Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jaycel D.

Cortiñas
Ang Sandata ng Mamamayang Pilipino
Hanggang ngayon, talamak pa din ang pang-aapi sa mahihirap ng mga
nakatataas. Nasa kamay pa din ng mga elitista at korporasyon ang ating bansa. Kaya
ang mga mahihirap ay lalong humihirap at ang mga mayayaman ay lalong yumayaman.
Ngunit sabi ng mga nasa taas, diskarte at sipag lang naman daw ang kailangan upang
makapagkamit ng magandang buhay. Ang sagot naman namin paano kami
makakadiskarte kung inaalisan nyo kami ng karapatang makapaghanapbuhay at
gustong gawing empleyado lamang hanggang pagtanda. Kaunti na nga lamang ang kita
ng mga drayber ng dyip na sila na ang may-ari gagawin nyo pang pribado ang bawat
sasakyan. Diba nga ang monopolyo ay pangit na magkaroon sa bansa pero bakit
itinutulak ng gobyerno ang korporasyong ito?
Yan ang mga hinaing ng mga jeepney drivers. Sabi nila, hindi sila galit sa mga ito
ngunit sana naman daw ay huwag nang iphaseout ang mga jeep at hayaang magsama
ang modern jeep at trasitional jeep na magsama sa isang daan. Iyan lamamng naman
ang nais nila. Nakipag komunikasyon sila sa LTFRB upang masabi ang hinaing, ito ay
isang berbal na proseso na kung saan ang lenggwaheng nagamit ay Filipino dahil mas
naiintindihan nila ang bawat isa. Ang mga awtlet at mga medya ay Filipinong wika din
ang ginamit upang maalis ang hindi pagkakaintindihan ng bawat. Ngunit kahit anong
berbal na pakiusapan ay hindi nakinig ang LTFRB bagkus ay naging mas matibay pa
ang kanilang gustong gawin. Kaya umaksyon na ang PISTON o ang Pinagkaisang
Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide na magkaroon muli ng ‘transport
strike’ sa Manila. Ito ay gaganapin sa Nobyembre 20-23, 2023. Ginagawa ito upang
hindi na matuloy ang pag phaseout ng jeepney. Ito ay maayos na inoorganisa ng
PISTON leader. Isa ito sa di -berbal na komunikasyon na ibig sabihin ay di nila gusto
ang proyektong inilalabas ng gobyerno. Dahil ang persepsyon ng ng mga drayber ay
sila ang magbabayad ng sasakyan, kanila ang gastos, at mayroong limit na kailangan
mong makuhang pasahe araw araw tapos hindi naman sa kanila nakapangalan ang
sasakyan dahil nasa kompangyang may hawak sa sasakyan na ito. Kaya sa halip na sa
kanila ang sasakyan, mapupunta ito sa kumpanya.
Hanggang ngayon ay naguusap pa din ang puno ng LTFRB at ang pinuno ng
PISTON batay sa ganitong isyu. Parehas namang may punto at parehas naman ay
tama. Hindi lamang nagkakaisa dahil siguro ay natapak na tayo sa pagbabago at halos
lahat naman ng tao ay hirap maka’adjust’ agad sa pagbabago. Ganito ang nagagawa
ng pakikipagkomunikasyon. Walang dahas, walang pisikal na sakit at walang
namamatayan. Tanging bibig, utak at puso lamang ang sandata upang magkaroon ng
pagkakaintindihan at kapayapaan. Iyan ang nagagawa ng ating wika.

You might also like