Professional Documents
Culture Documents
Filipino q2 Modyul
Filipino q2 Modyul
Filipino q2 Modyul
FILIPINO 9
MODYUL 1
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang,
a. natutukoy ang pagkakaiba ng tanka at haiku,
b. nakapaglathala ng sariling tanka at haiku, at
c. naibabahagi ang kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng silangang Asya.
TANKA AT HAIKU
Ang tanka ay isa sa mga pinakamatandang anyo ng panitikan ng mga Hapones.
Ito ay nagmula sa waka na nangangahulugang tula ng mga Hapones. Sa kalaunan, ito
ay tinawag na tanka na nangangahulugang maikling tula. Ang karaniwang tema nito ay
pag-ibig. Bukod sa pag- ibig, binibigyan din ng pansin ang paglalarawan sa pang- araw-
araw na pamumuhay, isyung panlipunan tulad ng kahalagahan ng pagkakaisa,
pagbabago, at iba pa.
Ang tänka ay binubuo lamang ng limang taludtod at may kabuoang 31 pantig. Ito
ay nahahati sa pamamagitan ng limang pantig sa unang taludtod, pitong pantig sa
ikalawang taludtod, limang pantig sa ikatlong taludtod, at ang dalawang huling taludtod
ay may pitong pantig bawat isa.
TANKA
Salin sa Filipino ni Marga B. Carreon
Naiisip ka Nakilala ka
Sa panahong Heian (mula 794 hanggang 1185) nakilala ang tulang tanka sa
bansang Hapon. Sinasabi na noong panahong iyon, ang pagbigkas ng tanka ay isa sa
mga paboritong libangan ng mga taong kilala sa lipunan na tinatawag na maharlika o
aristokrat. Ngunit, sa pagsapit ng panahong Medieval (mula 1185 hanggang 1603), unti-
unting lumamlam ang tanka at naging popular ang haiku.
HAIKU
Salin sa Filipino ni Marga B. Carreon
Sa lumang lawa Sa isang sanga
Ang palaka'y lumundag Ang uwak nagpahinga
Tubig nag-ingay. Gabing taglagas.
ni Matsuo Basho (1644-1694)
Gabing malamig Patay ang ilaw
Napatay ang gagamba Tanaw mga bituin
Nalungkot ako. Sa 'king bintana.
ni Masaoka Shiki (1867-1902) ni Natsume Soseki (1867-1916)
Ang paruparo
May matalim na titig
Tumakbo rito.
ni Takahama Kyoshi (1874-1959)
Bagama't payak o simple ang mga salitang gamit sa tanka at haiku, mayaman ang
mga ito sa imahen at talinghaga. Nakatuon ang mga ito sa mga karanasan ng
manunulat at sa mga nakikita niya sa paligid na bagama't maaaring walang saysay sa
iba ay may hugot naman sa kanya.
Bukod dito, sa mga tulang tanka at haiku masasalamin ang iba pang mga
katangian ng mga Hapones tulad ng kanilang pagiging mapagmasid at pagmamahal sa
kapwa at kalikasan.
ISAGAWA MO
Pamantayan
Nilalaman = 20
Paggamit ng talinghaga= 20
Pagsunod sa wastong estilo ng pagbuo ng tula = 10
Kabuoan = 50
KAALAMANG
PAMPANITIKAN
Layunin:
Ang bawat tula at iba pang mga akdang pampanitikan ay kasasalaminan ng mga
matalinghagang salita o pahayag tulad ng mga idyomatikong pahayag at mga tayutay.
Ang talinghaga ay isang mahalagang sangkap ng tula na nagpapalutang sa damdamin
at mensaheng nais ipahiwatig ng may-akda. Ito ang kahulugan sa likuran ng mga salita.
Kaya nga ayon sa wikang Ingles, "Read between the lines." Nakatutulong ito sa
pagpapalinaw ng mensahe sapagkat may mga pagkakataong hindi sapat ang paggamit
ng mga simpleng salita upang maipahayag nang buo ang nararamdaman. Dahil dito,
nagiging mabisa ang pahayag.
1. balat-sibuyas - sensitibo
TAYUTAY
PAGTUTULAD/SIMILI
Pinaghahambing nito ang dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari at iba pa.
