Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Barangay Anahaw 2 Advance Class 2023 (Year 10)

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Final Examination

Pangalan : _____________________________ Iskor : ________________________


Guro : _________________________________ Petsa : _______________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang pinakamaliit at
pangunahing yunit nito?
A. pamahalaan B. paaralan C. barangay D. pamilya

2. Ito ang tinatawag na orihinal na paaralan ng pagmamahal.


A. pamilya B. lipunan C. simbahan D. paaralan

3. Ang pagiging mapanagutan ng isang magulang ay nangangahulugan ng ________ sa kanilang tungkulin.


A. pagganap B. pagharap C. pagsunod D. pagtanggi

4. Ang anak ay isang _____ ng Diyos sa pamilya.


A. gabay B. anghel C. regalo D. katuwang

5. Ang pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa ay tinatawag na ___


A. Affectionate Love B. Conjugal Love C. Paternal Love D. Playful Love

6. Ang mga unang guro ng mga anak ay ang mga _____.


A. kapatid B. magulang C. tiyo at tiya D. lolo at lola

7. “Ang magulang ay modelo ng mga anak”. Ang pahayag ay nangangahulugan na:


A. Kung ano ang istilo ng pananamit ng magulang ay ginagaya ng mga anak.
B. Ang bawat galaw, salita at kilos ng magulang ay nakikita sa mga anak.
C. Magulang ang nagpapakita ng magagandang imahe sa anak.
D. Ang anak ay imahe ng magulang.

8. Ano ang pinapakahulugan ng pahayag na “Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang isang bansa”?
A. Mga pamilya ang bumubuo sa lipunan C. Ang pamilya ay pundasyon ng lipunan
B. Ang pamilya ay salamin ng isang bansa D. Kung ano ang pamilya, gayon din ang bansa

9. Ang magkaroon ng mga anak ay bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasyang magpakasal. Ang kanilang
naging kapasyahan ay ____.
A. Susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
B. Pagtugon sa kagustuhan ng Dios na maparami ang tao sa mundo.
C. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Dios na magmahal.
D. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa

10. Ang bunsong anak nina Leo at Lucy ay ipinanganak na may kapansanan. Parehong nagtatrabaho ang mag-asawa
kaya di nila nabibigyang pansin ang pangangalaga sa kanilang anak na may kapansanan. Bilang mapanagutang mga
magulang ang dapat nilang gawin para sa kanilang anak ay ang ____.
A. Ipaalaga siya sa mga kaanak C. Umalis ang ina sa trabaho para alagaan siya
B. Ikuha siya ng tagapag-alaga sa ahensiya D. Ipasok siya sa bahay ampunan na kumakalinga sa mga batang
may kapansanan

11. Nalulungkot ang iyong kapatid dahil inaakala niya na siya ay nababalewala at ikaw ang palaging bininigyan ng pabor
ng inyong mga magulang. Ano ang iyong pinakamabuting gagawin upang maipadama mo ang iyong pag-aalala sa iyong
kapatid?
A. Sulatan siya ng liham C. Regaluhan siya ng paborito niyang aklat
B. Ipagluto siya ng masarap na pagkain D. Kausapin siya tungkol sa kanyang nararamdaman

12. Bilang panganay na anak at katuwang ng kaniyang ina, tinitiyak muna ni Mayel na nakatulong siya sa mga gawaing
bahay kagaya ng paghuhugas ng plato at paglilinis ng bahay bago niya gawin ang kaniyang mga takdang aralin. Ang
kanyang ama ay maghapon sa trabaho at ang kanyang ina naman ang nag-aalaga sa tatlo pa niyang nakababatang
kapatid. Mahalaga ang pagtutulungan at pagmamahalan sa pagpapatatag sa pamilya. Alin sa mga sumusunod ang
ipinapakitang asal ni Mayel?
A. kabutihang loob B. kawanggawa C. paggalang D. pagsunod

13. Ang mag-asawang Juan at Mely ay magkatuwang sa pagbabanat ng buto upang maitaguyod ang kanilang pamilya.Sa
kabila ng kahirapan sa buhay ay sinisikap nila na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak sa abot ng
kanilang makakaya. Ang pagpapahalagang maitatanim sa puso ng kanilang mga anak ay mamuhay nang ________ sa
katayuan ng buhay na mayroon ang kanilang pamilya.
A. patas B. simple C. masagana D. naghihikahos

1
14. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng mga sumusunod na pagpapahalaga
maliban sa ____ .
A. pagmamahal B.katarungan C. pagtitimpi D. pagtanggap

15. Ang pamilyang binuklod ng isang pananampalataya ay ________.


A. Magkapareho ang paraan ng pagsamba sa Diyos C. May pangarap sa buhay
B. Palaging alam ang tama at mali D. Buo at matatag

