Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

3

Mathematics
Modules
Quarter 4 – Weeks 1 – 4
3
Mathematics
Ikaapat na Markahan - Modyul 1:
Pagpapakita at Pagsasalin sa
Sukat ng Oras Gamit ang
Segundo, Minuto, Oras,
Araw, Linggo, Buwan, at Taon
Mathematics - Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 1: Pagpapakita at Pagsasalin sa Sukat ng Oras Gamit ang
Segundo, Minuto, Oras, Araw, Linggo, Buwan, at Taon
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Violeta M. Ibayan

Editor: Patricia Ulynne F. Garvida

Tagasuri: Michael R. Lee

Tagalapat: Ma. Fatima D. Delfin

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael R. Lee
Pandibisyong Tagamasid, Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education - Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 882 5861 / 882 5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang matutuhan at


maisagawa ang tamang pamamaraan ng pagpapakita at
pagsasalin sa sukat ng oras gamit ang segundo, minuto, oras, araw,
linggo, buwan, at taon. Ang kabuuang nilalaman ng modyul na ito
ay magagamit sa iba’t ibang sitwasyon na nangangailangan ng
pagpapakita at pagsasalin sa sukat ng oras. Isinasaalang-alang din
nito ang paggamit ng uri ng salitang naaayon sa antas ng kakayahan
ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay isinaayos ayon sa
pamantayan ng wastong pagkakasunod-sunod ng isang kurso.
Maaari rin namang maiba ang paraan ng pagbasa upang iayon sa
aklat na ginagamit. Ang modyul ay naglalaman ng isang aralin:
 Aralin 1 – Pagpapakita at Pagsasalin sa Sukat ng Oras Gamit
ang:
a. Segundo, Minuto, Oras, at Araw
b. Araw, Linggo, Buwan, at Taon

Sa pagtatapos ng modyul, ang mag-aaral ay inaasahan na


makapagsalin sa sukat ng oras gamit ang segundo, minuto, oras, at
araw.
1 oras = 60 minuto
60 minuto = 60 segundo
1 araw = 24 oras
Subukin

Basahin at sagutin ang mga katanungan sa gawing ibaba. Piliin


ang letra nang wastong sagot.

1. Si Elvie ay nakakapagtipa ng 45 na salita kada minute sa


kompyuter. Si Lorie ay nakapagtipa ng 50 na salita kada
minuto. Gaano karaming salita ang natitipa ni Lorie kaysa kay
Elvie sa loob ng 10 minuto? Elvie - 45 x 10 = 450 Lorie - 50 x 10 = 500
A. 20 B. 30 C. 40 D. 50

2. Pinayuhan si Daniel ng doktor na uminom ng 1 tableta kada


apat na oras sa loob ng 3 araw. Ilang tableta lahat ang dapat
niyang inumin? 24 oras / 4 oras = 6 x 3 = 18
A. 18 B. 19 C. 20 D. 21

3. Nagtatrabaho ang Tatay sa opisina sa loob ng 8 oras kada


araw, maliban sa araw ng Linggo. Ilang oras nagtatrabaho ang
Tatay sa loob ng isang linggo? 8 x 6 = 48
A. 21 B. 34 C. 48 D. 50
3
4. Natapos basahin ni Tyron ang isang aklat sa loob ng 150 minuto.
Ilang oras niyang binasa ang aklat?
A. 2 B. 2 ½ C. 3 D. 3 ½

5. Ang pamilya Moreno ay nagbakasyon sa probinsiya sa loob ng


49 araw. Ilang linggo sila nagbakasyon? 49 / 7 = 7
A. 7 B. 28 C. 9 D. 10

Aralin Pagpapakita at Pagsasalin sa Sukat ng

1 Oras Gamit ang Segundo, Minuto, Oras,


Araw, Linggo, Buwan, at Taon

Ang aralin na ito ay tumatalakay sa pagpapakita at pagsasalin


sa sukat ng oras gamit ang segundo, minuto, oras, araw, linggo,
buwan, at taon. Upang maisagawa ang bagay na ito, ang talas ng
isip sa pag-aanalisa ng katumbas ng oras sa segundo. minuto, oras,
araw, linggo, buwan, at taon ay kinakailangan. Naaangkop din ang
paggamit nang wastong estratehiya o pamamaraan. Ang kaalaman
sa wastong paglutas ng mga bilang ay nararapat upang makuha
ang wastong kasagutan. Mahalaga ang kasanayang ito lalo na at
ang oras ay bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa
pamamagitan ng oras ay mauunawaan natin kung gaano katagal o
kadali lilipas o gagawin ang mga bagay. Sa pamamagitan ng araling
ito, higit na mauunawaan ang wastong pagsasalin ng oras gamit ang
segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon.

Balikan

Panuto: Sagutin ang pagsasanay batay sa inyong natutunan sa


mga nakaraang aralin. Piliin ang letra nang wastong sagot.

1. Anong oras ang ipinapakita ng larawan sa


gawing kanan?
A. 3:00 C. 12:00
B. 3:15 D. 12:15

2. Kung si Aimee ay nagsimulang gumawa ng takdang-aralin ng


3:00 p.m. at sya ay natapos ng 5:30 p.m., ilang minuto siyang
gumawa ng takdang-aralin? 2.5 oras x 60 minuto = 150
A. 100 C. 150
B. 120 D. 180

4
3. Nanood si Lolo Faustino ng programa sa telebisyon. Siya ay
nagsimulang manood ng 2:40 ng hapon. Kung siya ay nanood
sa loob ng 90 minuto, anong oras siya nakatapos ng panonood
sa telebisyon? 2:40 + 20 min = 3:00
A. 4:00 a.m. C. 5:00 p.m. 60 min = 4:00
B. 4:10 p.m. D. 5:10 p.m. 10 min = 4:10 pm

4. Kung ngayon ay Marso 5, 2021, at magkikita kayo ng iyong


pinsan sa loob ng 72 oras, anong petsa kayo magkikita?
72 oras / 24 oras = 3 days

A. March 6 C. March 8
B. March 7 D. March 9

5. Mula sa unang araw ng Marso 2021, sa anong petsa tatapat


ang ika-7000 minuto? 60 minutes x 24 hours =1,440 minutes
A. Marso 5 C. Marso 7 7,000 / 1,440 = 4.86
B. Marso 6 D. Marso 8

Tuklasin

Pagpapakita at Pagsasalin sa Sukat ng Oras Gamit ang Segundo,


Minuto, Oras, Araw, Linggo, Buwan, at Taon

Nawalan ng regular na trabaho si


Annie dahil sa pandemic dulot ng
Covid-19. Dahil ditto, naisipan niyang
mag-online selling upang kumita. Sa
isang araw ay gumugugol siya ng 6 na
oras sa pagtitinda at siya ay kumikita
ng ₱350.00. Ginawa niya ang
pagtitinda sa loob ng 3 buwan.
Magkano kaya ang kaniyang
kabuuang kinita? Ilang oras ang
kaniyang ginugol dito?

