Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII - Eastern Visayas
Schools Division of Southern Leyte

CONSOLACION ELEMENTARY SCHOOL


Consolacion,Sogod, Southern Leyte

Paaralan Consolacion Baitang


Elementary School

Guro Reinalyn Paler Quarter

Asignatura Petsa at Oras

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan
Pangnilalaman ng pagpapasalamat sa lahat ng likha at mga biyayang tinatanggap
mula sa Diyos.
B.Pamantayang Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng
Pangnilalaman biyayang tinatanggap at nakapagpapakita ng pag-asa sa lahat ng
pagkakataon.
C.Kasanayang Nakapagpapakita ng pasasalamat sa mga kakayahan/talinong bigay
Pampagkatutuo ng Panginoon sa pamamagitan ng paggamit ng talino at kakayahan.
EsP2PD-IVe-i-6

D.Layunin

Knowledge Naipapaliwanag ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa


mg kakayahan at talinong bigay sa atin ng Panginoon.
Skills Nakakapagdarasal nang may pagpapasalamat sa mga kakayahan at
talinong bigay ng Diyos.

Attitude Napapahalagahan ang mga kakayahan at talinong bigay ng Maykapal.


II. NILALAMAN Pasasalamat sa mga Kakayahan/Talinong Bigay ng Panginoon
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian  Kto 12 EDukasyon sa Pagpapakatuto Gabay Pangkurikulum Mayo
2016 pp. 38 ng 153
 EsP 2.Tagalog.2013. pp.231-248

B. Iba pang  Powerpoint Presentation


Kagamitang  Mga larawan
Panturo
IV.
PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa sagutang papel kung ang
nakaraang aralin pangungusap ay nagsasaad ng wastong kaisipan at MALI naman kung
at/o Pagsisimula hindi.
ng Bagong Aralin
_______1.Biyaya ang tawag sa mga bagay na bigay sa ting ng Maykapal.
_______2. Ang pagdarasal ay isang paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.
_______3. Dapat tayong mag-aksaya ng biyaya dahil mahal naman tayo
ng Diyos.
_______4. Ang pagtulong sa kapwa ay isang paraan ng pagpapasalamat
sa Diyos.
_______5. Ang pagsisimba ay isang paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.
B.Paghahabi sa Magpapakita nag guro ng mga larawan sa pamamagitan ng isang
Layunin ng Aralin slide show presentation at papahulaan kung ano ang angkop na
salita para rito.

C. Pag-uugnay ng Guro: Tingnan ang mga larawan at pagmasadang mabuti. Sa iyong


mga Halimbawa palagay, sila ba ya nagpapakita ng pasasalamat sa mga kakayahan at
sa Bagong Aralin talino nila mula sa Diyos ?
Base rito ano sa tingin ninyo ang ating magiging aralin sa araw na
ito?
D. Pagtatalakay
ng Bagong
Konsepto at
Paglalahad ng
Bagong
Kasanayan #1

Bawat isa sa atin ay may iba’t ibang kakayahan o talino. Ang mg ito ay
maaaring nating namana sa ating mga magulang o pamilya. Maaari rin
naman na ito ay bunga ng ating pagsasanay, pag-aaral at
pagsusumikap.
Ano pa man ang naging dahilan o pinagmulan ng iyong mga
kakayahan o talino, ang lahat ng ito ay biyaya gaking sa Panginoon na
dapat nating ipagpasalamat.
Maraming paraan upang maipakaita natin ang ating pasasalamat sa
Diyos sa mga kakayahan o talinong ibinigay Niya sa atin.
1. Paggamit ng ating mga kakayahan o talino at
pagbabahagi nito upang makatulong sa ating
kapwa ay isang paraan upang maipakita ang ating
pasasalamat sa Diyos.

2. Ang paggawa ng mga bagay upang mapaunlad


ang ating mga kakayahan at talinong bigay ng
Diyos ay isa ring paraan ng papgpapakita ng
pasasalamat sa Kaniya

Pagtatalakay ng May naiisip pa ba kayong paraan upang maipakita ang pasasalamat


Bagong Konsepto natin sa Diyos? Ibahagi ang mga ito.
at Paglalahad ng
Bagong (Hahayaan ng guro na magbahagi ang mga mag-aaral)
Kasanayan #2
Pinatnubayang
Pagsasanay
F. Paglinang sa Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang sa iyong
Kabihasan sagutang papel. Iguhit ang masayahing mukha kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng pasasalamat sa kakayahan o
talinong bigay ng Panginoon at malungkot na mukha
naman kung hindi.

_____1. Kinakantahan ni Jassy ang kaniyang ina tuwing ito ay


nalulungkot.
_____ 2. iniiwasang turuan ni Jess ang kaniyang nakababatang kapatid
sa kaniyang takdang-aralin.
_____3. tinutulongan ni Helen ang kaniyang nanay sa paglilinis ng
kanilang bahay.
_____4. Nahihiya si Hector kaya hindi niya ipinapakita sa iba na
magaling siyang sumayaw.
_____5. Tinuturuan ni Jb ang kaniyang kaibigan sa paglangoy.
G. Paglalapat ng Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa 3 pangkat at gagabayan sa
Aralin sa pang- isang gawain.
araw-araw na Panuto: Tingnan ang bawat larawan at ibigay kung ano ang dapat
buhay mong gawin sa bawat sitwasyong ipinapakita rito.

Pangkat 1
Mayroon kang talento sa pag-awit. Matagal mo ng pangarap na sumali
sa paligsahan. Ano ang dapat mong gawin?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________.

Pangkat 2
Magaling kang sumayaw at nais mo itong ipakita sa iyong mga kamag-
aral. Ano ang gagawin mo?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________________.

Pangkat 3
Nabalitaan mo na magkakaroon ng paligsahan sa pagguhit sa
inyong paaralan. Natuwa ka dahil may kakayahan ka dito. Ano
ang susunod mong gagawin?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________.
H. Paglalahat ng Maraming paraan upang maipakaita natin ang ating pasasalamat sa
Aralin Diyos sa mga kakayahan o talinong ibinigay Niya sa atin. Paggamit ng
ating mga kakayahan o talino at pagbabahagi nito upang makatulong
sa ating kapwa ay isang paraan upang maipakita ang ating
pasasalamat sa Diyos. Ang paggawa ng mga bagay upang mapaunlad
ang ating mga kakayahan at talinong bigay ng Diyos ay isa ring paraan
ng papgpapakita ng pasasalamat sa Kaniya

I. Pagtatayang Panuto: Lagyan ng tsek(/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


Aralin kasiyahan sa pagbabahagi ng talento at ekis(x) naman kung hindi.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
___1. Patuloy akong magsasanay upang mahasa ang aking talino at
kakayahan.
___2. Magiging matiyaga ako kahit paulit-ulit ang pagsasanay.
___3. Susuko ako lalo na at mahirap ang pagsasanay.
___4. Magpopokus ako sa king pinag-aralan para matutunan ko ito ng
maayos.
___5. Aawayin ko ang aking tagapag=sanay kapag mahirap ang
kaniyang ipinapagawa sa akin.
V. Takdang Aralin Panuto: Sumulat ng maikling pangungusap na nagpapakita ng iyong
pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang natanggap mula sa
kanya. Isulat ito sa inyong papel.

Inihanda ni: Iniwasto ni;


REINALYN PALER JOCELYN L. MERCADO
BEED, Practice Teaching Intern Adviser, Grade 2 - A

You might also like