Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

Magandang Umaga

sa lahat!
(MAIKLING AKTIBITI MUNA BAGO TALAKAYAN)
KULAY NG TALAS – SALITAAN!

Panuto: Piliin ang sagot mula sa mga


iba’t ibang kulay ng kahon na
naglalaman ng iba’t ibang letra. Ang
kaparehong kulay ang siyang tutugon
sa nawawalang titik ng bawat salita.
O S F A O

D C E O B

R_D_
RODS
I U S A N

D C E E B

C_ I S E _ A _ R _
CUISENAIRE
O N S G E

D C E C B

_AL_B _ATT_G_O
CALEB GATTEGNO
O S S I O

D A N O E

S_L_ _T W_Y
SILENT WAY
Republic of the Philippines
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Graduate School
ACCESS, E.J.C., Montilla, 9800 Tacurong City

SILENT WAY Tell me and I forgot,


Teache me and I remember,
PRINSIPYO, METODO AT ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO SA WIKANG FILIPINO

Involve me and I learn.


- BENJAMIN FRANKLIN -

Taga-ulat: Saira B. Hamid


Alam mo ba?
Ang SILENT WAY (SW), ay isang paraan ng
pagtuturo ng Wika na nagmula noong unang
bahagi ng 1970’s at ipinakilala ni Caleb

Gattegno na isang edukador sa Europa.


Kilala siya
02
sa paggamit ng mga kulay na stik
na tinatawag
03 na Cuisenaire Rods at sa
kaniyang diskarte sa pagtuturo ng paunang
05

pagbasa
06 kung aling mga tunog ang itinuturo

07
sa pamamagitan ng mga kulay.
Silent Way
• Ito ay paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung
ipinapaubaya sa mga mag-aaral ang kanilang
pagkatuto.

• Ang mga mag-aaral sa isang klasrum na Silent Way


ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong
kalagayan, nananatiling tahimik ang guro hangga’t
maaari.
Silent Way
• Napapadli ang pagkatuto sa tulong ng mga
kagamitang panturo, tulad ng mga bagay na
nakikita o nahahawakan ng mga mag-aaral.

02
• Napapadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng
03

mga araling kinapapalooban ng mga gawain


05

na may suliraning tutuklasin ang mga mag-


06

07

aaral.
Haypotesis ng Pagkatuto
• Napapadali ang pagkatuto kung ang mag-aaral ay
nakatutuklas o lumilikha sa halip na matandaan at uulitin
ang dapat matutunan.

• Ang pagkatuto ay napapadali kung ito ay sinasamahan


ng mga bagay na nakikita at nahahawakan.

• Ang pagkatuto ay napapadali ng paglutas ng problema


na kinasasangkutan ng materyal na pag-aaralan.
Teorya ng Pagkatuto
• Ang isang matagumpay na pagkatututo ay nakasalalay sa
pagiging pursigido ng mag-aaral kung paano aralin at alamin
ang wika sa pamamagitan ng paggamit ng tahimik na
kamalayan at ang aktibong paglahok sa mga aktibidad.

• Ang isang Silent Way na mag-araal ay nakakukuha ng panloob


na pamantayan.

• Inaasahang maging independent, autonomous at maging


responsible ang isang Silent Way na mag-aaral.
Katangian ng Silent Way
1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto.
Pananagutan ng mga mag-aaral ang sariling pagkatuto.

2. Tahimik ang guro ng maraming oras, ngunit aktibo sa


pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa mga mag-aaral.
Nagsasalita lamang siya upang magbigay ng hudyat
02

(clues),
03 pinapayagan ang interaksyong mag-aaral – mag-
aaral.
05

06
3. Di ginagamit
07
ang pagsasalita ngunit ang unang wika ay
itinuturing na pinagmumulan ng kaalaman ng mag-aaral.
Layunin ng Pagkatuto
Ang pangkalahatang layunin na itinakda para sa pag-
aaral ng wika ay malapit sa katutubong katatasan sa
target na wika, at ang tamang pagbigkas at pagkabisa
sa mga prosodic na elemento ng target na wika ay
binibigyang-diin.

