Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Paglakas ng Simbahang Katoliko at
Krusada

i
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Paglakas ng Simbahang Katoliko at Krusada
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Emely D. De Los Niños


Editor: Mary Ann B. Silay & Maricel C. Orbeta
Tagasuri: Gemma F.Depositario,Ed.D.
Tagaguhit:
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Paglakas ng Simbahang Katoliko
at Krusada

ii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Paglakas ng Simbahang Katoliko at Krusada.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Paglakas ng Simbahang Katoliko at Krusada!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aaralan habang wala ka sa paaralan.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

MELC: Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon


• Politika (Pyudalismo, Holy Roman Empire)
• Ekonomiya (Manoryalismo)
• Sosyo-Kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada AP8DKT-llf-8

Mga Layunin:

K – Natatalakay ang mga kaganapan sa paglakas ng Simbahang Katoliko at


krusada;
S – Nasusuri ang naging bunga sa mga nagaganapna Krusada; at
A – Napahahalagahan ang mga impluwensiya at ambag sa sangkatauhan ng
Simbahang Katoliko

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at piliin ang tamang titik at isulat ang
mga sagot sa kuwaderno.
1. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyanismo laban sa mga Turkong
Muslim na sumakop sa Jerusalem.
A. Kabalyerismo B. Krusada C. Piyudalismo D. Manoryalismo

2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:


A. Obispo B. Hari C. Papa D. Arsobispo

3. Si Jesus ay kinikilala ng mga Kristiyano na:


A. Propeta B. Hari ng Hudyo C. Messiah D. Apostole

4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:


A. Pope Leo I C. Papa Innocent I
B. Papa Urban II D. Papa Gregory VII

5. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa Kristiyanismo
ay;
A. ang paglakas ng kapangyarihan ng Simbahan
B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan
C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada
D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo

6. Ang kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong:


A. Hudaismo B. Zoroastrianismo C. Islam D. Budhismo

7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa:


A. Pagkadiyos B. Pagkapropeta C. Pagkasilang D. Bagong Bibliya

1
8. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay:
A. Roma B. Vatican C. Venice D. Florence

9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay:


A. Roma B. Byzantine C. Jerusalem D. Egypt

10. Kung Roma ang naging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, ano naman ang
sentro ng Kristiyanismo sa silangan?
A. Roma B. Jerusalem C. Egypt D. Byzantine

Balikan
Gawain 1: Pag-isipan Mo
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (Pumili ka nang dalawa sa mga
katanungan) at isulat ang sagot sa kuwaderno
1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagbagsak ng Imperyong Roman?
2. Paano nahikayat ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan?
3. Nakaimpluwesiya ba ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong
Roman?

Tuklasin

Panuto: Buuin ang mga ginulong titik sa ibaba upang makabuo ang isang salita. Ang
mga salitang ito ay may kinalaman sa aralin natin. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. TIYAMOKRISSIN -
2. DAASURK -
3. BAHMISNA -
4. RODPERAME -
5. YLOH DLAN -

Suriin
Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng
Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan.

2
Ang Kristiyanismo ang pinakamalaki at pinakalaganap na relihiyon sa buong daigdig.
Tinatayang 1.7 bilyon ang bilang ng mga Kristiyano ngayon o 33% ng populasyon sa daigdig.
Sumusunod sa mga turo at kuwento tungkol kay Hesukristo ang mga Kristiyano.
Ang Simbahang Katoliko bilang institusyong panrelihiyon ay naging matatag sa mga
huling taon ng kasikatan ng Emperyong Roma. Ang pagsisimula ng relihiyong ito ay sa
Palestine na ngayon ay kilala bilang bansang Israel. Napalaganap ito sa Emperyong Roma at
sa panahon ni Emperador Constantine (313 AD) ito ay kinilalang relihiyon ng buong emperyo.

Isang diyoses ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan


ng obispo. Nasa ilalim ng obispo ang maraming pari sa iba’t- ibang parokya sa lungsod.. Sa
ilalim ng pamumuno at pamamahala ng obispo, hindi lamang mga gawaing espiritwal ang
pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan,
pang-edukasyon at pagkawang-gawa ng Simbahan.

Tinawag na mga arsobispo ang mga obispo na nakatira sa malalaking lungsod na


naging unang sentro ng Kristiyanismo. Ang Obispo ng Rome, na tinawag bilang *Papa, ang
kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa Kanlurang Europe. Kabilang siya
sa mga arsobispo, obispo at mga pari ng mga parokya.

Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga
Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng
matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang
paghalal ng Papa.

