng takbo.”
- “Masarap magluto ang kusinera naming Bisaya. Magagaling talagang magluto ang mga
Bisaya.”
Propaganda devices
1. Name-calling
- Hindi magandang taguri sa katunggali

Halimbawa:
- Panot - Aquino
- Tanda - Enrile

2. Glittering Generalities
- Maganda at nakasisilaw na pahayag
- Slogans

Halimbawa:
- 90.7 LOVE RADIO: “Kailangan pa bang imemorize ‘yan? Bisyo na ‘to!
- BDO: “We Find Ways”

3. Transfer
- paglipat ng sariling opinyon tungkol sa produkto sa ibang tao upang subukin din nila

Halimbawa:
- Bear Brand CHOCO MILK Drink, gatas din ‘to nay!

4. Testimonial
- direktang pag-endoso ng sikat na personalidad

Halimbawa:
- Anne Curtis: Cherry mobile

5. Plain Folks
- Karaniwang ginagamit sa mga kampanya o komersyal
- Ang sikat ay ipinalilitaw na ordinaryong tao

Halimbawa:
- Mar Roxas campaign

6. Card stacking
- Ipinapakita ang lahat ng maganda ukol sa produkto ngunit hindi ang pangit na katangian

Halimbawa:
- Maggi Magic Sarap: Bawat granule all-in-one sa sarap!
- 78°C: recharge time!

7. Bandwagon
- Hinihikayat ang lahat na gumamit ng produkto dahil ang lahat ay gumagamit na
Mga Uri ng Datos

1. Datos na Kalidad
- Kadalasang isinasalaysay at inilalarawan ang mga datos.
- Halimbawa: kulay, tekstura, lasa, damdamin at mga pangyayari.

2. Datos na Kailanan
- Ang ganitong paglalahad ng datos ay kadalasang isinasagawa sa pamamagitan ng numerical o
ginagamitan ng operasyong gramatikal. Karaniwan itong inilalahad gamit ang graph, tsart, o
talahanayan.

Mga Paraan sa Pagbuo ng Wakas o Kongklusyon

1. Tuwirang sabi
- Ang hindi mabaling pahayag ni Gina Lopez na, “After we determine the scientific landscape, we
then focus on a shift based on values. Because without values, you can’t do anything.”, ay tumatak
na sa puso ng maraming Filipino.

2. Panlahat na pahayag
- Samakatuwid, makabuluhan ang paggamit ng cellphone, laptop, o tablet ng mga batang nag-aaral
sa pamamagitan ng online o virtual class.

3. Pagpapahiwatig ng aksyon
- Kung hindi tayo kikilos ngayon, kailan pa? Huwag sana nating hintaying may magbuwis pa ng
buhay bago tayo lumaban.

4. Pagtatanong
- Ngayong alam mo na ang masamang epekto ng labis-labis na paglalaro ng ML sa iyong pag-aaral
at kalusugan, magbababad ka pa ba?

5. Pagbubuod
- Marahil napakaliit ng P100. Halos kulang pa ngang pambili ng value meal sa Jollibee, ngunit para
sa mga katulad ni Juan na naghihikahos sa buhay, ito ay napakalaki nang halaga upang mapakain
ang kaniyang pamilya.
Mga Diksyon at Uri ng Wika

1. Diksyong Pormal
- Halimbawa: mga salitang teknikal sa iba’t ibang propesyon at larang ng akademya

2. Diksyong Impormal
- may mga salitang balbal, gay lingo o kaya ay kolokyal

3. Diksyong Kongkreto
- ang mga salita o wikang ginagamit sa akda ay maoobserbahan ng ating mga pandama

4. Diksyong Abtrakto
- titingnan kung ang akda ba ay gumagamit ng mga salita sa paglalarawang hindi maoobserbahan
ng pandama
- Halimbawa: hangal na pag-ibig

5. Masining
- gumagamit ng mga tayutay upang makabuo ng malikhaing guniguni o imahinasyon

6. Literal na wika
- diretsahang pananalita ng awtor
- simple at madaling maunawaan ng mambabasa ang mensahe

You might also like