Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ama naming sumasalangit, Panginoong may lalang sa langit at lupa

Aming ipinagbubunyi ang iyong kadakilaan.


Kami ay nagpapasalamat sa panibagong araw na ipinagkaloob mo sa amin.
Maraming salamat sa iyong walang humpay na pagmamahal.
Ikinalulugod namin ang iyong pag-akay bilang isang bansa sa krisis na
aming nararanasan.
Kami ay lumalapit sa iyong kadakilaan, itinataas namin sa iyong pangalan
ang mga namumuno sa aming kagawaran.
Ipagkaloob mo sa kanila ang katatagan para sa mga desisyong nakaatang
sa kanilang mga balikat.
Gabayan mo ang kanilang mga hakbang sa pagsulong ng edukasyon sa
bansa.
Hinihiling namin na iyong ipadama ang pagdamay , pagkalinga, at
proteksyon sa aming mga guro, mag-aaral at mga magulang anoman ang
kanilang pinagdadaanan.
Patnubayan mo ang lahat ng mga guro sa pagpapatuloy ng kanilang
paglilingkod sa bayan.
Idinadalangin namin ang mga opisyal ng National Government mga lingkod
bayan ng Local Government Units hanggang sa mga opisyal ng barangay.
Biyayaan mo rin ng lakas at tibay araw-araw ang mga media partners at
iba pang kasangga namin sa pribadong sector.
Ngayong araw na ito, inilalapit at idinudulog namin sa iyo ang aming
Brigada Eskwela at Oplan Balik-Eskwela.
Nawa’y kasihan nyo ang aming programang ito. At sa pagbubukas ng
Taong Panuruan dalawang libo at dalawamput tatlo hanggang dalawang
libo at dalawamput apat (2023-2024) ipinagkakatiwala namin sa iyong
mga kamay ang walang hanggang paggabay sa aming pagtahak tungo sa
maliwanag na bukas. Naniniwala kami na aming malalagpasan ang lahat ng
pagsubok sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan kasama ng iyong anak
na si Jesuskristo. Amen….

You might also like