Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: III QUARTER: 1 WEEK: 3 DAY: 1

COMPETENCY & Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang


OBJECTIVES pamayanan sa sariling lalawigan batay sa: a) edad; b)
kasarian; c) etnisidad; at 4) relihiyon AP3LAR-Id-5
:
● Natutukoy ang populasyon ng iba’t ibang
pamayanan sa sariling lalawigan

CONTENT Populasyon sa Aking Pamayanan


:
LEARNING K to 12 Gabay Pangkurikulum p.18-20, LM p.41-45, Ap3 Q1 Mod.3
RESOURCES : p.1-5

PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation) 2 Min.

>Panalangin
>Balik-Aral
B. Pagganyak: (Motivation) 8 Min.

>Ano-anong lugar sa lalawigan ng Bohol ang inyung napuntahan? Ano ang


iyong pinaka paburitong lugar at Bakit?
>Alam ba ninyo kung ano ang ibig-sabihin nang salitang populasyon?
(ito ay bilang ng tao na nakatira sa isang lugar.)
>Gusto ba ninyong malaman kung ilan ang populasyon sa lalawigan ng
Bohol?
>Sa tingin ninyo ilan kayang tao ang nakatira sa ating sariling munisipalidad?
C. Paglalahad: (Presentation) 2 Min.

>Ipakita ang table tungkol sa Populasyon sa 48 na munisipalidad sa


lalawigan ng Bohol base sa 2015 census sa AP3 Q1 Mod. 3 p.3-5.
Populasyon sa 48 ka Municipalidad sa Lalawigan sa Bohol Base sa 2015
Census
Municipalidad Populasyon
Alburquerque 10,540
Alicia 23,517
Anda 16,462
Antequera 14,425
Baclayon 20,591
Balilihan 17,903
Batuan 12,767
Bien Unido 27,115
Bilar 17,590
Buenavista 27,261
Calape 30,863
Candijay 29,475
Carmen 46,306
Catigbian 22,675
Clarin 20,301
Corella 8,479
Cortes 16,954
Dagohoy 19,158
Danao 17,890
Dauis 45,663
Dimiao 14,364
Duero 17,876
Garcia Hernandez 24,194
Getafe 30,955
Guindulman 32,408
Inabanga 45,660
Jagna 33,892
Lila 12,257
Loay 16,691
Loboc 15,993
Loon 43,034
Mabini 27,171
Maribojoc 20,688
Panglao 33,553
Pilar 27,256
Pres. Carlos P. Garcia 23,356
Sagbayan 22,339
San Isidro 8,744
San Miguel 24,135
Sevilla 10,661
Sierre Bullones 24,745
Sikatuna 6,726
Tagbilaran 105,051
Talibon 66,969
Trinidad 31,956
Tubigon 45,893
Ubay 73,712
Valencia 27,126

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction) 12 Min.

>Ipaliwanag sa mga bata na ang lalawigan ng Bohol ay mayroong 47 na


munisipalidad at may isang lungsod o (city).
>Base sa 2015 cesus, mayroong 1,313,560 ang kabuohang populasyon sa
lalawigan ng Bohol.
>Basi sa table na inyung nakita ilang munisipalidad o lungsod(city) ang
kinuhaan ng datos?

E. Paghahasa (Exercises) 5 Min.

>Talakayin ang table sa pamamagitan ng sumusunod na katanungan.


● Anong munisipalidad ang pinaka-kunti ang populasyon na
ipinakita sa table?
● Ano namang munisipalidad o lungsod ang pinaka-maraming
populasyon? Bakit kaya ito ang pinaka-marami ang populasyon?
● Ano ang populasyon sa munisipalidad sa Pres. Carlos P. Garcia?

F. Paglalahat: (Generalization) 2 Min.

Populasyon ay ang bilang ng mga taong bumubuo sa isang pamayanan.


Ang bawat pamayanan, barangay, bayan o lalawigan ay may kani-kanilang
bilang ng taong naninirahan o populasyon.
>Gamit ang simpleng table malalaman na natin ang kabuohang populasyon
ng isang lugar.
G. Paglalapat (Application) 3 Min.

Isangguni sa LM p.41-42 Gawain A.

