LILIM

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LILIM

Sa paglalakbay sa taong ito.

Tila'y maraming kaganapan sa buong sanlibutan.

Mga pangyayari na nagbigay ng maraming katanungan, sa isipan ng sangkatauhan.

Mga pangyayaring hindi inaasaahan,

Mga kaganapang nagdulot ng takot, pangamba at pagkalito sa puso ng karamihan.

At sa alapaap na bumalot sa himpapawid, na tila'y ang liwanag ay hindi na masilayan

Mga bagyo na humahagupit. Mga pag bayo ng Hangin na tila'y galit na galit,

Mga naglalakihang paghampas ng alon sa mga karagatan,

Mga paggalaw at pag yanig sa ilalim ng kalupaan,

at ang mga pagsabog ng bulkan.

Sabayan pa ng pandemyang lumaganap sa buong sandaigdigan.

Mga pangyayari sa mundo na walang pinipili.

Mayaman o mahirap. bahay o anumang kagamitan.

trabaho o pangarap, buhay o mahal sa buhay.

Mga kaganapang pumaos, sa mga naghihikahos na tinig.

tinig ng mga pusong pagod na at nais masumpungan ang sagot...

sagot sa mga katanungang...

Saan ba matatagpuan, ang sandigang ipagtatanggol ako?

Paano ba makakamit ang kapahingahang hinahanap ng aking puso.

Nasaan ba ang dulo ng disyertong ito?

Dahil hindi na kayang maglakbay pa.. Ngunit, dahil nga sa biyaya'y nagtiwala ka

kaya't nag patuloy ka sa paghakbang

At iyo ngang nasumpungan at nasilayan

ang pagkalinga ng liwanag nang maylikha.

Ang kagalingang hinahanap ng puso mong pagod na pagod na sa maingay na mundo

Ang sandigang iingatan ka. Ang kapahingaan na nais mong makamtam, Ang tanggulang ililigtas ka

ang kapayapaan mula, sa dakong lihim mo lang matatagpuan

Ang kanlungang mula sa malabay na pakpak mo lang masusumpungan,

Ang Lilim na regalo ng Diyos para sayo

Ang Lilim na ang Pangalan ay HESUS.

You might also like