Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

HINUKLOG

(FILIPINO DULA-DULAAN SCRIPT)

Hailey: Magandang umaga Gng. Capero, at sa inyong lahat ng mga kapwa ko mag-aaral.
Ngayong araw inyong matutunghayan ang aming dula- dulaan na pinamagatang “Hinuklog”.

Ella: Lumaki sa sambahayan ng Yuchengco bilang bunsong anak, palaging hinahangaan ni


Miguel ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ama na si Henry. Sa pagpupursige niya sa
kanyang pangarap na maging abogado, nakilala niya si Tala. Na may kaparehong interes sa
kanya, pareho silang interasado sa pagiging abogado dahil gusto nila ng pantay na karapatan at
hustisya para sa lahat at ayaw nilang nakakakita na may tinatapakang tao at hindi
nakakatanggap o nakakaranas ng pantay pantay na karapatan. Kalaunan ay naging
magkasintahan sila. Si Tala ay nagtrabaho sa kanilang Law firm bilang isang sekretarya. Naging
maayos ang lahat hanggang sa dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan na tiyak
na susubok sa pagmamahalan nila sa isa't isa at sa kanilang pamilya. Kawalang-katarungan, pag
kiling, pagtatangi. makakalaya kaya sila?

Charles: Oh ikaw, Tala may isang malaking kaso tayong hinahawakan ngayon. Tapusin mo ang
ipinapagawa ko sa’yo ngayong gabi. Alam mo naman na confidential ang lahat ng kasong
hinahawakan natin diba?

Hailey: Sige po sir.

Charles: Gusto ko tapusin mo ito ngayong gabi tala. Huwag kang uuwi hanggat hindi mo ito
natatapos. Mauuna na akong uuwi dahil may importanteng lakad pa ako.

Hailey: Opo sir.

Evryl: Nang umalis si atty. Henry ay naiwang mag-isa sa opisina si Tala habang tinatapos ang
gawain.

Hailey: (Gapakita sang seen nga na stress si Hailey)


Evryl: alas onse na ng gabi nang matapos ni Tala ang pinapagawa sakaniya, inilapag nito ang
pinapagawa ni atty. Henry sa kaniyang mesa. Niligpit niya na ng kaniyang gamit at pinatay ang
mga ilaw saka nilisan ang silid.

Hailey: Sa wakas natapos ko rin ang mga papeles.

Evryl: habang pababa si tala mula sa ika-labing tatlong palapag, ay may kung anong biglang
humila sa kaniya at dinala siya sa madilim na silid.

Hailey: sino ka? (hibi) bitawan mo’ko parang awa mo na wag po! Wag po! (hibi so much tapos
nagsinggit) Tulong! Tulong!

Evryl: Pagkatapos pagsamantalahan ng misteryosong lalaki si Tala, ay bigla nalang itong lumihis.
Habang si tala ay iyak parin nang iyak, nagmamakaawa na tulungan siya ngunit walang tao ang
nakakarinig sa tinig niya.

Hailey: (naglalakad pauwi habang tulala)

Evryl: Habang tulalang naglalakad si Tala pauwi, hindi niya napansin na tumatawag na pala si
Miguel sakanya.

Arvhey: (samtang gakapyot phone tapos ga worry) Tala asan ka ba bakit hindi ka sumasagot sa
tawag ko!

Evryl: Nang makarating si Tala sa bahay nila, ay nanlaki ang mata ng kaniyang ina.

Ladylyn: Tala, anong nangyari sa’yo, anak ko?!Bakit punit punit yang damit mo? Bakit ganiyan
ang itsura mo?!??Sino may gawa sayo nito??

Hailey: (nag hibi todo) nay, pinagsamantalahan po ako sa opisina nay, wala akong magawa nay,
walang nakakarinig sa’kin.

Evryl: Habang humahagulgol si Tala ay niyakap siya ng ina. Nang biglang dumating si Miguel ay
bigla niya itong niyakap.

Arvhey: Anong nangyari?? Sino may gawa sa’yo nito? (sige lang hibi si tala) magbabayad ang
gumawa sa’yo nito!
Evryl: agad na nagtungo sina miguel sa police station upang magsampa ng report. Isinalaysay ni
tala ang kanyang mga naranasan noong gabing iyon at bakas sa kaniyang mukha ang takot at
galit.

Hailey: Pababa na po ako mula sa ika- labing tatlong palapag ng gabing iyon ng biglang may
humila sa akin papunta sa madilim na silid. Hindi ako makalagaw at gustuhin koman pong
sumigaw pero pinangunahan po ako ng takot. Wala po akong nagawa para protektahan ang
aking sarili. (hibi tudo)

Arvhey: (may gin tawgan sa selpon) gawin nyo ang lahat upang makuha ang mga cctv footages
ng gabing iyon, ipatawag lahat ng guwardiya at janitor na naka duty ng gabing iyon, gawin nyo
ang lahat upang malaman kung sinong walanghiya ang gumawa nito kay tala.

Evryl : Nangako si Miguel na gagawin ang lahat upang malaman kung sino ang salarin at isang
saksi nga ang lumutang.

Ella: Magandang umaga po sir Miguel, ako po si Lily Akaran ang bagong intern sa HR
department.

Arvhey: ano naman ang pakay mo dito lily

Ella: may nais po sana akong ipagtapat, patungkol po sa kaso ni tala.

Arvhey: ano nman iyon lily?

Ella: noong gabi pong nangyari ang krimen nakita kopo kung sino ang gumawa ng kawalang
hiyaan kay tala. Pabalik po sana ako noon sa opisina nang may narinig po ingay sa stock room.

Arvhey: sino iyon sino! Namukaan moba?

Ella: si si si sir Henry po ang gumahasa kay tala, habang tumatakbo po ako non papunta sa
parking lot ay Nakita ko po siyang pababa sa establisyemento. Hindi po ako nagkakamali sa
Nakita kosir. Natatakot lang po akong magsabi dahil baka po kung anong mangyari sa akin
ngunit hindi na kaya ng aking konsensya kaya napag desisyonan kona pong magtapat.
Evryl: Nanginginig sa galit si Miguel nang malaman ang balitang iyon. Hindi niya inaasahan na
ang amang kaniyang tinitingalaan at pinagkakatiwalaan ay siya rin palang gumahasa sa
minamahal niya. Agad naman niya itong ipinaalam sa Pulis. Dahil sa katibayan ng ebidensya at
sa lumitaw na witness ay napatunayang may sala nga si atty. Henry

Ladylyn: Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa anak ko! Mabubulok ka sa impyerno!

Hailey: Pinagkatiwalaan kita dahil ama ka ni Miguel pero ito ginawa mo sa’kin? Magbabayan ka
at mabubulok sa kulungan!

Arvhey: Kahit ama kita hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!

Hailey: at dito po natatapos ang aming dula-dulaan. Maraming salamat sa pakikinig.

You might also like