URI NG PAMUMUNO SA SIMBAHAN

Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng


pundasyon ng Simbahang Katoliko Roman at Kapapahan.

https://www.google.com/search?q=uri+ng+pamumuno+ng+simbahan&hl=en&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=I3Ab6Tqtulm5bM%252CxD4cgt_Vw4nF4M%252C_&v et=1
&usg=AI4_kSiUoEIZdA5ZWkjmV1BMvYSCcB8Q&sa=X&ved=2ahUKEwjksK_KsZ_rAhUT62EKHe5DaIQ9QEwBHoECAoQJA&biw=1366&bih=695#imgrc=I3Ab6Tqt ulm5b
M

3
Papa Gregory I

Kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand. Siya ang nagpasimuno ng tatlong


pagbabago sa Simbahan. Inukol niya ang kanyang buong kakayahan at pagsisikap sa
paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong Kanlurang
Europe.

Papa Gregory VII

Sa kanyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihan at secular at


eklesyastikal ukol sa power of investiture o karapatan magkaloob ng tungkulin sa mga
tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany

MGA KRUSADA

https://bit.ly/36U3uMW

Ang Krusada ay isang ekspedisyong military na inilunsad ng Kristiyanong Europeo


laban sa mga Turkong Muslim uoang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito.

UNANG KRUSADA

Ang unang krusada ay binuo ng mga 3,000 na kabalyero at 12,000 na mandirigma sa


pamumuno ng Prinsipe at mga Frances na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi
ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa
Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang
mga Hudyo at Kristiyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay
din sila ng mga Muslim.

IKALAWANG KRUSADA

Sa paghihikayat ni St. Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya ni Haring Luis VII ng


Pransya at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan ang grupo at
ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop sa Damacus.

4
IKATLONG KRUSADA: Krusada ng mga Hari

Ito na marahil ang pinakamahalagang Krusada dahil tatlong hari ng Europa ang
nanguna dito. Frederick Barbossa ng Germany; Richard I ng England and Philip Augustus ng
France. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europa ay nalunod na si Frederick at
si Phillip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard
hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa kahuli-hulihan
nagkasundo silang tumigil ng labanan sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang
nakapaglakbay sa Jerusalem.

https://bit.ly/36U3uMW

Krusada ng mga Bata

Noong 1212, isang labing dalawang taong Frances na ang pangalan ay si Stephen ay
naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata ang sumunod
sa kanya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay
ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.

https://bit.ly/3nCtVh1

IKAAPAT NA KRUSADA

Ito ay inilunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo
ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa
ginawa nilang ito kaya sila ay dineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang
mga krusador hanggang sa Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan.
Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang Imperyong Byzantine. Ang
huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula
ng paghina ng krusada.

5
Iba pang Krusada

Nagkaroon ng ibang krusada noong 1219, 1228, 1224 ngunit lahat ng mga ito ay
naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land.

Pagyamanin

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Ano ang tawag sa kataas-taasang pinuno ng simbahan?
2. Paano lumakas ang Simbahang Katoliko noong unang panahon?
3. Bakit naganap ang krusada?

B. Panuto: TAMA o MALI: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat
pangungusap at MALI naman kung di-wasto. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.
_____1. Ang Emperyong Roma ay napalaganap sa panahon ni Emperador Constantine
noong 315 AD.

_____2. Ang Simbahang Katoliko bilang institusyong panrelihiyon ay naging matatag sa


mga huling panahon ng Emperyong Roma.

_____3. Ang pari ay siyang gumagawa ng mga gawaing espiritwal, pangkabuhayan ng


Simbahan.

_____4. Ang mga obispo ay nakatira sa maliit na lungsod.

_____5. Kinikilala ang Obispo bilang kataas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko sa


Kanlurang Europe.

C. Panuto: Pumili ng tatlong (3) pinakaimportanteng krusada na nangyari sa Kanlurang


Europe. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Krusada Pinuno Katangian Bunga

1.

2.

3.

6
Isaisip

Panuto: Sa bahaging ito ay magmumuni-muni at magbahagi ng iyong


natutunan mula sa aralin. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

Ang natutunan ko
_______________________________________________

Napagtanto ko na
_______________________________________________

Maisasabuhay ko na
_______________________________________________

Isagawa

Panuto: Sagutin nang maayos ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno
1. Ano ang mahalagang institusyong panlipunan noong Middle Ages?
2. Paano napanatili ang kapangyarihan ng Simbahan sa panahon ng Middle Ages?
3. Paano nakaimpluwensiya ang simbahan sa pang-araw-araw na buhay ng mga
kristiyano?