5
Kung si Annie ay nag-online selling ng 3 buwan, at ang 1 buwan
ay katumbas ng 30 araw, ang 3 x 30 = 90. Samakatuwid, siya ay
nagtinda ng 90 araw.

Sinasabi na sa isang araw, siya ay kumikita ng ₱350.00. Ngayon,


kung siya ay nakapagtrabaho ng 90 araw at ito ay i-multiply sa
₱350.00, lumalabas na ang kabuuang kinita niya sa pag-o-online
selling ay ₱31 500.00.

Suriin
Sa Mathematics, ang oras ay nangangahulugan na
kasalukuyan o patuloy na pagkakasunod-sunod ng isang
pangyayaring nagaganap mula sa nakaraan patungo sa
kasalukuyan at sa hinaharap.

Ang oras ay ginagamit upang bilangin, sukatin, o ikumpara ang


tagal ng isang pangyayari o ang palugit sa pagitan ng mga ito.

Sinusukat ang oras sa segundo, minuto, oras, araw, linggo,


buwan, o maging taon.
 Ang 1 oras ay may katumbas na 60 minuto.
 Ang segundo ay katumbas ng 1/60th ng minute o 1/3, 600 ng
oras. Ang minuto ay katumbas ng 1/60 ng oras o 60 segundo.
 Ang araw ay ang kumpletong ikot ng mundo. Ito ay
katumbas ng 86 400 segundo. Ito ay tuloy-tuloy na pag-ikot
sa loob ng panahon na may 24 na oras.
 Ang linggo ay ang panahon ng 7 araw.
 Ang buwan ay may 30 na araw. Ito rin ay katumbas ng 4 na
linggo.
 Ang isang taon ay may 365 na araw. Ito ay mayroon ding 52
na linggo at 12 buwan.

Pagyamanin

Gawain. Pagtukoy sa Nawawalang Term sa Isang Pattern at


Paghahanap ng Nawawalang Value sa Isang Pamilang na
Pangungusap

Panuto: Isalin ang sumusunod na oras sa segundo, minuto, oras, araw,


linggo, buwan, at taon. Piliin ang letra ng wastong sagot.

6
1. 12 minuto = ___________ segundo
A. 510 B. 630 C. 720 D. 830

2. 9 minuto = ___________ segundo


A. 540 B. 580 C. 620 D. 660

3. 10 minuto = ___________ segundo


A. 500 B. 600 C. 700 D. 800

4. 240 segundo = ___________ minuto


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

5. 360 segundo = ___________ minuto


A. 2 B. 3 C. 6 D. 8

6. 288 oras = ___________ araw


A. 6 B. 8 C. 10 D. 12

7. 600 oras = ___________ araw


A. 15 B. 25 C. 35 D. 40

8. 6 buwan = __________ linggo


A. 12 B. 24 C. 36 D. 42

9. 12 buwan = __________ linggo


A. 48 B. 54 C. 62 D. 74

10. 48 buwan = __________ taon


A.2 B. 3 C. 4 D. 5

Isaisip

1. Ang oras ay nangangahulugan na kasalukuyan o patuloy na


pagkakasunod-sunod ng isang pangyayaring nagaganap
mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan at sa hinaharap.
2. Ginagamit ang oras upang bilangin, sukatin, o ikumpara ang
tagal ng isang pangyayari o ang palugit sa pagitan ng mga
ito.
3. Sinusukat ang oras sa segundo, minuto, oras, araw, linggo,
buwan, o maging taon.
4. Ang 1 oras ay katumbas ng 60 minuto.
5. Ang minuto ay katumbas ng 1/60 ng oras o 60 segundo.

7
6. Ang segundo ay katumbas ng 1/60th ng minuto o 1/3, 600 ng
oras.
7. Ang araw ay ang kumpletong ikot ng mundo. Ito ay katumbas
ng 86 400 segundo. Ito ay tuloy-tuloy na pag-ikot sa loob ng
panahon na may 24 na oras.
8. Ang linggo ay ang panahon ng 7 araw.
9. Ang buwan ay may 30 na araw. Ito rin ay may katumbas na 4
na linggo.
10. Ang isang taon ay may 365 na araw. Ito ay mayroon ding 52
na linggo at 12 buwan.
11. Ang 1 taon ay may 365 araw. Ito ay katumbas din ng 52
linggo. Ito rin ay maykatumbas na 12 buwan.

Isagawa

Basahin at unawain ang mga tanong sa sumusunod na suliranin


(word problem). Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang mga manggagawa ay nagtrabaho sa loob ng 3 buwan
at 15 araw. Ilan ang kabuuang bilang ng araw ang kanilang
napagtrabahuan? 3 x 30 = 90 + 15 = 105
A. 105 B. 112 C. 124 D. 134

2. Kung ang atleta ay tumakbo sa loob ng 480 segundo, ilang


minuto ang katumbas nito? 480 / 60 = 8 minuto
A. 4 B. 6 C. 8 D. 10

3. Si Dory ay naglaba ng damit sa loob ng 2 ½ oras. Ilang minuto


ang ginugol nya sa paglalaba ng damit? 2.5 x 60 =
A. 120 B. 150 C. 170 D. 190

4. Ang pamilya Moreno ay nagbakasyon ng 16 na linggo. Ilang


araw ang kanilang bakasyon? 16 x 7 araw = 112
A. 88 B. 94 C. 112 D. 121

5. Binurda ng ate ang takip sa mesa sa loob ng 7 200 segundo.


Ilang oras ang katumbas nito? 7,200 / 60 = 120
A. 110 B. 120 C. 130 D. 140

6. Binasa ni Tyron ang unang aklat sa loob ng 125 minuto at ang


pangalawang aklat ng 55 minuto. Ilang oras niyang binasa
ang dalawang aklat? 125 + 55 = 180 / 60 minuto = 3 oras
A.2 B. 3 C. 4 D. 5

8
7. Ginawa ni Dwight ang kaniyang proyekto sa EPP sa loob ng
240 minuto. Ilang oras ang katumbas nito? 240 / 60 = 4
A. 4 B. 5 C. 6 D. 7

8. Pinipitas ni Virgie ang mga bulaklak nang dahan-dahan. Kung


ang isang bulaklak ay napipitas niya sa loob ng 20 segundo,
ilang bulaklak ang kaniyang mapipitas sa loob ng 6 minuto?
A. 5 B. 9 C. 12 D. 18

9. Si Willie ay nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng 48 buwan.


Ilang taon ang katumbas nito? 48 / 12 buwan = 4 taon
A. 2 B. 3 C. 4 D. 6

10. Sinagutan ni Lorie ang Math Module sa loob ng 2 400


segundo. Ilang minuto ang katumbas nito? 2,400 / 60 = 40
A. 20 B.40 C. 60 D. 80

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng


wastong sagot.

