M4. Mga Gawaing Pangkomunikasyon NG Mga Pilipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

KONFILI | DR. JENNIFER CASABUENA-HERNANDEZ L2A | 1ST SEM | A.Y. 2023-2024

● Ang haba ng oras ng tsismisan ay di rin tiyak maari


● Sa kabila ng bugso ng modernisasyon sa bansa at sa itong ay saglit lamang o tumatagal ng isa o higit pang
impluwensiyang kanluranin sa anyo at pamamaraan ng oras, depende kung may mailalaang panahon ang mga
pakikisalamuha natin sa kapuwa, matingkad parin ang
nag-uusap at kung kailangan ng mahabang panahon sa
sariling kaakuhan ng komunikasyong Pilipino
pag-uusap.
● Ang komunikasyon ang nagbibigay buhay at
nagpapadaloy sa ugnayan ng mga tao habang ● Ang tsismis ay maaring totoo, bahagyang totoo,
hinuhulma nila ang kanilang lipunan at habang binaluktot na katotohanan, dinagdagan o binawasang
hinuhulma rin sila nito katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o narinig,
● Hindi nahuhulma ang isang lipunan kung walang haka-haka, sadyang di totoo o inimbentong kwento.
nagaganap na komunikasyon sa pagitan ng mga taong ● Ang tsismis ay may pinagmulan o pinanggalingan,
naninirahan dito.
mauuri ito sa tatlo;
● Sa pag-iral ng komunikasyon, nililikha ang kultura na
tumatagos sa lahat ng aspekto ng isang lipunan, ○ Obserbasyon ng unang tao o grupong
politikal, ekonomiya, at iba pa. nakakita o nakarinig sa itsitsismis;
● Kailangan din ng mga tao ng wika bilang behikulo ng ○ Imbentong pahayag ng isang
komunikasyon, para sa panlipunang pagkakaintindihan naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa; o
at pagkilos (Constantino & Atienza, 1996). ○ Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o
● Ang wika ang “daluyan, tagapagpahayag at
nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.
impokan-kuhanan” ng isang kultura (Salazar, 1996, p.
19) na umiiral at nakakahugis sa proseso ng ● Ang unang uri ang obserbasyon ay maaaring
komunikasyon ng mga taong patuloy ang pakikipag naipamahagi nang walang malisiya , at ito ay naging
ugnayan at pakikisalamuha sa isa’t isa. tsismis lamang, dahil kumalat ng hindi nabeberipika
● Nasa kulturang Pilipino rin ang kahilingan nating mga ● Sa pangalawa, ang pahayag ay may kaakibat na
Pilipino sa pakikisalamuha at ang pagiging bukas natin balaking maghasik ng intriga. Ang intriga ay isang uri
sa pagbuo ng mga relasyon sa kapuwa (Pertierra, 2010,
ng tsismis na nakasisira sa reputasyon o pagkakaibigan
p. 39 binanggit ni San Juan et al., p.81).
(Tan, 2016).
● Tatalakayin sa modyul na ito ang ilan sa mga gawaing
pangkomunikasyon madalas na nararanasan ng mga ● Ang pangatlong uri naman ay madalas
Pilipino na iba’t ibang bahagi ng bansa bilang kinakasangkapan ng naghaharing-uri kagaya ng mga
pagtatampok sa kaakuhan at kalingang ng mga Pilipino politiko, negosyante at dinastiyang politikal para
pagpapayaman ng pakikisalamuha ng sa isa’t isa. manira ng kalaban, lituhin ang taumbayan, o pagtakpan
● Bibigyan ng masusing pansin ang tsismisan, umpukan, ang mga kabuktutan.
talakayan, pulong bayan, pagbabahay-bahay,
● Karaniwang inuuri ang tsismis bilang home-stretcher,
komunikasyong di-bebal, at mga ekspresyong lokal.
pipe-dream, bogey at wedge- driver (Knapp binanggit
● “Hindi kapuwa ekslusibo sa isa’t isa ang mga ito.
Bagkus may mga pagkakataong nagaganap o ni Dela Cruz, 2014, p4)
nasasaksihan ang dalawa o higit pa nang makasabay o ○ Ang home-stretcher ay tsismis na kumakalat
magkahalo sa isang sitwasyon ng komunikasyon” (San bago ang aktuwal na pangyayari.
Juan,2018, p81). ○ Ang pipe-dream ay optimistikong tsismis na
nagtataglay ng mga imahen ng mga
TSISMISAN positibong pangyayari sa hinaharap.
○ Ang bogey naman ay tsismis na nagdudulot
● pinakamalapit sa salitang Ingles na “gossip”, at mula sa ng labis na pagkabalisa sa mga sumasagap at
salitang Espanyol na “chisme” nagpapakalat nito.
● Pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ○ Ang wedge-driver ay agresibong tsismis.
ay di tiyak Mapanira ito at kung minsan ay matindi ang
● Uri ng usapan sa pagitan ng dalawa o higit pang tao na epekto.
magkakapalagayang-loob ● Hindi lamang sa Pilipinas mayroong tsismis. Sa ibang
● Ang tsismis ay madalas nakakasira ng dignidad ng bansa, ang katumbas nito ay gossip, rumor, at iba pang
taong pinag- uusapan sapagkat walang sapat na kaugnay na salita kagaya ng hearsay, scuttlebutt, o
batayan at pruweba (katotohanan) ang usaping chatty talk na dumadaloy sa pamamagitan ng
ikinakalat. grapevine.

