Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MGA KATANGIAN NG MANANAMPALATAYA

Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay sa Allah lamang ang Panginoon ng lahat ng mga
nilikha. Tayo'y magpakupkop sa Allah laban sa kasamaan ni Satanas na Kanyang isinumpa, sa
kasamaan ng ating sarili at sa kasamaan ng ating mga gawa. Ang sinumang gabayan ng Allah ay
walang sinumang makapagliligaw sa kanya at ang sinumang wala sa tamang landas ay walang
ibang gabay maliban sa gabay ng Allah. Nawa'y ang pagpapala ng Allah ay mapasa Kanyang
Huling Propeta, sa kanyang pamilya at mga kasamahan at sa lahat ng taong tumahak sa matuwid
na landas hanggang sa Huling Araw.

Ang Allah ay nagwika sa Banal na Qur'an (72:14)


"At sinumang magsuko ng kanyang kooban sa Allah (ang yumakap sa Islam) sila yaong
nakahanap ng tuwid na landas"

Sa relihiyong Islam, ang pagpasok sa Paraiso ay nakabatay sa Habag ng Allah, kaya ang
sinumang magsuko ng kanyang sarili sa Allah at ginampanan niya ang kanyang tungkulin
sa Islam sa abot ng kanyang makakaya siya ay magkakamit ng Dakilang Habag ng Allah.

Ang Allah ay nagbigay ng pahayag tungkol sa mga tao na maninirahan sa Paraiso.


Kanyang winika sa Surah (3:107)

"At sa kanila na ang mga mukha ay magiging maputi, sila ay hahantong sa Habag ng
Allah (Paraiso) sila ay mananahan doon magpakaylan man."

Dito ang katagang Habag ay ginamit sa lugar ng Paraiso, nagpapaalala sa atin na ang
pagpasok doon ay nakasalalay sa Dakilang Habag ng Allah. Kung papaano na tayo ay
ginabayan ng Allah sa Qur'an tungkol sa mga katangian ng mga taong nakalaan sa
pagpasok sa Paraiso. Ang katangiang ito ay binanggit ng Allah sa Surah Al Muminun at
Surah Al Maarij (19:21). Sa una ang Allah ay nagbigay ng pangkalahatang pahayag
tungkol sa sangkatauhan. Winika ng Allah:

"Katotohanan ang tao na walang pananalig ay nilikha na lubhang mainipin (walang


pasensya). Na naiinis (walang kasiyahan), kung ang kasamaan ay sumaling sa kanya, at
lubhang gahaman kung ang kasaganaan ay dumating sa kanya."

Sila ito, kayat papaano ba na sila ay hindi pagbabayarin? May mabubuting tao na hindi
nagtataglay ng pag-uugali na ganito at ang kanilang katangian ay nabanggit sa sumunod
na mga ayat (22-25)

"Maliban sa mga nagsasagawa ng Salah. Silang namamalagi ng kanilang takdang oras na


pagdarasal, at sa kanilang kayamanan ay may nakalaan sa mga pulubi na humihingi at sa
mga sawing-palad na nawalan ng ari-arian."

Ito ay kaaya-ayang pahayag mula sa Allah, sa mga nakikitungo ng mahusay sa


pangangailangan ng mahihirap. Kung paanong winika ng Allah na ang mananampalataya
ay gumugugol ng may katiyakan sa bahagi ng kanilang kayamanan para sa mga
nangangailangan. Sa madaling salita, sila ay nagbabayad ng Zakah ng palagian o regular
sa itinakdang 2.5% sa takda ring panahon. Lubos na naunawaan ni Abu Bakar ang ayah
na ito, kung kaya nagpadala siya ng hukbo para sa mga tumatanggi na magbayad ng
Zakah kahit pa kanilang itinatayo ang Salah, at ang Salah ng isang tao ay hindi tanggap
hanggat hindi ito nagbabayad ng Zakah. Ito ay kung bakit madalas mabanggit ng Allah
ang Salah at ang Zakah sa Qur'an ng magkasama, at ang Allah ay namatnubay sa atin sa
pagbibigay ng kawanggawa, karagdagan sa pagbabayad ng Zakah. Sa ibang ayah sa
Qr'an, winika ng Allah (73:20)

"At kayo ay mag-alay ng pang-araw-araw na pagdarasal ng mahinusay at magbigay ng


Zakah at gumugol sa kapakanan ng Allah."

Ang sumunod na katangian ng spesyal na klase ng tao ay yaong naniwala sa Araw ng


Paghuhukom, hindi lamang binibigkas ng kanilang mga bibig, bagkus ay ginagampanan
sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Halimbawa: Yaong mga tao na pagkakalooban ng
kanilang mga talaan sa kanilang mga kanang kamay sa Araw ng Paghuhukom. Ang
sikreto ng kanilang tagumpay ay nabanggit sa ika-20 ayah ng Surah Al Haqqah (69:20)

"Tunay ngang natitiyak ko na aking kakaharapin ang aking pagsusulit."

Winika pa ng Allah sa Surah Al Maarij (70:25-26)


"At siya na naniniwala ay may katiyakan sa Araw ng Paghuhukom, at sila ay may pangangamba
sa kaparusahan ng kanilang Panginoon, sapagkat ang kaparusahan ng kanilang Panginoon ay
yaong kung sila ay nasa harapan nito ay walang sinuman ang nakadarama ng kaligtasan."