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Titik lamang ang isulat sa kuwaderno.
1. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyanismo laban sa mga Turkong
Muslim na sumakop sa Jerusalem.
A. Kabalyerismo B. Krusada C. Piyudalismo D. Manoryalismo
2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:
A. Obispo B. Hari C. Papa D. Arsobispo

7
3. Si Jesus ay kinikilala ng mga Kristiyano na:
A. Propeta B. Hari ng Hudyo C. Messiah D. Apostole
4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:
A. Pope Leo I C. Papa Innocent I
B. Papa Urban II D. Papa Gregory VII

5.Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa Kristiyanismo
ay:
A. ang paglakas ng kapangyarihan ng Simbahan
B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan
C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada
D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo

6. Ang kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong:


A. Hudaismo B. Zoroasterianismo C. Islam D. Budahismo

7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa:


A. Pagkadiyos ni Jesus C. Pinagmulang lahi ni abraham
B. Pagkapropeta ni Jesus D. Bagong testamento

8. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay:


A. Roma B. Vatican C. Venice D. Florence

9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay:


A. Roma B. Byzantine C. Jerusalem D. Egypt

10. Kung Roma ang naging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, ano naman ang
sentro ng Kristiyanismo sa silangan?
A. Roma B. Jerusalem C. Egypt D. Byzantine

11. Ano ang pinakamataas na pangkat sa lipunan noong panahong midyibal?


A. burgis B. maharlika C. clerego D. mangangalakal

12. Sino ang mga sumusunod ang pinuno ng Turkong Muslim na nasagupa ni Haring
Richard I ng England?
A. Philip B. Mohammad C. Saladin D. Abu Bakr

13. Sentro ng Simbahang Greek Orthodox sa Silangan na bahagi ng Imperyong Romano.


A. Jerusalem B. Damascus C. Constantinople D. Antioch

14. Si Charlemagne na naging Emperador ng Banal na Imperyong Romano ay mula sa


______.
A. Germany B. Italy C. France D. Constantinople

15. Ang Krusada noong panahong midyibal ay:


A. Kilusan ng mangangalakal C. Idinadaos pagpista sa kaharian
B. Kampanya sa pagpalaganap ng kristyanismo D. Banal na digmaan

8
Karagdagang Gawain

Panuto: Ibuod ang mga pangyayaring nagbunsod sa paglulunsad ng mga Krusada. Punan
ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang talata. Isulat ito sa iyong sagutang papel
o kwaderno.

Ang Krusada ay isang __________ na inilunsad ng mga taga Europe


sa panawagan ni ________. Layunin nito na _______________________
______________________________________________.

Sa kasaysayan, maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay


ang __________________________________.

Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga inilunsad na


Krusada dahil _______________________________________________
_________________________________________.

Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pangwakas na Pagyamanin Pagyamanin


Pagtataya Pagtataya (Gawain B) (Gawain C)

B 15. Tama 5.
10.C 10. C 14. Mali 4. ERUTITSEVNI
9. C 9. C 13. Mali 3.
5. YSREVORTNOC
8. B 8. C 12. 4. APAP YROGE
Tama 2. ENITNATSNOC
7. C 7. 11. B 11. Mali 1. TAERG EHT 3.
6. A 6. 10.C 10. APAP 2.
5. B 5. 9. C 9. OKILOTAK
4. B 4. 8. B 8. GNAHABMIS 1.
3. C 3. 7. C 7. 5. HOLY LAND
2. C 2. 6. A 6. 4. EMPERADOR
1. B 1. 5. B 5. 3. SIMBAHAN
4. B 4. 2. KRUSADA
3. C 3. MO
2. C 2. 1. KRISTIYANIS
1. B 1.
Tuklasin:

9
Sanggunian

A. Aklat
Mga Mungkahing Babasahin:
Biando, Rosemarie C. etal. Kasaysayan ng Daigdig. Araling Panlipunan 8. Unang Edisyon
2014.
Mateo, Grace Estela C. Kasaysayan ng Daigdig. Araling Panlipunan Serye III. Bagong
Edisyon 2012.
Padao, Analie May.”Mga Pangyayaring Nagbibigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa
Panahong Medieval.

B. Website
http://www.slideshare.net/AnalieMayPadao/mgapangyayaring-nagbibigay-
sa.pag-usbong-ng-europe-sa-panahong-medieval.

https://www.google.com/search?q=unang+krusada&tbm=isch&ved=2ahUKEwi_6t_LsZ_rAh
UVBpQKHbh7A7EQ2cCegQIABAA&oq=unang+krusada&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBAgA
EBg6BAgAEEM6BQgAELEDUI_zL1iQwTBgsMYwaAJwAHgEgAGbAYgB_xSSAQQwLjIxmAEA
oAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQDAAQE&sclient=img&ei=Q_k4X_8JZWM0AS4942ICw&bih
=695&biw=1366&hl=en#imgrc=71kUJb3Vi-3MRM

https://www.google.com/search?q=ikatlong+krusada&sa=X&hl=en&tbm=isch&source=iu&i
ctx=1&fir=UE3gs2WyK9n_lM%252CmMVFJomR7EO5MM%252C_&vet=1&usg=AI4_kQfvI_0
1YNMo2tglcbb_tLBie1JCQ&ved=2ahUKEwixxqGEyJ_rAhURxYsBHUZzB1sQ9QEwA3oECAs
QJQ&biw=1366&bih=695#imgrc=HYU9eft9om547M

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like