KOOPERATIBISMO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

KOOPERATIBISMO

KONSEPTU NG KOOPERATIBA

Ang mga kooperatiba ay mga institusyong nakatutulong na madagdagan ang kita ng mga
tao at mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Subali’t ang mga kooperatiba, bilang kasangkapan
para sa pangkabuhayan at panlipunang pagbabago, ay hindi nauukol lamang sa salapi, dibidendo
at tubo, at mga bagay na pinansiyal. Ang kooperatiba, una sa lahat, ay nauukol sa TAO – sa
pagpapabuti at pagpapaunlad ng tao.

Ang mahalagang papel na gagampanan ng mga kooperatiba sa pagpapaunlad ng ating


bansa ay nakasalalay sa ating pananaw sa kooperatiba, sa ating pagkakaunawa sa tunay na diwa
ng kilusang ito, at sa pagsasabuhay ng mga dakilang simulain na simula pa noong 1844 na naging
panuntunan ng libu-libong mga kooperatiba sa buong daigdig.

BATAYANG PANIWALA

Ang diwa, simulain at mga Gawain ng kooperatiba ay nakaugat sa ilang mahalagang


paniniwala:

1. Na ang bawa’t tao ay may likas na halaga at sariling dangal bilang tao.
2. Na ang kahalagahang pang-makatao ay mas importante kaysa kahalagahang pang-
materyal sa isang sibilisadong lipunan.
3. Na ang isang tao, gaano man siya kahirap, ay may taglay na kakayahan tumulong sa
sarili.
4. Na ang pagtutulungan ay higit na mabisa at higit na kapakipakinabang kaysa
paglalamangan.
5. Na ang isang tao o grupo ng tao ay maaring macaroon ng mas mabuting kabuhayan na
hindi kailangang magsamantala sa kapwa.
6. Na ang pinakamataas na adhikain ng lipunan ay makakamtan kung lahat ng Gawain ng
tao ay iniuukol para sa kabutihan ng lahat.
7. Na ang lipunan ay ganap na makikinabang kung lahat ng tao ay may pagkakataong
makibahagi sa mga bunga ng kanilang Gawain.

PINAGMULAN SALITANG “COOPERATIVE’

Ang salitang “cooperative” ay mula sa salitang Prances or French word na “COOPERARI”


Ang salitang “CO” ay hango sa salitang ingles, na ibig sabihin ay “to be with”. At ang salitang
“OPERARI” ay mula sa salitang Latin, ibig sabihin “to operate”.

ANO ANG KOOPERATIBA?

Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 1 12/26/23


Ang KOOPERATIBA ay isang samahan ng mga Pilipino, labing walong taon gulang pataas
na nabubuklod ng damdaming magtulungan. Pinagsasama-sama nila ang kanilang puhunan
upang magtatag ng negosyo, sila-sila ang may-ari, mangangasiwa, at ang kikitain nito’y kanilang
paghahati-hatian batay sa laki ng ambag at tangkilik § ng bawa’t kasapi, at handa rin silang
tumanggap ng pagkalugi nito. Ang mga kooperatiba ay pinalalakad sang-ayon sa kilala at subok ng
mga simulain or “Cooperative Principles”

MGA SIMULAING KOOPERATIBA [COOPERATIVE PRINCIPLES]

Ayon sa kasaysayan ng kilusang kooperatiba, noong kalagitnaan ng ika-18 daan taon sa


bayan ng Rochdale, England, dumanas ng matinding kahirapan ang mga tao sa lugar na iyon. Ito’y
bunga ng pag-usbong ng mga makinaryang ginamit sa mga pabrika o tinatawag nating Period of
Industrialization. Pinalitan ang mga libu-libong mga taong gumagawa sa mga pabrika at tuloy
nawalan ng hanap buhay at kita nito ay hindi sapat. Mahal ang mga bilihin maraming aklasan at
sigalot ang nangyari. Sa gitna ng ganitong malubhang kalagayan isinilang ang kilusang
kooperatiba sa pangunguna ng 28 karaniwang manghahabi ng kumot. Ang mga taong ito ay kilala
nating ngayon sa pangalang “Rochdale Pioneers”. Sila ay naging tampok hindi dahil sa tagumpay
na kanilang tinamo sa negosyo sa kabila ng kanilang kahirapan kundi dahil sa mga simulain ng
ginamit nilang panuntunan sa pagpapalakad ng kanilang samahan. Ang mga simulaing ito ay kilala
na panuntunan ng libu-libong mga kooperatiba sa buong mundo hanggang ngayon. Ito ay
itinadhana sa batas ng Kooperatiba bilang 9520 ª Isa-isa natin ipaliliwanag ang mga simulating ito
sa ibaba:

1. BUKAS AT KUSANG LOOB NA PAGSAPI [OPEN AND VOLUNTARY] MEMBERSHIP]

Ang pagsapi sa kooperatiba ay bukas para sa lahat ng tao na makakagamit ng mga


paglilingkod ng samahan. Sa pagtanggap ng kasapi, walang itinatangi, ano man ang
kanyang relihiyon o paniniwalang pampulitika. Walang dahilan upang tanggapin ang

§§ “Article 3, RA No. 9520 – General Concepts – A cooperative is an autonomous duly registered


association of persons, with a common bond of interest, who have voluntarily joined together to achieve
their social, economic, and cultural needs and aspirations making equitable contributions to the capital
required, patronizing their products and services and accepting a fair share of the risks and benefits of the
undertaking in accordance with universally accepted cooperative principles”.

