Refltion Paper Prantill

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

REFLECTION PAPER

Ang pagbuklat ng bawat libro ay isang simbolo ng pagkakatuto. Ang pakikinig sa mga bawat salita ng
isang guro ay isang paraan para mapaunlad ang sarili. Ang mga pagsusulit na naghahasa ng iyong
kakayahan at kaalaman.

Bilang isang mag-aaral, tungkulin ng bawat indibidwal ang makinig, matuto at paunlarin ang sarili. Sa
araling "Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan" nabuksan nito ang isipan ng bawat indibidwal
kung ano ang pagkakaiba ng akademik sa di-akademik. Naiilathala dito kung paano pormal o tamang
pagsulat. Naiipakita din dito ang mga dapat iwasan o dapat tandaan bago sumulat ngmga nabanggit. Sa
pagtatalakay nito, napaunlad nito ang isipan ng mga mag-aaral ukol sa iba't ibang

paraan ng pagsulat gaya na lamang ng mga talumapti, panukalang proyekto, bionote, adyenda, katitikan
ng pulong at pictorial essay. Ang araling ito ay mapapaunlad ang kaalaman ng bawat indibidwal ukol sa
pagbibigay ng mga sariling kaalaman o opinyon.Napakahalagang malaman nito sapagkat makatutulon
ito sa hinaharap. Ihahalimbawa ko ang aking sarili, mahilig ako sa potograpiya, hindi ako palaimik sa
aking mga nararamdaman ko. Kung kaya't sa potograpiya koi to ipinapakita, bawat llitrato na aking
kinukuha ay may malalim na kahulugan sa akin. Kung kaya't ang

pictorial essay ay Malaki ang naitulong sa kadahilanang, napaunlad at napalawak nito

ang aking kaalaman sa pagbabahagi ng isang kwento sa potograpiya.

Ang araling ito ay malaki ang naiambag sa kaalaman ng bawat mag-aaral.

Napalawig din nito ang kahalagahan ng pagsulat sapagkat nauuso na ngayon ang

teknolohiya at nakakalimutan na ng bawait mag-aaral ang halaga at ganda ng

pagsulat.Hindi maitatangging ang bawat kabataan ngayon ay nakatuon na lamang sa

social media at hindi nabibigyang pansin ang kanilang mga natataong talento. Sa

pagbuklat ko ng librong ito ay aking natutunan ang mga wasto at iba't ibang paraan ng

pagsulat. Sa bawat salita na binibitawan ng aming guro ay ang paglawak at

pagkakatuto upang mapaunlad ang aking sarili at mga pagsusulit na nagpapatunay na

ang bawat mag-aaral ay may natutunan at nahasa ang kakayahan at talino ng bawat

estudyante.

You might also like