Ginagamit sa paghahambing ang mga pariralang katulad ng, para ng, kasing,
kawangis ng, tila, at iba pa.
Halimbawa:
“Ang buhay ay tila aandap-andap na kandila.”
PAGWAWANGIS/METAPORA
Pinaghahambing ang mga tao, bagay, pangyayari nang tiyakan. Hindi ginagamit
ang mga pariralang katulad ng, para ng, kasing, kawangis ng, tila, at iba pa.
Halimbawa:
“Ang guro ay arkitekto ng buhay.”
PAGBIBIGAY-KATAUHAN/PAGSASATAO/PANDIWANTAO/PERSONIPIKASYON
Pagsasalin ng aksyon, gawain o kilos ng tao sa mga bagay gamit ang mga pandiwa.
Halimbawa:
“Tumatakbo ang kamay ng orasan”
PAGMAMALABIS/HYPERBOLE
Pinaglalabis o pinagkukulang ang kalagayan ng isang tao, bagay, o pangyayari.
Halimbawa:
“Kahapon bumaha ng dolyar.”
“Nalulusaw ako sa titig ng matandang lalaki.”
PAGPAPALIT-SAKLAW/SINEKDOKE
Pagpapahayag na may pagbabangit sa isang bahagi ng isang bagay o tao para
kumakatawan na kabuuan o bise bersa.
Halimbawa:
“Isang Rizal ang nagbuwis buhay para sa kalayaan ng bansa.”
PAGTANGGI / LITOTES
Pinangungunahan ng mga salitang ayaw o hindi na maylayang patindihin ang
sinasabi.
Halimbawa:
“Hindi ako bulag upang hindi makitang niloloko mo ako”
PAG-UYAM/IRONY/BALINTUNAY/SARCASM
Pagpapahayag na pakutya ngunit waring pumupuri.
Halimbawa:
“Huwag kang malungkot, sobrang baba ng iskor mo.”
PAGDARAMDAM/ EXCLAMATION
Pagpapahayag ng masidhing damdamin o emosyon ng pagdaramdam tungkol sa
isang pangyayari.
Halimbawa:
“Sinungaling ka! Manloloko!”
PANGHIHIMIG
Ginagamit ito bilang pahayag sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay at may
kaakibat ng kahulugan.
Halimbawa:
“Dumagundong ang kulog sa kalangitan.”
PAHIMAN
Ginagamit ang mga di-makapagdaramdam na salita kapalit ng mga pahayag na
marahas, magaspang, o malaswa.
Halimbawa:
“Nagbibigay aliw ang babaeng iyan.”
PANAWAGAN
Ito ay pakikipag-usap sa isang tao o bagay na panlalagay na buhay o nasa
harapan lamang.
Halimbawa:
“Ulan! Dumating ka ngayong mainit ang aming pakiramdam.”
PAGSALUNGAT
Pinag-uugnay sa uring ito ang mga salitang magkasalungat ng kahulugan o
diwang ipinahahayag.
Halimbawa:
“Ang aking kasiyahan ay nasa aking pag-iisa.”
“Napakarami kong nasabi sa aking pananahimik.”
ALITERASYON
May pag-uulit sa katinig sa bahaging unahan.
Halimbawa:
“Kanina ay kasama kita, ngayon kailan kaya?”
KONSONANS
May pag-uulit sa katinig sa bahaging hulihan.
Halimbawa:
“Mapalad ang tulad niyang nagbabad sa hubad na katotohanan.”
ASONANSIYA
May pag-uulit sa patinig sa alinmang bahaging bahagi ng salita o pahayag.
Halimbawa:
“Tatawa ka ng tatawa sa ganda niyang talaga.”
ANAPORA
Bilang tayutay, nagkakaroon ng pag-uulit sa unang bahagi ng linya o pahayag.
Halimbawa:
“Ikaw ang sagot sa aking dasal.
Ikaw ang makapagpapawi ng aking kalungkutan.”
EPIPORA
Nagkakaroon ng pag-uulit sa huling bahagi ng linya o pahayag.
Halimbawa:
“Ang dahilan ng lahat ay ikaw,
kaya ang muling iibigin ko ay ikaw.”