“equitable” - “The rule of equity that applies in the relationship between the users individually and the
undertaking is a rule of proportionality. This is a well–known rule in connection with the manner of
defining members’ rights to trading surpluses. These surpluses are distributable, though only in part, since
deductions must be made to constitute reserve funds. The distributable surpluses of a co-operative
undertaking are not shared out among the users in the same way as the profits of a profit-making company
are shared out among its shareholders. In an undertaking conducted for profit the net gains (“or dividends”)
are divided by the number of shares: each person therefore receives a share of the profits in proportion to
the capital he has risked. In a co-operative undertaking the distributable surplus is shared out to each
member in proportion to the business operations he has effected with the society, i.e., in the exact
proportion in which he has helped to form this surplus. [Cooperation through Education] by Reginald K.
Harper, 1958]
ªª “Article 4, RA No. 9520. Cooperative Principles – Every Cooperative shall conduct its affairs in
accordance with Filipino culture, good values and experience and the universally accepted principles of
cooperation xxx”
Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 2 12/26/23
isang sumasapi na hindi nangangailangan at hindi makagagamit ng serbisyo ng
kooperatiba.

Ang pagsapi sa kooperatiba ay kusang-loob. Walang sino mang tao ang dapat puwersahin
sumapi. gayon din, walang kooperatiba ang dapat piliting tumanggap ng kasapi. Ang
isang tao ay malayang sumapi, sang-ayon sa kanyang sariling pagpapasiya. Malayang
sumapi ang sino mang nagtataglay ng kwalipikasyon sa pagsapi. Subali’t mahalaga na
siya ay naniniwala sa diwa at mga simulain ng kooperatiba at kanyang tutuparin ang mga
alitutunin ng kanyang samahan. Dapat din na siya ay kusang magiging aktibo at mabuting
kasapi. Kung kanyang inaakalang hindi na niya magagamit ang mga paglilingkod ng
kooperatiba, Malaya rin siyang magbitiw sa samahan

2. DEMOKRATIKONG PAMAMAHALA [DEMOCRATIC CONTROL]

Ang mga Gawain ng kooperatiba ay isinsakatuparan sa pamamagitan ng isang miyembro,


isang boto gaano man ang kontribusyon ng kasapi sa puhunan ng kooperatiba.
Ganito rin ang paraan sa paghahalal ng mga kagawad ng Lupong Patnugutan at
ng mga kagawad ng ibang lupon ng kooperatiba. Sa mga mataas na antas na
kooperatiba tulad ng “secondary” o “tertiary” hanggang sa pinakamataas, maaring
magkaroon ng ilang pagbabago sa paraan ng pagboboto, subali’t ito’y dapat
naaayon sa demokratikong paraan.

Ang demokrasya sa kooperatiba ay nangangahulugang ang control ay nasa kamay


ng mga kasapi. Ang mga kasapi, sa pamamgitan ng kanilang sama-samang desisyon, ang
may pinakamataas na kapangyarihan sa kooperatiba.

Ang kooperatiba ay isang munting demokrasya na kung saan ay may pagkakapatiran at


may sumisiglang partisipasyon ang mga kasapi. Tinutupad ng mga kasapi ang kanilang
tungkulin at tinatanggap nila ang kanilang pananagutan, hindi lamang bilang kasapi kundi
bilang tunay na ka may-ari ng kanilang kooperatiba.

3. PAGLAHOK NG KASAPI SA PANGKABUHAYAN [MEMBER ECONOMIC


PARTICIPATION]

Ang puhunan ng kooperatiba na galing sa mga kasapi ay binibigyan ng karapatang tubo o


interes. Ang interes na ibinayad sa puhunan ay bilang upa sa paggamit ng puhunang
ambag ng mga kasapi. Ang pinakamataas na interes na maaring ibigay sa puhunan ay
itinakda ng batas alinsunod sa simulaing ito.

Ang kooperatiba ay itinatag upang maglingkod at hindi upang magpatubo. Ang mga kasapi
ang ka may-ari at sila rin ang tumatangkilik ng negosyo ng kanilang samahan. Kaya’t
walang saysay na pagtubuan ang may-ari. Gayunman, kung may sumobrang halaga
matapos awasing ang kabuuang gastos at ang mga kinakailangang reserba, ang
nalalabing halaga ay
ibinabalik muli sa kasapi.

Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 3 12/26/23


4. AWTONOMIYA AT KASARINLAN [AUTONOMY AND INDEPENDENCE]

Ang kooperatiba ay isang sariling sikap na samahan. Kung makikipagkasundo ito sa ibang
samahan kinakailangan tiyakin na ang mga kasapi nito ang syang magpapasiya.

5. PATULOY NA PAGAARAL AT PAGSASANAY [CONTINUOUS EDUCATION AND


TRAINING]

Ang susi sa tagumpay ng kooperatiba ay ang patuloy na edukasyon at pagsasanay ng


mga kasapi, mga kagawad, upisyal at kawani ng kooperatiba. Ang edukasyon sa
kooperatiba ay upang maikintal sa kaisipan at maitanim sa damdamin ng mga kasapi ang
diwa ng pagtutulungan. Kailangang malaman ng mga kasapi ang mga simulain at layunin
ng kooperatiba, ang kanyang tunkulin at karapatan. Kailangan malaman ng mga
pamunuan ang wastong pamamahala ng kooperatiba bilang isang tunay na negosyo. Ang
kooperatiba ay magmumula sa edukasyon, umuunlad sa edukasyong at magtatagumpay
sa pamamagitan ng edukasyon.

6. PAGTUTULUNGAN NG MGA KOOPERATIBA [COOPERATION AMONG


COOPERATIVES]

Kung paanong magtutulungan ang mga kasapi ng isang “primary cooperative” gayon din
dapat magtulungan ang lahat at iba’t ibang uri ng kooperatiba sa lahat ng antas. Ang
kilusang kooperatiba ay may mabisang pag-uugnayan. Hiwa-hiwalay, sila ay mahina,
subali’t sama-sama, sila ay may lakas.

7. PAGMAMALASAKIT SA KUMONIDAD [CONCERN FOR COMMUNITY]

Ang kooperatiba ay lumilikha ng pagbabago sa kanikanilang pamayanan sa pamamagitan


ng mga patakarang pinagtibay ng kanilang kasapi.

MGA KATANGIAN NG KOOPERATIBA

Ang mga kooperatiba ay may mga katangian na hindi taglay ng ibang samahan o negosyo. Ito
ang mga palatandaan ng tunay na kooperatiba.

Ang kooperatiba ay upang maglingkod at hindi upang magtubo. Ang mga kasapi ay
namumuhunan sa kooperatiba hindi sa layuning kumita ng malaki kundi upang mabigyan ng
serbisyu na kanilang kailangan. Ang layunin ng isang karaniwang negosyo ay ang magkamit ng
pinakamalaking tubo. Ang isang tao ay hindi sasapi sa kooperatiba kung hindi niya kailangan ang
serbisyu nito.

Ang kooperatiba ay hindi isang “charitable organization”. Bagama’t alam ng mga kasapi na ang
kanilang samahan ay naglilingkod sa kanila, alam din nila na ito’y hindi nagkakawang-gawa—na
ang bawat benepisyong nakakamtan nila ito’y bunga ng kanilang sama-samang pagsisikap at
Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 4 12/26/23
pagtutulungan at hindi galling sa ibang tao. Ang kanilang salawaikain ay: “Ang kooperatiba ay hindi
upang magpatubo, hindi upang magkawang-gawaª, kundi upang maglingkod”.

Ang kooperatiba ay makatao. Ang kooperatiba ay hindi isang negosyo na interesado lamang
sa salapi, tubo at dibidendo. Higit sa lahat, ang kooperatiba ay ukol sa TAO – sa ganap na
pagpapabuti at pagpapaunlad ng tao. Binibigayan halaga nito ang lahat ng aspeto ng buhay: ang
Pangkabuhayan, Panlipunan, Pampulitika, Pangkultura at Pang-ispirituwal.

Ang kooperatiba ay tumutulong sa Pamayanan. Ang kooperatiba ay nakikilahok sa


mahalagang gawaing pampamayanan. Sinisikap ng kooperatiba ang magkaroon din ng
mabubuting mamamayan. Ang kooperatiba ay tumutulong na mapalaki ang produksiyon at kita ng
mga kasapi at sa ganitong paraan ay mapaunlad ang kabuhayan ng buong pamayanan.

Ang kooperatiba ay hindi isang saradong samahan na interesado lamang sa kanyang mga
kasapi. Ito ay bukas para sa lahat na nangangailangan ng kanyang tulong. Ang malawak na
pananaw ng kooperatiba ay mapaunlad ang panlipunan at pangkabuhayang kalagayan ng buong
pamayanan.