1
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
● Ang tsismis ay hinuhubog ng kulturang Pilipino at ● Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga
katutubong wika lalo ng angking sigla at kulay ng kusang lumapit para makiumpok, mga di-sadyang
bernakular na ginagamit sa pagtsismis. nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit.
● Ayon pa rin kay Dela Cruz, (2014) ang tsismis ay hindi ● Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumapit, siya ay
lang tumatalakay sa nangyayari sa personal na buhay masasabing isang usisero na ang tanging magagawa’y
kundi maging sa mga nangyayari sa lipunan manood at making sa mga nag- uumpukan; kung siya
● Ang tsismis sa pag-aaral ni Dela Cruz (2014) sa isang ay sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga
banda ay positibo dahil a) sa kasiyahang naidudulot nag-uumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o
nito bilang pangtanggal umay sa monotoni ng buhay; pabida
b) ang tsismis ay hindi lamang simpleng pagbabalita ● Likas na sa umpukan ang kwentuhan kung saan
kundi ebalwasyon sapagkat pagtataya ito kung anoa may pagpapalitan, “pagbibigayan, pagbubukas-loob at
ng normal at karapat-dapat; c) ang tsismis ay proseso pag-uugnay ng kalooban”
ng samahan kung saan eksklusibo sa isang grupo; at d) ● Walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusap sa
bilang pakikipagkapwa ay nagpapatibay ng samahan umpukan tulad ng tsismisan
ng isa’t isa. ● Ang umpukan ay puwedeng dumako rin sa seryosong
● Ang tsismis ay isang uri ng usapan o huntahan na talakayan, mainit na pagtatalo, masayang biruan,
posibleng nangyayari na bago pa man dumating ang malokong kantiyawan, at maging sa laro at kantahan.
mga mananakop sa bansa (Tan, 2016). ● Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas talagang
● Sa kabila ng negatibong konotasyon ng tsismis, ito ay maisingit ang biruan, na minsa’y nauuwi sa pikunan.
bahagi pa rin ng daynamiks ng interaksyon ng mga ● Taal na sa maraming Pilipino ang pagkapikon dahil sa
Pilipino sa kapwa at maaring magbigay sa mga “isang kulturang buhay na buhay at masigla dahil sa
magkakausap ng sikolohokal na koneksiyon at kultural pagbibiruan”( Enriquez (1976) ).
na ugnayan sa lipunang ginagalawan ● Ang umpukan ay isang masasabing isang ritwal ng mga
● Nagbibigay rin ito ng mga panimulang ideya hinggil sa Pilipino para mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa
mga isyung binibigyang pansin ng mga mamamayan. kapuwa.
● Ang tsismis ay maituturing na isang hamon sa ● Dito umuusbong at napapayabong ang diwa ng ating
pag-alam o paglalantad sa katotohanan, lalo na kung pakialam sa kapuwa
may katuturang panlipunan ang paksa ● Ang magkakaumpukan ay sinusubukang umugnay sa
● Sa mga mapaglaro ang isipan na sangkot sa “social isa’t isa, may pakialam sa isa’t isa, at nagbabahagi at
marketing” maaring magamit ang tsismis para takamin sumasagap ng mga impormasyon mula sa usapan ng
ang mga tao hinggil sa isang bagong teknolohiyang mga magkakaumpukan bilang tanda ng kanyang
panlipunang maaring ilako para mapakinabangan ng pagiging kasapi ng pamayanang kinabibilangan at
marami. kaniyang pakialam dito.
● Sa politikal na pananaw, sinasabing ginagamit ng mga ● Dito rin naisasalin at napapalaganap ang mga kuwento
naghaharing –uri ang tsismis bilang “instrumento ng ng bayan, ang mga lokal na pananaw, ang pagkaunawa
kapangyarihan” para linlangin ang taumbayan (Dela sa mga katutubong kaugalian, at iba pang salik na
Cruz, 2014) panlipunan at kultural na reyalidad
● Ang salamyaan ay isang halimbawa ng tradisyon kung
UMPUKAN saan tampok ang umpukan.
● Binigyang pansin ni Petras (2010) ang kahalagahan ng
salamyaan bilang talastasang bayan sapagkat
USAPAN, KATUWAAN, AT IBA PANG MALAPITANG
kinapapalooban ito nng dinamikong salaysay ng iba’t
SALAMUHAAN
ibang kalahok kung saan makikita ang
● Kahit saan mang lugar sa Pilipinas o lugar sa ibang
pagkakapantay-pantay at pagkakataong
bansa na may Pilipinong komunidad - ang umpukan ay
makapagbahagi ng sariling salaysay na nagbubunsod
isang karaniwang gawain.
sa pag-uugnay ng kalooban o pakikiisang-loob ng lahat
● Impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na
ng kasama sa usapan.
magkakakilala para mag-usap na magkakaharap
● Isa pang halimbawa ng komunikasyong pangkomunidad
● ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng
kung saan tampok din ang umpukan at iba pang
pagkakataon
kagawiang pangkomunikasyon ay ang ub-ufon ng mga

