Professional Documents
Culture Documents
BADEO EsP 9 Final Exam
BADEO EsP 9 Final Exam
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
A. Basahin at unawaing mabuti ang tinutukoy sa mga sumusunod na aytem. Piliin mula sa kahon ang tamang
sagot.
_______________1. Tumutukoy sa isa o higit pang grupo ng mga tao na permanenteng naninirahan sa isang
lugar na pinakikilos ng iisang layunin tungo sa pagkakamit ng kabutihang-panlahat
_______________2. Tunguhin o layunin ng isang lipunan
_______________3. Ayon sa kanya, “Ang ating pagiging kasama ng kapwa ay isang pagpapahalaga na
nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao.”
_______________4. Nagbibigay kapangyarihan kahit sa pinakamaliit o pinakamababang sektor o grupo sa
lipunan na makagawa ng mga desisyon sa kanilang antas, at hindi na kinakailangang aprubahan pa ng may
pinakamataas na kapangyarihan
_______________5. Mula sa Griyegong salita na nangangahulugang “bahay”
_______________6. Mula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “pamamahala”
_______________7. May pagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa
pangangailangan ng tao
_______________8. Prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya
_______________9. Tumutukoy sa mga indibidwal na bumubuo ng isang grupo o organisasyon, inaayos ito at
pinananatiling kapaki-pakinabang para sa pagkakamit ng kabutihang panlahat
_______________10. Ito ang tumutugon sa mga pangangailangan nating may kinalaman sa moral at ispiritwal
na buhay
_______________11. Ito ang kumakatawan sa mga sektor sa ating lipunan na hindi gasinong nabibigyan ng
wastong pagkalinga
_______________12. Ito ang inaasahan nating makapagbibigay sa atin ng iba’t ibang mensahe na may
kinalaman sa ating buhay, lagay ng panahon, at anupamang mga isyu na nakakaapekto sa ating buhay at
kabuhayan
_______________13. Ito ang institusyong kumakalinga sa mga taong napapabayaan sa ating lipunan, ika nga
ang mga taong nasa laylayan ng ating bayan
_______________14. Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot
_______________15. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi: mayaman o
mahirap, may pinag-aralan o wala, kilalá o hindi, anumang kasarian
B. Basahin at suriing mabuti ang bawat sitwasyon at mga katanungan. Piliin ang letra ng pinakaangkop na
sagot sa bawat bilang at isulat ito sa sagutang papel.
1. Sa ulat panahon sa 24 Oras ay nagkamali si Mang Tani ng pagbibigay impormasyon. Kaya’t muli
niyang nilinaw kung anong signal ng bagyo ang darating. Anong tungkulin ng media ang ipinapakita
nito?
a. Ang pagpapalutang ng impormasyon tungo sa ikabubuti ng lahat.
b. Ang paghahatid ng maraming impormasyon na magiging gabay ng mga manonood.
c. Ang pagsasabi ng buong katotohanan na maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng
ikikilos.
d. Ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na
maling impormasyon
2. Ang ekonomiya ay ang pagkakaroon ng sapat na budget ng isang lugar o bansa na nangangailang
pagkasayahin sa mga pangunahing pangagailangan ng mga nasasakupan upang makapamuhay ng
maayos, mahusay at mapayapa. Ano ang maaring maidudulot kapag ang bansa ay may mabuting
ekonomiya?
a. Pagkasira ng kapaligiran dahil sa polusyon
b. Magiging mabagal ang pag-unlad ng isang bansa
c. Maraming oportunidad ang mamamayan para sa maganda at maayos na trabaho.
d. Mabibigyang pansin at matutugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
3. Ang programa ng gobyerno na pagbibigay tulong pinansyal sa mga jeepney driver na naapektuhan ng
pagtaas ng presyo ng gasolina ay halimbawa ng anong prinsipyo ng Lipunang politikal?
a. Prinsipyo ng Proportio
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Solidarity
d. Prinsipyo ng Kabutihang Panlahat
B.
Test Item Number Points
A B C D
1 3 2 4 5
2 2 3 4 5
3 3 5 4 2
C.
1-3
*Pagrespeto sa Kapwa-tao
*Pagpapaunlad ng lahat ng tao
*Kapayapaan
4-7
*Isang malaking barkada
*Lipunang Pampolitika
*Isang Kaloob ng Tiwala
*Kapwa-Pananagutan
*Dagdag na Komplikasyon
8-10
*media
*simbahan
*bahay-ampunan
*party list