Sa pagpapatuloy, ang sumunod na katangian ng tao ay yaong palaging may pangangamba sa


kaparusahan ng Allah. Nang ang mga Sahaba ay marinig ito ay nagtanong sila sa Propeta: "O
Propeta! Ikaw rin ba ay nangangamba sa kaparusahan ng Allah?" Siya ay sumagot: "Oo!
Maging ako ay takot sa kaparusahan ng Allah, na katiyakang sinuman sa kanyang sarili ay
walang mag-aangking siya ay hindi kabilang sa kaparusahan ng Allah."

Kaya naman kailangan nating lahat na magsagawa ng maraming kabutihan, pagpapakumbaba at


takot sa Allah sa Kanyang kaparusahan. Winika pa ng Allah (70:29-30)

"At sila ay nagpapanatili ng kanilanag kalinisan (sa kapurihan at umiiwas sa pangangalunya)


maliban sa kanilang mga asawa at mga babaeng alipin na angkin ng kanilang kanang kamay,
dito sila ay hindi susumbatan, datapwat sinuman ang maghanap ng lampas pa rito, kung gayon
siya ay lumampas sa hangganan ng pagsuway."

Samakatuwid anumang klase ng kaligayahang sekswal na lumampas sa pinahintulutan ay


lampas sa hangganan na ibinigay ng Allah at ito ay hindi katanggap-tanggap sa kanya. Winika
pa ng Allah sa pagpapatuloy ng pahayag, ang iba pa nilang katangian ay: (23:32)
"At sila ay tumutugon (nag-iitindi) sa inihabilin (ipinagkatiwala) sa kanila at sa kanilang mga
pangako." Ang pagtataksil sa tiwala at pagsira sa pangako ay malaking kasalanan."

Winika ng Propeta: "Ang pangako ay klase ng utang na kailangang ibalik o bayaran."

Sa pagpapatuloy ng kasunod na ayah (70:33)


"At sila ay naninindigan ng matatag sa kanilang pagsaksi"

Ito rin ay nangangahulugan na ating ikintal sa ating isipan ang ating pangako sa Allah sa ating
pagtanggap sa Islam. Sa pagpapatuloy: (70:34)
"At sila ay maingat sa kanilang pagpapamalagi ng kanilang pagdarasal"

Kaaya-ayang malasin na ang Allah ay nagsimula sa pagtatayo ng pagdarasal at natapos din sa


pagdarasal. Ito ay nagbibigay linaw sa atin na ang Salah ang panakaimportanteng bagay sa
paningin ng Allah. Kung saan sa Araw ng Paghuhukom ang Salah ang unang katanungan sa
lahat at kung ito ay nabigo at di nagampanan ng mahusay ay wala ng iba pang tatanggapin sa
kanya. Sa pagpapaatuloy ng sumunod na ayah (70:35)

"Sila nga ang magsisitahan sa Halamanan ng kaligayahan (Paraiso)."

Ang Allah ay magbibigay ng pasya na ang mga taong nagtataglay ng mga katangiang nabanggit
ay mapaparangalan sa Halamanan sa Paraiso. Ipinakita rito na ang tao ay maraming bagay na
kailangang gawin upang maging kandidato sa pagpasok sa Paraiso. Sa katunayan, kung ang
isang tao ay naisagawa niya ang isa sa mga nabanggit ng may matuwid na layunin ay magagawa
niyang madali ang ibang mga gawain. Kung isinagawa ng tao ang abot ng kanyang makakaya,
sa Habag ng Allah siya ay papasok sa Paraiso. Naway bigyan tayo ng Allah ng lakas na
masunod ang lahat ng mga kailangang gawin.

Ang pinakaimportateng regalo ng Allah para sa sangkatauhan ay ang pagbibigay ng patnubay na


maghahango sa tao sa kadiliman patungong liwanag. Ang Allah ay labis na masisiyahan kung
ating gagampanan ang nasabing patnubay. Winika ng Allah sa Surah Al Ahzab (43-44)

"Siya ay nagpadala ng Kanyang mga biyaya sa inyo, gayun din ang Kanyang mga Anghel na
nananawagan sa Allah na patawarin at basbasan kayo upang kayo ay Kanyang maiahon mula sa
kadiliman (kawalang pananalig at pagsamba sa mga diyus diyosan) tungo sa kaliwanagan (tunay
na pananampalataya) at Siya ay lagi ng puspos ng Habag sa mga sumasampalataya. Ang pagbati
nila sa araw ng kanilang pagharap sa Allah ay "Salam" kapayapaan! At inihanda na Niya sa
kanila ang isang nag-uumapaw na gantimpala (Paraiso)."

Ang Allah ay nagwika kay Propeta Muhammad sa Surah Al Ahzab (47)


"Kayat ipagbadya ang magandang balita sa mga sumasampalataya, na sasakanila mula sa Allah
ang nag-uumapaw na biyaya,"

Sinumang nais malaman ang kanyang tunay na kalagayan, hayaan siyang sukatin ito mula sa
mga mabanggit na mga ayat. Ang lahat ng tinaglay sa lahat ng mga katangiang nabanggit ay
tunay na tanda ng kabutihang asal subalit kung wala roon ay tunay na mga tanda ng hindi
mabuting asal. Ang pagkakaroon ng ilan at pagkawala ng iba ang siyang magpapakita ng tunay
nating kalagayan. Sa ganitong kaso, panatilihin kung ano ang taglay natin na mabuting
katangian at gawing abala ang ating sarili at pagsikapang makamtan ang iba pang mga
mabubuting katangian.

Naway ibilang tayo ng Allah sa mga yaong magkakamit ng Kanyang Dakilang gantimpala.
Ameen!

You might also like