Professional Documents
Culture Documents
KomFil Modyul 1
KomFil Modyul 1
Introduksiyon: Ang
Pambansa sa Mas G. Charles Melbert S. Navas
Mataas na Antas ng Guro
Edukasyon at Lagpas Pa
Email Address:
charlesmelbertnavas@gmail.com
Tagal ng Modyul:
Setyembre 5 - 9, 2022
FIL01/ KomFil
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
BALANGKAS NG KURSO AT
PAGTATAYA NG ORAS/PANAHON
Nilalalaman ng Kurso/Paksang-aralin
Linggo Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
1-4 Edukasyon at Lagpas Pa
Pagpoproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon
Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon
Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon
Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon
Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
Tsismisan
Umpukan
Talakayan
Pagbabahay-bahay
Pulong-bayan
Komunikasyong Di Berbal (Kumpas atbp.)
Mga Ekspresyong Lokal
5-8 Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal
Korapsyon
Konsepto ng “Bayani”
Kalagayan ng serbisyong pabahay, pangkalusugan, transportasyon, edukasyon
atbp.
Bagyo, baha, polusyon, mabilis na urbanisasyon, malawakang pag(ka)wasak ng/sa
kalikasan, climate change atbp.
Kultural/political/lingguwistikong/ekonomikong
dislokasyon/displacement/marhinalisasyon ng mga lumad at iba pang katutubong
pangkat/pambansang minorya, mga maralitang tagalungsod (urban poor),
manggagawang kontraktwal, magsasaka, tindero/a, tsuper ng dyip at traysikel,
kabataang manggagawa, out-of-school youth, migrante atbp. sa panahon/bunsod
ng globalisasyon.
Kahirapan, malnutrisyon, (kawalan ng) seguridad sa pagkain.
9-18 Mga Tiyak ng Sitwasyong Pangkomunikasyon
Forum, Lektyur, Seminar
Worksyap
Symposium at Kumperensya
Roundtable at Small Group Discussion
Kondukta ng Pulong/Miting/Asembliya
Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat
Programa sa Radyo at Telebisyon
Video Conferencing
Komunikasyon sa Social Media
IMPORMASYON NG KURSO
Pamagat ng Kontekstwalisadong Komunikasyon Kowd ng
FIL01 (KomFil)
Kurso: sa Filipino Kurso:
Kinakailangan Kredit ng
Wala Tatlong (3) yunit
ng Kurso Kurso
2|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Modyul I
Introduksiyon: Ang Pambansa sa Mas Mataas na
Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa
(Unang Bahagi)
PAGTATAKDA NG MODYUL
Ang modyul na ito ay para sa isang linggo. Kung saan ay maaaring
magsama-sama sa isang klase upang matalakay ito gamit ang mga
minumungkahing pamamaraan
- Zoom
- Facebook Live
- Messenger Video Chat
- Iba pang Video Conferencing
Ang modyul din na ito ay maaaring gamitin kahit walang pagsasama-sama ng mga
mag-aaral gamit ang mga gawaing nakalakip.
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhang:
Matukoy ang kahulugan ng wika, dayalek, idyolek at iba pang
konseptong pangwika
Mabigyan pansin ang mga konsiderasyon para sa barayti at baryasyon
ng wika
Mabatid ang kahalagahan at kahulugan ng domeyn at rejister ng wika
PAGLALAYAG NG KAALAMAN
Paunang Pagtalakay:
1. Ano ang damdaming nasa likod ng dokumentaryo? Ipaliwanag sa pamamagitan
ng paglilimi sa kahulugan ng pamagat.
2. Itala ang kahalagahan ng wikang pambansa bilang mabisang wika sa
kontekswalisadong komunikasyon sa lipunan at sa buong bansa, ayon sa
napanood.
3. Sino si Dr. Patricia Licuanan?
4. Ano ang kahulugan ng akronim na CHED at CMO?
5. Anong CHED-Memo ang itinuturing na anti-Filipino at bakit?
Ang Wikang Filipino ang pagkakakilanlan ng ating pagkatao kaya, marapat na ito
ay bigyang halaga ng bawat mamamayan. Ito rin ang bumubuo sa ating kultura na
nagpapatibay sa atin bilang Pilipino, kahit na tayo ay maraming wikang alam hindi ito
magiging sagabal upang talikuran ang sarili nating wika bagkus paigtingin mas higit ang
paggamit nito hanggnag kasalukuyan.
Ang mga unang tumuligsa sa nasabing memo ay sina Dr. Ramon Guillermo,
dalubguro sa Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, si Kgg. Antonio Tinio,
Kinatawan ng partidong ACT sa kongreso, at si Melania Flores, Dalubguro ng
Pagpaplanong Pangwika sa Unibersidad ng Pilipinas. Sila ay may iisang hinaing ukol sa
nasabing memo, na kung paano ba nito binabalewala ang kahalagahan ng wika bilang
wikang pambansa, wikang ginagamit sa ating paaralan, at bilang ginagamit pang-
internasyunal.
Batay kay Sibayan (1974) sa aklat ni San Juan (2018), humigit kumulang 90% ng
populasyon sa bansa ay nagsasalita ng isa sa siyam na pangunahing wika.
4|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
1.Tagalog
2.Kapampangan
3.Cebuano
4.Ilocano
5.Pangasinense
6. Maranao
7. Bicolano
8. Waray
9. Ilonggo/Hiligaynon
10. Bisaya
Batay sa kasaysayan, may mga dayuhang may iba’t ibang dalang kulturang
pangwika tulad ng Indones, Malay, Tsina, India at Arabia na nakaimpluwensiya sa mga
Pilipino na nagpalubha ng husto sa mga suliranin, sa di pagkakaunawaan ng mga
mamamayan.
