Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pang- Paaralan Tabaco National High School Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao

araw-araw
na Tala sa Purok Markahan Ikalawang Markahan
Pagtuturo-
DLP Guro MA. SANTA MAEY P. BROŇA Petsa December 4, 2023
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga batas na nakabatay sa
Pangnilalaman Likas na Batas Moral (Natural Law).
B. Pamantayan sa Nakabubuo ang mag-aaral ng panukala sa isang batas na umiiral tungkol sa
Pagganap mga kabataan
tungo sa pagsunod nito sa likas na batas moral.
C. Mga Kasanayan sa 1. Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral EsP9TT-IIc-6.1
Pagkatuto 2. Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan
batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral Moral EsP9TT-IIc-6.2
II. NILALAMAN Modyul 6: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL

A. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 9


1. Mga Pahina ng Gabay
Gabay Pang-Kurikulum
sa Guro
2. Mga Pahina ng Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang, Modyul para sa Mag-
Kagamitan Pang aaral, pp.65-78
Mag-aaral
3. Textbook pages Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang, Modyul para sa Mag-
aaral, pp.65-78
4. Karagdagang
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery
kagamitan mula sa
Mode
portal ng learning
SMILE
resources
B. Iba pang kagamitan tulong biswal, ativity sheets
III. PAMARAAN/DULOG
A. Balik-aral sa nakaraang Pangunahing Gawain. (Routinary Preliminary Activities…)
aralin, pagsisimula ng Sisimulan sa mga Pangunahing Gawain:
bagong aralin at 1. Pagtsek ng liban sa klase
paghahabi sa layunin 2. Pangungumusta
ng aralin. Paglalahad 3. Pagsiguro na nasa maayos at komportableng upuan ang lahat
ng layunin. 4. Pagpapaalala ng kahalagahan ng pagsunod sa mga alituntunin/pamantayan
ng MABUTING TAO.

Pagbabalik-aral:
1. Bakit kailangang gampanan o gawin ang ating mga tungkulin?
2. Ano ang nararapat gawin kung may mga nagawa, nakita o naobserbahang
mga paglabag sa karapatang pantao?

Pag-uugnay sa susunod na aralin at Paglalahad ng layunin:


Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin

B. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad Gawain 1 : Sematic Web
ng bagong kasanayan
Gawain (Ibinigay bilang home-based activity)
Panuto: Kumpletuhin ang Semantic Web na nasa ibaba. Isulat sa loob ng
mga bilog ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral (LBM). Isulat
naman sa loob ng mga kahon ang dahilan kung bakit mo nasabi na ito ay
nakaayon sa Likas na Batas Moral.
1. Pagwawasto
2. Pagtalakay
Mga Pamprosesong tanong:
1. Anong batas ang batayan ng lahat ng batas na binuo ng tao?
2. Bakit mayroong mga batas?
3. Sino ang tuon ng batas? Ipaliwanag.
4. Sa pagpapatupad ng curfew para sa mga kabataang tulad mo, paano
makatutulong saiyo ang pagsunod dito?”

C. Gawain sa paglinang sa Gawain 2 (VALUES VOTING)


kabihasaan Panuto:
1. Hatiin sa 5 pangkat ang klase. Ipakita ang mga istrip ng papel na may mga
nakasulat na mga batas.
2. Papiliin ang bawat pangkat ng 1 batas na nakabatay sa LBM.
3. Ipadikit sa kaliwang bahagi ng pisara ang mga batas na napili nila.
4. Gamit ang mga gabay na tanong, pag-uusapan at ibabahagi sa klase ng
bawat pangkat ang kanilang mapagkakasunduang sagot. (Bibigyan ng 10
minuto para sa pagsagot ng mga tanong)
5. (Bago ang presentasyon ng bawat pangkat)
Sabihin: Itaas ang inyong kamay kung kayo ay sumasang-ayon na ang
sumusunod na batas o panukala ay nakabatay sa Likas na Batas Moral
 Pagpapatupad ng curfew hours sa mga kabataan
 Paghikayat sa mag-aaral na pumasok at gumawa ng mga gawaing
pampaaralan
 Universal Declaration of Human Rights
 Maging Makatao
 First Do No Harm
6. Presentasyon

