Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Department of Education

Region V
Division of Camarines Sur
Nabua West District
SOGOD ELEMENTARY SCHOOL

FIRST PERIODICAL TEST IN FILIPINO 3


S/Y: 2022-2023

Pangalan:_______________________________Baitang at Pangkat:__________________

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutan ang mga tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

Pista sa Bayan
Bata’t matanda ay abala sa paghahanda sa nalalapit na Kapistahan sa kanilang
barangay. Tulong-tulong ang mga kabataan sa pagkakabit ng banderitas. Ang ilang kababaihan
ay nag-aayos ng bulaklak na gagamitin para sa Prusisyon. Ang mga kalalakihan naman ay nag-
aayos ng kuryente at ilaw. Ang mga nanay ay nagluluto at naghahanda ng pagkain para sa Pista.
Ang mga bata naman ay tumutulong sa gawaing bahay at nagsisimba ang mga tao bilang
pasasalamat sa Diyos.

1. Ano ang pinaghahandaan ng mga tao sa barangay?


a. Pista b. Binyag c. Kaarawan

2. Sino ang nagluluto ng mga pagkain?


a. kalalakihan b. nanay c. mga bata

3. Ano ang ikinakabit ng mga kabataan tuwing Pista?


a. banderitas b. ilaw c. tubig

4. Paano ipinakita ng mga tao ang pasasalamat sa Diyos?


a. sumali sa parada b. nanood ng palabas c. nagsimba

Basahin ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

5. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.


a. Pangngalan b. Panghalip c. bagay

6. Si Alma ay pumunta sa Iriga noong Sabado. Ang salitang may salungguhit ay


tumutukoy sa____.
a. Tao b. lugar c. bagay

7. Maganda ang bag ni Anie. Ang may salungguhit ay____.


a. tao b. lugar c. bagay

8. Nakagat ng aso si Myra. Ang aso ay tumutukoy sa ____.


a. tao b. bagay c. hayop

9. Ang lapis ay isang uri ng_____.


a. bagay b. tao c. hayop

10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangngalan?


a. kalaro b. maganda c. tumakbo

Ano ang nararapat gawin sa sumusunod na sitwasyon?

11. Nasalubong mo isang umaga sa geyt ng paaralan ang iyong Punong-guro. Ano ang
dapat mong sabihin?
a. Magandang umaga po.
b. Magandang hapon po
c. Magandang gabi po.

12. Nag-aaral ka ng leksiyon ngunit ang iyong kaklase ay nakikinig ng radyo


13. na napakalakas. Ano ang dapat mong sabihin upang hinaan niya ito?
a. Ilipat mo nga ang radyo.
b. Pwede bang pakihinaan mo ang radyo?.
c. Umalis ka riyan sa harapan ko.

14. May mga nag-uusap na matatanda sa dadaanan mo. Ano ang dapat mong sabihin?
a. Makikkiraan po.
b. Tabi nga kayo riyan!
c. Haharang-harang kasi kayo.

15. Nabasag mo ang plorera sa inyong silid-aralan. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
a. Sori po Mam, hindi ko po sinasadya.
b. Buti nga, diyan mo kasi inilagay.
c. Iiiyakan mo ang iyong guro.

Batang Pinoy Ako 3


Ni: Angelita L. Aragon
May-akda

Phoenix Publishing House

16. Ano ang pamagat ng aklat?


a. Batang Pinoy Ako 3
b. Angelita L. Aragon
c. Phoenix Publishing House

17. Sino ang may-akda ng aklat?


a. Batang Pinoy Ako
b. Angelita L. Aragon
c. Phoenix Publishing House

18. Saan inilimbag ang aklat?


a. Phoenix Publishing House
b. Angelita L. Aragon
c. Batang Pinoy Ako 3

19. Dito makikita ang buong pangalan ng aklat at pangalan ng may-akda. Anong bahagi ito
ng aklat?
a. Pabalat b. Talahulugan c. Talaan ng Nilalaman
20. Bahagi ng aklat na nagpapahayag ng pagpapahalaga at pasasalamat sa taong tumulong
upang mailimbag ang aklat.
A. Talaan ng Nilalaman b. Pasasalamat c. Pabalat

21. Nagpapahayag ng karapatan sa pag-aari at petsa kung kailan nalimbag ang aklat.
a. Karapatang-sipi b. Katawan ng aklat c. Talahulugan

Piliin sa kahon ang tamang panghalip upang mabuo ang pangungusap.

siya kami sila Ikaw Tayo

22. Pumunta ________ni nanay sa palengke kahapon.

23. ________ba ay sasama sa akin mamaya?

24. ________na at gawin na natin an gating takdang-aralin.

25. Maingay _________ kaya napagalitan ng kanyang guro.

26. Sina Fred at Lino ay napakahusay maglaro ng sipa kaya naman ________ ay
naparangalan sa paaralan.

Piliin sa panaklong ang tamang panghalip panao na angkop sa pangungusap.

27. (Ako, ko) ang naghugas ng plato kagabi.

28. Pumunta (tayo, atin) sa kanila upang dumalo sa kaarawan ni Betty.

29. (Ikaw, Akin) na muna ang magwalis ng sahig.

30. Lito samahan mo (kami, ikaw) ni lolo sa pagtawid sa kalsada.

31. Mahal kami ni nanay kaya mahal din naming (siya, ako).

You might also like