Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KAWALAN NG TRABAHO, BAKIT AT PAANO?

08 Nobyembre 2023
ISINULAT NI: JUAN DELA CRUZ

Noong Agosto 2023, inihayag ng


Philippine Statistics Authority na ang
Pilipinas ay mayroong unemployment
rate na 4.4 percent at mayroong
468,000 na katao ang walang mga
trabaho. Ngunit, bakit nga ba ito
nangyayari? Ano nga ba ang kayang
gawin ng gobyerno patuungkol sa
isyung ito?

Ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay


mayroong dalawang karaniwang dahilan. Una, ang kakulangan at mahinang sistema ng
edukayson. Maraming parte ng Pilipinas ang nakararanas ng kakulangan pagdating sa
edukasyon, akin din itong napansin nang minsan ay makita ko ang mga mag-aaral na
nagkaklase lamang sa gilid ng daanan sa paaralan. Ang mga kakulangan na ito ay
nakaaapekto sa kalidad ng edukasyon at nagiging sanhi ng mababang kaalaman at
kakayahan ng mga mag-aaral– ang iba pa ay hindi na nakakapagtapos dahil sa mga
epektong dulot nito. Ayon kay Tuesday Villena, malaki ang tsansa na hindi matanggap ang
isang aplikante dahil rito, sapagkat ang mga kompanya ngayon ay mas binibigyang pokus
ang mga nakapagtapos ng high school o kolehiyo at mayroong magagandang educational
background.

Pangalawa, ang mabilis na pagsulong ng teknolohiya. Ayon sa isang pag-aaral, halos


4.5 million na mga trabahador ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagsulong ng
teknolohiya. Sa panahon ngayon, ang umiiral na teknolohiya na ang pumapalit sa trabaho
ng iba, ito ay dahil sa paniniwala na mas mabilis at maayos ang gawa ng teknolohiya kaysa
sa gawa ng tao, at isa pa, kaya itong manipulahin ng tao at hindi nito kaiilangan ng
buwan-buwan na sweldo.

Katulad ng sinabi sa isang kasabihan, “Walang problema ang hindi


masosulusyunan.”, alam ng bayan na ang gobyerno ay may magagawa pa upang malutas
ang suliraning ito. Ang gobyerno ay kinakailangan na mag bigay ng sapat na pondo sa

1
Department of Education (DepEd) upang mas mapaganda ang edukasyon sa bansa. Ang
mga benepisyo nito ay hindi lamang makapagbibigay ng sapat na kagamitan sa pag-aaral,
ngunit, ito din ay mag bibigay ng kalidad na edukasyon na maghahanda sa bawat Pilipino
sa mga posibleng pagbabago sa mundo, katulad na lamang ng teknolohiya. Bilang
konklusyon, isa sa dapat pagtuunan ng pansin ng ating ibansa ay ang edukasyon, sapagkat
ito ang pundasyon ng magagandang bagay sa mundo. Muli, nararapat lamang na mas
bigyang pansin ng gobyerno ang edukasyon upang malutas na ang kawalan ng trabaho.

You might also like