ANADIPLOSIS
May pag-uulit ng salita sa bahaging una at huli.
Halimbawa:
“Ako ang kaniyang buhay. Buhay ko ay siya.
Siya ang kahulugan ng salitang ako.”
ISAGAWA MO
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagsasatao
Pagmamalabis
Pagtanggi
Pahiman
Panawagan
Panghihimig
Aliterasyon
Asonansya
Wika at
Gramatika
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. nalalaman ang ponemang suprasegmental;
b. nakapagpapakita ng isang mabisang pagtatanghal tungkol sa wastong Pagbigkas ng
tanka at haiku gamit ang mga suprasegmental; at
c. nababatid ang kahalagahan ng suprasegmental sa anyo pasulat o pasalita.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Sa pagtukoy sa kahulugan ng salita, parirala, o pangungusap, mahalagang
bigyang-pansin ang mga ponemang suprasegmental. Ang ponemang suprasegmental ay
tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na walang katumbas na letra sa pagsulat.
Ito ay ang sumusunod: tono o intonasyon, haba, diin, at antala o hinto.
Ang tono o intonasyon ay ang paraan ng pagbigkas ng mga salita. Tumutukoy ito
sa pagtaas at pagbaba ng boses upang ipahiwatig ang damdaming namamayani ng
tagapagsalita.
Halimbawa:
Sa probinsiya tayo magbakasyon upang madalaw na rin natin sina lolo at lola.
Halimbawa:
/pi.TO/ - Sa salitang pito (seven), nasa pantig na -to ang haba ng bigkas.
/Pl.to/ - Sa salitang pito (whistle), nasa pantig na pi- ang haba ng bigkas.
Mapapansin na kung nasaang pantig ang haba ay naroon din ang diin nito.
Gayundin, sa paglipat ng haba o ng diin ay nag-iiba rin ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
MAIKLING
PAGSUSULIT
I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tmang sagot.
1. Alin sa mga pangungusap ang nagsasabing hindi puti ang damit ni Boyet?
a. Hindi, puti ang damit ni Boyet.
b. Hindi puti ang damit ni Boyet.
II. Ibigay ang kahulugan ng bawat salita ayon sa haba o diin nito.
1. /TA.la/
2. /ba.SA/
3. /A. so/
4. /PU.no/
5. /la. MANG/
III. Ibigay ang tamang tono o intonasyon ng pagbigkas ng bawat salita gamit ang
dayagram na napag-aralan sa klase.
1. Kanina?
2. Totoo!
3. Ayaw ko.
4. Kagabi.
5. Tatakbo?
FILIPINO 9
IKALAWANG YUNIT
Pangalan: ______________________________________________
MODYUL 2
Layunin:
Noong unang panahon, nagpapiging ang mga kabayo at baka. Kahit na alam
nilang may pagkasakim ang mga baboy ay sinabi pa rin ng mga kabayo na: "Imbitahan
natin sila. Maaaring sa ganitong paraan ay maayos natin ang anomang hindi
pagkakaunawaan at maging magkakaibigan. Di nga ba't ito ay isang piging
pangkapayapaan?"
"Marami nang henerasyon ng mga baboy ang sumira ng ating mga bakod,
kumuha ng ating mga pagkain at inumin, at sumira ng ating malilinis na damo. Ngunit
hindi ba't totoo rin naman na maraming baka ang nakapanakit ng mga baboy?"
"Ang lahat ng kaguluhang ito ay hindi tama, at alam natin na gusto ng Panginoon
na tayo ay mabuhay nang payapa sa isa't isa. Hindi ba't isang magandang plano ang
pagkakaroon ng isang piging pangkapayapaan upang maayos ang problemang ito?"
Ang sabi ng baka: "Sino ang magiging pinuno ng ating piging at sino ang mag-
iimbita? Kailangan natin ng pinunong mahinahon at mabait na siyang pupunta sa
bahay ng baboy upang imbitahan sila."
"Hindi, ayoko ng away," ang sabi ng baka. "Ipinadala ako rito upang imbitahan
kayo sa isang piging. Kailangan kong malaman kung kayo ay dadalo upang masabi ko
sa aking pinuno."
