Pagsusuring Pam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGSUSURING PAMPELIKULA

Pangalan: HERNAN CABERO Baitang at Seksyon: 11-STEM 2

Guro: Bb. MERLINDA I. BORJA

Pamagat ng Kuwento- Ang pamagat ng pelikulang sinuri ay The Gift. Tinawag itong “The Gift” o sa
Filipino regalo dahil niregaluhan ni Cocoy si Tina ng kanyang puso. Ang regalong ibinigay ay maaring
masaya o minsan nakakalungkot ito.

Tagpuan at Panahon- Enero 11, 2019

Ang may-akda- Direktor: Onat Diaz, Awtor: Keiko Aquino

Mga Tauhan-

Christopher Bautista "Cocoy" (Nash Aguas) may sakit na "Asperger's Syndrome" kung saan nahihirapan
sa pakikipag-ugnay sa lipunan at komunikasyon na hindi pandiwa, kasama ang mga pinaghihigpitan at
paulit-ulit na mga huwaran ng pag-uugali at interes.

Raikko Mateo gumanap bilang batang Cocoy na ginampanan ni Nash Aguas.

Cristina Mendoza "Tina" (Sharlene San Pedro) natamaan ng virus na nagdulot ng sakit ng puso ".

Mitral Valve Stenosis" sa karakter at dahil napaka-protektib ng kanyang mga magulang siya ay nanatali
sa loob ng bahay nila na siyang sanhi ng kanyang depresyon.

Rhed Bustamante gumanap bilang batang Tina na ginampanan ni Sharlene San Pedro.

Rita Capistrano (Maricar Reyes) gumanap bilang doktora sa pelikula.

Alora Sasam (Gemma) gumanap bilang sekretarya ni Doc. Rita Capistrano na ginampanan ni Maricar
Reyes.

Mrs. Mendoza (Precious Lara Quigaman) gumanap bilang ina ni Tina na ginampanan ni Sharlene San
Pedro.

Mr. Mendoza (Arthur Acuña) gumanap na ama ni Tina na ginampanan ni Sharlene San Pedro.

Ana Abad Santos gumanap bilang ina ni Cocoy na ginampanan ni Nash Aguas.
Ada (Desiree del Valle) gumanap na kapatid ni Cocoy (Nash Aguas) na tumayong rin bilang ina sa kanya.

Joem Bascon (Dennis) gumanao bilang asawa ni Ada na ginampanan ni Desiree del Valle.

Jana/Venus (Kristel Fulgar) may sakit na Schizophrenic.

Angie (Michelle Vito) may sakit na Kleptomania.

Sid (Patrick Sugui) may sakit na Extremely Introverted.

Dido (Cj Navato) may sakit na Pyromaniac.

PAKSA o TEMA ng PELIKULA/KUWENTO- Ang paksa sa pelikula ay tungkol sa pagtitiwala, pag-ibig sa


pamilya at sa kasintahan, at sakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay. Nagpakita ang mga tauhan
ng mga katangian tungkol dito at nagbibigay ito ng kahulugan sa pelikula.

Buod ng Kuwento/Pelikula- Ang pelikulang "The Gift" na binibidahan nina Nash Aguas at Sharlene San
Pedro ay tungkol sa isang binata na may Asperger's Syndrome na nahulog sa pag-ibig sa isang masilong
na dalaga na naghihirap mula sa Mitral Valve Stenosis, isang kalagayan sa likas na puso. Nagsimula ang
kwento ng pelikula noong mga bata pa sila "Cocoy" at "Tina" nang malaman ng kanilang mga magulang
ang sakit na meron sila. Isang araw, pumunta sa Tina sa isang therapy clinic na kung saan si Cocoy ay
nagpapa gamot din sa kanyang sakit. Ang dalawa ay nagkita at sa unang araw na nagkakilala sila, malapit
nang makakita ng pag-ibig at pag-asa sa bawat isa. Habang sila ay nasa isang therapy clinic, naging
matalik silang magkaibigan hanggang sa isang araw at hanggang umabot na umibig sila sa isa't isa.

