Esp Periodical

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ESP REVIEWER John Rae de Torres

Paggawa tungo sa Katarungang Panlipunan


Ang Saligang Batas ay isang dokumento na nagtatakda ng mga pangunahing batas at prinsipyo sa pamahalaan bilang
pangunahing institusyon ng lipunan.
Nakapaloob sa Saligang Batas ang mga pangkalahatang patakaran na kailangang sundin ng pamahalaan. Nakasaad ang
mga karapatan ng mamamayan ukol sa katarungang panlipunan sa Artikulo XIII.
Ginagarantiyahan ng kasalukuyang 1987 Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas ang katarungang panlipunan at
karapatang pantao ng mga Pilipino
Ang Katarungang Panlipunan ay ang kakayahan ng tao na matupad ang kaniyang mga potensiyal sa pamayanan o lipunan
na kinabibilangan
Artikulo XIII 13 – Katarungan Panlipunan at Katarungang Pantao 1987 Saligang Batas ng Pilipinas
Layunin ng Katarungang Panlipunan sa Mamamayan
1.Kinakailangang matanggap ng mamamayan ang kanilang dapat na matanggap mula sa lipunan
2. Maging aktibong tagaambag sap ag-unlad ng pamayanan at lipunan. Iba’t iba ang mga likas-yaman sa ating bansa.
Mga Prinsipyo ng Katarungan Panlipunan
May siyam na prinsipyo o simulain ng katarungang panlipunan
1.Prinsipyo ng Dignidad (Principle of Human Dignity)
Ang lahat ng tao, kahit na nagkakaiba ng lahi, kasarian, panananampalataya, at iba pang katangian, ay dapat makamit
ang karangalan o dignidad sapagkat nilikha ang sa imahe o pagkakatulad sa diyo (image and likeness of god)
2.Prinsipyo ng paggalang sa buhay ng tao (Principle of the respect for human life)
Ang buhay ng tao ay nagsisimula sa sinapupunan ng ina at nagtatapos lamang sa kamatayan. Sa panahong ito ang buhay
ay nararapat bigyan ng paggalang at proteksiyon.
3.Prinsipyo ng pagtawag sa pamilya, pamayanan, at pakikilahok (Principle of the call to family, community and
participation)
Ang pamilya ang pangunahing institusyong panlipunan na na bumubuo sa pamayan
4.Prinsipyo ng karapatan at pananagutan (Principle of rights and responsibilities)
Ang mga karapatan mula sa lipunan ay nagtataguyod sa tao na mamuhay bilang tao sa kanilang pamayanan
5.Prinsipyo ng kabutihang panlahat (Principle of the common good)
Ang lipunan na tumitiyak sa kabutihang panlahat ay may kinakailangang kondisyon na nagsusulong sa tao na maabot ang
kaganapan sa paggamit ng kaniyang potensiyal bilang tao
6.Prinsipyo ng preperensiya para sa mgamahihirap at mahihina (Principle of preferential option for the poor and
vulnerable)
Ang mga mahihirap at mahihina ay dapat malamit ang kaarungan at dignidad. Dapat protektahan na katarungan at
dignidad ng mahihirap, maliliit at mahihinang sektor
7.Prinsipyo ng dignidad ng paggawa at karapatan ng manggawa (Principle of the dignity of work and the rights of
workers)
Ang sektor ng ekonomiya ay nararapat pagsilbihan ang tao at hindi ang kabaligtaran nito. Ang dignidad ng paggawa ay
napapangalagaan kung iginagalang ang mga karapatan ng manggawa
8.Prinsipyo ng pagkakaisa (Principle of solidarity)
Tayo ay tagapangalaga ng ating kababayan (brother-keepers). Dapat tayong makiambag at makilahok para sa pananatili
ng katarungan at kapayapaan sa ating lipunan.
9.Prinsipyo ng pamamahala sa kalikasan (Principles of stewardship)
Lahat ng tao ay pinagkatiwalaan ng diyos at lipunan na alagaan ang daigdig at lahat ng mga likas na yaman dito. Laging
isasaalang-alang ang siyam na prinsipyo at simulain ng katarungang panlipunan.

You might also like