Nang sila'y dumating, Nakita nilang ang pinuno ay ang pinakamaganda sa mga
grupo ng mga baka at napakabait nito sa mga bisita.
"Maaari ba ninyong sabihin sa inyong mga kasamahan na huwag nang sirain ang
mga bakod, sayangin ang lugar at kainin ang aming mga pagkain? Sa gayon, hindi na
sasaktan ng mga baka at kabayo ang inyong mga anak at ang mga dating hindi
pagkakasunduan ay kalilimutan na simula sa araw na ito."
Tumayo ang isang batang baboy at sinabing: "Ang pastulang ito ay sa Panginoon
at hindi sa inyo. Hindi kami makapupunta sa ibang lugar upang maghanap ng pagkain."
"Nililinis ng mga utusan ang aming kulungan araw- araw. Sa tag-araw, pinupuno
nila ng tubig ang lawa upang kami'y maligo."
"Ngayon, mga kaibigan, hindi ba ninyo nakikita na ang lahat ng ito ay pag-aari ng
Panginoon? Kakainin namin ang gusto namin at pupunta kami sa nais naming
puntahan. Kinakain lang naman namin ang inyong tirang pagkain. Masisira lamang ang
tirang pagkain kung hindi namin kakainin."
"Sagutin mo ang katanungang ito - Sinaktan na bang mga kapwa naming baboy
ang iyong mga kasamahan? Hindi. Ito ay kahit na taon-taon ay may mga anak kaming
napapatay ng mga baka at kabayo."
"Ano ang aming pagkain? Walang kuwenta; ngunit ang aming buhay ay
napakahalaga sa atin."
"Tingnan mo. Ang mga kabayo at baka ay laging nasa trabaho. May humihila ng
kariton, ang iba ay nagbubungkal ng lupa; at may sakit man o wala ay kailangan
ninyong magtrabaho."
"Mga kaibigan, iyon lamang ang aking masasabi. May tanong ba kayo? Lahat ba
ng sinabi ko ay totoo?"
"Malapit na ang Bagong Taon. Magandang gabi. Nawa ay mamuhay nang matagal
at masaya ang mga baboy tulad ng mga baka at kabayo kahit hindi naging matagumpay
ang ating piging pangkapayapaan."
Sa kanilang pag-uwi, nag-ingay ang mga baboy at isinigaw nilang, "Nanalo tayo!
Nanalo! Nanalo!"
Bakit makapangyarihan ang ilan kaysa sa iba? Isa lang ang nakakaalam. Bakit
higit na mahaba ang buhay ng iba kaysa sa iba? Isa lang ang nakakaalam. Bakit may
ilang nagtatagumpay kahit walang ginagawa samantalang ang iba ay pagod na sa
trabaho ngunit hindi nakakamit ang tagumpay? Isa lang ang nakakaalam
Kaalamang
Pampanitikan
Ang pabula ay isa sa mga uri ng kuwentong-bayan na kinagigiliwan ng mga bata.
Ang mga tauhan dito ay mga hayop ngunit nag-iisip, kumikilos, at nagsasalita tulad ng
tao. Sa pamamagitan ng mga hayop, naipakikita ang mga maling pag-uugali at
binibigyan ng halaga ang magagandang katangian. Dahil dito, ito ay kapupulutan ng
aral hindi lamang ng mga bata kundi maging ng matatanda.
WIKA AT
GRAMATIKA
Sa panahon ngayon, marami nang paraan upang maipahatid natin ang ating
damdamin sa ating kausap. Ngunit sa pasulat na pormal na pakikipagtalastasan, hindi
akmang gamitin ang mga nakagawiang paraan sa impormal na pakikipagtalastasan
sapagkat ang mga ito ay madalas lumilihis sa kawastuhan ng paggamit ng wika.
