Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kurt Cyrus R.

Laqueo

12- Discipline

Filipino

Pagyamanin Natin

Isang Rebyu ng Squid Game

Ang pelikula ni Hwang Dong-hyuk, Squid Game, ay ang bagong Netflix Original Series na, sa
ngayon, ang may pinakamahusay na launch.

Ang Pelikula ay tungkol sa isang lalaking adik sa pagsusugal na nakatira kasama ang kanyang
mahinang ina, inilayo rin siya sa kanyang anak dahil sa kanyang grabeng financial situation. Upang
makawala sa kanyang malubhang sitwasyon, sumali siya sa isang laro, dito makakuwa ng napakaraming
pera ang isang mananalo. Ang pelikula ay kumuwa ng inspirasyon sa mga death game shows tulad ng
Anime, Kaiji Ultimate Survivor na maraming nagsasabi na “halos kinopya lang ng Squid Game”.

Para sa akin, magkatulad nga ang saligan ng Squid Game at Kaiji ultimate survivor, mayroong
sapat na pagkakaiba ang dalawang pelikula upang maging kakaiba sa isa’t-isa. Sa aking palagay, Naging
napakasikat ng Squid Game dahil lumabas ito sa tamang oras at sa Netlfix, ang pinakang sikat na
streaming platform. Dahil dito ang death game na saligan na mayroon ang Squid Game ay bago, kakaiba,
at relatable. Sa totoo lang, di ko na-enjoy ang Squid Game katulad ng karamihan na nanuod nito,
sapagkat naranasan ko na ito sa Anime, Kaiji Ultimate Survivor. Pero, kung di ko napanood ang Kaiji
Ultimate Surviror, sigurado akong hindi ganito ang palagay ko sa pelikulang ito.

Isa sa paborito kong aspeto ng Death Game genre ay ang mga tauhan. Si Cho Sang- woo ang
aking paboritong tauhan sa buong pelikula. Habang pinapanood mo, nakikita mo ang kabutihan at talino
ni Cho Sang- woo. Kahit nasa napakalalang sitwasyon siya, tinulungan pa rin niya si Ali Abdul isa ring
malala ang financial situation, sa pagkain at bus fare. Matalino siya at ginagamit niya itong mabuti upang
manalo sa mga laro kahit mahamak ang kanyang mga kaibigan. Habang nagpapatuloy ang pelikula, unti-
unting nawawala ang pagsisisi niya; halos buktot. Pero, kung inintindi mo, kung naroroon ka sa kanyang
posisyon noon, gagawin mo rin ang kanyang ginawa. Pinapakita nito na ang tao, kung kinakailangan, ay
mabangis na hayop. Kaya lang, may kabila ito, sapagkat sa huli ay sinakripisyo niya ang kanyang sarili
upang may makuwa man lang, sa daming tao na namatay sa larong iyon, kung may makukuwa man lang,
ang lahat ng nangyari ay hindi para sa wala. Pinapakita rin nito na ang tao, kung kinakailangan, ay
malasakit.

You might also like