Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

6 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 2: Week 4
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: __________________________Ikalawang Markahan - Ika-apat na Linggo


Baitang/Pangkat: ____________________Petsa: ____________________________

RESULTA NG PANANAKOP NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS

Susing Konsepto

Nagwakas ang ika-19 na daan taon na halos abot-kamay na ng mga Pilipino ang
kalayaan mula sa mga Espanyol. Matapos ang mahigit 300 taong kolonisasyon, nagising at
nag-aklas ang sambayanan laban sa mga Espanyol. Bago mag ika-20 daan taon, nagpakilala
ang mga Amerikano bilang bagong puwersa na nagpatuloy ng kolonyalismo sa Pilipinas.
Bagama’t naaninag na ang tagumpay laban sa mga Espanyol, ang pagiging kolonya ng
bansa sa ilalim ng Espanya ay naging pang-akit sa mga Amerikano upang sakupin ang
Pilipinas at inilunsad ang ambisyon nitong kolonisasyon.
Sa ibaba ay malalaman mo ang mga epekto ng kolonisasyon ng Amerika sa Pilipinas.

ANG PAGDATING NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS

Pakikipagkasundo ni Aguinaldo sa mga Amerikano


` Nakipagkasundo si Aguinaldo sa mga Amerikano matapos ipangako ng Estados
Unidos na kikilalanin nito ang kasarinlan ng Pilipinas kapag nakipagtulungan sa kanila ang
mga Pilipino na pabagsakin ang kapangyarihan ng Espanya. Bunga nito, higit na lumakas
ang loob ni Aguinaldo na bumalik sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang pakikibaka para sa
ganap na kalayaan sa kamay ng Espanyol.

Labanan sa Manila Bay


Sa pamumuno ni Commodore George Dewey nilusob nila ang Plota ng mga Kastila
na nakahimpil sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898 dala ang makabagong mga armas
pandigma na siyang nagpasuko kay Commodore Patricio Montojo, pinuno ng hukbong
Kastila.

Pagsuko ng mga Espanyol sa mga Amerikano


Dahil sa mas pinalakas na puwersang Amerikano, naging bukas na ang mga Espanyol
sa pagsuko. Upang makaiwas sa higit na kahihiyan, ang pagsukong ito ay ginawa nila sa
kamay ng mga Amerikano at hindi sa mga Pilipino na dati ay kanilang inalipin.Dito
nagsimulang maging bukas ang mga Espanyol sa Maynila sa lihim na pakikipag-usap sa mga
Amerikano para sa kanilang mga kondisyon ng pagsuko na hindi nalalaman ng mga Pilipino.

Pakikipagsabwatan ng mga Espanyol sa mga Amerikano


Sa pag-uusap nina George Dewey at Fermin Jaudenes, bagong Gobernador-Heneral
ng Espanyol sa Pilipinas iginiit ng huli na magkaroon ng kunwa- kunwariang labanan sa
pagitan ng hukbong Amerikano at Espanyol sa Maynila at sa labanang ito ay susuko ang
mga Espanyol. Ito ay sa kadahilanang napagtanto ni Jaudenes na wala ng pag-asa na
manatili pa ang kapangyarihan ng mga Espanyol sa Pilipinas partikular na sa Maynila. Ang
kasunduang ito ay isang mahigpit na lihim sa pagitan nina Dewey at Jaudenes kung kaya
walang kaalam-alam ang mga sundalong Amerikano at Espanyol tungkol dito lalong-lalo na
ang mga Pilipino.

2
Mock Battle of Manila
Bilang pagsunod sa lihim na kasunduan sa pagitan ni Dewey at Gobernador Heneral
Jaudenes ng Espanya, naganap ang kunwa-kunwariang Digmaan sa pagitan ng mga
Amerikano at Espanyol sa Maynila noong Agosto 13, 1898, tinawag ang labanang ito na
Mock Battle of Manila.

Ang Kasunduan sa Paris


Nilagdaan ng Espanya at Amerika ang kasunduan noong Disyembre 10, 1898 na
nagbigay-karapatan sa mga Amerikano na pamahalaan ang Pilipinas.
Bago nangyari ang kasunduan sa Paris, binuo at nagpulong sa Malolos ang kongreso noong
Setyembre 15, 1898. Mayroong 60 delegado na kumatawan sa mg lalawigan ng buong
kapuluan. Ang Saligang batas ng Republika ng Malolos ay ibinalangkas ng mga kinatawan
kaya’t nong Enero 23, 1899, pinasinayaan na ang Unang Republika ng Pilipinas sa Simbahan
ng Barasoain.