16. Alin ang tamang pagpapasya kung mamimili ka ng kaibigang sasamahan?


A. Maraming alam sa mga bagay na maling gawain C. Masayahin at maraming gimik
B. May pangarap sa buhay at responsible D. Seryoso at palaging tahimik

17.Mahalagang magabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paggawa ng mabuting pagpapasya upang hindi
siya ______
A. magkamali C. masanay na gumawa ng mga maling pasiya at di matuto sa mga ito
B. matakot magpasiya D. lahat ng nabanggit

18. Mahalagang maturuan ng mga magulang na mamuhay nang simple ang kanilang mga anak upang ____
A. Masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting bagay C. Lumaking marunong sa buhay
B. Maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba D. Matuto silang umunawa

19. Ang _______ ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata.


A. Buhay B. Edukasyon C. Kalusugan D. pagkain at tirahan

20. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ang mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng
magulang na sila ay turuan.
B. Sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
C. Sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-araal at kaalaman
D. Ang kanilang mga ipinapakitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata

21. Ang pagpapasyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong uri
ng tao sila magiging sa _____ .
A. kasalukuyan B. kawakasan C. hinaharap D. nakaraan

22. Ang mga magulang ay nakaiimpluwensiya sa lahat ng sinasabi at ginagawa sa kanilang anak positibo o negatibo sa
kadahilanang sila ay ________.
A. Mahal sila ng kanilang mga anak C. Kinatatakutan ng mga anak
B. Modelo ng kanilang mga anak D. Ginagalang ng mga anak

23. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paghubog ng pananampalataya?


A. Pagdarasal bago kumain C. Pagbabahagi ng salita ng Diyos
B. Pagsamba ng sama-sama D. Pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan

24. Natanggal sa trabaho ang tatay mo at siya lang ang inaasahan ng inyong pamilya. Isang taon na lang at matatapos
ka na sa kolehiyo. Pangarap mo talaga ang makapagtapos ng pag-aaral. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Sisihin ang tatay sa nangyari.
B. Magpapaalam sa magulang na magtatrabaho habang nag-aaral.
C. Hayaaan ang magulang na gumawa ng paraan para makapag-aral.
D. Kausapin ang tatay kung gaano kahalaga ang makapagtapos ng pag-aaral.

25. Mahalaga ang bukas na komunikasyon sa pamilya upang _____


A. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa loob ng pamilya C. Magkaisa ang bawat miyembro ng pamilya
B. Mapakinggan lamang ng kinakausap sa pamilya D. Matamo ang minimithi ng nakikinig

26. Pagmamahal ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon dahil ang tunay na nagmamahal ay ___
A. May pagkakaisa ng isip at puso ng dalawang tao. C. Nakapagpapahayag ng kanyang sarili sa minamahal
B. Mahalaga sa pakikipag-ugnayan sa kapwa D. Naihahayag niya ang katapatan at integr

27. Sa kabila ng makabagong teknolohiya, maraming balakid at hamon sa pagkakaroon ng tunay na komunikasyon sa
loob ng isang pamilya. Ano ang maaaring ugat ng problemang ito?
A. Masamang epekto ng media at malakas na impluwensya ng mga sikat na tao.
B. Pagkakaiba ng paniniwala ng mga nakatatanda sa mga makabagong kabataan.
C. Labis na materyalismo at pangingibabaw ng pansariling kapakanan bago ang pamilya.
D. Pagkakaroon ng bawat kasapi ng mga kamalayan sa kanilang mga karapatang pantao.

28. Sa paanong paraan mapabubuti ang komunikasyon?


A. Pag iwas sa pagsasalita kung wala sa katwiran ang kausap
B. Pagpiling manahimik kaysa magsalita ng masakit sa kapwa
C. Pagkaroon ng galang at malasakit sa kausap kahit na sino pa siya
D. Pagpigil sa sariling magsalita kaysa magsabi ng kasinungalingan

2
29. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay sa pag-iiral ng diyalogo sa loob ng tahanan?
A. Madalas nag-aaway ang magkapatid na Helen at Grace. Hindi nila pinapakinggan ang sinasabi ng bawat isa. Kapwa
ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa.
B. Pinagagalitan ni Aling Maria ang kanyang anak na si Vicky dahil hindi nito nagawang linisin ang kanilang bahay na
siyang ipinagbilin ng ina bago ito umalis. Hindi na nagawang magpaliwanang ni Vicky at umiyak na lang siya.
C. May suliranin si Jane sa paaralan. Gusto niyang sabihin ito sa kanyang ina ngunit natatakot siyang mapagalitan. Nasa
ibang bansa ang kanyang ama at ayaw niyang abalahin pa ito.
D. Masyadong mahigpit ang mga magulang ni Ana dahil nag-iisang anak lamang siya. Sa ganitong kalagayan, nagagawa
pa rin niyang ipahayag ang kanyang mga saloobin at pinapakinggan naman siya ng mga ito.