1. Ako ay nag-almusal ng 30 minuto at nagbihis ng 15 minuto.


Kung ako ay nagsimula ng 6:30 ng umaga, anong oras ako
matatapos?
A. 7:10 B. 7:15 C. 8:10 D. 8:30
2. Nag-sort ng modules ang mga volunteer sa loob ng 150
minuto. Kung sila ay natapos sa oras na 12:30 ng hapon,
anong oras sila nagsimula?
A. 10:00 B. 10:30 C. 11:00 D. 11:30

3. Kumuha ng pagsusulit si John sa loob ng 3 000 segundo. Ilang


minuto ang katumbas nito?
A. 40 B. 50 C. 60 D. 70

4. Naglaba si Catherine sa loob ng 120 minuto, naglinis ng bahay


ng 90 minuto at naglinis ng bakuran ng 30 minuto. Ilang oras
niya ginawa ang gawaing-bahay?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5

5. Kung si Jean ay nagpipinta ng 120 minuto sa loob ng isang


araw at natapos niya ito sa loob ng 600 minuto, ilang araw
niya ginawa ang pagpinta?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5
9
6. Pinayuhan si Amy ng doktor na uminom ng 1 tableta ng
gamot kada 6 na oras. Kung siya ay iinom sa loob ng 3 araw,
ilang tableta ng gamot ang kaniyang mauubos?
A. 12 B. 14 C. 16 D. 18

7. Nanatili si Carol sa bahay ng kaniyang Lola sa loob ng 32


linggo upang samahan ito. Ilang buwan nanatili si Carol sa
bahay ng kaniyang Lola? 32 / 4 linggo = 8
A. 3 B. 5 C. 8 D. 10

8. Nakasaad sa kontrata na si Paul ay madedestino sa Cebu


upang doon magtrabaho sa loob ng 192 linggo. Ilang taon
siya mananatili sa Cebu? 192 / 4 linggo = 48 months / 12 = 4 years
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

9. Si Tiyo Juancho ay nakakagawa ng 1 basket sa loob ng 3


araw. Ilang basket ang kaniyang magagawa sa loob ng 6
linggo? 6 linggo x 7 araw = 42 araw / 3 araw = 14
A. 10 B. 12 C. 14 D. 16

10. Mula no’ng mag-lockdown ng buwan ng Marso 2020 dahil sa


Covid-19, ngayon lamang buwan ng Marso 2021 nagsimulang
dumating ang mga vaccines. Ilang buwan hinintay ng mga
Pilipino ang pagdating ng mga vaccines laban sa Covid-19?
A. 12 B. 14 C. 16 D. 18

10
3
Mathematics
Ikaapat na Markahan - Modyul 2:
Pagsasalin ng Karaniwang
Yunit ng Panukat na Linear, Sukat o
Timbang, at Dami o Laman
Mathematics - Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 2: Pagsasalin ng Karaniwang Yunit ng Panukat na Linear,
Sukat o Timbang, at Dami o Laman
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elvie R. Cabebe

Editor: Patricia Ulynne F. Garvida

Tagasuri: Michael R. Lee

Tagalapat: Ma. Fatima D. Delfin

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael R. Lee
Pandibisyong Tagamasid, Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education - Schools Division Office of Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 882 5861 / 882 5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat ayon sa iyong


kakayahan. Narito upang matulungan kang malaman ang
Pagsasalin ng Karaniwang Yunit ng Panukat na Linear, Sukat o
Timbang, at Dami o Laman. Ang saklaw ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na magamit ito sa maraming iba't ibang mga
sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang
magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga
aralin ay inayos upang sundin ang karaniwang pagkakasunud-sunod
ng kurso. Ngunit ang pagkakasunud-sunod kung saan mo binasa ang
mga ito ay maaaring mabago upang tumugma sa aklat na
ginagamit mo ngayon.

Matapos gamitin ang modyul na ito, ika’y inaasahang:


1. makapagsalin ng karaniwang yunit ng panukat na linear;
2. makapagsalin ng karaniwang yunit ng panukat sa sukat
o timbang; at
3. makapagsalin ng karaniwang yunit ng panukat ng dami
o laman.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa
patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ang layo ng bahay nina Ana at ang paaralan ay 5 na


metro. Ano ang katumbas nito sa sentimetro?
A. 5 sentimetro C. 500 sentimetro
B. 50 sentimetro D. 5000 sentimetro

_____ 2. Gusto ni John magbisikleta ngayon. Nalaman niya na ang


layo papuntang grocery ay 100 metro. Ano ang katumbas
nito sa sentimetro?
A. 100 sentimetro C. 10,000 sentimetro
B. 1000 sentimetro D. 100,000 sentimetro

3
_____ 3. 25 kilo = _______ gramo
A. 2.5 gramo C. 2500 gramo
B. 250 gramo D. 25,000 gramo

_____ 4. Bumili ang Nanay ng 3500 gramong mangga dahil


marami siyang bisita bukas. Ilang kilo ang binili niya?
A. 0.35 kilo C. 35 kilo
B. 3.5 kilo D. 350 kilo

_____ 5. Ang isang bote ng inumin ay may lamang 250 milimetro.


Kung bibili si Dexter ng 10 piraso nito, ilang litro and
katumbas nito?
A. 2.5 litro C. 250 litro
B. 25 litro D. 2500 litro

Aralin Pagsasalin ng Karaniwang Yunit ng

1 Panukat na Linear, Sukat o Timbang,


at Dami o Laman

Sa ating aralin tungkol sa pagsukat ng mga bagay sa ating


paligid o sa ating bahay, dapat malaman natin kung paano ang
itsura nito at ang pagsalin sa mas malaking yunit o ang kabaliktaran
nito. Bilang isang bata, inaalam ang mga konseptong ito para ito ay
mapakinabangan habang kayo ay lumalaki at gagamitin ito sa
inyong pang-araw-araw na buhay.

Ang pagsukat ng layo o haba ng isang lugar o bagay ay


ginagamitan ng tamang yunit na panukat. Gayundin sa timbang o
dami ng laman sa isang lagayan.

Handa na ba kayo? Tara na, ituloy natin ang inyong pag-aaral


sa panukat.

Balikan

Kumusta kayong lahat? Naalala mo ba ang


pinag-aralan natin noong nakaraang linggo?
Ating sagutan ang sumusunod na katanungan.

4
 Anong buwan ang nakasaad
sa kalendaryo? February

 Ilang araw mayroon ang


kalendaryo? 28 na araw

 Ilang linggo mayroon ang


buwan ng Pebrero? 4 na linggo

Tuklasin

A. Panuto: Narito ang mga bagay na ginagamit sa panukat na


linear, sa timbang, at dami o laman. Mayroon ba kayong
ganito sa inyong bahay? Ating kilalanin ang bawat isa.