Ang kooperatiba ay ari ng mga kasapi, pinangangasiwaan ng mga kasapi at tinatangkilik ng


mga kasapi. Ang puhunan ng kooperatiba ay dapat manggaling sa mga kasapi. Kung ang puhunan
ay galling sa labas, hindi maituturing na ang mga kasapi ang tunay na may ari ng kooperatiba.
Kung hindi sila ang tunay na may ari, mayroong ibang tao na makikialam sa pangangasiwa ng
kanilang samahan. Sa ganitong kalagayan, mahirap mapangalagaan ng mga kasapi ang kanilang
kapakanan. Kaya’t ang kooperatiba ay dapat tunay na ari ng mga kasapi at sila rin ang dapat na
mamahala nito.

Bukod sa pagmamay ari at pangangasiwa, ang kooperatiba ay dapat tangkilikin ng mga


kasapi. Ang patuloy na pag bibigay ng buwanang saping puhunan ang siyang patunay na
pagtangkilik lalo na kung kaakiba’t nito’y pag gamit ng iba’t-ibang serbisyu iniaalay sa mga kasapi.
Ang tutoo’y itinatag ang kooperatiba para sa mga kasapit at hindi para sa ibang tao.

Ang kooperatiba ay nangangailangan ng mahusay na pamamahala. Ang kooperatiba, bukod


sa pagiging isang samahan ay isa ring tunay na negosyo. Kaya’t tulad ng alin mang negosyo, ang
kooperatiba ay nangangailangan ng mahusay na pamamahala. Hindi ito makapaglilingkod kung
hindi muna ito magtatagumpay bilang isang negosyo.

Ang kooperatiba ay umuunlad sa sariling sikap. Ang sariling pagsisikap at hindi ang umasa sa
iba ay isang mahalagang panuntunan ng mga kooperatiba. Ang diwang ito ay binigyan diin ni
Robert Owen nang kanyang sabihin: “Kung gusto mong makagawa ng isang bagay, ikaw mismo
ang gumawa”.

ªª “Article 7. RA No. 9520 Objectives of Cooperative- xxx provide goods and services to its members to
enable them to attain increased income, savings, investments, productivity, and purchasing power, and
promote among themselves equitable distribution of net surplus through maximum utilization of economies
of scale, cost-sharing and risk-sharing.
Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 5 12/26/23
Ang puhunan ay dapat manggaling sa mga taong nagbabalak magtatag ng kanilang
kooperatiba. Ang kahalagahan ng sariling pagsisikap ay napatunayan ni Frederick W. Raiffeisen,
ang ama ng mga credit union, nang ang mga kooperatiba na kanyang itinatag sa mga mahihirap
ay hindi nangagtagumpay. Nakita ni Raiffeisen ang kabutihan ng sariling pagsisikap nang ang mga
credit union na kanyang itinatag batay sa diwang ito ay mga nagtagumpay. Maari na rin nating
sabihin ngayon na ang sariling pagsisikap ang pinakamabisang paraan upang ang mga tao sa
mahihirap na bansa ay makaahon sa kanilang kahirapan.

Hindi natin sinasabi na hindi dapat humingi ng tulong sa labas kung kailangan. Subali’t ang
tulong na ito, ay hindi dapat pumatay sa paniniwala ng mga tao sa sarili nilang kakayahan. Dapat
ang tulong na ito’y lalong magbigay-sigla sa mga tao sa patuloy nilang pagsisikap na makatayo sa
sariling paa.

Ang kooperatiba ay tumutugon sa pangangailan ng mga kasapi. Mahirap asahan na ang mga
kasapi ay makikiisa at makikilahok sa mga gawain ng kooperatiba na hindi tumutugon sa kanilang
pangangailangan. Ang serbisyu ng kooperatiba ay tatangkilikin lamang ng mga kasapi kung ito’y
tumutugon sa kanilang pangangailangan. Kaya’t ang bagay na ito ay dapat isaalangalang bago pa
itatag ang isang kooperatiba.

Ang lakas ng kilusang kooperatiba ay nagmumula sa ibaba. Ang balangkas ng kilusang


kooperatiba ay inihahalintulad sa isang “pyramid”. Malapad sa ibaba at kumikitid habang tumataas.
Ang malapad sa balangkas sa ibaba ay binubuo ng mga “primary cooperatives” na nagsisilbing
pundasyon ng buong kilusan. Mahina ang buong balangkas kung mahina ang pundasyon.
Pag-uugnayan ng lahat ng sector. Tatlong sektor ang tumutulong sa pagpapalakas ng kilusang
kooperatiba: ang sektor ng gubyerno, ang pribadong sektor at ang sektor ng kooperatiba. Ang
bawa’t sektor ay may sariling papel na dapat gampanan sa pagpapalakas ng kilusang at sa
pagpapaunlad ng ekonomiya. Ang pag-uugnayan ng tatlong sektor na ito ay kailangan mula sa
pagpaplano, sa implementasyon hanggang sa ebalwasyon ng mga Gawain. Sa ganitong paraan
mapatutunayan ang bisa ng demokrasya at tunay na “People empowerment”.