H. Pagtataya: (Evaluation) 6 Min.


Tukuyin at ibigay ang populasyon sa sumusunod na pamayanan sa lalawigan
ng Bohol gamit ang Table na base sa 2015 census sa lalawigan ng Bohol.
1. Getafe - 6.Talibon -
2. Danao - 7. Ubay-
3.Tagbilaran - 8.San Miguel-
4.Trinidad-
5.Bien Unido-

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)


Pag-aralan ang LM p.41-45
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: III QUARTER: 1 WEEK: 3 DAY: 2

COMPETENC Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang


Y& pamayanan sa sariling lalawigan batay sa: a) edad; b)
OBJECTIVES kasarian; c) etnisidad; at 4) relihiyon AP3LAR-Id-5
:
● Nailalarawan ang populasyon ng iba’t-ibang
pamayanan sa sariling lalawigan gamit ang bar
graph
CONTENT : Populasyon sa Aking Pamayanan
LEARNING K to 12 Gabay Pangkurikulum p.30, Patnubay ng Guro pp.18-22,
:
RESOURCES Kagamitan ng Mag-aaral p.41-42, AP3 Q1 Mod.3 p.11-14
PROCEDURE A. Paghahanda: (Preparation) 2 Min.
:
>Panalangin
>Pagbabalik-aral:

B. Pagganyak: (Motivation) 8 Min.

>Magkaroon ng isang gawain. Magpangkat-pangkat ang mga mag-aaral


ayon sa kulay ng kanilang damit.Gagawa sila ng simpleng bar graph batay
sa bilang ng mag-aaral na may parehong kulay ng damit.
>Gabayan ang mga bata sa pag-gawa ng bar graph.
Iproseso ang gawain sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:
a. Ilan ang pangkat na nabuo?
b. Ano ang kulay ng damit ang pinakamarami?
c.Ano naman ang pinaka-kaunti?
d. Ilan ang miyembro ng bawat pangkat?
e. Ano ang tawag sa bilang ng mga mag-aaral sa bawat pangkat?
C. Paglalahad: (Presentation) 2 Min.
>Ipakita ang simpleng bar graph. Sabihin na maaring maipakita ang pagkakaiba o
pagkakapareho ng dami ng kasapi sa bawat pangkat sa pamamagitan ng bar graph.
Ipaliwanag kung ano ang nasa x-axis at kung ano ang nasa y-axis. Ipaguhit sa mga
mag-aaral sa pisara ang dami ng mga bata sa bawat pangkat batay sa katatapos na
gawain. Magbigay ng batayang halimbawa bago ipagawa sa ilang piling mga
mag-aaral.

50
40
30
20
10
0 Babae Lalaki
Purok 1 Purok 2 Purok 3

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction) 12 Min.

>Itanong ang mga sumusunod:


● Aling mga pangkat ang pinakamarami ang kasapi?
● Aling mga pangkat ang magkasing dami?
● Aling mga pangkat ang pinakakaunti ang mga kasapi?
● Ano anong mga impormasyon ang maari pa nating malaman
batay sa simpleng bar graph na ito?
● Anong masasabi natin tungkol sa bar graph? Sa palagay ninyo,
mapaghahambing ba ninyo ang populasyon ng mga pamayanan
gamit ang graph na ito? Bakit?
E. Paghahasa (Exercises) 5 Min.

Pag-aralan ng mabuti ang graph na makikita sa AP3 Q1 Mod.3 p.11-14


>Pasugatan ang sumusunod na tanong.

F. Paglalahat: (Generalization) 2 Min.


>Ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kani- kaniyang dami ng tao o
populasyon. Ang pag-alam at pag-unawa ng populasyon ng sariling
pamayanan ay mahalaga upang malaman ang mga hakbang sa pagtugon ng
mga suliranin maaring dulot nito. Makakatulong din ang kaalaman sa
populasyon upang maipakita ang pagmamalasakit ng mga taong bumubuo
sa pamayanan sa bawat isa.
>Isang magandang paglalarawan ng pagkakaiba o pagkakapareho ng mga
populasyon ng mga lugar ay ang paggamit ng bar grap.

G. Paglalapat (Application) 3 Min.

Sagutin ang sumusunod na tanong basi sa Bar Graph tungkol sa


populasyon sa ikalawang distrito ng Bohol.
>Anong munisipalidad ang may pinaka-malaki ang populasyon?
>Ano naman ang ikalawa sa pinakamalaki ang populasyon?
>Anong munisipalidad ang may populasyon na 45,000?
>Anong populasyon ang pinaka-maliit na makikita sa bar graph?
>Ano ang dalawang munisipalidad ay parang magkaparehas ang kanilang
populasyon?