Ang guro ay dapat lamang magbigay sa kanila ng kung


ano ang talagang kailangan nila upang maisulong ang
kanilang pag-aaral.

Ang pagiging malaya sa pamamagitan ng pag-aasa sa


kanilang sarili.
Pamamaraan ng Pagkatuto
• Ang unang bahagi ng aralin ay nakatuon sa pagbigkas.

• Kung mali ang isang tugon, susubukan ng guro na


muling hubugin ang pananalita o hilingin sa ibang mag-
aaral na magpayahag ng tamang bigkas.

• Pagkatapos ng pagsasanay sa mga tunog ng wika, ang


mga padron ng pangungusap, istruktura at bokabularyo
ay isinasagawa.
Silent Way na Mag-Aaral
Independent na Mag-aaral Autonomous na Mag-aaral Responsible na Mag-aaral

Alam ng mga responsableng mag-


Alam ng independent na mga mag-aaral STRENGTHS
Pinipili ng autonomous na mga aaral na malaya silang pumili sa
na dapat silang umasa sa kanillang sarili
mag-aaral ang mga wastong anumang hanay ng mga pagpipiliang
at mapagtanto na magagamit nila ang
ekspresyon sa isang partikular na pangwika, ang kakayahang pumili
kanilang kaalaman sa sariling wika
hanay ng mga pangyayari at nang may kagalingan at maingat ay
upang tuklasin ang ilang bagay sa isang
sinasabing katibayan ng pagiging
bagong wika. sitwasyon. SKILLS
responsable.
Pedagohikal
na materyales na
parehong mabisa at
nakatutuwang gamitin
1. Word Chart
• Mga tsart sa dingding kung saan
nakasulat ang mga salita na may
parehong code ng kulay. Ipinapakita ng
tsart na ito ang istrukturang bokabolaryo
ng wika na binubuo ng limang daan (500)
na mga salita.
2. The Fidel
• Ipinapakita ng mga ito ang lahat ng posibleng
ispeling para sa bawat ponema at gumagamit
din ng parehong code ng kulay gaya ng
parihabang tsart. Ang Fidel ay partikular na
kapaki-pakinabang para sa mga wika tulad ng
Ingles at Pranses na may kumplikado at hindi
regular na mga ispeling.
3. Cuisenaire Rods
• Ginagamit ang Rods upang lumikha ng
malinaw at nakikitang mga sitwasyon na
nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na
maunawaan kung paano ipinapahayag
ang isang ibinigay na konsepto ng wika.
4. The Pointer
• Ang paggamit ng pointer ay isa sa
mga paraan ng pagtawag ng guro
sa mga mag-aaral na gamitin ang
kanilang mga kakayahan sa pag-
iisip.
5. The Sound / Color Rectangle Chart
• Isang tsart na binubuo ng iba’t ibang kulay na
mga parihaba. Ang bawat kulay ay kumakatawan
sa isang ponema o tunog ng wika, na
nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na gumawa
ng magagandang pagkakaiba sa ponetika at
prosodya ng wika. Kapwa sa antas ng
produksiyon, pakikinig at pagkilala.
Papel na ginagampanan
ng Mag-aaral, Guro at
Materyal sa pagtuturo
ng Silent Way
Mag-aaral ng Silent Way
• Ang mga mag-aaral ay inaasahang maging
responsible.

• Ang kawalan ng pagwawasto at paulit-ulit na


pagmomodelo mula sa guro ay nangangailangan
na ang mag-aaral ay bumuo ng panloob na
pamantayan at itama ang kanilang sarili.
Mag-aaral ng Silent Way
• Ang mga mag-aaral ay mayroon lamang ang kanilang
mga sarili bilang indibidwal at pangkat na maaasahan,
kung gayon ay dapat matutong magtrabaho ng sama-
sama sa halip na magkumpitensya.

• Ang isang mag-aaral ay dapat din na isang guro, isang


mag-aaral, isang taga-solusyon ng problema, bahagi
ng pagsuporta, at tagasuri sa sarili.
Guro ng Silent Way
• Ang guro ay isang technician o isang inhenyero na
nagpapadali sa pag-aaral.