2
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
tubong Kadaclan sa Barlig, Bontoc, Mt. Province na 3. ang midyang pangkomunidad ay mainam
naninirahan sa Siyudad ng Baguio gamitin sa mga talakayan hinggil sa mga
● Madalas na ginagawa ang ub-ufon sa isang itinakdang gawaing pangkaunlaran na nakatuon sa mga
ator o dap-ayan (lugar), ng pagsasama-sama ng mga tukoy na pamayanan at may dulog na
umuli (magkabahayan) para magpakilala, mag-usap partisipatori
hinggil sa iba’t ibang isyu, magbigayan ng payo, ● Nahahasa ang kakayahan ng isang tao sa pagsasalita,
magresolba ng mga alitan, magturo ng tugtukon pagpapaliwanag at pangangatwiran sa pamamagitan
(customs/traditions) sa nakababata, mag-imbita sa ng talakayan.
mga okasyon, at magtulungan sa mga problema kagaya ● Nagkakaroon ng talakayan sa oras na magkaruon ng
ng pinansiyal na pangangailangan (Protectan, 2012 hindi pagkakaunawaan hingil sa mga isyu o detalye na
binanggit ni San Juan et al. 2018, p86). nangangailangan ng paglilinaw upang mangibabaw ang
● Sa pananaliksik naman, maaaring gamitin ang katotohanan.
umpukan bilang dulog sa pagtatanong-tanong at
pakikipagkwentuhan ( San Juan et al. 2018, p86) Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang:
1. kaayusan ng mga salitang gagamitin
TALAKAYAN 2. kalinawan ng mga punto at
katibayang ipinipresenta o gagamitin
3. kakayanahan at abilidad sa pagsasalita
MASINSINANG PALITAN AT TALABAN NG KAALAMAN
● Pagpapalitan ng ideya ng dalawa o higit pang kalahok
MGA URI NG TALAKAYAN
ukol sa isang paksa
Impormal – pagpapalitan ng mga kuru-kuro, malaya ang
● Ito ay maaring pormal, impormal o mediated (
salitaan at walang pormal na alituntunin o hakbang na
ginamitan ng anumang midya)
sinusunod, ang kalahok ang nagmamaneho ng daloy sa
● Ang pormal ay nagaganap sa talakayan sa paaralan, diskusyon
telebisyon o radio samantalang ang impormal naman
ay sa ano ng tsismisan o umpukan Pormal – may tiyak at kontroladong mga alituntunin at hakbang;
● Ang karaniwang layunin ng talakayan ay ang pagbusisi may namumuno sa talakayan at may kahandaan sa palalahad ng
sa isyu upang magkaroon ng aral, linaw at mga panig.
pagkakaunawaan gayundin ang pagkakaroon ng Hal: panayam, panel discussion, symposium, forum,
solusyon o makapagmungkahi ng solusyon lektyur
● Kahingian ang bukal sa loob na pagpapalitan,
masinsinang pagsusuri at pagtatasa, at pagtatahi ng Sa parehong talakayan nagkakaroon ng pagpapalitan ng
mga opinion, kaalaman at proposisyon kuro-kuro na maaring magbunsod sa pagbabanggaan dahil sa
● Inaasahan na magkakaroon ng pagpapalitan at magkakasalungat na palagay ukol sa isyu ngunit naroroon din
pagbabanggaan ng magkakaibang pananaw, pagkritik ang pagkikritik sa mga ibinabahaging impormasyon
sa mga ibinahaging ideya at impormasyon, at maging
ang marubdob na pagtatalo-talo lalo na kapag
kontrobersiyal o sensitibo ang paksa PORMAL IMPORMAL