H. Pagtataya: (Evaluation) 6 Min.


BILANG NG MGA MAG-AARAL SA SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL

30

25

20

15 BABAE
LALAKI
10

0
GRADE 1 GRADE 2 GRADE 3 GRADE 4

>Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Anong baitang ang may pinakamaraming bilang ng mag-aaral? ____________
2. Anong baitang ang may pinakamaliit na bilang ng mag-aaral? __________
3. Anong baitang ang may pinakamaraming bilang ng babae? ____________
4. Anong namang baitang ang may parehong bilang ng babae at lalaki? ______
5. Ilan lahat ang populasyon sa Grade 3? ____________
6. Sa anong baitang ang may pinakamaraming lalaki? _________
7. Ilan ang populasyon ng San Jose Elementary School? ___________
8. Anong baitang ang may parehong bilang ng babaeng mag-aaral? ___________
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)
>Gumawa ng bar graph gamit ang datos ng iyong mga kamag-anak ayon sa
kasarian.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: III QUARTER: 1 WEEK: 3 DAY: 3

COMPETENC Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang


Y& pamayanan sa sariling lalawigan batay sa: a) edad; b)
OBJECTIVES kasarian; c) etnisidad; at 4) relihiyon AP3LAR-Id-5
● Naipapaliwanag ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang
: pamayanan sa sariling lalawigan sa pamamagitan ng paggamit ng
graph sariling rehiyon
● Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
populasyon ng sariling lalawigan

CONTENT : Ang Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Aking Rehiyon


LEARNING K to 12 Gabay Pangkurikulum p.30, Patnubay ng Guro pp.18-22,
:
RESOURCES Kagamitan ng Mag-aaral p.42, AP3 Q1 Mod.3 p.11-14
PROCEDURE A. Paghahanda: (Preparation) 2 Min.
:
>Panalangin
>Pagbabalik-aral

B. Pagganyak: (Motivation) 8 Min.

>Pangkatin ang klase sa tatlong pangkat, bigyan ang bawat pangkat ng tig-
sasampung perang papel.Sabihin sa mga mag-aaral na maglalaro ng tinda-
tindahan ang buong klase sa pamamagitan ng perang papel, bibili ang
pangkat ng prutas sa tindahan ng guro. Pagkakasyahin nila ang bigay na
pera ng guro. Sa pagbili ng prutas kailangan lahat ng kasapi ng pangkat ay
makakuha ng prutas. Ang pangkat na nakapagbigay ng prutas sa lahat ng
kasapi ang panalo.
> Pagkatapos na makabili ang lahat ng pangkat, tanungin ang bawat isa ng
mga sumusunod:
● Aling pangkat ang nakapagbigay ng prutas sa lahat ng kasapi?
● Aling pangkat naman ang hindi nakapagbigay ng prutas sa mga
kasapi?
● Bakit sa palagay ninyo may mga pangkat na nabigyan lahat at
mayroong ding hindi?
● Anong masasabi ninyo kapag marami ang kasapi at kaunti lamang
ang pagkain?
● Ano naman ang masasabi ninyo kung lahat ng kasapi ay may
pagkain at may sobra pa?
● Anong mangyayari kapag kaunti lang ang pagkain pero kaunti
lamang ang kasapi?
● Anong mangyayari kapag maraming marami ang mga kasapi at
kaunti lamang ang pagkain?
C. Paglalahad: (Presentation) 2 Min.

>Ilahad ang bar graph sa mga mag-aaral. Bigyan sila ulit ng pagkakataon
na pag-aral ang graph.

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction) 12 Min.

>Sagutin ang sumusunod na tanong basi sa Bar Graph tungkol sa


populasyon sa ikalawang distrito ng Bohol.
>Anong munisipalidad ang may pinaka-malaki na populasyon?
>Ano namang munisipalidad ang ikalawa sa pinakamalaki na
populasyon?
>Anong munisipalidad ang may populasyon na 45,000?
>Anong munisipalidad ang may pinaka-maliit na populasyon na
makikita sa bar graph?
>Ano ang dalawang munisipalidad na magkapareho ang kanilang
populasyon?

E. Paghahasa (Exercises) 5 Min.

Isulat ang populasyon base sa bar graph ng 2015 census sa ikalawang


distrito sa Bohol.

Munisipalidad Populasyon
Dagohoy
Sagbayan
Clarin
Inabanga
F. Paglalahat: (Generalization) 2 Min.
>Ang bar grap ay isa lamang uri ng grap na nagpapakita ng dami ng mga
tao sa iba’t ibang pamayanan. Maraming impormasyon ang makukuha
tungkol sa populasyon ng mga lugar sa paggamit ng bar grap
>Ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kani- kaniyang dami ng tao o
populasyon. Ang pag-alam at pag-unawa ng populasyon ng sariling
pamayanan ay mahalaga upang malaman ang mga hakbang sa pagtugon ng
mga suliranin maaring dulot nito. Makakatulong din ang kaalaman sa
populasyon upang maipakita ang pagmamalasakit ng mga taong bumubuo
sa pamayanan sa bawat isa.