SAPING PUHUNAN, PONDO AT DEPOSITO SA KOOPERATIBA

Ang kooperatiba ay maituturing isang alkansiya ng kasapi. Ito ay sapilitang programa ng


pagiimpok. Ika nga pag may nakasuksok, may madudukot. Ang kasapi ay mamumuhay sa ilalim
ng pagiimpok at wastong pagtitipid. Ito ay dapat maging bahagi ng kanyang buhay.

“PAR VALUE” – Ito ang halaga ng isang saping puhunan or “one Share”. Ang “Share Capital”
ay puhunan ng bawa’t isa na inilalagak sa kanyang kooperatiba. Maaring ito ang maging basehan
sa pautang sa mga kasapi. Bawa’t kasapi ay dapat may pangakong puhunan o “Subscribe Share
Capital”. Ito ang pangakong bibilhin ng kasapi ayon sa kanyang kakayahan. Ang ika-apat na
bahagi nito ay dapat bayaran ng kasapi bago siya maituring na ganap na kasapi. Ang naturang
balanse sa kanyang pangako ay dapat bayaran ng kasapi ayon sa kanyang itinakdang oras ng
pagbabayad, maging ito man ay lingguhan or buwanan.

Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 6 12/26/23


Ang tawag sa ibinayad na ika-apat na bahagi ng “Subscribe Share Capital” ay “Paid-up Share
Capital”. Ito ang saping puhunan na binayaran ng kasapi at dapat may resibo mula sa kooperatiba
bilang katibayan sa pag anib sa samahan. Ang Saping puhunan ay hindi maaring kunin sa
panahon ng pagiging kasapi. Ito ay tutubo ng salapi bilang upa na kung tawagin ay “interest on
Share Capital”. Sa pag gamit ng serbisyu sa kooperatiba, ang mga kaukulang patubo sa pautang
o “loan interest” o alin mang ipinatong na gastusing administratibo ay maituturing na “prepaid
expenses” ng samahan. Kung mayroong natirang pera doon sa gastos administratibo ang sobrang
pera ay ibinabilik sa kasapi bilang pagtangkilik sa negosyo ng samahan.

Bukod sa saping puhunan na inilagak ng mga kasapi, maaring tumanggap ang kooperatiba ng
“Savings Deposit o Time Deposit”. Ito ay kahalintulad ng sa bangko. Maglagak ng hindi bababa sa
isang daan piso (P100.00) upang tumubo ang nailagak o depende sa “By-Laws” at patakaran ng
samahan. Ang batayan sa patubo ay ang kalakal sa pribadong bangko. Maaring kunin ang salapi
ano mang oras kung ayaw mangutang sa samahan. Ang pondong ito ay maaring isama sa
ipauutang at hindi maaring kunin hangga’t mayroon pang utang. Ang bawa’t “depositor” ay
pagkakalooban ng “Passbook” at ito’y palaging nasa kasapi.

PAGPAPAYABONG AT PAG-IINGAT NG SALAPI

Ang salaping nalikom ay maaring gamitin sa pagkakaloob ng serbisyu sa mga kasapi. Ang
serbisyu ay dapat naayon sa layunin ng kooperatiba na nakatakda sa “Articles of Cooperation” ng
bawa’t kooperatiba.

Para sa pondo na ipauutang

Otsenta hanggang nobenta posiyento (80%-90%) ng saping puhunan at deposito ang


maaring ilaan sa ipauutang sa mga kasapi. Sa pondong ito dapat saisenta (60%) porsiyento ay
ilalaan sa “productive loan” at ang natira ay para sa “Providential Loan”. Sa ganitong paraan
tinutulungan ang kasapi na kumita dun sa perang hiniram niya sa samahan. Ito rin ay naglalayong
mapanatili ang katiwasayan sa paglalabas ng salapi at hindi matuyuan ang kilusang kooperatiba.

“Withdrawable Deposits”

Maglaan ng limang (5%) porsyento sa kabuuan ng nalikom na deposito upang panagot sa


anumang oras ng “withdrawal” ng salapi sa kooperatiba. Ito ay naglalayong matugunan ang
madaliang panganagilangan ng mga depositor.

Para sa Pagkakagastusan ng Kooperatiba

Sa pagpapatakbo ng kooperatiba, natural lamang na magkaroon ng mga gastusin. Subali’t


ito’y ibabawas sa kinikita ng samahan, Ang gastusin ay hindi dapat tumaas sa singkwenta (50%)
porsyento ng kinita ng samahan. Ito ay naglalayong mapatatag ang samahan at masupil ang labis
na gastusin. At ang mga gastusin ay dapat na maging lihitimo at mayroon “Budget approval” at
pinagtibay ng buong kasapian, na susundin ng pamunuan.

Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 7 12/26/23


Para sa Pagtatago o pag-iingat ng Salapi

Upang matugunan ang madaliang pangangailangan sa pondo at pagpapatakbo ng


samahan, gaya ng “withdrawal of deposit” o “emergency loan”, ang kooperatiba ay maglalaan ng
palagiang pondo na hahawakan ng ingat-yaman sa upisina ng kooperatiba, at ito’y tatawaging
“Petty Cash & Loan Fund” sa halagang itinalaga ng Board of Directors. At kung halos mauubos na
ang pondo ito ay isusuma at ibabalik muli sa nabanggit na halaga.

Ang ugnayan ng KASAPI at KOOPERATIBA

Ang kasapi ay:

◻ Maging masikap, masinop at maagap – magimpok sa kooperatiba


◻ Kamay ari ng kooperatiba
◻ Makilahok sa pagpapasiya ng sariling salaping naipon tungo sa pag-unlad ng
pangkabuhayan at pang lipunang adhikain
◻ Matutong disiplinahan at magtiwala sa sariling kakayahan
◻ Magbayad ng utang sa takdang panahon, sapagka’t ito lamang ang tangi mong yaman –
Ang Mapagkatiwalaan

Ang KOOPERATIBA sa Pagpapautang (Credit Coop)

◻ Ay nagtuturo ng tunay na paraan ng pagtitipid at pagiimpok


◻ Nagbibigay ng pagkakataong maunawaan ng tao ang kanyang kakayahan sa paghubog at
pagpapahalaga ng kaunlarang pantao at pagyamanin ang kabuhayan ng tao
◻ Nagbibigay ng karapatan sa Tao upang makautang sa mababang tubo para gamitin sa
puhunan sa negosyo, makapagpatayo ng bahay at iba pang pangangailangan ng tao sa
buhay.
◻ Nagbibigay ng tubo sa saping puhunan at balik-tangkilik
◻ Naghahangad na mapaglingkuran ang pangkabuhayan at panglipunan suliranin ng kasapi,
at maimulat ang pagkapantay-pantay ng mga tao
◻ Tumataguyod sa pangkalahatang pakikilahok sa mga kapasiyahan ng nakararami, kahit
maliit o malaki man ang saping puhunan
◻ Depensa sa suliraning pananalapi

Batayan sa “Pagpapa-utang”

a. CHARACTER ng kasapi- ugali ng kasapi sa larangan ng relihiyosong pagbabayad ng


utang sa iba o sa kooperatiba; ugali sa pag-iimpok; ugali sa pagtulong at pakikilahok sa
program ng kooperatiba.

“Rating System”

“1” Huwarang kasapi (good payment record, good savings record, good attitude) walang
palya sa pangako
Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 8 12/26/23
“2” Di gasinong huwaran (may problema sa pagpapaalala ng kanyang pangako,
pumapalya sa paghuhulog at pag-iimpok, subali’t may kakayahang magbayad, nakalilimot
nang sandali lamang)
“3” Di huwaran (may problema sa pagbabayad sa pangako, may sakit na limot, tago nang
tago kapag sinisingil, masama ang ugali sa pagbabayad)

b. “Capital Share” [Bayad na saping puhunan]

May sapat na lagak o “Share Capital” upang maipanagot sa obligasyon

c. “Capacity to Pay” [kakayahan sa Pagbayad]

May kakayahang magbayad ayon sa salaping kalagayan; may sapat na kita upang
maibayad sa inutang

d. “Co-Borrower” – ang kanyang “unobligated share capital” ang ipapahiram nya sa


kasamang Principal borrower sa pangungutang at walang alinlangan na pananagutan
kasamahang principal borrower sakaling di mabayaran ang inutang nito.

e. “Capacity to Pay” – pagsusuri sa kakayahang magbayad ng hiniram na pera ang


borrower at co-borrower.

d. “Collateral” [Ari-ariaang lupa o kasangkapan]

Dalawang uri ng “Collateral” ang maaring tanggapin bilang panagot sa pagkakautang, ang
“Hard” at “Soft” kolateral. Para sa tituladong lupa, saisiyenta (55%) porsiyento lamang
base sa halaga ng lupa ang maaring ipanagot sa pagkakautang at ang kooperatiba ang
siyang unang pinag-sanglaan nito. Ang “Chattel Mortgage” o mga kasangkapan na
maaring pangaot ay dapat may katibayan ng pagmamay-ari. Anim (6) na buwan lamang
edad ng kasangkapan o depende sa kasalukuyang-halaga ang maaring tanggapin ng
kooperatiba bilang garantiya o panagot sa pagkakautang.
Sa “soft collaterall” ay ang share certificate, sahod, mga iba pang benepisyung makukuha
ng kasapi sa Kooperatiba o pinaglilinkurang sa trabaho o ano mang pangkabuhayan.

f. “Condition” – kasalukuyang sitwasyon sa kalakal na maaring makapagpalakas o


ikapanghina ng pangkabuhayan o negosyong itinayu ng kasapi sa mga lugar na kanyang
binanggit.

g. “Credit Need”

May tunay na pangangailangan at hindi inembento ang layunin ng pangungutang at higit


sa lahat ay makatulong sa problema.

