2nd-Trime-Exam-A.p 7-2023-2024

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

AUGUSTINIAN ABBEY SCHOOL

BILANG SA KLASE IKALAWANG TERMINONG PAGSUSULIT ISKOR


SY 2023-2024

ARALING PANLIPUNAN 7

PANGALAN: _____________________________________________ PETSA: ___________


BAITANG/SEKSYON _____________________________ Guro: Ginoong Danrex A. Barbaza

I. PAGPILI.
PANUTO: Basahin ang mga tanong. Isulat ang titik ng sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Ayon sa historyador na si Zeus Salazar, ano ang kabihasnan?
A. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng isang mataas na antas ng pamayanan sa
pagkakabuo ng syudad.
B. Ito ay tumutukoy sa pinagsama-sama ng kultura ng iba’t ibang pangkat, tribu, na
tinanggap ng lahat at naisalin sa mga susunod na henerasyon.
C. Ito ay ginagamit ng mga historyador upang mas madaling matalakay ang mga pagbabago
at pagpapatuloy ng mga kaganapan sa kasaysayan.
D. Ito ay mga susing kaganapan na naging dahilan ng pagbabago ng takbo ng kasaysayan
ng isang lugar, tao o bayan.
_____ 2. Ito ay tumutukoy sa yugto ng kasaysayan na hindi nakasulat o nakarekord?
A. Prehistoriko C. Peryodisasyon
B. Historiko D. Kabihasnan
_____ 3. Ito ay tumutukoy sa ebolusyong pisikal at henetiko ng bakulaw tungo sa pagiging tao.
A. Natural selection C. Peryodisasyon
B. Homonisasyon D. Mutation
_____ 4. Ang mga organismong mananaig ay makapagpaparami at makapagpapasa ng kanilang
mga katangian sa kanilang mga supling. Ang pagpapatuloy ng lahi ng mga organismo na
angkop sa kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran ay tinatawag na _______________?
A. Natural Selection C. Survival of the fittest
B. Ikutang Pangyayari D. Prehistorya

_____ 5. Ayon sa mga paleoanthropologist, saan natagpuan ang pinakamatandang fossil ng unang
tao?
A. Lagos, Nigeria C. Mwanza, Tanzania
B. Java, Indonesia D. Aramis, Ethiopia
_____ 6. Ito ang pinakatanyag na Australopithecus Afarensis na natuklasan ang mga labi noong
1974 sa Hadar, Ethiopia.
A. Ape C. Lucy
B. Taong Tabon D. Hominin
_____ 7. Ito ay kilala sa tawag na ‘’Handy man’’ dahil sa kakayahan nitong makagawa ng mga
kagamitang yari sa bato.
A. Homo erectus C. Homo sapiens
B. Homo habilis D. Homo sapiens sapiens

_____ 8. Sa mga sinaunang tao, ito ang pinakamodernong hominin.


A. Australopithecus C. Homo sapiens sapiens
B. Homo erectus D. Homo habilis
_____ 9. Ito ang hominin na pinakamalapit na ninuno ng buong sangkatauhan.
A. Homo sapiens C. Australopithecus
B. Homo erectus D. Ardipithecus ramidus

____ 10. Ito ay kilala bilang mga ‘’taong nakatatayo at nakakalakad ng tuwid’’.

A. Homo erectus C. Homo habilis


B. Homo sapiens D. Ardipithecus ramidus
_____11. Sa anong panahon ng ebolusyong kultural ng tao, natuklasan ang paggamit ng apoy?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Mesolitiko D. Panahon ng Metal
_____12. Sa anong panahon ng ebolusyong kultural, natuklasan ang pagsasaka, pagtatanim at
sistemang pang-agrikultura?

A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Neolitiko


B. Panahong Mesolitiko D. Panahon ng Metal
_____ 13. Sa panahong ito, unang nakalikha ang mga tao ng maliliit na kagamitang bato o microlith.
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Mesolitiko D. Panahon ng Metal
_____ 14. Sa panahong ito, natuklasan ang mga kasangkapang bato na ang hawakan ay yari sa
kayo (buto ng hayop)?

A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Neolitiko


B. Panahong Mesolitiko D. Panahon ng Metal
_____ 15. Sa panahong ito ginamit ang tao upang makagawa ng mga karaniwang kagamitan at
palamuti.
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Neolitiko
B. Panahong Mesolitiko D. Panahon ng Metal
_____ 16. Ito ang pinakaunang pamayanan na naitatag sa panahong Neolitiko na bahagi din ng
bansang Jordan.
A. Jericho C. Catal Hayuk.
B. Anatolia D. Sumerian
_____17. Sino ang nakadiskubre ng kagamitang bakal sa kanlurang Asya noong 1200 BCE?
A. Hominid C. Phoenician
B. Assyrian D. Hittite
_____ 18. Anong metal ang pinakaunang natuklasan at ginamit sa yugto ng ebolusyong kultural ng
tao?

