Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Reference No: KLL-FO-ACAD-000 | Effectivity Date: August 3, 2020 | Revisions No.

: 00

VISION MISSION
A center of human development committed to the pursuit of wisdom, truth, Establish and maintain an academic environment promoting the pursuit of
justice, pride, dignity, and local/global competitiveness via a quality but excellence and the total development of its students as human beings,
affordable education for all qualified clients. with fear of God and love of country and fellowmen.

GOALS
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa aims to:
1. foster the spiritual, intellectual, social, moral, and creative life of its client via affordable but quality tertiary education;
2. provide the clients with reach and substantial, relevant, wide range of academic disciplines, expose them to varied curricular and co-curricular
experiences which nurture and enhance their personal dedications and commitments to social, moral, cultural, and economic transformations.
3. work with the government and the community and the pursuit of achieving national developmental goals; and
4. develop deserving and qualified clients with different skills of life existence and prepare them for local and global competi tiveness

MODYUL 1

I. PAMAGAT NG KURSO: FIL 101 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG PILIPINO

II. PAKSANG ARALIN:

PAKSA Time - Frame


A. Mga Konseptong Pangwika September 6-16, 2021

III. INAASAHANG IBUBUNGA:


A. Naisasabuhay ang tamang paggamit ng Wika.
B. Nakasusulat ng isang sanaysay batay sa paksang tinalakay.
C. Nagagamit at nauuri ang bawat salita ayon sa pinagmulan.
D. Nakabubuo ng wasto at maayos na pangungusap..

IV. PAGTATALAKAY:

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan


ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika
sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung
paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika
ay tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay.
Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika.

Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga


kaisipan damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang loob
na kaparaanan na lumikha ng tunog.

Edward Sapir

Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


pamamaraang Arbitraryo.

Henry Gleason

KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay mga tunog na pinipili at isinasaayos sa pamamaraang pinagkasunduan


ng mga taong gumagamit nito.
2. Ang wika ay paraan ng pakikipagtalastasan.
3. Ang wika ay isinatinig na mga tunog.
4. Ang wika ay pantao.
5. Ang wika ay kaugnay ng kultura.
6. Ang wika ay may kani-kaniyang katangian at kalikasan

MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

Teorya - ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na
may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan.
▪ Tore ng Babel - Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon
kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang
kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at
nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang
kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi
na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8)
▪ Bow-wow - Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya
sa mga tunog ng kalikasan
▪ Ding-dong - Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa
teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid
▪ Pooh-pooh - Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa
▪ Yo-he-ho - Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal
▪ Yum-yum - Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan
ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


▪ Ta-ta - Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto
ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
▪ Sing-song - Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa
paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang
mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
▪ TA-RA-RA-BOOM-DE-AY - sa mga tunog na galing sa mga ritwal ng mga sinaunang tao
ang naging daan upang matutong magsalita ang tao.
▪ Hocus-Pocus -Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating ninuno.
▪ Eureka - sadyang inimbento ang wika ng ating mga ninuno.

KAHALAGAHAN NG WIKA

1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan.


2. Ang wika ay daan patungo sa puso ng isang tao.
3. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan
sa lipunan ng nagsasalita.
4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng kanilang karanasan.
5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng
kakaibang mga salitang hindi laganap.
6. Ang wika ay luklukan ng panitikan ng kanyang artistikong gamit.
7. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi.
8. Ang wika ay tagapagbigkis ng lipunan.

TUNGKULIN NG WIKA

1. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba.


Kabilang dito ang pakikiusap, pag-uutos, pangmumungkahi, pangtatangi at iba pa.

2. Pagbabahagi ng damdamin.
Nagpapahayag ng damdamin katulad ng pakikiramay, pasasalamat, pagpupuri,
pagpayag at iba pa.

3. Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon


Nagpapahayag ng pagtukoy paguulat at pagtatanong.

4. Pagpapanatili ng pakikipagkapwa at pagkakaroon ng interaksyon sa kapwa.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Nagpapahayag ng pagbati, pagbibiro, paghingi ng paumanhin, at iba pa.

5. Pangangarap/Paglikha.
Naglalayong makapagsalasay, makapagkwento, at iba pa.

ANTAS NG WIKA

Ang antas ng wikang Filipino ay makikita sa mga sumusunod na halimbawa:

1. Balbal. Ito ang pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa Ingles.
TInatawag din itong salitang pangkalye o pang kanto. Ito rin ang wikang pinakamabilis
magbago ang bokabularyo.
Halimbawa:

Parak Pulis
Lasenggo Palaging lango sa alak
Chaka Pangit ang mukha
Bato Shabu
Ermat Ina

2. Kolokyal. Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa


pormal na mga salita. Karaniwang pinaikli ito mula sa mga pormal na salita.
Halimbawa:
Hintay ka Antay ka
Kailan kelan
Aray ko Ray ko
Mayroon Meron
Halika Lika

