Rosaryo NG Pitong Hapis Ni Maria

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ROSARYO NG PITONG HAPIS NI MARIA

PASIMULA: Tatayo po ang lahat


AWIT: Inang Sakdal Linis

INANG SAKDAL LINIS


Inang sakdal linis Kami ay ihingi Sa
Diyos Ama namin; Awang minimithi.
Ave, Ave, Ave Maria (2X) Bayang
tinubua'y ipinagdarasal At
kapayapaan Nitong sanlibutan.
Ave, Ave, Ave Maria (2X)

Namumuno: Luluhod po ang lahat

N. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.


L. Amen.

Kura:
PANIMULANG PANALANGIN

Diyos ko, iniaalay ko ang pagdarasal ng rosaryong ito para sa Iyong


kaluwalhatian. Nais kong parangalan ang Iyong Banal na Ina, ang Mahal Na
Birheng Maria, sa pamamagitan ng pagninilay at pakikibahagi sa kanayang
paghihirap. O Hesukristo, Panginoon ko at Manunubos, may pagtitiwala sa Iyong
walang hanggang pag-ibig, lumalapit ako upang pagkalaooban Mo ako ng tunay
na pagsisisi para sa lahat ng aking mga kasalanan. Bigyan mo ako ng
karunungan at kapakumbabaan nang sa gayon ay makatanggap ng lahat ng
mga indulhensya na nakapaloob sa panalangin na ito, Amen.

PAGSISISI

O Diyos ko, ikinalulungkot ko ng buong puso ang pagkakasala ko sa Iyo.


Kinasusuklaman ko ang lahat kong kasalanan dahil sa takot sa Iyong
makatarungang hatol ngunit higit sa lahat, dahil ito’y nakakasakit sa Iyong
kalooban. Diyos na walang hanggan ng kabutihan at nararapat na ibigin nanag
walang katapusan. Matibay akong nagtitika na ikukumpisal ko ang aking mga
kasalanan, tutuparin ang tagubiling pagsisisi at sa tulong ng Iyong biyaya ay
magbabagong-buhay, Amen.

O Pinagpalang Birheng Maria, ikaw ang aming Ina at takbuhan naming


makasalanan. Dumudulog ako sa iyo ng may tiwala at pagmamahal. Itago mo ko
ako sa lilim ng Iyong pagmamahal at pagkalinga. Sa aking pagninilay sa mga
punyal ng hapis na tumarak sa iyong kalinis-linisan Puso, ipagkaloob mo sa akin
ang kapatawaran sa aking mga kasalanan at ang biyaya na makapamuhay ng
buhay na mapunyaging kabanalan.

O Maria na Ina, ipinagkakaisa ko ang aking puso sa iyo at iniaalay ang


pagdarasal ng rosaryong ito para sa kaparian, para sa kanilang paglago ng
kabanalan, sa kanilang Magisterio, sisasig sa pagpapahayag ng Mabuting Balita
at ang maigting na pagmamahal sa bayan ng Diyos. Ang kaparian nawa ay
mapagkumbabang maakit ang mga kaluluwa sa kanilang pagkalinga patungo sa
isang matalik na ugnayan sa Diyos.

Ipinapanalangin ko rin ang mga sumusunod na kahilingan…(banggitin ang


pansariling kahilingan)

Halina, O Espiritu Santo, lingapin mong lubos ang mga puso ng mga tapat
sa iyo at papag alabin sa kanila ang apoy ng Iyong pag-ibig.

Lahat: Ipadala ang iyong Espiritu at mangyayari sila, at Iyong mababago ang
lupang ibabaw.

Kura: Tatlong Aba Ginoong Maria

Lahat: Mahal na Ina, pakinggan mo ang aking mga panalangin at panibaguhin sa


aking puso ang bawat sugat ni Hesus, aking manunubos.

Namumuno: Tatayo po ang lahat


Kura: ANG PITONG HAPIS NI MARIA
Kura: 1. ANG UNANG HAPIS: Ang Propesiya ni Simeon tungkol sa sanggol na
Hesus

Magsisindi ng unang kandila

Taga-basa:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas (2:34-35)

Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y
nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang
magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya ng marami, kaya’t
mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil dito, magdaranas ka ng matinding
kapighatiang parang isang patalim na itinarak sa iyong puso.”

Luluhod po ang lahat

At darasalin ang:

Ama namin …
Pitong Aba Ginoong Maria

Lahat: Mahal na Ina, pakinggan mo ang aking mga panalangin at panibaguhin


sa aking puso ang bawat sugat ni Hesus, aking manunubos.

Tatayo po ang lahat

Kura:
2. ANG IKALAWANG HAPIS: Ang Pagtakas patungo sa Ehipto

Magsisindi ng kandila

Taga-basa:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (2:13)

Nang mangakaalis nga sila,a ng isang anghel ng Panginoon ay napakita kay


Jose sa panaginip, na nagsasabi, “Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at
ang kanyang ina, at tumakas ka hanggang sa Ehipto, dumoon ka hanggang sa
sabihin ko sa’yo: sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya’y
puksain.

Namumuno:

Luluhod po ang

lahat At darasalin

ang:

Ama namin …
Pitong Aba Ginoong Maria

Kura:

3. ANG IKATLONG HAPIS: Ang Paghahanap kay Hesus sa Templo ng


Herusalem

Magsisindi ng kandila

Taga-basa Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas (23:27)
Sila’y umuwi na pagkatapos ng pista. Si Hesus ay nagpa iwan sa Herusalem
ngunit hindi ito napansin ng Kanyang mga magulang. Maghapon na silang
nakapaglakbay na inaakalang kasama nila ang bata ngunit napansin nilang wala
pala siya. Siya ay hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at mga kakilala,
ngunit hindi nila natagpuan si Hesus. Kaya’t bumalik sila sa Herusalem upang
doon maghanap.
Namumuno:

Luluhod po ang

lahat At darasalin

ang:

Ama namin …
Pitong Aba Ginoong Maria
Kura:
4. ANG IKA-APAT NA HAPIS: Ang pagkakita nina Hesus at Maria sa daang
patungong Kalbaryo

Magsisindi ng kandila Taga-

basa:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon Kay San Lucas (23:27)

Sinundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang ilang babaing nag iiyakan at
tumatangis dahil sa Kanya.