Mga Gabay/Pamprosesong Tanong:

1. Naging madali ba ang pagtukoy sa mga batas na nakaayon sa Likas na


Batas Moral? Ipaliwanag
2. Paano mo natukoy/ nakilala na ito ay nakabatay sa LBM?
(Para sa guro: Bigyang diin ang naging batayan sa paglikha ng mga batas)
3. Ano ang layunin ng mga batas na nakabatay sa LBM? Magbigay katuwiran
(Para sa guro: Bigyang diin ang unang prinsipyo ng Batas Moral- Gawin ang
mabuti at iwasan ang masama. Iugnay ito sa mga batas na nalikha ng tao)
4. Paano nagkakatulad/nagkakapareho ang batas ng tao (sibil) at ang LBM?
5. Sumasang-ayon ka ba na ang pinakamahalaga ay ang pagiging makatao?
Pangatwiran.
D. Paglalahat ng Aralin/
Pagpapalalim PAGPAPALALIM

Ang batas ay mga panuntunang kailangang sundin. Ito rin ang nagsisilbing
giya upang mapanuto at magkaroon ng disiplina ang bawat tao. Lahat ay
nararapat pasakop at maging tagasunod sa lider na siyang binigyan ng
kapangyarihang mamahala at mamuno nang maayos. Kung magagawa natin
ito, madali na nating matatamo ang kabutihan para sa sarili at sa kapwa.

Hindi perpekto ang mga batas. Subalit, muli ay babalik tayo sa depinisiyon
ng mabuti – sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na
matupad ito.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip.
at makaunawa. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.
Para sa pilosopong si Max Scheler, ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi
lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng
pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama. Walang sinuman
ang magnanais na mapasama siya.

Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay
para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri,
pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa
mabuti.

Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa
pagkabuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon,
kasaysayan, konteksto at sitwasyon. Tinitingnan dito ang mga
pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng pagpili.

Ang Likas na Batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang
malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba't ibang pagkakataon.
Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. Iba-iba man ang pormula
ng Likas na Batas Moral, ang itinuturo nito ay isa lamang: Hindi ko
kakasangkapanin ang tao. Ituturing ko bilang may pinakamataas na halaga ang
tao. Gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.

CSE Integration – Responsible Decision Making

E. Paglalapat ng aralin sa
pang- araw- araw na Upang makamit ang kaganapan bilang tao, nararapat na sundin ang mga
buhay batas na nakabatay sa LBM. Magbigay ng mga batas na nakabatay sa LBM at
mga gawaing magpapatunay ng pagsunod mo sa mga ito. Ito ay maaaring sa
iyong pamilya, paaralan,pamayanan o lipunan

F. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Sagutin ang sumusunod
1. Anong batas o panukala para sa kabatan ang sinusunod mo?
2. Bakit mo ito sinusunod?
2. Nakabatay ba ito LBM? Pangatwiranan.
3. Ano ang maaaring mangyari kung hindi mo ito susundin?
4. Bakit kailangang sundin ang mga batas na nakabatay sa LBM?

G. Karagdagang gawain Takdang-Aralin/Home-based Activity


para sa takdang-aralin 1. Pumili ng 1 batas, patakaran o panukala na ipinapatupad sa inyong pamilya,
at remediation paaralan o pamayanan.
(Takdang-Aralin) 2. Sabihin kung ito ay nakabatay sa LBM. Magbigay katwiran sa iyong sagot.
3. Sumasang-ayon at sinusunod mo ba ang batas o panukalang ito? Bakit?
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng nakakuha ng
80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
aralin.

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy ng
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking puno
ng departamento/
punongguro /superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

ANNOTATIONS

Inihanda ni:

MA. SANTA MAEY P. BROŃA


MTI - EsP 9 Coordinator

Nabatid:

WINSTON M. CARGULLO
MTI – OIC, EsP Department

You might also like