IMPLUWENSYA NG AMERIKA SA PILIPINAS


Mahigit sa apatnapung taon na sinakop ng mga Amerikano ang bansa. Maraming
bagay rin sa buhay ng mga Pilipino ang naimpluwensyahan bunga ng pananakop na ito.

Edukasyon- Ang pinakamahalagang ambag ng mga Amerikano sa ating bansa ay


edukasyon. Maraming pampublikong paaralan ang naitatag sa panahon ng mga Amerikano.
Ang libreng edukasyon ay itinaguyod nila para sa mga Pilipino, mayaman o mahirap man.
Dumating sa Pilipinas ang mga gurong Thomasites. Nagturo sila sa mga Paaralang
Pambayan at sa mga Paaralang Normal upang sanayin ang mga gurong Pilipino. Ang wikang
Ingles ay itinuro sa mga paaralan.

Relihiyong Protestantismo- Ang kalayaang makapili ng relihiyon ay naipatupad din ng mga


Amerikano. Ang Protestantismo at iba pang sekta ng relihiyon ay lumaganap nang panahong
ito. Ang pagbibigay nang malalim na pang-unawa sa pananampalataya ng isang tao sa
pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya at pagsunod sa mga kautusan nito ay pangunahing
aral ng Protestantismo.

Demokratikong Sistema ng Pamahalaan- Ipinakilala ng Amerika ang demokratikong


sistema ng pamahalaan na may tatlong sangay ang Ehekutibo o tagapagpaganap ng batas:
ang Lehislatibo o ang tagagawa ng batas at ang Hudikatura o tagahatol. Ang mga pangkat
pulitikal, pagboto at plebisito ay binuo at naisakatuparan. Ang mga Pilipino ay hinikayat na
lumahok sa pagbuo ng republika sa pamamagitan ng pagsisilbi sa mga tanggapan ng
pamahalaan. Itinuro rin nila ang karapatang pantao.

Pag-unlad ng Kabuhayan – Sa pagkakaroon ng mga makabagong teknolohiya sa


pagsasaka, dumami ang produksyon ng mga magsasaka at kalaunan ay nakilala na rin ang
iba pang industriya tulad ng tela, sigarilyo alak, asukal at pagdedelata ng mga isda.

Napabilis ang Komunikasyon at Transportasyon- Sa pagpapatayo ng mga makabagong


daan, tulay at riles ng tren ay napabilis ang paglalakbay. Ginamit din sa unang pagkakataon
ang mga makabagong at de motor na sasakyang pandagat. Halimbawa nito ang barko,
lantsa, tugboat at sasakyang panghimpapawid o eroplano. Sa pagkaroon ng kuryente, radyo,
telepono, at wireless telegraph ay mas napabilis ang komunikasyon. Napabilis din ang daloy
ng komunikasyon sa loob at labas ng bansa sa ng pagtatatag ng isang tanggapang pang-
koreo sa bawat munisipyo. Noong 1933, itinatag ang serbisyo ng radiophone na nag-uugnay
sa Pilipinas sa ibang lungsod sa daigdig.

3
Pag-unlad ng Programang Pang-kalusugan- Dahil sa naging malaking suliranin ng mga
Amerikano noon ang paglitaw ng kolera at bulutong sa Maynila, naipatupad ang kahalagahan
ng kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang sakit. Binuo ang Lupon ng Pampublikong
Kalusugan at nagpatayo ng mga ospital, klinika, pagkakaroon ng makabagong mga gamot
at kagamitang pang-medisina.

Namulat sa Makabagong Kasuotan -Natuto ang mga kalalakihan na magsuot ng polo-shirt,


amerikana at kurbata. Ang mga kababaihan naman ay natutong magbihis ng maikling damit,
sapatos na may mataas na takong, handbag at gumagamit ng mga produktong pampaganda
o cosmetics.

