Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin

ANG TAO
Ang bawat isa sa atin ay may malaking katanungan at walang ibang makakasagot nito maliban
sa iyong sarili!!!
Unang katanungan: Saan ba ako nanggaling (ibig sabihin ang pinagmulan)?
Pangalawa: Ano ang ginagawa ko rito sa mundo?
Pangatlo: Saan ba ako pupunta pagkatapos ng buhay ko rito sa
mundo?
Ang mga katanungang ito ay sinagot na ng Dakilang Lumikha (ALLAH) wala pa
tayo sa mundo!!!
1. Saan ba ako nanggaling? Ang sabi ng Allah (Qur'an 23:12-14), (Alaqa-mudghah-Nutfah)
Ang pinagmulan naman ng mga anak ni Adan
"At katotohanan aming nilikha ang tao (Adan) mula sa alabok. Pagkatapos ginawa namin sila (mga
anak niAdan) mula mula sa 'Nutfah' (nang magsama ang semilya ng babae at lalaki) at
inilagay namin sila sa ligtas na paglagakan sa (tiyan ng isang babae), pagkatapos ginawa
namin ang 'Nutfah' mula sa namumuong bagay (o kapirasong makapal na namuong Dugo)
pagkatapos nilagyan namin ito ng laman at buto ang namumuong bagay na ito, pagkatapos
dinamitan namin ang buto ng laman, at binigyan namin ito ng hugis sa ibang paraan ng
pagkalikha. Kaya luwalhatiin ang Allah, ang pinaka-Magaling Lumikha.” Qur'an 23:12-14,
2- Ano ang ginagawa ko rito sa mundo?
Dito masusubukan ang pagpapasiya ng isang tao kung papaano niya gagamitin ang kalayaang
pumili ng tamang relihiyon na nakalulugod sa Diyos na lumikha sa kanya. Ang bawat tao ay
pinagkalooban ng Allah (swt) ng layang pumili…subalit ginamit mo ba kapatid and kalayaang
ito?
Sapagkat sinabi ng Allah (swt), Qur'an 51:56; {Wama khalaqtul Jinna wa Insa illaliya'budun)
"Hindi ko nilikha ang Jinn at ang Tao maliban sa Ako ay sambahin lamang."
Ito ang layunin ng Allah (Diyos), hindi sapat na mabuhay tayo, kumain, matulog, magtrabaho at magsaya.
Kahit nasa atin na ang lahat ng karangyaan sa buhay ay may mga kakulangan pa rin sa atin.
Ang tunay na pagpapasakop sa Dakilang Lumikha at ang paghingi ng gabay gaya ng sinabi ng
Allah (swt) sa Qur'an 6:l25,
"At sinuman ang naisin ng Allah na patnubayan, bubuksan Niya ang puso sa Islam." At
sinabi rin ng Allah
(swt) sa Qur'an 90:10, "At ipinakita Namin sa kanya ang dalawang landas [landas ng
mabuti at masama]."
Sinabi rin ni Propeta Muhammad (saw),
"Mabuhay sa daigdig na ito na para kayong isang dayuhan o isang manlalakbay (na
dumaan lamang)".
At pinatunayan ng Allah (swt),
"Katotohanan, ang buhay sa daigdig na ito ay panandaliang kasiyahan lamang at
katotohanang ang kabilang buhay ay ang tahanang walang hangganan." Qur'an 40:39
Hindi natin maipagkakaila na ilan na sa mga kaibigan, kakilala at kamag anakan ang pumanaw na, sa
palagay mo Kapatid nasaan na sila ngayon? Nadala ba nila ang kanilang kayamanan? Masaya
ba nang sila'y pumanaw? Sa palagay ba natin tatanungin tayo ng Diyos kung gaano tayo
kayaman dito sa mundo???
Ang Propeta Muhammad saw ay nag sabi na,
"Pakinabangan ninyo ang limang ito bago ang limang iyon: 1- ang iyong buhay bago
dumating ang iyong kamatayan, 2- ang iyong kalusugan bago dumating ang iyong
karamdaman, 3- ang panahon na wala kang ginagawa bago dumating ang iyong
pagkakaabalahan, 4-ang iyong kabataan bago dumating ang iyong katandaan, at 5-ang
iyong yaman bago dumating ang iyong karukhaan…"
Kaya ba nating sagutin ang lahat ng mga ito sa kabilang buhay ayon sa ating ginagawa dito sa
Mundo? Kaya hindi pa huli ang lahat magbalik loob na tayo sa Allah (Diyos). Ang limang
tinutukoy dito ay kung paano mo ito ginamit sa Diyos na Lumikha sa iyo. Ang panahon habang
nandito pa tayo sa mundo (ikaw, ako at sila o tayong lahat)!!!
3-Saan ba ako pupunta pagkatapos ng buhay ko rito sa mundo?
Ang kamatayan ang katapusan ng lahat ng may buhay. Kamatayan ang daan tungo sa paraiso at impiyerno.