● Sa isang pangkatang talakayan, hindi maiiwasan ang


Nagaganap sa mga Nangyayari sa umpukan at
pagkakainitan ng mga kalahok itinakdang pagpupulong at minsan sa tsismisan o
● Sa lipunang Pilipino, mas madalas mangyari ang sa mga palabas sa tv at radyo di-sinasadyang pagkikita
harapan kaysa mediated na talakayan, na maaaring kaya may posibilidad na hindi
iangkla ang pagiging makalipunan nating mga Pilipino lahat ng kalahok ay mapipili
at sa “personal” na pakikipag-ugnyan natin sa kapuwa (
Karaniwang may Ang mga kalahok mismo ang
San Juan & Soriaga, 1985).
itinatalagang tagapagdaloy kusang nagmamaneho sa
● Bagamat sa ibang pagkakataon, mainam ang mediated (facilitator) diskusyon
na talakayan ayon kay Quebral (1988) dahil
1. naiigpawan nito ang hadlang sa distansiya
kung ang mga kalahok ay magkakalayo
2. maraming tagapakinig o manonood ang
naaabot ng talakayang isinasahimpapawid

3
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
salita . Ang paggamit ng mga di-verbal na
PAGBABAHAY-BAHAY
pamamahayag ay tanghalan din ng mapagpahiwatig na
komunikasyon.
● ang pangangapitbahay ay nakapagpapatatag ng ● Mayaman ang kulturang Pilipino sa komunikasyong
samahan sa mga mamamayan ng isang komunidad di-berbal na naoobserbahan sa mga taong kalahok sa
● nagaganap ang kamustahan o usisaan sa buhay ng pakikisalamuha mula sa bahagi ng katawan ng mga
bawat isa, bahagian ng iniisip at saloobin, hingian p kalahok hanggang sa espasyo sa pagitan ng mga
palitan ng mga material na bagay maging ang nakikisalamuha.
tsismisan at umpukan ● Naisasagawa ito sa pamamagitan ng mga ss:
● Layon ng Interaksyon: karaniwang intindihin at gawain 1)paggalaw ng isang bahagi ng katawan, 2)
sa araw-araw kombinasyon ng ilang bahagi ng katawan, 3) panahon
● Ang pagbabahay-bahay ay karaniwan ding ginagawa ng ng pagsasalamuha, bilis o bagal kawalan o dalas at oras
mga kinatawan ng ahensya ng pamahalaan, pribadong o araw ng interaksyon 4) pook at kaligiran ng
institusyon o NGO na may tiyak na layong panlipunan pagsasalamuha, 5)kasuotan at burloloy sa katawan at
na nagangailangan ng kontribusyon, pakikiisa at 6)iba pang simbolismo gaya ng kulay
pakikipagtulungan ng mga residente ng isang
komunidad 1. Ang galaw ng katawan ng tao ang pinakagamiting di berbal na
senyales
PULONG BAYAN ● Ilan sa halimbawa ng pahiwatig na ito ayon kay Maggay
(2012), ay panlalaki ng mata, pagtaas ng kilay,pagkunot
MARUBDOB NA USAPANG PAMPAMAYANAN ng noo, pagnguso, pagkagat ng labi, pag-umang na
● Ito ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mga nakakuyom ang kamao,pagngisi, pagkibit ng balikat at
mamamayan sa tinakdang oras at lunan upang pagkuyakoy ng mga hita o binti habang nakaupo
pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyunan kung ● Makikita sa mga pahiwatig ng kilos ng tao ang
maari ang mga isyu, kabahalaan, problema, programa pagsasama-sama ng mga galaw na nabanggit.
at iba pang usaping pangpamayanan.
● Isinasagawa ito kapag may programang 2. Ang panahon ng pakikisalamuha ay may iba’t ibang
isinasakatuparan; problemang kailangang lutasin; at kahulugan din. Maaring:
mga batas na nais ipatupad sa isang komunidad ● minamadali ng kalahok ang interaksyon dahil
● Ang mga kalahok ay maaring – kinatawan ng marami pa siyang gagawin
iba’t-ibang sector sa isang pamayanan, kinatawan ng ● nagtatagal ang interaksyon sapagkat nasisiyahan ang
pamilya o sinumang residenteng apektado ng paksang kalahok
pinag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin. ● walang interaksyon na nangangahulugan ng galit o
● Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang tampo
tradisyunal na “saragpunan” o tipunan ng mga
Tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung 3. Lugar at kaligiran ng aksyon
saan may malalaking batong nakaayos nang pabilog na ● paghalakhak nang malakas sa simbahan -kawalan ng
nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa pulong. asal
● Maaring layon ng pulong-bayan ay ang pagkonsulta sa ● pagbabasa ng aklat sa parke – pagpapalipas oras
mga mamamayan, paghimok sa kanila na sumuporta o ● manliligaw na nagyayasa mamahalin kainan- galante
sumama, pagpaplano kasama sila, paggawa ng isang ● umiiyak sa sinehan habang nanoood ng drama-
desisyon na binalangkas nila, o pagmomobilisa sa mababaw ang luha
kanila hinggil sa isang isyu, problema gawain o
programang panlipunan. 4. iba’t ibang piraso ng kasuotan at aksesorya
● kulay ng damit na suot- nagpapahiwatig ng emosyon
KOMUNIKASYON DI-VERBAL ● tatak ng suot- sosyo ekonomik na kakayahan
● lapat o laki ng suot- hubog ng katawan