Nagkakaroon ng Malayang Kalakalan- Umunlad ang ekonomiya sa pagpapatupad ng mga


Amerikano ng malayang kalakalan at nagkaroon ng kompetisyon sa pamilihan. Ang mga
Pilipino ay nabigyan ng pagkakataon na humawak ng maliliit na negosyo at magtinda ng
magkakaparehong produkto. Dahil dito naging buhay ang industriya at kalakalan sa bansa.
Maraming imported na produkto ang pumasok sa bansa gaya ng mga de-latang pagkain at
tsokolate.

Pagbabago ng Kaugaliang Pilipino- Sa halip na pagmamano o paghalik sa kamay ng


matatanda, natuto ang mga Pilipino ng paghalik sa pisngi, pagkaway at pagsasabi ng hi o
hello. Ang pagbubuklod ng pamilyang Pilipino ay naging maluwag bunga ng liberal na
paniniwala.

Pag-usbong ng Kaisipang Kolonyal- Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng pagkahilig at


malaking pagpapahalaga sa anumang bagay na dayuhan o imported na naging sanhi ng
mababang pagtingin sa mga bagay na gawa sa Pilipinas.

Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang resulta ng Pananakop ng mga


Amerikano.

Mga Layunin:

1. Natatalakay ang mahahalagang pangyayari sa panahon ng pananakop ng


mga Amerikano.

2. Natutukoy ang mabuti at di mabuting epekto ng pananakop ng mga Amerikano.

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin kung ang impluwensiyang Amerikano ay nakabuti o nakasama sa
Pilipinas. Iguhit ang sa patlang kung nakabuti at kung di-nakabuti.

__________1. Pagpapatayo ng mga pambublikong paaralan sa iba’t ibang panig


ng Pilipinas.
__________2. Nagkaroon ng malayang kalakalan.
__________3. Paghalik sa pisngi ng nakatatanda sa halip na pagmamano.
__________4. Pagkakaroon makabagong kagamitang pang-medisina.
__________5. Nagkaroon ng malalim na pang-unawa sa pananampalataya mga
Pilipino sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya.

4
__________6. Pagkakaroon ng mga makabagong makinarya.
__________7. Pagkakaroon ng kaisipang kolonyal.
__________8. Pag-usbong ng Liberal na paniniwala.
__________9. Pagkakaroon ng Demokratikong Sistema ng Pamahalaan.
__________10. Namulat sa pagsusuot ng mga maiikling damit at sapatos na may
mataas na takong.

Pagsasanay 2
Panuto: Ipaliwanag kung paano nakaapekto sa Pilipinas ang mga Impluwensyang
Amerikano.
1. Makabagong makinarya sa pagsasaka-
__________________________________________________________________

2. Pagpapatupad ng malayang kalakalan-


___________________________________________________________________
3.Pagpapatayo ng mga pampublikong pararalan-
___________________________________________________________________
4. Pagpapatayo ng mga tulay, daan at mga riles ng tren-
___________________________________________________________________

5. Kaisipang Kolonyal- _________________________________________________

Pagsasanay 3
Panuto: Punan ng mahalagang pangyayari ang mga sumusunod na kaganapan
mula noong Mayo 1898 hanggang Disyembre 1898.

Pakikipagkasundo ni Aguinaldo sa mga Amerikano

Pagsuko ng mga Espanyol sa mga Amerikano

Pakikipagsabwatan ng mga Espanyol sa mga Amerikano

Mock Battle of Manila

Kasunduan sa Paris

5
Pagsasanay 4
Panuto: Suriin ang mga larawan.
1. Ano ang mahalagang pangyayaring ito na naganap sa Pilipinas? Isulat ang sagot sa
nakalaang espasyo.

Bangko Sentral ng Pilipinas / Public domain

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Sino-sino ang mga nasa larawan? Isulat ang iyong pakahulugan sa larawan.

By Karl Norman Alonzo and Robinson Niñal Jr. - Presidential Communications Operations Office (Philippines), Public Domain,
https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=64044087

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________

Pagsasanay 5
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Aguinaldo noong panahon na sakop tayo ng mga
Espanyol, gagawin mo rin ba ang pakikipagkasundo sa mga Amerikano upang makalaya sa
kolonisasyon? Bakit?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

6
2. Sa iyong palagay, nakabuti ba ang pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas? Bakit?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pangwakas: (Performance Task)

Malaki ang naging impluwensya sa pamumuhay ng mga Pilipino ang pagdating ng


mga Amerikano. Bilang Pilipino, hindi natin dapat limutin ang mabubuting kaugalian na
iminulat sa atin ng ating mga ninuno. Sumulat ng isang panata hinggil sa paksang
“Kaugaliang Pilipino, Ipinagmamalaki Ko”.