May Isang Pangyayari sa Saudi Arabia,


Na Indian nationality o isang Siek, matagal na syang iniimbitahan sa Islam ng Isang Scholar na si Sheikh
Muhammad Farah hanggat pinabayaan na sya. Isang araw habang abala ang Sheikh sa kanyang student ay
di nya napansin na nakatayo sa harapan ng Masjid ang Indianong ito na may balak na palang yumakap sa
Islam.
Umalis ang Sheikh kasama ang mga istudyante na di nya napansin, nang umalis na sila ay umiyak at
humagulgol ang Indiano, siya namang paglabas ng isang Estudyante na bata at kinausapa siya bakit siya
umiyak, sinabi nya na gusto na nyang mag Muslim ang kasoumalis na si Sheikh. Kaya ang ginawa ng
estudyanting yun ay pina Shahada nya ito. At nang umuwi ang Indianong ito sa kanyang bahay dumanas
siya ng tindi ng sakit sa tiyan hanggang sa sya ay namatay.
Nakarating ito kay Sheikh Mohd at nilakad nila sa Hospital upang kunin ang bangkay pero ayaw ibigay
dahil ipapadala ng Embassy ng India upang Sunugin. Kaya ang ginawa ng Sheikh ay pumunta siya kay
Shkh Abdul Aziz Bin Baz Rahimahullah – at ipinaliwanag ang tungkol dito kaya gumawa ng sulat si Shkh
Abdulaziz Bin Baz upang maibigay sa kanila ang bangkay. Alhamdulillah hinugasan siya ng mga
Estudyante, binalot at isinagawa ang salatul Janazah sya ay inilibing ng mga kapatid nating Muslim….

Kaya ayon kay Abdullah bin Mas'ud RAA, na ang Propeta Mohammd saw ay nag sabi na ang paglikha
sa tao ay nilagay sa sinapupunan ng kanyang ina sa loob ng 40 araw, mula sa semilya, nagging
namumuong makapal na dugo at ang dugong ito ay binalutan ng laman pagkatapos ang Allah (swt) ay
nagpadala ng Anghel at ibingay ang 4 na bagay. 1- Gawa 2-Kabuhayan 3-Panahon ng kanyang
kamatayan at 4-biyaya sa religion o pagkaligaw. Pagkatapos siyang bigyan ng Buhay…

Kaya kung sino man ang ginabayan ng Allah swt ay walang sinumang makapag ligaw ssa kanya, at kung
sino naman ang hinayaang maligaw ay walang sinumang makapag gabay sa kanya.

Mga kapatid sa Islam yan ay iilang pangyayari lamang yan, ang pinaka importante ay nagging Muslim
na tayo at pinangakuan ng Paraiso.

 > Mula sa Hadith:


An Abi Huraira raa. Anna rasullah (saw) Qalla, Kullo ummatiy yadkhulul jannata illa man aba', Qiyla;
waman ya'baa, Yaa Rasullalah? Qala, man ata'aniy dhakalal jannah wa man asa'ni faqad aba'….
Rawahu Bukhari.

> Allaah says in Surah Al-Mu'minoon 023.001

"Successful indeed are the believers, those who offer their salaah (prayers) with all solemnity and full
submissiveness."[al-Mu'minoon 23:1-2]

 Ang sabi ni Propeta Mohammad saw,


Kullo Ummatti Yadhkhullol jannati Illa man Abba…

ALAHAMDULILLAH….

You might also like