Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

103146-CANDANUM ELEMENTARY SCHOOL

FIRST PERIODICAL TEST


S.Y. 2023-2024
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pangalan: Iskor:

Baitang at Seksyon:

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang talento at kakayahan ay biyaya mula sa _______.


a. Diyos b. kaibigan c. paaralan
2. Si Ana ay mahilig sumali sa mga paligsahan sa pag-awit. Ano ang kanyang natatanging
kakayahan?
a. pagsayaw b. pagtula c. pagawit
3. May kakayahan sa pagsayaw si Mira. Saang paligsahan siya dapat sumali?
a. pagsayaw b. pagtula c. pagawit
4. Pinalakpakan si Simon sa kanilang klase dahil sa husay niya sa pagguhit. Ano ang dapat
niyang gawin upang mahasa pa ang kanyang natatanging kakayahan?
a. sumali sa mga paligsahan sa pag guhit
b. itago ang natatanging kakayahan
c. hayaan lang ang kakayahan
5. Gustong sumali ni Dina sa paligsahan sa pagsayaw ngunit hindi ito marunong sumayaw. Ano
ang dapat niyang gawin?
a. huwag nalang sumali
b. mag ensayo at galingan ang pagsasayaw
c. sabihan ang mga kasama na huwag nadin sumali
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng kalooban?
a. Pagtakas sa mga gawaing-bahay
b. Pagsisinungaling sa mga magulang
c. Pagiging positibo sa pagharap sa mga problema
7. Si Allan ay bagong lipat sa paaralan kaya tinutukso siya ng kaniyang mga kaklase. Ano ang
nararapat niyang gawin?
a. Lumipat ng ibang paaralan
b. Sabihin sa guro ang ginagawang panunukso
c. Hahamunin ng suntukan ang mga kaklaseng nanunukso
8. Ang batang may matatag na kalooban ay:
a. Walang tiwala sa sarili
b. Nag-iisip muna bago gumawa ng anumang aksiyon
c. Hindi nagpipigil ng sarili
9. Sumali ka sa patimpalak sa pag-awit sa inyong paaralan ngunit pumiyok ang iyong boses sa
gitna ng kompetisyon kaya ikaw ay natalo. Paano mo ipapakita ang katatagan ng loob?
a. Huwag pumasok sa klase dahil sa kantiyaw
b. Hindi na kailanman sasali sa mga patimpalak
c. Muling mag-ensayo upang maging handa sa susunod na patimpalak
10. Hindi pinatulan ni Lino ang kanyang kaklase kahit na naghahamon ito ng away. Anong
katangian ni Lino ang pagpapakita ng katatagan ng loob
a. Tiwala sa sarili
b. Pagpipigil sa sarili
c. Pagiging positibo

II. Lagyan ng tsek (/) ang patlang sa bawat bilang kung tama ang sinasabi sa pangungusap.
Ekis naman (X) kung sa iyong palagay ay mali ang isinasaad dito.

____11. Ang labis na pagkamahiyain ay nagiging balakid sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili.


____12. Ang pagpapaunlad ng ating talento at sarili ay isang pagpapakita ng pagmamahal sa
ating sarili.
____13. Malaya tayong ikumpara ang ating sarili at talento sa ibang tao para ipakita sa lahat
kung sino ang may angking kagalingan.
____14. Tayo ay indibidwal kaya ang tao ay may kaniya-kaniyang angking talento at kakayahan
na maaari nating gamitin para makapagpasaya tayo ng ibang tao.
____15. Ang pagtitiwala sa sarili na gumawa ng isang bagay ay lubos na makakaangkin ng isang
tunay na kasiyahan sa paggawa.

III. Isulat ang Tama sa patlang kung sa iyong palagay tama ang isinasaad sa pangungusap.
Mali
naman kung sa iyong palagay ay mali ang nakasaad sa pangungusap.

________16. Ang taong may tiwala sa sarili ay may abilidad sa paggawa nang may buong
kahusayan.
________17. Ang labis na pagtitiwala at paghanga sa sarili ay pagpapakita ng kayabangan.

________18. Ang iyong talento at abilidad ay balewala kung ito ay hindi mo nagampanan nang
maayos.
________19. Laging isaisip na ang talento ay dapat ibahagi sa ibang tao upang tayo ay umani
ng papuri at parangal.
________20. Ang pagtitiwala sa sarili ay isang uri ng motibasyon upang magampanan natin
nang maayos ang ating ginagawa.
IV. Suriin ang bawat larawan. Lagyan ng tsek (/) ang loob ng kahon kung ito ay nagpapakita ng
mabuting gawi ng pangangalaga ng sariling kalusugan at kaligtasan. Lagyan
naman ng ekis ( X ) kung ito ay hindi.

21. 23.

22. 24.

V. Paano nagiging malusog ang isang batang kagayan mo? Ipakita sa pamamagitan ng guhit ang
mga gawain ng isang batang malusog. (25-27)

VI. Iguhit sa kahon ang mga sinusunod ninyong tuntunin sa inyong pamilya. (28-30)

Parent’s signature:

You might also like