Wika
Ayon kay Hutch (1991) sa aklat ni San Juan (2018), ang wika ay malimit na
binibigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyong pantao.
Sinabi naman ni Bouman (1990) sa aklat ni Binwag (2018), na ang wika ay isang
paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang
partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at Biswal na signal para
makapagpahayag.
Ayon kay Webster (1972) sa aklat ni Carada (2014), ang wika ay kalipunan ng
mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay
naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na
mga sangkap ng pananalita.
5|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
Ngunit sa lahat ng ito, natatangi ang pagpapakahulugan ni Gleason (1961) sa
aklat ni Aguilar (2017), sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay isang masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
Antas ng Wika
1.Pormal – Ito ay mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit
ng higit na nakararami lalo na sa mga nakapag-aral ng wika.
a) Pambansa – Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika sa lahat ng paaralan at kadalasang gamit panturo sa mga paaralan at
pamahalaan.
Hal. Ama, Ina, Anak, atbp.
6|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
ANG WIKA AY MALIKHAIN – Malikhain ang wika dahil walang limitasyon ang
bilang ng mga salitang maaring mabuo. Sa tuwing tayo ay magsasalita, ipinapahayag
natin ang ating mga sarili sa iba’t ibang paraan.
ANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN – Sinuman ang epektibong gumamit ng
wika ay nakapagtatamo ng malaking impluwensiya o kapangyarihan.
Barayti ng Wika
Dayalek
Maraming Linggwista ang nagpapalagay na homojinyus ang wika, ang ibig sabihin
ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong gumagamit ng
wika. Kapansin-pansin ding may mga taga-lalawigan na iba-iba ang punto. May tinatawag
na puntong bulacan, puntung bisaya, pungtong bicolano puntong maranao. May mga ilan
namang gumagamit ng ibang salita para sa isang kahulugan lamang.
Idyolek
Idyolek ang tawag sa kabuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t
ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay gulang,
kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.
Barayti at Baryasyon
Bawat wika ay binubuo ng higit sa isang Barayti. Ang Barayti ay itinuturing na higit
na mas masaklaw na konsepto kaysa sa tinatawag na estilo ng prosa o estilo ng wika.
Ang ilang halimbawa ng Barayti ay ang mga sumusunod.
Dayalek. Ang Barayting ito ay sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad.
Sa puntong ito, nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika ngunit
nababatid nilang may pagkakaiba ang mga salitang kanilang naririnig. Maari ring iba ang
kahulugan ng kanilang salita sa salitang ginamit ng iba. Maari rin namang ang pagkakaiba
ay nasa pangungusap na kanilang ginagamit. Halimbawa, sa ilang bayan ng Nueva Ecija
ay may salitang hinuhulapian ng ye. Idinudugtong ang salitang ito sa salita gaya ng:
1.1 Kumain na akoye.
1.2 Ikaw baye ay hindi sasama?
Kahit hindi mo itanong, malalaman mong taga-Batangas ang kausap mo kung
gumagamit siya ng salitang ga tulad ng:
1.3 Paano baga pumunta sa Subic?
1.4 Ano baga itong nangyayari sakin?
Sosyolek. Ang Barayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Pabiro
niyang sinasabi na may Barayti ng wika ang grupo ng iba’t ibang uri o klasifikasyon ng
mga mamamayan. May Barayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga nasa
matataas ma antas ng lipunan.
Register
Ang register ay tinatawag ding estilo sa pananalita. Ang isang tao ay maaring
gumagamit ng iba’t ibang estilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang
maipahayag ang kanyang nadarama.
PAGSUSURI SA PAGKAUNAWA:
1. Maari mo bang ibigay ang kahalagahan ng wika sa pagbuo ng komunikasyon?
2. Alin sa Barayti at Baryasyon ng Wika ang madalas mong gamitin?
3. Ano sa mga antas ng wika ang palagian nating naririrnig sa mga kabataan?
4. Ano ang sistema ng ating Wika sa kasalukuyan?
5. Mahirap bang gamitin ang ating mother tounge sa pag-aaral?
7|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
GAWAING PANGKAISIPAN:
Pangalan: Kurso/Seksyon:
Propesor: Iskor:
8|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda
PAGTATAYA
A. Maikling Pagsusulit
Para sa mga mag-aaral na gagamit ng internet, ang gagamitin ay ang
Google Form.
Para sa mga mag-aaral na modyular ay may ilalakip na mga
talatanungan sa huling bahagi ng modyul na ito
TAKDANG-ARALIN
A. Gumuhit ng sariling halimbawa ng modelo ng komunikasyon at
ipaliwanag sa loob ng tatlong (3) pangungusap.
B. Ipaliwanag sa sariling opinyon kung bakit ang wika ay isang
kasangkapan ng komunikasyon. Ito ay dapat binubuo ng limang
pangungusap.
SANGGUNIAN
Carada, Imelda G. et.al. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino:
Intramuros Manila, Mindshapers Co. INC.
San Juan, David Michael M. et.al. (2018) PIGLAS-DIWA (Kontekswalisadong
Komunikasyon sa Filipino): Malabon City, Mutya Publishing House.
Aguilar, Hermiline B, (2017) “Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino”, Jenher
Publishing House.
Petras, Jayson DG, (2010) BAYAN AT PAGKABAYAN SA SALAMYAAN: ANG
PAGPOPOOK NG MARIKINA SA KAMALAYANG - BAYANG MARIKENYO,
pinanumbalik noong 2020 mula sa:
https://tinyurl.com/BAYAN-AT-PAGKABAYAN
9|Pahina
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at
pamamaraan nang walang kasulatang nagpapahintulot mula sa may-akda