PAGPAPAHIWATIGAN SA MAYAMANG KALINANGAN


5. espasyo /proxemics
● Ito ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe
● mas malawak sa kanluraning bansa ang
sa pamamagitan ng samut-saring bagay maliban sa
pagpapakahulugan sa espasyo
4
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
● ang mga Pilipino ay sanay sa malapitang pag-uusap
HALIMBAWA KAHULUGAN
tulad ng tsismisan at umpukan
● Hindi partikular ang Pilipino sa kaayusan kapag Charot! Sinasabi pagkatapos bitiwan
nagsasagawa ng talakayan sapagkat karaniwan sa ang pahayag na di layuning
Pilipino ang magkakalapit kapag sumasali sa usapan pangatawanan ang
(Maggay, 2012) katotohanan

Ewan/Ewan ko sa’yo Kawalan ng tiyak na


6. kulay /colorics sagot/pag-iwas
● Iba’t ibang kahulugan sa ating kultura namakapagbitaw ng salitang
● Pula –masaya at umiibig posibleng makasakit
● Itim- nagdadalamhati/malungkot
Susmaryosep! Hesus, Maria , Jose (Joseph)
● Politika – dilaw- Aquino
Anak ng tokwa! maaring magpahayag ng
MGA EKSPRESYONG LOKAL pagkamangha or pagkagalit

Nakupo!/Susmaryosep! Pagkagulat o pag-aalala


TANDA NG MATINGKAD, MASIGLA, AT MAKULAY NA
UGNAYA’T KUWENTO Ano ba yan? Pagkadismaya o
● mga salita, parirala o pangungusap na na nasasambit pang-uuyam
dahil sa bugso ng damdamin ngunit ang kahulugan ay
hindi ang literal na kahulugan o depinisyon ng bawat Wow!/Eh di, wow! Sarkastikong tugon sa
pagmamalaki o di
salitang ginamit
nagustuhang pagsasabi ng
● Kadalasan ang kahulugan ng mga ekspresyong lokal ay totoo ng kausap
nakadepende sa konteksto ng usapan
● ang normal at likas na wika ay naiiba sa anyo at gamit
ng pilosipya at lohika
● nagbibigay kaibahan sa ibang wika at maaring
magdulot din ng kaguluhan sa taong hindi bihasa sa
lenggwahe
● Ito ay ang mga salita o pararilang nasambit ng mga
Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng – galit,
yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya,
tuwa o galak.
● May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o
pagpapaalam sa ibang-ibang lugar ng Pilipinas
● Sa talastasang Pilipino, ang mga lokal na ekspresyon
ang nagpapaigting at nagbibigay kulay sa m,ga kwento
ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at damdamin
ng mga Pinoy.
● Bawat lugar sa bansa ay mayroong kani-kaniyang
ekspresyong ginagamit para magpahiwatig ng mensahe
sa kanilang nakakasalamuha/kausap
● Dahil kilala ang Pilipino na ayaw makasakit ng kapwa o
umiiwas na makasugat ng damdamin ng iba, madalas
gumamit ng mga di tuwirang pahayag tulad ng
pagbibiro para masabi ang nais sabihin
● Sa mga Pilipinno, may tinatawag tayong birong totoo,-
birong may halong ilang hibla ng katotohanan at birong
walang katotohanan pero nanghahamon

You might also like