Sa pormal na pakikipagtalastasan, ang damdamin ay maaaring ipahayag sa
pamamagitan ng paggamit ng mga bantas tulad ng sumusunod:
Mga halimbawa:
Aray! (sakit)
PAG-UNAWA SA
BINASA
I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
_____1. Ano ang pinakamatandang anyo ng panulaan ng mga Hapones na binubuo ng limang
taludtod?
a. Tanaga b. Haiku c. Tanka d. Soneto
_____2. Anong anyo ng tula ang binubuo ng tatlong maikling taludtod at may kabuoang 17
pantig?
a. Tanaga b. Haiku c. Tanka d. Soneto
_____3. Anong panahong namalasak ang tanka sa bansang Hapon?
a. Heian b. Medieval c. Renaissance d. Revolution
_____4. Sino ang itinuturing na pinakasikat na manunulat ng Haiku?
a. Masaoka Shiki c. Matsuo Basho
b. Natsume Soseki d. Takahama Kyoshi
_____5. Bakit unti-unting lumamlam ang tanka?
a. wala ng nagsusulat nito c. hindi pumatok sa mambabasa
b. naging popular ang haiku d. naging karaniwan na ang tema nito
_____6. Alin sa sumusunod ang HINDI karaniwang paksa ng tanka?
a. pag-ibig
b. paglalarawan sa pang-araw-araw na pamumuhay
c. isyung panlipunan
d. nakatuon sa karanasan ng manunulat
_____7. Alin sa sumusunod ang karaniwang paksa ng haiku?
a. pag-ibig
b. paglalarawan sa pang-araw-araw na pamumuhay
c. isyung panlipunan
d. nakatuon sa karanasan ng manunulat
_____8. “Nagdilang-anghel si Mimiyuh nang ito’y nagsabing walang pasok sa Miyerkules.” Ano ang
ibig sabihin ng nagdilang-anghel?
a. hindi natupad b. naging anghel siya c. nagkatotoo d. naniniwala
_____9. “Dahil hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Jose, siya ay nagbibilang ng poste ngayon.”
Anong ibig sabihin ng salitang nasalungguhitan?
a. madiskarte sa buhay c. literal na nagbibilang
b. naghahanap ng trabaho d. naghihikahos sa buhay
_____10. “Si Nene ay lumaking anak-dalita gayon pa man ay may pangarap siya sa buhay na
gusto niyang matupad balang araw.” Anong salita sa pangungusap ang kasingkahulugan
ng idyomang anak-dalita?
a. marangya b. mahirap c. mapalad d. nangangarap
_____11. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakilala si Sasa Gurl kay Mimiyuh?
a. Mimiyuh Sasa Gurl ang aking pangalan. c. Mimiyuh Sasa Gurl, ang aking pangalan.
b. Mimiyuh, Sasa Gurl ang aking pangalan. d. Wala sa nabanggit.
_____12. Alin ang tamang diin ng salita na tumutukoy sa manggagawang Pilipino?
a. /MAG.sa.sa.ka/ b. /mag.sa.sa.KA/ c. /MAGSA.sa.ka/d. /MAGsasa.KA/
_____13. “Talaga? Yehey! Makikita ko na ulit sila!” Anong paraan ng pagbigkas ang ipinahihiwatig
ng pahayag?
a. pagbaba ng boses-nagtatanong c. pagtaas ng boses-nakikiusap
b. pagbaba ng boses-nalulungkot d. pagtaas ng boses-pananabik
_____14. Anong uri ng kuwentong bayan na ang mga tauhan dito ay mga hayop ngunit nag-iisip,
kumikilos at nagsasalita tulad ng tao?
a. Alamat b. Parabula c. Pabula d. Mito
_____15. Alin sa mga sumusunod na pabula ang naging sikat na akda ni Aesop?
a. Ang piging pangkapayapaan ng mga hayop c. Si Pagong at si Matsing
b. Ang Pagong at ang Kuneho d. Si Paruparo at si Langgam
_____16. Sino ang ipinadala ng mga baka at kabayo para imbitahan ang mga baboy sa pabulang
“Ang piging pangkapayapaan ng mga hayop”?
a. isang pandak at mahinahong baka c. isang lampang baka
b. isang malakas na baka d. isang malaking baka
_____17. Bakit kinakailangan magkaroon ng piging pangkapayapaan sa pabulang “Ang piging
pangkapayapaan ng mga hayop”?
a. maging maayos ang ‘di pagkakaunawaan c. nagkakasunduan
b. maging magkakaibigan d. lahat ng nabanggit
Para sa bilang 18-20. Basahing mabuti ang halimbawa ng haiku at sa halimbawang ito ay may
kalakip na mga tanong. Isulat ang hinihinging sagot sa patlang bago ang bilang.