3. Lalawiganin. Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga tubong-
lalawigan katulad ng mga taga-Cebu, Batangas, Bicolano, at iba pa. Mapapansin ito sa accent
o intonasyon, tono at paraan ng pagsasalita. Mahalaga itong matutunan ng mga imbestigador
upang matukoy ang lugar na maaaring pinagmulan ng isang iniimbestigahan.
Halimbawa:
Hiligaynon Guinahigugma ko ikaw.
Bisaya – Cebu Nahigugma ako kanimo.
Ilocano Ayayatenka.
Pangasinense Inaro ta ka
Bicolano Namumutan taka

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Kapangpangan Kaluguran da ka
Ivatan Ichadaw ka imu

4. Pambansa. Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at


sirkulasyong pangmadla. Ito rin ang ginagamit sa mga paaralan.
Halimbawa:

Salarin Ebidensya biktima pagsusuri hinaing


Hukom hatol abogado pulisya baril

5. Pampanitikan. Ito ang mga pinakamataas at pinakamayamang antas ng wika.


Ginagamit ito sa mga akdang pampanitikan katulad ng tula, kwento, sanaysay at iba
pa. masining at matatalinhaga ang pagpapahayag.
Halimbawa:
Matamis ang dila Manloloko
Balat sibuyas Maramdamin
Dinadagang dibdib Kinakabahan
Kaututang dila Kaibigan
Kakiskisang braso Kakilala
Nanininglang pugad nanliligaw

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

Ang barayti ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.


1. Dayalek/ Dayalekto - pagkakaiba - iba o baryasyon sa loob ng isang partikular na wika.
2. Idyolek - nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang
pangkat ng mga tao.
3. Sosyolek - baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat
na kanyang kinabibilangan.
Ibat-ibang Sosyolek:
a. Gay lingo
b. Coño
c. Jejemon o Jeje speak
d. Jargon
4. Register - isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit
ng wika. Mas madalas nakikita/nagagamit sa isang partikular na disiplina. Pagkakaroon ng

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:

• Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) -- naaayon ang wika sa sino ang
nag-uusap. (para kanino
• Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) -- batay sa larangan na tinatalakay at
ss panahon. (layunin)
• Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse) -- pasalita o pasulat pagtalima sa
mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.
(papaano). Lubhang dinamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang
rehistro batay sa konteksto ng paggamit nito at kung sino ang gumagamit nito.

5. Ekolek- barayti ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay.


6. Pidgin- ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag na “nobody’s native language “o
katutubong wikang di pagaari ninuman.
7. Creole- unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized) ng mga
batang isinilang sa komunidad ng pidgin.

REGISTER NG WIKA SA CRIMINOLOGY


Depensa sa kasong criminal na nagsasabing ang suspek ay nasa
alibi
ibang lugar nang maganap ang krimen.
Alkoholismo Pagiging lango sa inuming nakakalasing
Bilangguan Piitan
Kalipunan ng mga kaalaman na may kinalaman sa mga krimen at
Criminology
criminal bilang isang penomenong panlipunan
Sangay ng siyensiya na may kinalaman sa pag-aaral ng bakas na
Dactyloscopy
iniwan ng mga daliri ng tao
Sangay ng ballistics na nag-aaral sa paggamit ng bakas ng baril at
Forensic ballistics
bala sa mga usaping legal
Groove Kanal sa loob ng barrel ng baril
Ang taong naatasang manghusga sa isang kaso matapos ang isang
Hukom
paglilitis
Kasingkahulugan ng “peke” na kadalasang nababanggit sa mga
huwad
dokumento
Maaaring panghihipo sa maseselan o pribadong bahagi ng katawan
Kahalayan
ng tao

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Ang mga bagay, dokumento, o pahayag ng mga taong
Katibayan
magpapatunay tungkol sa isang bintang
Taong kasama o katuwang ng isang criminal sa pagsasagawa ng
Kakomplot
ilegal na gawain
maysala Taong napatunayang nagkasala sa krimeng ibinintang sa kanya
Ang maramihang pagpaslang na naganap sa isang tiyak na lugar
Masaker
katulad ng bahay o bakuran
Nagpapanggap ang pulis bilang isang kliyente upang mahuli sa akto
Pambibitag
ang criminal na isinasagawa ang illegal nitong Gawain
Sapilitang pagtangay sa isang tao na may hangaring gawan ng
Pagdukot
masama o ipatubos sa kapamilya
Pagpatay Pagpaslang o pagkitil sa buhay ng isang tao na patraydor
Pananamsam Pagkumpiska ng mga kagamitan bilang ebidensya sa isang krimen
Panggagantso Di-pagbabayad ng utang ayon sa napagkasunduan
Panghuhuwad Kasingkahulugan ng “pamemeke”
Paniniktik Pagsubaybay sa kilos ng tao
Pagsasabi tungkol sa isang tao na may hangaring sirain ang
Paninirang-puri
reputasyon nito
Sapilitang pakikipagtalik sa isang biktima gamit ang ari o anumang
Panghahalay
bagay; pakikipagtalik sa biktimang tulog o wala sa katinuan
Rebolber Baril na de-bola
Sabi-sabi Impormasyon na hindi nasaksihan ng isang testigo
Talaulatan ng pulis Talaan ng mga pangyayari sa buong magdamag
Tanurang
Lugar na pinaghihimpilan ng mga pulis
pampulisya

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/

You might also like