Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Makikitang nagtataglay ng humanismo ang akda, inilalarawan sa kwento ang mga

mahahalagang pangyayari na nagdulot ng malaking epekto sa buhay nito .


Napopokus dito ang interes, katauhan, saloobin at damdamin ng pangunahing
karakter na si Celso. Si Celso, ang sampung taong gulang na tanging pinapangarap
lang naman ay ang magkaroon ng isang kapatid dahil sa kanyang pag-iisa. Subalit
sa kabila ng kanyang nararamdamang kalungkutan, langit na lamang ang naging
simbolo niya ng kasiyahan. Base nga sa depinisyon ng humanismo, makikitaan ito
ng pagbibigay-tuon sa kalakasan at mabubuting katangian ng isang tao. Sa
kwento, ipinakikitang nagtataglay si Celso ng kabutihan, kagaya na lamang ng
labis na pag-aalala nito sa kanyang ina sa tuwing nakikita itong umiiyak at ang
pagtulong nito araw-araw sa trabaho ng kanyang amang si Tomas. Nagpapakita
rin ito ng kalakasan sapagkat naging mahirap ang takbo ng kanyang buhay, parang
buhay na tila walang pagbabago, nananatiling maginaw, tahimik at madilim. Ilang
beses din niyang nasaksihang nag-aaway ang kanyang mga magulang pero hindi
niya alam ang mga dahilan. Marami siyang mga katanungan na gusto niyang
malaman ang kasagutan. Hanggang sa dumating ang araw na hindi niya
inaasahan, nalaman na niya ang lahat at ang katotohanang hindi siya ang tunay na
anak ng kanyang ama. Anak siya sa ibang lalaki. Masakit para sa kanya na
pagkaitan siya ng katotohanan ng kanyang ina, kaya naman naglabas siya ng galit
sa pamamagitan ng pagsira sa nakasampay na lambat kung saan ito ay
sumisimbolo noong araw na magtaksil ang ina niyang si Isidra. Hindi niya napigilan
ang kanyang galit at hindi rin naging maganda ang resulta nito marahil binugbog
siya ni Tomas hanggang sa mawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng lahat ng
kanyang dinanas ipinakita pa rin niya ang pagiging positibo sa buhay, matapos
niyang malaman ang tunay niyang pagkatao ay patuloy pa rin ang kanyang
pananalig sa kagandahan ng mga bagay-bagay. Ipinararating sa kwentong ito na
“Walang lihim na hindi nabubunyag” at tanging ang katotohanan lang ang siyang
magpapalaya sa kaisipan ng isang tao.

You might also like