PAMAMAHALA NG KOOPERATIBA
Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 9 12/26/23
Ang pamamahala ng kooperatiba ay ayon sa By-Laws nito at ang Batas sa kooperatiba o
yung Republic Act No. 9520. Kaakibat sa maayos na pamamahala ay ang CDA Implementing
Rules and Regulations.

Ang kooperatiba ay pinamamahalaan ng mga ka-may-ari o kasapi, sa pamamagitan ng


pagtatalaga ng mga Gawain at mamumuno nito. Karaniwan ang mga Gawain ay nakapaloob sa
isang istruktura ng samahan. Narito sa ibaba ang isang larawan ng istruktura nito:

General Assembly

Election Cmte Board of Directors Audit Cmte

Other committees Secretary

Treasurer

Mgt Staff

Ang General Assembly o pangkalahatang kasapian ang siyang pinakamataas na


kinatawan ng kooperatiba. Ito lamang ang mayroon kapangyarihan mangasiwa sa lahat ng
kalakaran ng kooperatiba. Ang General Assembly ay binubuo ng mga kasaping may karapatang
bumoto at mayroon quorum ayon sa batas. Ito ay dapat magdaos ng taunang pagpupulong.

Ito ay may kapangyarihan na hindi maaring isalin kanino man:

1. Pagtitibay o pagsususog ng batas panloob. [kelangan ang 66% boto]


2. Paghahalal ng mga lupon at Patnugutan
3. Pagtibayin ang planong kaunlaran at taunang badyet
4. Iba pang bagay na kailangan anim na pu’t anim na porsyento ng lahat ng kasaping may
karapatang bumoto
Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 10 12/26/23
Kasapian:

Ang nais sumapi sa kooperatiba ay nag-aaply sa pamamagitan ng “Membership


Application form”. Ito ay ihahain sa Education Committee at irerekomenda ito sa Board of Directors
upang aprobahan.
Tungkulin ng Kasapi:

1. Bayaran ang saping puhunan sa takdang oras at lumahok sa pagpaparami ng pondo ng


kooperatiba
2. Humikayat ng mga matitinong miyembro ng kooperatiba
3. Dumalo at lumahok sa miting
4. Ibunsod at itaguyod ang kooperatibismo

Karapatan ng Kasapi:

1. Suriin ang lahat ng talaan at libro de benta ng koop


2. Bumoto at iboto ang sarili
3. Bigyan ng lahat ng impormasyon patungkol sa koop
4. Pagtibayin ang taunang badyet
5. Kumuha ng serbisyu nito
6. Maghabla laban sa mga tiwaling Gawain
7. Buwagin ang kooperatiba

Board of Directors

Ang Board of Directors [BoD] o Lupong Patnugutan ay isang kinatawan ng kooperatiba.


Sila ang gumagawa ng mga patakaran upang mapalakad ang kooperatiba ayon sa Saligang Batas
at ang mga batas sa Kooperatiba o Republic Act 9520 & IRR of 9520 pati na rin ang mga
alituntunin mula sa Cooperative Development Authority at ayon sa kapasiyahan ng mga kasapi.
Sila ang nangangasiwa sa kabuuhang negosyo ng kooperatiba sa pamamagitan ng kapangyarihan
itinadhana para dito. Gagamitin nilang gabay sa pagpaplano ay ang mga layuning nakasaad sa
Articles of Cooperation. Sa pamamagitan ng Action Plan dapat tukoy na ang Gawain sa loob ng
isang taon at ang mga taong magpapakilos nito.

Ang BoD ay binubuo ng lima hanggang labin-limang mga miyembro nito [5-15]. Hindi
maaring mag-kamaganak ang dalawang kagawad nito at dapat walang relasyong dugo [up to the
3rd civil degree] at sa panig ng asawa ang mangangasiwa sa kooperatiba. [Mag-Ama, Tala-anak,
Mag-asawa, mag-bilas, mag-pinsan, mag-bayaw]. Sila ay maaring manungkulan hanggang anim
na taong lamang.