“Sa lumang lawa.
Ang palaka’y lumundag,
Tubig nag-ingay.”
_____18. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ang binubuo ng haiku sa itaas?
a. 7-7-7 b. 5-5-5 c. 5-7-5 d. 7-5-7
_____19. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa tula?
a. Pagmamalabis b. Pagsasatao c. Pagwawangis d. Paghihimig
_____20. Anong mensahe ang nakapaloob sa tula?
a. Nakaramdam ng saya nang magkaroon ng kapiling
b. Maikli lamang ang buhay kaya huwag sayangin
c. Naiingayan sa paligid
d. Nakaramdam siya ng pangungulila.
II. PAGTUTUKOY
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang sumusunod na pangungusap. Isulat
ang sagot sa patlang.
_____________1. Maraming kamay ang nagtutulungan upang matapos ang aming
proyekto.
_____________2. Si Mang Tani ay kawangis ng aking ama.
_____________3. Sumasayaw ang mga dahon sa lakas ng hangin.
_____________4. Nararamdaman kong kumukulo ang dugo ng iyong ina sa galit.
_____________5. Siya ang tanglaw ng kinabukasan sa kanilang pamilya.
_____________6. Ikaw lang aking mahal. Mahal na aking kailangan.
_____________7. Pag-asa, nasaan ka na?
_____________8. Huwag ka ng malungkot. Sobrang baba ng marka mo sa Filipino.
_____________9. Napalingon ako sa lakas ng pot-pot ng trak.
_____________10. Hindi naman mahangin sa labas pero nagulo ang papel ko.
FILIPINO 9
MODYUL 3
Layunin:
PAGTATALUMPATI
1. BIGLAANG TALUMPATI
Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang paksa sa
oras ng pagsasalita.
2. MALUWAG NA TALUMPATI
3. MANUSKRITO
4. ISINAULONG TALUMPATI
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi
nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
1. INTRODUKSIYON
2. DISKUSYON O KATAWAN
Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatalakay ang
mahahalgang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa
ng talumpati.
e. Haba ng Talumpati - nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa
pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.
ISAGAWA MO
Panuto: Batay sa mga naibigay na salita na nasa kahon bumuo ng maikli ngunit
makabuluhang talumpati. Gawan ito ng sariling pamagat.
Pamantayan sa Pagbibigay-Puntos
Nilalaman 40%
Mekaniks 25%
Orihinalidad 10%
Kabuoan 100%
FILIPINO 9
MODYUL 4
Layunin:
ISANG INSIDENTE
ni Lu Xun (1881-1936)
Ang tunay na pangalan ni Lu Xun ay Zhou Shuren. Bukod sa pagiging manunulat, siya
ay isa ring tagapagsalin at kritiko ng mga akdang pampanitikan. Nagtungo si Lu Xun sa
Japan noong 1902 upang mag-aral ng medisina ngunit hindi niya ito tinapos at hinarap
ang pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
Salin sa Filipino ni John Andrew M. Del Prado Mula sa salin sa Ingles nina Yang Hsien-
yi at Gladys Yang
Anim na taon na ang nakalilipas mula noong nilisan ko ang lalawigan at nagtungo
sa siyudad. Sa panahong iyon, marami na akong narinig at nakita tungkol sa mga
suliranin ng bansa, ngunit ni isa ay walang tumatak sa akin. Kung may magtatanong
kung ano ang naging impluwensiya ng ma suliranin sa akin, ang tanging masasabi ko
lamang ay pinaiinit lang nila ang ulo ko at, sa totoo lang, ako'y lalo lamang nasusuklam.
Gayon pa man, isang insidente ang sa tingin ko'y makabuluhan, dahil pinalamig
nito ang ulo ko, kaya hinding-hindi ko ito makalilimutan.