• Ang tungkulin ng guro ay isang neutral na tagamasid, hindi


pumupuri o pumupuna, naghahanap lamang ng patuloy na
pagpapabuti.

• Tahimik lamang ang guro. Ang presensya ng guro sa silid-


aralan ay limitado sa pagbibigay ng modelo ng wikang
gagawin ng mga mag-aaral.
Guro ng Silent Way
• Mahalagang tukuyin ng guro ang mga layunin sa
pagkatuto ng malinaw at abot kaya ng mag-aaral.

• Tahimik na sinusubaybayan ng guro ang pakikipag-


ugnayan ng mag-aaral sa isa’t isa at maaaring lumabas
pa ng silid habang nahihirapan ang mga mag-aaral sa
kanilang bagong kagamitang pangwika.
Guro ng Silent Way
• Guro ang siyang responsable sa pagdidisenyo
ng mga pagkakasunud-sunod ng ituturo at
paglikha ng mga araling pang indibidwal at mga
elemento nito.

• Guro ang siyang lilikha ng isang kapaligiran na


nanghihikayat sa mag-aaral na sumubok lumahok
upang madali ang pag-aaral at pagkatuto.
Guro ng Silent Way
• Ang guro ng Silent Way ay gumagamit ng mga
kilos at tsart upang mahubog at makuha ang mga
tugon ng mga mag-aaral.

• Ang guro ay parang Dramatist, isinusulat ang


script, pipili ng props, ikondisyon ang mag-aaral,
i-modelo ang aksyon, italaga ang mga manlalaro
at kritiko sa pagganap.
Halimbawa ng kilos ng Guro ng Silent Way
Guro ng Silent Way
• Ang pagpresenta ng isang aytem nang isang
beses ay kadalasang gumagamit ng mga di-
berbal na pahiwatig upang maunawaan ang mga
kahulugan.

• Ang pagtuturo sa mga mag-aaral ay ginagawa sa


tahimik na paraan hangga’t maaari.
Materyal ng Silent Way
• Ang materyales ay ginagamit upang ilarawan ang mga
relasyon sa pagitan ng tunog at kahulugan sa
hinahangad na wika.

• Ito ay idinisenyo para sa pagmamanipula ng mga mag-


aaral at guro nang nakapag-iisa at magkakatuwang sa
pagtataguyod ng pagkatuto ng wika.
Materyal ng Silent Way
• Ang bilang ng mga wika ay naglalaman ng mga
simbolo para sa lahat ng patinig at katinig na tunog ng
wika.

• Ang mga simbolo ay naka-code ng kulay ayon sa


pagbigkas. Kaya, kung ang isang wika ay nagtataglay
ng dalawang magkaibang mga simbolo para sa
parehong tunog, sila ay magkakulay.
Materyal ng Silent Way
• Ang paggamit ng Rods ay upang isulong ang
pagiging malikhain at interes sa pagbuo ng
mga komunikasyong pananalita sa bahagi ng
mga mag-aaral, habang lumilipat sila mula sa
simple hanggang sa mas kumplikadong mga
istruktura.
Materyal ng Silent Way
• Ang mga kulay na Cuisenaire Rods ay ginagamit upang
direktang iugnay ang mga salita at istruktura sa kanilang mga
kahulugan sa hinahangad na wika, sa gayon ay iniiwasan ang
pagsasalin sa katutubong wika.

• Ang mga Rod ay maaaring gamitin para sa pagbibigay ng


pangalan sa mga kulay, para sa paghahambing ng mga sukat,
upang kumatawan sa mga tao, bumuo ng mga floor plan at iba
pa.
Sa kabuoan...

Ang Silent Way ay isang Metodo na ginagamit sa pagtuturo


ng wika sa pamamagitan ng tahimik na kamalayan. Ang mag-
aaral sa isang Silent Way na klasrum ay nagtutulungan
sa proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan
sa suliraning pangwika.
sa panunuod at pakikinig!
MARAMING SALAMAT

You might also like