30. Tuwing hapon, nakasanayan ng bunsong kapatid ni Mila na hinihintay niya ang kanilang mga magulang. Nais ni Mila
na ipaliwanag sa bunsong kapatid na dalawang taon pa bago umuwi ang kanilang mga magulang na nagtatrabaho sa
ibang bansa. Kung ikaw si Mila, ano ang dapat mong gawin?
A. Ipaliwanag sa kapatid na para sa kanila ang pangingibang bansa nila. C. Pagalitan ang kapatid.
B. Libangin ang kapatid para maibsan ang lungkot. D. Hayaan na lang siya.

31. Nasa ibang bansa ang mga magulang ni Melissa. Tuwing katapusan ng buwan, tumatawag ang ama niya sa
telepono at nagpapadala ng pera. Nagpapadala rin ng pera ang kanyang ina subalit hindi na ito tumatawag. Ano ang
dapat gawin ni Melissa?
A. Hayaan na lang ang sitwasyon.
B. Magkunwaring walang ipinadadalang pera ang ina.
C. Masiyahan na lang sa ipinadadala ng mga magulang sa kanya.
D. Tawagan ang ama at ipagtapat ang di pagtawag ng ina sa kanya.

32. Anong kaugalian ang ipinagmamalaki ng mga Pilipino na nagpapakita ng pagbibigayan o sama-samang paggawa
nang bukal sa puso?
A. pangangalaga sa kapaligiran C. pagiging masayahin
B. pagiging bukas-pala D. pagbabayanihan

33. Alin sa mga sumusunod ang pinakamakabuluhang dahilan kung bakit dapat tumulong ang pamilya sa pamayanan?
A. Nagiging daan upang makilala ang pamilya C. Makatutulong sa kalagayang pinansyal ng pamilya.
B. Magkakaroon ng simpleng pananaw sa buhay. D. Nagkakaroon ng pagkakataong umunlad ang pamayanan.

34. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng ______.
A. pag-angat sa buhay B. pagtanggap C. pagsusuri D. bayanihan

35. Magiging sandigan ng lipunan ang pamilya kung ______.


A. Lahat ng kasapi nito ay may hanapbuhay
B. Tahimik at hindi pinagmumulan ng kaguluhan
C. Nakikipag-ugnayan ang mag-anak sa pamayanan
D. Ang mga miyembro ay nagiging isang responsableng mamamayan na may kamalayan sa paligid

36. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bukas-palad ng isang pamilya?
A. Sa murang edad ay nagawa ni Cristina na sagipin ang kanyang mga kapatid mula sa nasusunog na bahay.
B. Sama-samang nag-alsa ang buong bayan ng Bataan upang tutulan ang napipintong pagbagsak ng kanilang lugar.
C. Ang pamilya ni Glen ay nagboluntaryong nagbukas ng kanilang tahanan at kinupkop ang mga biktima ng baha.
D. Tiniis ng ama ni Regie na hindi makasama ang pamilya at nagtrabaho sa ibang bansa upang magkaroon sila ng
magandang kinabukasan.

37. Nagiging negatibo ang labis na makapamilya ng mga Pilipino kung _____ .
A. Matutunan ng mga anak ang mga masasamang ugali at gawain ng mga magulang
B. Maaaring magamit ang posisyon ay kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya
C. Magiging dahilan ito upang hindi maipahayag ang saloobin at damdamin ng bawat kasapi
D. Maaaring mabawasan ang kamalayan ng bawat kasapi ng pamilya sa mga isyung nangyayari sa lipunan

38. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
A. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
B. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
C. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin
D. Hindi maisusulong at maproprotekhan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nila alam kung ano ano
ang karapatan at tungkulin nito.

39. "Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil
maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon." , ipinahihiwatig ng pahayag na :
A. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod at nabibigyang proteksiyon sa lipunan, ang bawat
isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran. B. Ang
mga pagbabago sa daigdig ngayon ang unti-unting sumisira sa pamilya, hindi kailangang sumabay sa mga pagbabagong
ito ang pamilya.
C. Ang pamilya mismo ang nararapat na gumawa nito dahil napapabayaan na ng pamahalaan ang pangangalaga sa mga
karapatan nito.
D. Ang pamilyang Pilipino sa ngayon ay hindi mapagbantay sa mga karapatan at tungkulin nito.

3
40. Ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan ay naipakikita sa pamamagitan ng mga
gawaing panlipunan maliban sa ____ .
A. Tumulong sa mga nangangailangang hindi naaabot ng tulong ng pamahalaan
B. Makilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan
C. Magkibit balikat sa mga nangyayari sa paligid
D. Tumulong sa mga kapus-palad

You might also like