Ako,______(PANGALAN)______________________________,
ay nangangakong
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________

MGA SANGGUNIAN:

Batang, Jay Son C., Pamaran, Noel M., Mga Hamon at Tugon sa Pagkamakabansa,
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 6 - JO-ES Publishing House, Inc. 2016,
03-107.

Delos Reyes, Agnes M.Soquita, Rheena M., Siglo, Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan 6, St. Augustine Publication, Inc.2018, 97-100.

Iñiguez Ma. Emelita V., Pilipinas, Serye ng Heograpiya, Kasaysayan Sibika 4.


St.Augustine Publication, Inc, 2009, 229-233

7
8
Teacher-I
HEIDI LYN T. SICAT
Inihanda ni:
Pagsasanay 1
1. / 6. /
2. / 7. X
3. x 8. X
4. / 9. /
5. / 10. X
Pagsasanay 2: (Ang sagot ng mga bata ay magkakaiba-iba.)
Mga Posibleng Sagot:
1. Mas naparami ang produksyon sa pagsasaka.
2. Ang mga Pilipino ay nabigyan ng pagkakataon na humawak ng maliliit na negosyo at magtinda ng
magkakaparehong produkto dahil dito naging buhay ang industriya at kalakalan sa bansa.
3. Maraming mga Pilipino ang nakapag-aral.
4. Napabilis ang transortasyon
5. Nagkaroon ng mababang pagtingin ang mga Pilipino sa pruduktong gawa sa Pilipinas at mas tinatangkilik ang
gawang dayuhan.
Pagsasanay 3:
a. Pakikipagkasundo ni Aguinaldo sa mga Amerikano-Nakipag kasundo si Aguinaldo sa mga Amerikano matapos
ipangako ng Estados Unidos na kikilalanin nito ang kasarinlan ng Pilipinas kapag nakipagtulungan sa kanila ang mga
Pilipino na pabagsakin ang kapangyarihan ng Spain sa Pilipinas.
b. Labanan sa Manila Bay- Mayo 1, 1898, lumusob ang hukbong Amerikano sa Maynila sa Pamumuno ni Gorge
Dewey, at ditto ay napasuko nila si Patricio Montojo, pinuno hukbong Espanyol.
c. Pakikipagsabwatan ng mga Espanyol sa mga Amerikano- Nagkaroon ng lihim na sabwatan sa pagitan ng mga
Espanyol at Amerikano na magkaroon ng kunwakunwarian labanan.
d.Mock Battle of Manila- ito ay kunwa-kunwariang labanan sa pagitan ng mga Espanyol at Amerikano na naganap sa
Maynila.
e. Kasunduan sa Paris- Kasunduan sa pagitan ng Amerika at Espanya na nagbigay karapatan na pamunuan ng
Amerika ang Pilipinas.
Pagsasanay 4
1. Pagwagayway ni Emilio Aguinaldo ng Watawat ng Pilipinas sa balkonahe ng kanyang bahay sa Kawit Cavite noong
Hunyo 12, 1898 na siyang sumisimbolo sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
2.Sino-sino ang mga nasa larawan?. President Rodrigo R. Duterte ng Pilipinas at President Donald Trump ng bansang
Amerika.
Isulat ang iyong pakahulugan sa larawan:
Sagot: Ang sagot ng mga bata ay magkakaiba-iba.
(Posibleng Sagot) Mayroong pagpupulong na dadaluhan ang mga Pangulo ng Bansa/ Mayroong mahalagang pinag-
uusapan ang dalawang pangulo./ Makikita sa larawan na may mabuting ugnayan ang pangulo ng Pilipinas at pangulo ng
Amerika.
Pagsasanay 5
(Magkakaiba-iba ang sagot ng mga bata
Pangwakas: Performance Task
(Magkakaiba-iba ang sagot ng mga bata
MGA SUSING SAGOT:

You might also like