1. Panukat na Linear

2. Panukat sa Timbang 3. Panukat sa dami

1L
500 ml

B. Panuto: Anong gamit sa panukat ang gagamitin mo kapag


sinusukat ang sumusunod na bagay?

1. 2.

ruler or tape measure


ruler or tape measure
5
3. 5.
kiluhan

measuring cup
4.

Suriin

A. Pagsalin ng mga karaniwang yunit ng panukat na linear

Gawain 1

1 metro = 100 sentimetro

Panuto: Isulat ang katumbas na sukat batay sa nakasaad na yunit.

1. 3 metro = 300
__________ sentimetro (3 m x 100 cm)
2. 10 metro = 1,000
__________ sentimetro (10 m x 100 cm)
3. 500 sentimetro = __________
5 metro (500 cm / 100 cm = 5 m)

4. 6500 sentimetro = 65
__________ metro (6,500 cm / 100 cm = 65 m)
1 50
5. metro = __________ sentimetro (0.50 m x 100 = 50 cm)
2

Gawain 2. Panuto: Sagutin ang sumusunod na bilang.

1.
15 metro

6
Ang puno ay may taas na 15 metro. Gaano kataas ito sa sentimetro?
1,500 cm
_______________________

2. 20 metro

Ang bahay ni Marian ay may layong 20 na metro sa paaralan. Gaano


2,000 cm
kalayo ang bahay nila sa sentimetro? ___________________
B. Pagsalin ng mga karaniwang yunit ng sukat ng timbangan.

1 kilo = 1000 gramo

Gawain 3. Panuto: Isulat ang katumbas na sukat batay sa nakasaad


na yunit.

1. 2 kilong bangus = 2,000


__________ gramong bangus
2. 8 kilong manga = __________
8,000 gramong mangga
3. 25 kilong bigas = __________
25,000 gramong bigas
4. 6000 gramong asin = 6
__________ kilong asin
5. 10500 gramong bakal = 10.5
__________ kilong bakal
6. 23500 gramong prutas = 23.5
___________ kilong prutas

Gawain 4. Panuto: Ayusin ang mga gulay ayon sa bigat, simula sa


pinakamagaan hanggang sa pinakamabigat. Gamitin ang bilang 1,
2, 3, at 4 sa pagsusunod-sunod.

450 gramo 2500 gramo 200 gramo 1000 gramo

2 4 1 3

7
C. Pagsalin sa karaniwang yunit ng panukat ng dami o laman

Si Nena ay umiinom ng isang basong gatas


araw-araw na may lamang 300 ml. Parating
malakas ang kanyang katawan at masigla.
Kaya sa buong linggo, nakakainom sya ng 2100
ml na gatas.

Sagutin ang sumusunod na katanungan:


1. Sino ang umiinom ng gatas? Nena
2. Ilang basong gatas ang iniinom sa buong
linggo? 7 baso
3. Ano ang magandang dulot ng gatas sa
katawan? Malakas at masigla

1 litro (L) = 1000 milimetro

Gawain 5 Panuto: Isulat ang katumbas na sukat sa


milimetro.
5,000 ml
1. 5 L = ______

2. 1.5 L = 1,500
______ ml

2.5 L
3. 2500 ml = ______

4 L
4. 4000 ml = ______

10 L
5. 10000 L = ______

Pagyamanin
Lutasin ang mga sulinan na ito.

1. Tulungan natin si Nanay Athena na lutasin ang


suliraning ito. Nais niyang ibenta ang kalabasa na
may bigat na 1500 gramo. Ilang kilo ang
kabuuang bigat ng kalabasa? 1.5 kilo

8
2. Ang lagayan ng tubig sa bahay nina Mercy ay
20 L
may lamang 20 litrong tubig. Ano ang katumbas
nito sa milimetro? 20,000 ml

3. Ang lagayan ng tubig na ito ay kasya ng 20 na


litro. Kung isasalin ni Jose pet bottle na 250
milimetro, ilang pet bottle ang kanyang
gagamitin? 80 pet bottle

20 litro = 20,000 ml
20,000 ml 250 ml = 80 pet bottle

Isaisip

Pagsalin ng mga karaniwang yunit ng panukat na linear

1 metro (m) = 100 sentimetro (cm)


Pagsalin ng mga karaniwang yunit ng sukat ng timbang

1 kilo (k) = 1000 gramo (g)


Pagsalin ng mga karaniwang yunit ng dami o laman.

1000 milimetro (ml) = 1 litro (L)

Isagawa

Simulan ang pagsagot sa hagdan (ladder game) para makaabot sa


tuktok na pagkapanalo.
7.5 l

15,000 g 7500 ml =
6k
l
35 m 15 k = g
6000 g =
800 cm 3500 cm =
k
8m= cm m

9
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa
patlang bago ang bilang.

_____ 1. Pupunta sa Makati City Hall si Anne na may layong 20 na


metro mula sa kaniyang bahay. Ano ang katumbas nito sa
sentimetro?
A. 200 sentimetro C. 20,000 sentimetro
B. 2000 sentimetro D. 200,000 sentimetro

_____ 2. Ano ang katumbas ng 78 metro sa sentimetro?


A. 7800 sentimetro C. 7.8 sentimetro
B. 780 sentimetro D. 78,000 sentimetro

_____ 3. Tignan ang larawan. Ilan ang katumbas nito sa gramo?


A. 2.5 gramo C. 25,000 gramo
B. 250 gramo D. 250, 000 gramo

_____ 4. 7500 gramo = ______ kilo.


A. 0.75 kilo C. 5 kilo
B. 7.5 kilo D. 3750 kilo

_____ 5. Nagtimpla ng pineapple juice ang kanyang Tita para sa


bisita. Ang isang pitsel ay may 2 litrong tubig. Ilang milimetro ito lahat?
A. 20 milimetro C. 2000 milimetro
B. 200 milimetro D. 20000 milimetro

10
3
Mathematics
Ikaapat na Markahan - Modyul 3:
Pagpapakita at Paglutas ng
Suliraning Routine at Non-Routine
na Pagsasalin ng mga
Karaniwang Yunit ng Panukat
Mathematics - Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 3: Pagpapakita at Paglutas ng Suliraning Routine at Non-
Routine na Pagsasalin ng mga Karaniwang Yunit ng Panukat
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dina L. Alcarado

Editor: Patricia Ulynne F. Garvida

Tagasuri: Michael R. Lee

Tagalapat: Michiko Remyflor V. Trangia at Ma. Fatima D. Delfin

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael R. Lee
Pandibisyong Tagamasid, Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education - Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 882 5861 / 882 5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin
Magandang araw, aking mag-aaral! Sa araw na ito ay may
bago kang kaalaman at kasanayan na matututuhan. Handa ka na
bang tuklasin ang mga ito? Narito ang mga paksa na pag-aaralan
mo sa araw na ito.