Namumuno:

Luluhod po ang

lahat At darasalin

ang:

Ama namin …
Pitong Aba Ginoong Maria

Kura:
5. ANG IKA-LIMANG HAPIS: Si Maria sa paanan ng krus.

Magsisindi ng kandila Taga-

basa:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon Kay San Juan (19:25)

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae,
Si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.
Namumuno:

Luluhod po ang

lahat At darasalin

ang:

Ama namin …
Pitong Aba Ginoong Maria

Kura:

6. ANG IKA- ANIM NA HAPIS: Si Hesus ay ibinaba mula sa krus

Magsisindi ng kandila Taga-

basa:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon Kay San Mateo (27:57-59)

At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nag-


ngangalang Jose na ito’y naging alagad din naman ni Hesus; ang taong ito’y
naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Hesus. Nang magkagayo’y ipinag-
utos ni Pilato na ibigay yaon. At kinuhaa ni Jose ang bangkay at binalot niya ng
isang malinis na kayong lino.
Namumuno:

Luluhod po ang

lahat At darasalin

ang:

Ama namin …
Pitong Aba Ginoong Maria

Kura:

7. ANG IKA- PITONG HAPIS: Ang Paglilibing kay Hesus

Magsisindi ng kandila Taga-

basa:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon Kay San Juan (19:41-42)

Malapit sa pinag- pakuan kay Hesus ay may isang halamanan, at dito’y may
isang bagong libingang hindi pa napaglilibingan. Dahil noon ay bisperas ng Araw
ng Pamamahinga, at dahil sa malapit naman ang libingang ito, doon nila inilibing
si Hesus.

Kura:
PANGWAKAS NA PANALANGIN

O Maria, ikaw ay tunay na naging Reyna ng mga Martir nang ang pitong punyal
ng hapis ay tumarak sa iyong kalinis-linisang Puso. Sa pamamagitan ng iyong
mga pighati ay ipagkaloob mo sa amin at sa lahat ng mga makasalanan ang
biyaya ng pagsisisi at pagbabalik-loob. Tulungan mo kaming lagi, Mahal naming
Ina, na matularan ka na pasanin namin ang aming Krus at sumunod kay Hesus
na may walang katapusang pagmamahal at kabutihang-loob, Amen.
O Maria, ipinaglihing walang sala at nagdusa para sa amin,
LAHAT: Ipanalangin Mo Kami. (ulitin ng tatlong beses)

Kura: Litanya sa Mahal na Birhen ng Pitong Hapis ni Papa Pio VII

Panginoon, maawa ka sa amin


Panginoon, maawa ka sa amin
Kristo, maawa ka sa amin
Kristo, maawa ka sa amin
Panginoon, maawa ka sa amin
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami
Kristo, paka-pakinggan mo kami
Diyos Ama sa langit* Dagat ng Kapaitan**
*maawa ka sa amin Parang ng pagtitiis**
Diyos Anak na tumubos sa Masa ng Kahirapan**
sanlibutan* Diyos Espiritu Santo* Salamin ng Pagtitimpi**
Bato ng katatagan**
**Ipanalangin mo kami Kagalingan sa pagka balisa**
Tuwa ng mga nahihirapan**
Santa Maria** Kaban ng Kalungkutan**
Santang Birhen ng mga Birhen** Takbuhan ng mga walang mag
Ina ng Ipinako sa Krus** ampon** Tanggulan ng mga
Inang nagdadalamhati** ginigipit**
Inang namamanglaw** Manlulupig ng mga hindi
Inang nahihirapan** sumasampalataya** Kagalakan ng
Inang pinabayaan** mga kahabag-habag**
Inang naulila** Kagalingan ng may sakit**
Inang labis na nalulumbay** Tulong sa mga nasasaktan**
Inang naliligiran ng pighati** Lakas ng mga mahihina**
Ina ng hapis ** Taga-pag ingat ng mga lumalaban**
Bukal ng luha** Kanlungan ng mga wasak**
Kahinahunan ng unos**
Taga agapay ng mga nalulumbay**
Kapahingahan ng mga
naghihinagpis**
Takot ng mga mapanlinlang**
Estandarte ng mga Martir**
Yaman ng mga matatapat**
Liwanag ng mga kumpesor**
Perlas ng mga Birhen**
Kaaliwan ng mga belo**
Tuwa ng mga Banal**
Reyna ng mga tagapag lingkod**
Santa Maria na nag iisa at walang
kahambing**
Kura: Ipanalangin Mo kami, O birheng lubhang nagdadalamhati
Lahat: Nang kami’y dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo

Lahat: O Diyos, sa Iyong paghihirap, ayon sa hula ni Simeon, isang punyal ng


pighati ang tgumarak sa katamis-tamisang kaluluwa ng Iyong Maluwalhating
Pinagpalang Birheng Inang si Maria; Ipagkaloob mo na kami, na gumugunita sa
kanyang Pitong Hapis, ay matamo ang ligaya na dulot ng iyong pagpapakasakit,
Ikaw na nabubuhay at naghahari ngayon, at magpasawalang hanggan. Amen.

Kura: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Lahat: AMEN.

You might also like