Ang BoD ay dapat magkaroon ng buwanang pagpupulong at walang proxy voting. Ang
Board of Directors ay may dalawang upisyal na taunang inihahalal ng miyembro ng BoD, Isang
Chairman at Vice-Chairman. Ang Kalihim at ang Ingat-Yaman ay hindi miyembro ng Board of
Directors. Sila ay hinihirang ng Lupon base sa tiwala ng Board at maaring sila ay palitan ano mang
oras kung kinakailangan.
Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 11 12/26/23
Ang Chairman ng kooperatiba ang palagiang mangunguna sa lahat ng pagpupulong ng
kooperatiba maging sa Board o General Assembly. Ang Board of Directors ay maaring lumikha ng
komite at maghirang ng mga kagawad nito kung kinakailangan.

Audit Committee

Ang Audit Committee ay binubuo ng tatlong upisyales. Isang Chairman, isang Vice-Chairman
at ang Kalihim. Ito ay maaring manungkulan ng higit pa sa isang taon. Kalimitan ang miyembro nito
ay dapat may kaalaman sa pagkukuwenta at pagtutuos. Sila ay naatasang gumawa ng sumusunod
na bagay:

◻ Seguruhin na ang kooperatiba ay pinalalakad ayon sa batas at patakaran ng kooperatiba


upang tugunan ang pangangailangan ng mga kasapi nito
◻ Suriin at magrekomenda ng mga patakaran ukol sa pantao, pag-ampat sa tiwaling
systema ng pautang mga iba pang patakaran na hinihingi ng kaayusan
◻ Tasahan ang mga ginagawa ng iba pang upisyales at kawani ng kooperatiba
◻ Handang palitan ang Gawain ng Board of directors kung kinakailangan
◻ Dapat tiyakin na makakapaghain ng Taunang ulat at pampinansiyal na katayuan ng
kooperatiba sa Cooperative Development Authority o CDA

Election Committee

Halal ng General Assembly, sila (3 miyembro) ang taga-pangasiwa ng lahat ng halalan


maging sa General Assembly o sa mga pagpili ng mga pangunahing upisyales sa kooperatiba
tulad ng Chairman at Vice-Chairman. Sa pagtawag ng botohan ng Chairman sa General
Assembly, sila ang magbibilang ng mga boto ng kasapi. Idedeklara ng Election Committee kung
sino-sino ang mga nanalo sa halalan at sila rin ang mag-aayos ng ano mang protesta sa halalan.
Tumutulong sila sa Education Committee sa pag hikayat ng mga kwalipikadong kandidato sa
halalan at pag sasaayos ng listahan ng mga “Members in Good Standing”.

Conciliation Committee

Maaring halal din ng General Assembly, o hinirang ng Lupong Patnugutan, sila (3


miyembro) ang dulugan ng mga hinaing ng mga kasapi. Taga-pagdaloy ng dialogo upang
mapagakasundo ang mga magkatungali. Hangga’t maari lahat ng mga reklamo mga karaingan na
walang kinalaman sa usaping kriminal ay dapat isaayos ng lupong ito. Kung sakali man sila ang
ini-rereklamo, ang BoD ay maaring humirang ng isang ispesyal na lupon (5 miyembro) upang
ayusin ang reklamo laban sa miyembro nito.

Education Committee

Ang Vice-Chairman ng BoD ay awtomatikong tagapanguna sa Education Committee.


Bagama’t ang Vice-Chairman ang tagapanguna nito siya ay “ex-oficio member” o walang
karapatang bumoto sa Lupong ito. Ito ay maaring bumuo ng maraming miyembro depende sa
programang pang edukasyon at pagsasanay sa kooperatiba. Ang Education committee ang
Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 12 12/26/23
siyang mangunguna sa pag balangkas ng programang pang edukasyon at pagsasanay ng mga
kasapi at pamunuan nito. Dapat sa loob ng isang taon mayroon membership orientation seminar
ang idadaos ng Kooperatiba.

Management Staff

Ang kooperatiba ay pinangangasiwaan ng araw-araw. Bunga nito dapat magkaroon ng


upisina, mga kaukulang kagamitang pang upisina at tauhan. Ang pinuno o “Manager” nito ay
hirang ng Board of Directors. At ang mga kawani naman na nasa pamamahala ng Manager ay
dapat hirangin ng Manager. Ang Manager ay may katungkulang payabungin ang kalakal ng
kooperatiba. Siya ay naghahain ng buwanang ulat pampinansiyal at iba pang ulat negosyo ng koop
sa Board of Directors. Naghahain din ang Manager ng mga suhestiyon sa BoD para sa
ikagaganda at kaayusan sa pagpapatakbo ng kooperatiba.

Pagkatapos pong basahin ang impormasyong nakapaloob dito dapat basahin ang “By-
Laws” at ang “Articles of Cooperation” ng inyong kooperatiba. Pag-aralan at unawain din ang mga
patakaran ng kooperatiba.

Isinalin ni. Marvel L. Pingol


Fmr. Assistant Regional Director
CDA-MEO

Kooperatibismo: Marvel Pingol Page 13 12/26/23

You might also like