Nangyari ito noong panahon ng taglamig noong 1917. Umiihip ang maginaw na
hangin mula sa hilaga, ngunit kailangan ko pa ring gumising nang maaga para
maghanapbuhay. Halos wala akong nakasalubong sa kalsada at nahirapan akong
makakita ng masasakyang pedicab papuntang Pasukan ng S--. Unti-unting bumababa
ang hangin. Sa ngayon, tinangay na ng hangin ang lahat ng alabok, iniwang malinis ang
kalsada, kaya napabilis ng kutsero ang pedicab. Nang papalapit na kami sa Pasukan ng
S--, may tumawid ng kalsada at nasabid sa pedicab, kaya siya'y bumagsak.
Isa siyang babae. Ang kaniyang buhok ay namumuti na, ang kaniyang damit ay
gula-gulanit. Ang nangyari ay bigla na lamang siyang tumakbo mula sa bangketa para
salubungin ang pedicab. Bagaman naitawid na kami ng kutsero, sumabit naman sa
tagiliran ng pedicab ang punit- punit na dyaket ng babae. Mabuti na lamang at huminto
kaagad ang kutsero. Kung hindi, maaaring mas masama ang pagkabagsak ng babae at
lalo pang masugatan. Nakatihaya siya sa lupa habang nakatigil ang pedicab.
Sa tingin ko'y hindi naman nasaktan ang matandang babae,at wala ring
nakasaksi sa nangyari, kaya nainis akong nagkaproblema pa ang kutsero at ako'y
natagalan pa.
Hindi niya ako pinansin o baka hindi niya ako narinig. dahil iniwan niya ang
pedicab at marahang tinulungang tumayo ang matandang babae. Habang inaalalayan
ang matanda, tinanong niya:
"Nasaktan ako."
Nakita ko kung paano siya dahan-dahang bumagsak, at sigurado akong hindi siya
nasugatan. Nakasusuyang isipin na marahil nagpapanggap lang siya. Pinansin pa kasi
ng kutsero, kaya ngayon may problema na. Kailangan na tuloy niya ng paraan para
makatakas sa gulong ito.
Parang unit-unting nawawalan ako ng lakas habang ako'y nakaupong walang kibo,
tulala, hanggang sa may pulis na lumabas sa estasyon. Bumaba ako ng pedicab.
Tumigil na ang hangin, ngunit tahimik pa rin ang kalsada. Nag-iisip ako habang
naglalakad, ngunit natatakot akong mag-isip ng mga bagay-bagay na laban sa akin.
Kung hindi nangyari ang insidente kanina, ano ang ibig kong sabihin sa pagbibigay ng
mga barya? Pabuya ba iyon? Sino ba ako para husgahan ang kutsero? Hindi ko masagot
ang sarili ko.
Kaalamang
Pampanitikan
1. Simula Dito ipinapakilala ang pangunahing tauhan. Dito rin inilalahad ang tagpuan
at suliraning hinaharap o haharapin ng pangunahing tauhan. Sa bahaging ito,
maaaring gumamit ang may- akda ng paglalarawan, diyalogo ng mga tauhan, o kaya
naman ay pagsasalaysay ng pangyayaring kinapapalooban ng kilos ng tauhang aakit ng
atensiyon ng mambabasa.
PAGSASANAY
Sa huling bahagi ng kuwento, ano ang naging tingin ng pangunahing tauhan sa kutsero
ng pedicab? Ano ang aral na naituro ng drayber ng pedicab sa pangunahing tauhan?
Paliwanag.
FILIPINO 9
MODYUL 5
Layunin:
Kaalamang
Kaalamang Pampanitikan
Pampanitikan
1. Iskrip Ang itinuturing na pinakakaluluwa ng dula. Walang itatanghal kung wala ito.
Ito ang isinasaalang-alang sa pag-iisip ng ibang elemento ng dula.
2. Mga tauhan o aktor sa tanghalan - Sila ang nagbibigay-buhay sa iskrip ng dula mula
sa kanilang pagkilos sa entablado, pagbigkas ng mga diyalogo, at pagpapakita ng iba't
ibang emosyon o damdamin.
PAGSASANAY
Panuto: Gamit ang elemento ng dula, sumulat ng maikling skit patungkol sa isang
haraya o imahinasyon lamang ng iyong isipan.
Pamantayan
Nilalaman = 20
Banghay = 10
Tuahan =10
Mekaniks = 10
Kabuoan = 50
Inihanda ni:
JHON PAUL E. MASIDDO