Banghay-

a. Panimula

May isang Binatang nakakaranas ng Asperger's syndrome, At yun si Cocoy. May dalaga may dalaga
naman na nakakaranas ng Myocarditis o sakit sa puso, siya ay si tina, sa paglipag ng panahon, si Cocoy ay
nanatili sa clinic ni Dr. Rita upang doon magpagaling at mapabuti ang kalagayan niya, samantala si Tina
naman ay nanatili lamang sa tahanan nila. Istrikto ang mga magulang ni Tina sakanya dahil takot silang
mas lumala ang sakit ng anak.

b.SULIRANIN

Dahil walang ibang nakakasalamuha si Tina na ibang tao, Nakaramdam ito ng matinding
kalungkutan at siya'y nag iisa dahilan upang magkaroon diya ng matinding depresyon, Dahil dito
naisipan Ng kanyang mga magulang na ipa-therapy si Tina sa pangangalaga ni Dr. Rita.
c. Saglit na kasiglahan

Nakilala ni Cocoy si Tina sa Clinica, dahil dito nakahanap ng kaibigan si Cocoy sa clinic. sa paglipas ng
panahon, unti unti na nilang nakikilala ang isa't isa at nahuhulog ang damdamin sa isa't isa.

d.kasukdulan

Nalaman ni Ginoong mendoza o ang ama ni Tina ang pagmamahal ng dalawa dahilan upang magalit
ito kay Dra. Rita dahil inilihim umano nito ang pagmamahalan ng dalawa sa mga magulang ni tina.
Pinaglayo rin ng ama ni Tina si Cocoy at Tina. Naisipang bumisita ni Cocoy sa ospital, nakita ni Tina si
Cocoy ngunit muling nagalit ang ama ni tina. dahil dito, lalong lumala ang kondisyon ni Tina at nag agaw
buhay ito. Wala namang kaalam alam ang mga magulang ni Tina sa kaniyang kondisyon habang
pinapaalis nila si Cocoy sa ospital.

e. Pababang Pangyayari

Labis na nalungkot si Cocoy sa nangyari. Dahil dito, napalit ito sa kanyang bayaw dahilan upang
masaktan niya ito. Pinaghahampas niya ito ng kaldero at dahil dito, nakulong si Cocoy. Ngunit, tumakas
ito dahil nais niyang makita si Tina. Nabigo siya dahil sa kanyang pagtakbo sa gitna ng kalsada, ay
nabunngo ito.

f. Wakas

Pumanaw si Cocoy dahil sa aksidenteng nangyari. Sa paggising ni Tina, hinanap niya agad si Cocoy sa
kaniyang magulng ngunit bigo siyang makita ito. May binigay naman ang ina ni at ama ni Tina sakaniya
liham ito mula kay Cocoy. Nakasaad don na kong sakali mang nay mangyari sakanya, handa niyang
ipagkaloob ang puso nito kay Tina. Sa huli, napagtanto naman ni Tina na ang ipinagkaloob na puso ni
Cocoy ang naging dahilan upang nabuhay siya.

Makabuluhang aral na natutunan sa pinanood- Sa pelikulang ito, ang aral na natutunan ko ay bawat
pagsubok ay may aral na matututunan. Kaya huwag natin isipin na ang problema ay isang nakakatakot
na nilalang sa halip tignan natin ito ng positibo, na nagbibigay oportunidad na mapabuti ang ating sarili
at itama ang mga pagkakamali. Kaya ang bawat pagsubok ay may katapat na lunas at solusyon at ang
pagmamahal ay isang pinakamakapangyarihan sa daigdig kung saan ito ay nararamdaman ng isang taong
may pagpapahalaga hindi lamang sa kaniyang kapaligiran pati na rin sa kanyang kapuwa.

Ilahad ang reaksiyon tungkol sa pinanood na pelikula- Sa teleseryeng ito, malungkot ang pangyayari sa
pelikula dahil sa kondisyon ng mga tauhan. Hindi lahat ay may happy ending. Hindi Lahat ng kasama
naten ngayon ay makaka sama naten habang buhay minsan kailangan den nateng gumawa ng mga
bagay na ikasasaya naten. At isipin ang ating sarili.

You might also like