Ang modyul na ito ay lilinang sa iyong kasanayan sa:


 Pagpapakita at paglutas ng suliraning routine at non-routine
na pagsasalin ng mga karaniwang yunit ng panukat.

Sa katapusan ng aralin, inaasahang nalinang na sa iyo ang


sumusunod na mga layunin:
1. Nauunawaan ang hakbang sa paglutas ng routine at non-
routine ng pagsasalin ng karaniwang mga yunit ng panukat.
2. Nakalulutas ng suliraning routine at non-routine na
kinasasangkutan ng karaniwang yunit ng panukat ng dami
o laman.
3. Napahahalagahan at naisasabuhay ang pagsasalin at
paglutas ng suliranin na pagsasalin ng mga karaniwang
yunit ng panukat na kinasasangkutan ng pagsukat ng dami
o laman gamit ang naaangkop na istratehiya.

Subukin

Bago ka magpatuloy sa pag-aaral, tingnan muna natin ang


kaalamang mayroon ka sa bago nating aralin. Subuking sagutin ang
pagsasanay na ito.

Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Piliin at


isulat ang tamang sagot sa papel.

1. Ang kabuuang sukat ng lote ng bahay ay 68 metro, ilang


sentimetro ang katumbas nito? 68 x 100 = 6,800
A. 68 cm C. 6 800 cm
B. 680 cm D. 68 000 cm

2. Ilang metro ang taas ng gate ng paaralan kung ito ay 1 500


sentimetro?
A. 1 ½ m C. 1 ¾ m
B. 1 ¼ m D. 15 m

3
3. Sa loob ng refrigerator ay mayroong 500 gramong manok, isang
500 gramong karneng baka, at 750 gramo ng isda. Ilang kilo
lahat ang nasa loob ng refrigerator? 1,750 / 1,000 = 1 3/4
A. 1 kilo C. 1 ¾ kilo
B. 1 ½ kilo D. 2 kilo

4. Si Roel ay nakaiinom ng 2 ½ litro ng tubig sa isang araw. Ilang


mililitro ng tubig ang naiinom niya sa isang araw?
A. 2 500 mL C. 2 750 mL
B. 2 250 mL D. 2 550 mL

5. Ang bathtub ay naglalaman ng 75 000 mL na tubig. Ilang litro


ng tubig ang maaaring ilagay dito?
A. 7 500 L C. 750 L
B. 700 L D. 75 L

Aralin Pagpapakita at Paglutas ng Suliraning

1 Routine at Non-Routine na Pagsasalin


ng mga Karaniwang Yunit ng Panukat

Balikan

Panuto: Lutasin at punan ang nawawalang bilang sa patlang.

1. 5 m 500 cm
= ______ 6. ¼ kg 250 g
= ____
3 18
2. 300 cm = ______ m 7. 18, 000 mL =_____L
850
3. 8 ½ m = ______cm 8. 6 ½ L = ____ mL 6,500
12,000
4. 12 kg = ______ g 9. 24, 500 mL = 24.5
____ L
7.5
5. 7 500 g = ______kg 10. 75 L = ____ mL
75,000

Tuklasin

Tingnan ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong sa kahon.

4
 Alin ang mas marami
A
B ang laman, lalagyan A
1, 800 mL 2L
o lalagyan B?
 Gaano kalaki ang
2,000 ml
lamang nito sa kabila?
200 ml

Ang lalagyan B po ang mas marami ang laman. Dahil kung


isasalin po ang 2L sa mililitro, ito ay may katumbas na 2,000 mL
sa pamamagitan ng pagmu-multiply ng 2L sa 1,000 mL, kaya
2,000 mL. At kung ibabawas ang 1,800 mL sa 2 000 mL, ito ay
lamang ng 200 mL kumpara sa lalagyan A.

Tama ba ang sagot ni Aurora? Lutasin natin.

 Ano ang tinatanong?

Alin ang mas marami ang laman at


gaano kalaki ang lamang nito sa kabila.

 Ano ang bigay na datos:


A=1,800 mL; B= 2 L

 Ano ang operasyon na gagamitin?


Multiplication at subtraction

 Ano ang pamilang na pangungusap? (2 x


1,000 mL) – 1,800 = N
2 000 mL – 1 800 mL = N

 Ano ang solusyon?


2,000 mL – 1,800 mL = 200 mL.

Solusyon: Samakatuwid, lamang ng 200 mL


ang lalagyan B sa lalagyan A. Kaya mas
maraming laman ang lalagyan B kaysa
lalagyan A.

Magaling!

5
Suriin

A. Paglutas ng Suliraning Routine at Non-routine na Pagsasalin ng


mga Karaniwang Yunit ng Panukat

Paano nga ba ang paglutas ng suliraning routine at non-routine


na pagsasalin ng mga karaniwang yunit ng panukat?
Suriin natin ang sitwasyon sa ibaba at lutasin.

Ang quarantine facility room ay may habang


18 ½ metro. Ilang sentimetro ang katumbas nito?

Sa paglutas ng mga suliranin, gamitin ang Polya’s Four-Step Process:


1. Unawain ang suliranin (Understand the problem)

 Ano ang mga bigay na datos? (18 ½ m)


 Ano ang tinatanong? (Bilang sa sentimetro)
 Anong operasyon ang gagamitin? Pagpaparami/Multiplication)

2. Magplano (Plan)

 Ano ang pamilang na pangungusap? (18 ½ x 100 = N )

3. Lutasin (Solve)
 Ano ang sagot? (18 ½ x 100 = 1,800 + 50 = 1,850)

4. Balikan (Look back)

 Tama ba ang sagot at ginamit na yunit ng panukat?


(Mayroong 1,850 cm)

Pagyamanin
Gawain 1. Panuto: Basahin, unawain, at lutasin ang sumusunod na
pamilang na suliranin gamitin ang mga hakbang sa paglutas ng
suliranin.

6
1. Naglalaman ang isang lata ng 1.5 litro ng tubig. Hinihiling sa iyo
ng guro na ilagay ang tubig sa 250 mL na bote. Ilan ang mga
bote na kailangan ng guro?

Unawain
Ano ang tinatanong? Ilan ang mga bote na kailangan?
_____________
Ano ang bigay na datos? 1.5 litro at 250 ml
_____________
Ano ang operasyon ang gagamitin? ____________
Multiplication at Division

Magplano
Ano ang pamilang na pangungusap upang malutas ang
suliranin? 1.5 x 1,000 = 250 x N
______________

1,500 = 250 x N
Lutasin
1,500 250 = 6
Ano ang solusyon o sagot? 6 _______________

Balikan
Gawin ang pagtatama upang masigurong tama ang iyong
sagot. Isulat ang kumpletong sagot at ang tamang yunit ng
panukat.

