Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TEKSTONG NARATIV: Pinaglaro ng kapalaran

MARCH 15, 2017 / JAEANNETABILE

Mahirap palang mabuhay ng walang wala Ka. Ang hirap pala kapag mag-isa ka na lang sa buhay. Yung
wala ka nang matatawag na nanay, tatay, o ate. Yung sarili mo nalang ang kakapitan mo. Yung isang
beses ka nalang kumain sa isang araw. Yung sapilitan nalang ang mga ngiti mo. Yung ang hirap pala
kapag pinag-aaral mo yung sarili mo. Yung twenty- four hours may ginagawa ka. Ang hirap hirap pala
talaga.

Hello! Si Christina Ford nga pala. Siya ay lumaki sa marangyang pamilya. May negosyo ang kanilang
magulang. Sumunod siya sa ate niya. Nagaaral ngayon sa isang publikong paaralan. Siya ay nagiisa na
lamang. Sa pagkakatanda nya noong Febrero 14, 2013, pagkatapos nilang kumain sa isang resturan. Sa
pagdiriwang ng ika- sampong anibersaryo ng kaniyang magulang bilang kasal. Masaya silang
nagkakasiyahan, nagkakatuwaan, nagkukwentuhan at makikita mo ang ngiti sa kanilang mga labi at
ningning sa kanilang mga mata ang namumutawi. Subalit sa isang pangyayari…

Sa hindi inaasahang pangyayari. Nakabanga ang magulang ni tina, at hanggang doon nalang ang naalala
nya. Si Tina ay nagkaamnisya, tanging ayun lamang ang naala nya. Pag kagising nya ay wala na ang
kaniyang magulang. Nalibing na daw. Kay bilis ng oras at ngayon magisa na lamang siya. Walang kasama
sa buhay. Tila ba ang mundo niya ay parang anino, walang pumapansin, walang nagmamahal, walang
kaibigan. Sa pagkabagsak ng pamilya at pag panaw ng mga ito ay kasabay ng pagbagsak ng buhay ni
Tina. Sobrang galing ng pagkakataon no! Iniwan sya ng pamilya nya. Iniwan sya ng mga taong
nagmamahal sa kanya. Kay hirap isipin na wala na sila. Bakit kaya naiwan si Tina. Bakit di nalang nila siya
sinama. Ang gulo ng istorya ni Christina Ford. Bakit siya yung napiling mapaglaruan ng pesteng tadhana
nayun. Bakit sya pa ang ginawang kasangkapan sa buhay na ito. Sa dami-daming tao sa mundo bakit si
tina pa. Bakit sya pa?? Bakit??

Bakit ang mahal ko pa. Bakit ako iniwan ng iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Anong
gagawin ko. Ano! Ako nga pala ang matalik na kaibigan ni Tina at may lihim na pagtingin sa kanya, Mark
Lee. Ano ang magagawa ko mabalik ko lang sya? Susunod ba ako at magpapakamatay din o gagawin ko
nanaman ang kaytagal ko nang hindi ito ginagamit. Mahirap kasing makipagusap at gawing totoo ang
multo sa paningin ko. Oo, tama ang nasa isip mo, patay na din si Tina. Namatay siya kasama ang pamilya
nya. Namatay din sya noong araw na iyon. Tatlong taon na siyang patay, Miss na miss ko na ang totoong
best friend ko.
Ngunit ang alam niya ay buhay pa sya. Ang alam niya ay nakaligtas sya. Ang alam niya ay totoong tao
siya. Ang alam niya ay may nakakakita sa kanya. Sa kadahilanang, ginawa kong buhayin ang kaluluwa nya
sa mga paningin ko lamang at ako lang ang nakakakita sa kanya. Subalit sa panahong malaman nya ito,
Mamamatay ako at maglalaho ang kanyang kaluluwa.

Hoyyy Mark! Tinig ng isang magandang babae at napangiti ako, si Tina. Nakita nya nanaman akong tulala
at waring may malalim na iniisip. Tulala ka nanaman Mark, ikaw na nga lang ang taong nagtitiyagang
pansinin ako, buti nga di pa kayo ni lahat ng pesteng kapalaran to. Hayy mark, wika ng minamahal ko.
Ang suwerte ko kay Tina, kahit na di nya mabalik ang pagmamahal na binibigay ko sa kanya ay okay lang
Paano na lamang kapag nalaman nya na? Paano na ako? Haaayyyy.

Kalungkutan sa mga ni Tina ang araw araw na nakikita ko sa kaniyang mga mata. Ang presensya na
makita ko sya, subalit alam ko namam na nalulungkot at sawa na siya sa buhay na to. Kaya ko na ba?
Kaya ko na bang aminin sa kanya? Kaya ko na bang sabihin sa kanya na wala na sya? Kaya ko bang
mamatay na? Kaya ko bang maging malungkot? Kaya ko na bang sabihin kay Tina? Wika ni Mark. Mark?
Ano yung dapat mong sabihin? Ano yung dapat kong malaman? Wala yun, wika ni Mark habang
lumuluha. Mark? Ano yun sabi eh? Ano yun, kasabay ng luha na pumatak sa mata ni Tina. Tina? Hindi
mo na dapat malaman, tinig ni Mark. Mark, hindi ko naman gustong malaman kung hindi yung tungkol
sakin eh, tinig ng umiiyak na babae. Mark? Sasabihin mo na o lalayo ako sayo, dagdag pa nito.

Christina, gusto mo talagang malaman? Tina, masasaktan ka lang. Pero mark, karapatan ko, sambit nya.
Tina, patay kana. Tina, kaluluwa ka nalang. Tina, di ka na tao. O ano masakit diba, masakit ba yung
katotohanan? Tina, sorry sa ginawa ko, nang dahil sakin, buhay ka bilang kaluluwa, di ka nila nakikita, isa
kana lang multo. Cristina, sana maiintindihan mo ako. Tina, mahal kita kayo ko ito nagawa. Christina
Ford, sorry, sorry, sorry. Sana mapatawad mo ko. Alam kong hindi ito sapat, pero Patawad Mahal ko.
Mark? Ano to! Anong kalokohan yang bumabalot sayo. Mahal mo ko, pero ginago mo pagkatao ko. Ang
klaseng pag-ibig yan. Nakakaiyak. Siguro nga mahal mo ako, pero sana inisip mo kung gusto ko ba itong
pesteng nangyari sakin, wika ng parang nagagalit na bata. Mark, ano kaba! Nilinlang mo ako sa
kasinungalingan. Mark, I hate you much, dadag pa niya. Kasabay nito ang pagkalabas ng liwanag…

Maaaarrrkkk, binabalot ka ng liwanag. Wika ni Tina. Ito na yun bes, ito na yung Parusa ko. Sorry
Christina, Mahal na mahal na mahal kita. Patawad. Ayun yung huling katagang binanggit nya. At sa di ko
inaasahan, unti-unti na syang nawawala. Kasabay niyon ang Unti unting kong pagiging anino.

Katulad ni mark, si tina ay nawala na at linamon na ng liwanag.

You might also like