Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

NEWS STORY 1:

MANILA, Philippines — Hawak na ngayon ng militar ang isa sa mga


itinuturong suspek sa madugong pagpapasabog sa Dimaporo Gymnasium sa
Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong Linggo.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief,
Colonel Xerses Trinidad, nasukol ng mga awtoridad si Jafar Gamo Sultan,
alyas Jaf at Kurot.

Batay sa ulat, naaresto si Sultan sa ikinasang operasyon ng mga tropa ng


Joint Task Force Marawi gayundin ng Marawi City Police Office nitong
Disyembre 6 sa Barangay Dulay Proper sa Marawi City sa tulong ng mga
impormante, kabilang ang mga Muslim religious leaders.

Si Sultan ay kasamahan ng isang alyas Omar, na siya namang tinukoy ng


mga testigo na nagdala ng improvised explosive device sa Dimaporo
Gymnasium habang nagsasagawa ng isang misa.Lumalabas kasi sa inisyal
na imbestigasyon, kabilang si Sultan sa mga kasabwat sa pagpapasabog.

Iniulat din ni Trinidad na narekober din nila ang dalawang motorsiklo sa


isinagawang operasyon habang patuloy pa ring tinutugis ang iba pang mga
suspek sa pagpapasabog.

Una nang pinangalanan ng PNP sina Kadapi Mimbesa alyas “Engineer” at


Arsani Mimbesa o alyas “Khatab” na kapwa miyembro ng Dawlah Islamiyah -
Maute Group.

Wala pang tugon ang AFP at PNP sa kung magkaiba o iisa ang tinutukoy na
mga suspek sa Marawi bombing.
Una nang pinangalanan ng PNP sina Kadapi Mimbesa alyas “Engineer” at
Arsani Mimbesa o alyas “Khatab” na kapwa miyembro ng Dawlah Islamiyah -
Maute Group.

Wala pang tugon ang AFP at PNP sa kung magkaiba o iisa ang tinutukoy na
mga suspek sa Marawi bombing.

Sa hiwalay na pahayag nitong Biyernes ni Bangsamoro regional police


director Brig. Gen. Allan Nobleza at ng mga opisyal ng Philippine Army 103rd
Infantry Brigade na sakop ang Marawi City at ang buong probinsya ng Lanao
del Sur, maraming local executives ang tumutulong sa paghanap sa iba pang
mga sangkot sa pambobomba, kabilang sa kanila sina Arseni Mimbesa at
Wahab Macabayao.

Apat na Katoliko ang nasawi at mahigit 40 ang mga nasugatan sa nasabing


MSU gym nitong umaga ng Linggo.
NEWS STORY 2:

MANILA, Philippines — Nangako si Philippine Coast Guard (PCG)


Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan na papanagutin ang Chinese-
flagged bulk carrier na bumangga sa isang bangkang-pangisda sa katubigang
sakop ng Paluan, Occidental Mindoro na lulan ang limang Pilipinong
mangingisda.

“We now are coordinating with the flag state. May existing protocols tayo to go
after maritime offenders,” saad ni Gavan.

“Any users of our seas, if they commit offense in our waters, we will go after
them, anywhere in the world, through the existing protocols that we have with
other Coast Guards,” dagdag pa niya.

Samantala, nagpahatid naman ng tulong ang PCG sa mga apektadong


pamilya ng limang mangingisdang sakay ng naturang bangka na nakabit sa
“payao” nang maganap ang insidente noong Disyembre 5.

Ayon sa mga biktima, nakahinto umano sila sa dagat nang bungguin sila ng
barkng MV Tai Hang 8. Sa halip na saklolohan sila, nagpatuloy sa paglalayag
ang naturang barko at hinayaan sila na malagay ang buhay sa panganib.

Inabisuhan na rin ang kapitan at ang may-ari ng bangka na maghain ng


marine protest.
SHOWBIZ NEWS:

Bukod sa Black Rider, may pagbibidahan pang soap opera si Michelle Dee
next year. Mismong si Ms. Annette Gozon-Valdes ang nagkuwento tungkol
dito. “Kinukuha rin siya ng isang malaking soap next year. Surprise pa,”
banggit ni Ms. Annette.

Though aniya may pinaghahandaan silang soap na lahat ng bida ay mga


beauty queen ng Sparkle.

Marami-rami na rin ang beauty queen sa Sparkle, ang talent arm ng GMA 7.

Samantala, pagkakaisa ang mensahe ni Michelle bilang Air Force reservist.


Sa kanyang post : “To stand in solidarity at the #StopAndSalute ceremony as
your Miss Universe Philippines and as Sergeant Michelle Marquez Dee was a
moment of love & pride.

“To the youth, let this be a testament to the power of service. Serving as a
public figure, an Air Force reservist and as someone who proudly raised our
flag at Miss Universe, it was truly an honor to be the ONLY woman in uniform
standing proudly alongside 40 uniformed soldiers.

“I hope this serves as a message, to embrace our roles, no matter how big or
small, in shaping our nation’s future. It’s our collective effort, passion, and
dedication that make the Philippines a remarkable place to call home.

“To the youth, dream boldly, act with purpose, and carry the Filipino spirit
wherever you go. Together, we can make a difference, one salute at a time,”
post niya habang nasa headquarter ng Air Force kung saan din reservist sina
Matteo Guidicelli and Deither Ocampo.
SPORTS NEWS:

MANILA, Philippines — Pagkatapos ng laban kung saan ay nasungkit ng De


La Salle University Green Archers ang korona ng UAAP Season 86 men’s
basketball tournament ay isinigaw ni Kevin Quiambao na babalik pa siya sa
susunod na taon.

Ikinatuwa naman ito ng DLSU community at mga fans na nakarinig sa kan-


yang mensahe.

“Salamat sa suporta mula noong first round,” pahayag ng Season 86 Most


Valuable Player (MVP). “One more year!”

Tinapos ng Green Archers ang University of the Philippines sa Game Three,


73-69, noong Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum matapos
magtala si Quiambao ng 24 points, 9 rebounds, 4 assists at 2 blocks.

Nag-average si Quiambao sa three-game finale ng 14.66 points, 9.33


rebounds, 2.33 assists at 2.0 blocks sapat upang tanghaling Finals MVP.

Hindi naging maganda ang inilaro ng 22-anyos na si Quiambao sa Game


One, kaya naman nangako siyang ibang Quaimbao ang mapapanood nila sa
susunod na laro.Hindi naman binigo ni Quiambao ang kanyang mga fans at
eskuwelahan kaya nakalsukan ng Green Archers ang pitong taon na
paghihintay na makasungkit ng kampeonato.

Sa ngayon ay nanamnamin muna ni Quiambao ang tagumpay nila bago isipin


ang susunod na hakbang“For now, magbabakasyon ako sa Japan sa
December 15. Bakasyon lang. Hindi ko pa alam,” ani Quiambao.

You might also like