2. Nagbigay ang klase ng pangkat Diamond ng isang kahon ng


pansit sa mga apektado ng pandemya. Ang nilalaman ng isang
kahon ng pansit ay may timbang na 6 na kilo. Kung ang bawat
pakete ng noodles ay may bigat na 60 g, gaano karaming mga
pakete ang nasa kahon?

Unawain
Ano ang tinatanong? Gaano karami pakete ang nasa kahon
________________
Ano ang bigay na datos? 6 kg at 60 grams
_______________
Ano operasyon ang gagamitin? Multiplication
_____________ at Division

Magplano
Ano ang pamilang na pangungusap upang malutas ang
sulrianin? 6_______________
x 1,000 = 60 x N

Lutasin 6,000 = 60 x N

Ano ang solusyon o sagot? 6,000 60 = 100


________________

7
Balikan
Gawin ang pagtatama upang masigurong tama ang iyong
sagot. Isulat ang kumpletong sagot at ang tamang yunit ng
panukat.

Isaisip

Paano tayo makalulutas ng pamilang na suliranin


na kinasasangkutan ng pagsasalin mga
karaniwang yunit na panukat?
 Para makalutas ng pamilang na suliranin ng
pagsasalin ng mga karaniwang yunit ng
panukat, sundin ang 4 na hakbang sa paglutas
ng suliranin (4-step plan in problem solving). Ito
ay ang Unawain, Magplano, Lutasin, at Balikan.
Ano-ano ang mga karaniwang yunit na panukat?
 Ang mga yunit na panukat sa linear ay ang
metro at sentimetro; yunit na panukat sa
timbang ay kilo at gramo; yunit na panukat sa
dami o laman ay litro at mililitro.

Isagawa

Matapos mong tuklasin ang mga kaalaman at kasanayan na dapat


malinang sa modyul na ito, ipagpatuloy pa ang pagpapalawak ng
kasanayan sa mga susunod na gawain. Handa ka na ba?

8
Gawain 1. Basahin, unawain, at lutasin.

1. Tingnan ang larawan. Alin ang bibilhin mo para ikaw ay


makatipid? Bilugan ang iyong napili. Magkano ang matitipid
mo? Mahalaga ba na tayo ay magtipid? Bakit?

₱150 3 ₱240 Mas mahal


240 1.5 ml = 160

1 Liter
500 mL 500 mL 500 mL

Gawain 2. Interbyuhin ang iyong nanay tungkol sa kaniyang pamimili


ng mga pangangailangn sa inyong tahanan. Maglista ng 5 bagay
na karaniwang binibili niya at ang sukat ng bawat aytem.
Magsagawa ng pagkukumpara at magsulat ng maikling repleksyon
tungkol dito.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga


pahayag/katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

________ 1. Ang bakod na nakapaligid sa paaralan ay may taas na 6 na


metro. Gaano kataas ang bakod sa sentimetro?
A. 6 000 cm C. 60 cm
B. 600 cm D. 6 cm

________ 2. Si Nanay ay bumili ng 5 kilong mangga. Ilang gramo ng


mangga ang binili ni nanay?
A. 5 g C. 500 g
B. 50 g D. 5 000 g
9
________
3. Si Reynaldo ay nakaiinom ng 3 ½ litro ng tubig sa isang araw.
Ilang mililitro ng tubig ang naiinom ni Reynaldo sa isang araw?
A. 3 500 mL C. 5 500 mL
B. 4 500 mL D. 6 500 mL

________ 4. Ang malaking galon ay naglalaman ng 65 000 mL na tubig.


Ilang litro ng tubig ang maaaring ilagay dito?
A. 85 L C. 65 L
B. 75 L D. 55 L

________ 5. Si Tatay ay namakyaw ng isda at karne sa palengke at nilagay


niya ito sa freezer. Ang nailagay niya ay 1 000 g ng tilapia,
750 g ng karneng baboy, 500 g ng karneng baka, at 1 500 g ng
bangus. Ilang kilo lahat ng isda at karne ang nailagay ni tatay
sa freezer?
A. 2 ¼ kl C. 2 ¾ kl
B. 3 ¼ kl D. 3 ¾ kl

10
3
Mathematics
Ikaapat na Markahan - Modyul 4:
Pagpapakita at Pagsukat ng
Area Gamit ang Angkop na Yunit,
at Mga Suliraning Routine at
Non-Routine na Ginagamit ang
Area ng Parisukat at Parihaba
Mathematics - Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 4: Pagpapakita at Pagsukat ng Area Gamit ang Angkop na
Yunit, at Mga Suliraning Routine at Non-Routine Gamit ang Area na Parisukat at Parihaba
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maila S. Delim

Editor: Patricia Ulynne F. Garvida

Tagasuri: Michael R. Lee

Tagalapat: Michiko Remyflor V. Trangia at Ma. Fatima D. Delfin

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Michael R. Lee
Pandibisyong Tagamasid, Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education - Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 882 5861 / 882 5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga paksa tungkol sa Area. Mapag-


aaralan at maiintindihan ng mga mag-aaral ang sumusunod na aralin:
 Pagpapakita at Pagsukat ng Area gamit ang angkop na yunit
 Mga Suliraning Routine at Non-Routine na ginagamit ang Area ng
Parisukat at Parihaba.
Mainam kung ang mga mag-aaral ay dalubhasa na sa mga yunit na
panukat at sa pagpaparami (multiplication) upang madaling matutunan
at makabisa ang mga aralin na nakapaloob sa module na ito. Pagkatapos
ng modyul na ito, inaasahann na ang mga bata ay:
 Naipapakita at nasusukat ang area ng isang figure gamit ang
angkop na yunit; at
 Nalulunasan ang mga suliraning routine at non-routine na ginagamit
ang area ng parisukat at parihaba.