G. Paglalapat (Application) 3 Min.

(PAIR WORK)
A.Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot ng Gawain C sa LM.
B. Talakayin ang mga kasagutan at magbigay ng pagwawasto sa mga sagot.
H. Pagtataya: (Evaluation) 6 Min.
>Gamit ang (Think,Pair & Share) bigyan ng pagkakataon ang mga bata na
maipaliwanag sa kanilang kaklase ang natutunan nila tungkol sa katangian ng
populasyon ng iba’t ibang pamayanan sa lalawigan ng Bohol basi sa bar graph na
inilahad.
>Ipaliwanag ang sumusunod na tanong sa iyong kaklase.
-Tungkol sa ano ang bar graph na pinag-aaralan?
-Ano ang makikita sa x-axis ng bar graph?
-Ano naman ang makikita sa y-axis ng bar graph?
-Ilan ang populasyon sa munisipalidad ng Talibon?
-Sa tingin ninyu bakit mahalaga ang bar graph?
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)
Ibahagi ang iyong natutunan tungkol sa populasyon ng mga
munisipalidad sa ikalawang distrito ng Bohol gamit ang bar graph sa kasapi
o miyembro ng iyong pamilya.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
n

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: III QUARTER: 1 WEEK: 3 DAY: 4

COMPETENCY & Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang


OBJECTIVES pamayanan sa sariling lalawigan batay sa: a) edad; b)
: kasarian; c) etnisidad; at 4) relihiyon
● Nakikilahok sa mga pangkatang-gawain na may
kinalaman sa populasyon ng sariling lalawigan
CONTENT : Ang Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Aking Rehiyon
LEARNING K to 12 Gabay Pangkurikulum p.30, Patnubay ng Guro pp.18-22,
:
RESOURCES Kagamitan ng Mag-aaral p.52
PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation) 2 Min.

>Panalangin
>Balik-Aral

B. Pagganyak: (Motivation) 8 Min.

>Pangkatin ang buong klase sa apat na pangkat. Magkaroon ng Jigsaw


Puzzle na gawain. Ang unang makabuo ng mapa na ibinigay ng guro ang
siyang panalo.
C. Paglalahad: (Presentation) 2 Min.

(PANGKATANG GAWAIN)
Gagamitin ng bawat grupo ang datus na nakasulat sa likod ng mapang nabuo
nila. Ipapaskil ng bawat grupo ang mapang nabuo at magkaroon ng gallery
walk upang maihambing ang populasyon ng bawat lalawigan sa sariling
rehiyon.

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction) 12 Min.

Pagkatapos ng gawain. Sasagutin ng mga mag-aarala ng mga sumusunod na


tanong na itatanong ng guro.
a. Anong lalawigan ang may pinakamaliit na bilang ng populasyon?
b. Anong lalawigan ang may pinakamaraming bilang ng populasyon?
c. Sa inyong palagay, bakit kaya kakaunti lang ang naninirahan sa lalawigan
ng Siquijor?
d. Bakit marami ang nakatira sa lalawigan ng Cebu?
E. Paghahasa (Exercises) 5 Min.

Pasagutan sa mga bata ang Gawain A sa LM p.52


F. Paglalahat: (Generalization) 2 Min.

Ano ang gamit ng mapa, picto graph at bar graph?


(Ginagamit ang mapa, picto graph at bar graph upang mailarawan at
maihambing ang populasyon ng mga lalawigan sa sariling rehiyon)
G. Paglalapat (Application) 3 Min.

PAIR WORK)
A.Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot ng Gawain B sa LM p.53
B. Talakayin ang mga kasagutan at magbigay ng pagwawasto sa mga sagot.

H. Pagtataya: (Evaluation) 6 Min.


Sagutin ang “Natutuhan Ko” na nasa LM pp. 55-56 sa malinis na papel.
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)
Iguhit ang mapa ng sariling barangay. Isulat sa ibaba ng mapa ang
populasyon nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

LINGGUHANG PAGSUSULIT

Name: _______________________________________ Petsa: ______________

I. Panuto:. Piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat ito sa papel.


Sikatuna Ubay
Bar graph
Tagbilaran Populasyon

1. ___________ ang bilang ng mga taong bumubuo sa isang pamayanan.


2. ___________ ay isa lamang uri ng grap na nagpapakita ng dami ng mga tao sa iba’t
ibang pamayanan.
3. Ang may pinakamalaking populasyon sa Bohol basis a 2015 census____________________.
4. Ang lugar o munisipalidad sa Bohol na may 73,712 na populasyon basi sa 2015 census
______________.
5. Ang lugar o munisipalidad sa Bohol na may 6,726 na populasyon basis a 2015 census
_____________.

II. Panuto: Tingnan ang Bar Graph at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa papel ang
tamang sagot.

1. Anong munisipalidad ang may pinakamalaking populasyon?


2. Anong munisipalidad ang may pinakamaliit na populasyon?
3. Basi sa larawan na makikita sa itaas, anong munisipalidad ang halos magkapareho ang
populasyon?
4. Anong munisipalidad ang may 30,000 na populasyon?

You might also like