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Ano ang angkop na yunit para masukat ang area ng kahon ng
sapatos?
A. sq.cm B. sq.m C. sq.km D. sq.mm
2. Anong angkop na yunit ang gagamitin ni G. Reyes sa pagsukat ng
area ng kaniyang hardin?
A. sq. cm B. sq.m C. sq.mm D. sq.km
3. Ano ang area ng figure sa kanan?
A. 5 sq.units B. 8 sq.units C. 9 sq.units D. 10 sq.units
4. Ano ang area ng nakulayang bahagi ng figure?
2 cm
2 cm A. 16 sq.cm C. 8 sq.cm
B. 32 sq.cm D. 10 sq.cm

5m

5. Ano ang area ng parisukat sa kanan? 3m

A. 8 sq.m B. 15 sq.m C. 5 sq.m D. 3 sq.m

3
Aralin Pagpapakita at Pagsukat ng Area Gamit ang
Angkop na Yunit, at Mga Suliraning Routine at

1 Non-Routine na ginagamit ang Area ng


Parisukat at Parihaba

Pagkatapos pag-aralan ang mga pagsasalin ng mga karaniwang


yunit na panukat, sa araling ito, ay maipapakita ang kahalagahan ng
pagkuha ng area gamit ang angkop na yunit. Matututunan din kung
ano ang ibig sabihin ng area, paano ang tamang pagsukat, at ang
formula para makuha ang area ng parisukat at parihaba. Ipapaliwanag
sa araling ito ang tamang pagkuha ng area ng isang figure o bagay at
kung paano lulutasin ang mga suliranin (word problems) na naaangkop
at magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Balikan

Panuto: Isulat ang katumbas na sukat batay sa nakasaad na yunit.

300
1. 3 metro = _______________ sentimetro

6
2. 600 sentimetro = _________ metro

3.
1 50
metro = ____________ sentimetro
2

1,000
4. 10 metro = _____________sentimetro

5.
3 75
metro = _____________ sentimetro
4

Tuklasin

Dahil sa pandemya, hindi muna pinapahintulutang


lumabas ng bahay ang mga bata upang hindi mahawa
ng sakit na Covid-19. Dahil dito, nakahiligan ni Blaise na
magbasa ng libro upang malibang. Pagkatapos mamili
sa grocery ni Aling Mila, naisipan niyang bilhan ng
bagong libro si Blaise. Ano kaya ang area ng librong binili
ni Aling Mila? Ano ang tamang yunit na dapat gamitin sa
pagsukat nito?

4
1. Ano ang tinatanong sa suliranin? (Area ng libro at tamang panukat na
gagamitin)
2. Ano ang tamang panukat na maaring gamitin? (ruler, tape measure,
meter stick)
3. Ano ang pinakaangkop na yunit ang dapat gamitin? (square centimeter/
sq.cm/ cm2
4. Kung ang ay katumbas ng isang sentimetrong kuwadrado (1sq.cm) at
ang buong grid ay kasinglaki ng sukat ng libro, ano ang area ng libro?

Bilangin ang maliliit na parisukat sa


grid. Ilang mayroon ang grid?

 Ano ang sukat ng gilid o side ng


isang maliit na parisukat? (1cm)
 Ano ang area ng isang maliit na
parisukat? (1 square centimeter o
1cm2)
 Kung ang isang maliit na parisukat 1cm
ay 1 square centimeter o 1 cm2, 1cm
ano ang area ng grid? (144 sq. cm)
 Kung ang grid ay kasing laki ng libro, ano ang area ng libro?(144 sq. cm)
 Maaari ba nating gamitin ang square centimeter o sq.cm sa pagkuha
ng area ng inyong notebook? Bakit?
 Kailan ginagamit ang sq.cm sa pagkuha ng area ng isang figure o
bagay?
(Ginagamit ang sq.cm sa pagkuha ng area ng isang bagay na maliit
ang sukat)
 Ano naman ang angkop na yunit na dapat gamitin sa pagkuha ng
area ng figure o bagay na malaki, gaya ng silid-aralan, auditorium,
plaza, hardin, at iba pa?
(Ginagamit ang square meter o sq.m sa pagkuha ng area ng isang
bagay na malaki ang sukat)

Mga Suliraning Routine at Non-Routine na ginagamit ang Area ng Parisukat at


Parihaba

A. Naisipan ni Mang Ramon na gawing taniman ng gulay ang bakanteng lote


nito sa likod ng bahay upang makatipid dahil sa mahal ng bilihin ngayon.
Kung ang gilid o side ng lote ay may sukat na 10 metro, ano ang area nito?

1. Pag-unawa sa Suliranin (Understand the Problem)


 Ano ang tinatanong sa suliranin? Ang area ng bakanteng lote
ni Mang Ramon.
 Ano ang mga datos sa suliranin? 10 metro – sukat ng isang
gilid o side ng lote

5
2. Gumawa ng Plano (Devise a Plan)
Paano makukuha ang area kung ang
Tandaan: Ang hugis ay parisukat (square)?
parisukat ay may 4 na
gilid o sides na may 10 m I-multiply ang gilid o side sa kanyang
magkakaparehong sarili upang makuha ang area.
sukat.
A = side x side

10 m

3. Isagawa ang Plano (Carry out the Plan)


Area = 10 m x 10 m
Area = 100 square meter / 100 sq.m / 100 m2

4. Pagwawasto (Check and Look Back)


Upang malaman kung tama ang sagot, i-divide ang product sa sukat
ng gilid o side.
100 ÷ 10 = 10

B. Pinahiram ni G. De Vera ang kaniyang garahe upang magamit na imbakan


ng relief goods na ipapamigay sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang
Taal. Kung ang haba (length) ng garahe ay 12 metro at ang lapad (width) ay
8 metro, ano ang area nito?

1. Pag-unawa sa Suliranin (Understand the Problem)


 Ano ang tinatanong sa suliranin? Ang area ng garahe ni
G. De Vera
 Ano ang mga datos sa suliranin? 12 metro ang haba, 8 metro
ang lapad

2. Gumawa ng Plano (Devise a Plan)


Paano makukuha ang area kung ang hugis
12 m ay parihaba (rectangle)?
8m I-multiply ang haba (length) at lapad (width)
upang makuha ang area.
A = length x width

3. Isagawa ang Plano (Carry out the Plan)

Area = length x width


= 12 metro x 8 metro
Area = 96 square meter / 96 sq.m / 96 m2

4. Pagwawasto (Check and Look Back)


Upang malaman kung tama ang sagot, i-divide ang product sa length.
Kung ang nakuhang sagot ay ang sukat ng width, tama ang sagot mo.

6
Maaari rin namang i-divide ang product sa width at kung ang nakuhang
sagot ay ang sukat ng length, tama ang sagot mo.
96 ÷ 12 = 8 ; 96 ÷ 8 = 12

Suriin

Ang area ng isang silid ay 135 sq.m. Kung ang lapad (width) nito ay 9 na
metro, ano ang haba (length) nito?

Upang makuha ang haba (length) ng silid, i-divide ang area sa lapad
nito.
Formula: Area ÷ Width = Length
135 sq. m ÷ 9 m = 15m (haba o length)

Si Aling Sylvia ay may parihabang hardin. Ito ay may habang 9 na metro


at 6 metro ang lapad. Kung magdadagdag ng 2 metro sa haba at lapad,
ano ang magiging bagong area ng hardin?

A. Haba (length) - 9 metro


Lapad (width) – 6 metro
Dagdagan ng 2 metro ang haba at lapad
Haba (9 metro + 2 metro) = 11 metro
Lapad (6 metro + 2 metro) = 8 metro

Bagong sukat: Haba = 11 metro; Lapad = 8 metro

Formula: Area = length x width


= 11 m x 8 m
Area = 88 m2 ; bagong area ng hardin

Pagyamanin
Activity 1: Piliin ang pinakaangkop na yunit na dapat gamitin sa
sumusunod. Isulat sa patlang ang metrong kuwadrado
(sq.m) o sentimetrong kuwandrado (sq. cm)
1. papel sq cm
__________________
2. silid-tanggapan sq m
__________________
3. birthday card sq cm
__________________
4. Audio Visual Room sq m
__________________
5. Plaza sq m
__________________

7
Activity 2: Isulat sa patlang ang area ng bawat figure. Ang isang
ay katumbas ng 1 sq.cm
1. 10 sq cm
______ 7 sq cm
2. _______ 12 sq cm
3. _______ 7 sq cm
4. _______

Activity 3: Hanapin ang area ng bawat parihaba at parisukat.


Isulat ang sagot sa patlang.
35 cm
9m
10 m

1) 4m 2) 3) 4)
18 m
7 cm

10 m x 4 m
Formula: _____________
7 cm x 7 cm 9 m x 18 m 35 cm x 35 cm
Formula: _____________ Formula: _____________ Formula: _____________
40 sq. m
Area: ________________ 49 sq. cm
Area: ________________ 162 sq. m 1,225 sq. cm
Area: ________________ Area: ________________

Activity 4: Kumpletuhin ang talahanayan.


Hugis Haba (Length) Lapad (Width) Area
Parihaba X 11 cm 4 cm 44 sq cm
Parihaba Y 14 cm 9 cm 126 sq.cm
Parihaba Z 25 cm 15 m 375 sq. m

Hugis Side Area


Parisukat M 20 cm 400 sq. m
Parisukat N 12 cm 144 sq.m

Activity 5: Basahin, unawain, at lutasin ang sumusunod na suliranin.


Maaaring gumuhit ng angkop na ilustrasyon upang
makatulong sa pagsasagot.
1. Nais ni Rayven na kunin ang area ng kanyang laptop, ano ang
angkop na yunit na dapat niyang gamitin?
2. Ano ang area ng parisukat na may gilid o side na 24 cm?
3. Ang haba (length) ng parisukat ay 21 cm at ang lapad (width) nito
ay 13 cm. Ano ang area nito?
4. Gumawa ng invitation card si Aira para sa kanyang nalalapit
na kaarawan. Ang invitation card ay may haba na 32 cm at lapad
na 27 cm. Ano ang area ng invitation card?
5. Ang area ng isang parihabang silid ay 126 m2. Kung ang lapad ay 7
m, ano ang haba nito?
6. Ang area ng parisukat na colored paper ay 81cm2. Ano ang sukat
ng gilid o side nito?
7. Alin ang mas malaki, ang area ng parihabang panyo na may lapad
na 16 cm at habang 25 cm o ang parisukat na panyo na may gilid o
side na 20 cm? Ipaliwanag.

8
Isaisip

Square Meter - ito ang angkop na yunit na ginagamit sa pagkuha ng area


ng isang malaking figure o bagay, gaya ng silid, plaza, hardin, lote, garahe,
at iba pa. Maaari ring isulat ito ng sq.m o m2.
Square Centimeter – ito ang angkop na yunit na ginagamit sa pagkuha ng
area ng isang maliit na figure o bagay, gaya ng papel, notebook, aklat,
laptop, kahon ng sapatos, at iba pa. Maaari ring isulat ito ng sq.cm o cm2.
Area - ang area ay bilang ng square units na pwedeng mag-cover sa isang
bounded region o isang bahagi ng flat surface na may closed boundary.
Upang makuha ang area ng parihaba at parisukat, gamitin ang mga
formula na ito:
Parihaba (Rectangle)
A = Haba (Length) x Lapad (Width)
Parisukat (Square)
A = side x side

Isagawa

Si Aling Lydia ay nagpatayo ng tindahan sa kanilang


bakanteng lote upang makatulong sa kanyang asawa sa
kanilang gastusin sa araw-araw. Kung ang haba (length)
ng lote ay 20 metro at ang lapad (width) ay mas maliit ng
5 metro kaysa haba (length) nito, ano ang area ng lote?
1) Ano ang tinatanong sa suliranin? Area ng lote
2) Ano ang mga datos sa suliranin? 20 m at 15 m
3) Planuhin. Ano ang pamilang na pangungusap o
number sentence ang gagamitin upang malutas ang
suliranin? 20 m x 15 m
4) Isagawa ang plano. Ipakita ang solusyon
5) Ano ang sagot? 300 sq m

Tayahin
Basahin at intindihin ang sumusunod na tanong. Isulat ang tamang sagot
sa sagutang papel.
9
1. Anong angkop na yunit para masukat ang area ng sahig ng silid-
aralan?
A. sq. cm B. sq. m C. sq. km D. sq. mm

2. Anong angkop na yunit ang gagamitin ni Berna sa pagsukat ng area


ng kaniyang kwaderno?
A. sq. cm B. sq.m C. sq.mm D. sq.km

3. Ano ang area ng figure na ito?

A. 15 sq.units B. 16 sq.units C. 17 sq.units D. 18 sq.units

4. Ano ang area ng figure na may kulay?

5 cm
A. 12 sq.cm C. 60 sq.cm
B. 300 sq.cm D. 400 sq.cm

20 m

12 m
5. Ano ang area ng parisukat na ito?

A. 2 sq.m B. 20 sq.m C. 12 sq.m D. 240 sq.m

6. Ang lagayan ng sapatos ni Aling Nena ay hugis parisukat. Kung ang


gilid nito ay 10 metro, ano ang area nito?
A. 100 m2 B. 10 m2 C. 20 m2 D. 40 m2

7. Ano ang area ng plaza kung ang haba nito ay 42 metro at ang lapad
ay 30 metro?
A. 1,260m2 B. 72 m2 C. 144 m2 D. 1,000 m2

8. Kung ang area ng isang parisukat na notebook ay 225 sq.cm, ano


ang haba ng gilid o side nito?
A. 10 cm B. 12 cm C. 15 cm D. 20 cm

9. Ang area ng parihabang taniman ng gulay ni Mang Manny ay 270


sq.m. Kung ang lapad ay 10 m, ano ang haba nito?
A. 270 m B. 10 m C. 27 m D. 100 m

10. Si Bernadeth ay may parisukat na palaruan. Ang sukat ng gilid o


side ay 6 metro. Kung magdadagdag ka ng 2 na metro sa gilid o
side, ano ang magiging bagong area ng palaruan?
A. 36 m2 B. 38 m2 C. 64 m2 D. 32 m2

10

You might also like