A. Bronze C. Tin
B. Tanso D. Bakal
_____ 19. Anong bansa ang kasalukuyang Mesopotamia?
A. Iraq C. Jordan
B. Iran D. Syria
_____ 20. Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa Fertile Crescent?
A. Ito ay lupain sa pagitan ng mga Ilog.
B. Ito ay isang matabang lupain na hugis gasuklay o quarter moon.
C. Ito ay rehiyon kung saan sumibol ang pinakaunang kabihasnan na Sumer.
D. Ito ay isang lungsod estado sa Mesopotamia.
_____ 21. Ito ay isang gusali na itinayo ng mga Sumerian na matatagpuan sa pinaka-gitna ng lungsod
bilang templo para sa kanilang seremonya at pag-aalay sa kanilang mga diyos.

A. Ziggurat C. Etemenanki
B. Hanging Gardens of Babylon D. Taj Mahal
_____ 22. Sinakop ng Akkadian empire ang mga lungsod-estadong itinayo ng mga Sumerian at ito ang
kauna-unahang Imperyo na naitatag sa buong mundo. Sino ang kilalang pinuno ng Akkadian
empire?

A. Hammurabi C. Sargon I
B. Ashurbanipal I D. Nebuchadnezzar II
_____ 23. Ito ay uri ng pamamahala ng mga Sumerian kung saan pinangungunahan ng mga pinuno
ng simbahan o mga pari.
A. Theocracy C. Code of Hammurabi
B. Polytheism D. Edubba
_____ 24. Saan umusbong ang unang sibilisasyon sa Mesopotamia?
A. Ilog ng Tigris at Euphrates C. Ilog Indus at Ganges
B. Ilog Huang-ho at Yangtze D. Ilog Cagayan at Pasig
_____ 25. Sino si Naram-Sin?
A. Pinakamahigpit na pinuno ng Imperyong Assyria.
B. Tinaguriang ‘’Enuma Elis or Epic of Creation ng Imperyong Babylonia.
C. Pinakadakilang pinuno ng Kabihasnang Sumer.
D. Pinuno ng Imperyong Akkadia na tinaguriang ‘’The Lord of the Four Quarters’’
_____26. Ang mga sumusunod ay mga lungsod na itinatag ng mga Sumerian maliban sa _________.

A. Ur C. Lagash
B. Kish D. Harappa

_____ 27. Anong imperyo ang itinuturing na pinaka unang imperyong naitatag sa kasaysayan ng
mundo?

A. Assyria C. Sumer
B. Akkadia D. Babylonia
_____ 28. Isa ang Kodigo ni Hammurabi sa mga natatanging kontribusyong naiwan ng Kabihasnang
Babylonian. Paano ito nakatulong sa pamayanan ng mga sinaunang tao?
A. Nagkaroon ng takot at pangamba ang mga tao.
B. Nagkaroon ng kalabisan sa pamamahala ng mga pinuno.
C. Nagkaroon ng kaayusan at pantay na katarungan sa lipunan
D. Nagkaroon ng mayoryang kapangyarihan ang mga Babylonian sa mga kalapit na
pamayanan.
_____ 29. Ano ang kabuluhan sa kasalukuyan ng mga naiwang kontribusyon o pamana ng mga
sinaunang kabihasnan?
A. Nagsilbi itong pundasyon at modelo upang mapaunlad pa ang bagay at pamamaraan sa
kasalukuyan.
B. Naging palaasa ang kasulukuyang tao sa teknolohiya.
C. Nagpapaalala ng pagkakaiba ng pamumuhay ng tao noon at sa kasalukuyan.
D. Nakahadlang sa pagkakaroon ng simpleng pamumuhay.
_____ 30. Ito ay ang pagbibigay ng representasyon sa isang bagay sa anyong larawan
o ang sistema ng pagsulat ng Indus.

A. Cuneiform C. Hieroglyphics
B. Pictograph D. Sanskrit
_____ 31. Sila ang sinasabing bumuo at nanguna ng sibilisasyon sa India.
A. Aryan C. Dravidian
B. Mauryan D. Harappan
_____ 32. Ano ang tawag sa sistema ng daluyan ng tubig ng mga taga-harappa kung saan
nagagawa nitong pagdugtungin ang mga daluyan ng dumi mula sa kanilang bahay
patungo sa iisang tapunan lamang?
A. Alkantariya (Sewerage) C. Aqueduct
B. Great Bath D. Terracotta
_____ 33. Ito ay mga tinipong sagradong akda ng mga himnong pandigma, sagradong ritwal, mga
sawikain at mga salaysay.
A. Mantra C. Upanishad
B. Vedas D. Ramayana
_____ 34. Sa aling pangkat sa sistemang caste nabibilang ang mga pari?
A. Brahmin C. Vaishya
B. Kshatriya D. Sudra
_____ 35. Alin sa mga sumusunod na kaganapan ang nangyari sa panahon ng Matandang Vediko?
A. Natuto ang mga Aryan sa paggawa ng bakal na ginamit nilang armas at kasangkapan na
gamit sa pagsasaka.
B. Sa panahong ito umiral ang sistemang caste
C. Sa panahong ito, ipinakilala ang epikong Mahabharata at Ramayana.
D. Sa panahong ito unang nakarating ang mga Aryan sa lambak ng Ilog Indus at sinimulang
gamitin ang pinakaunang teksto ng Vedas na Rig-Vedas.
_____ 36. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na bahagi ng ‘’Inner China’’?
A. Ilog Yangtze at Ilog Huang-ho C. Kabundukan ng Himalayas
B. Disyerto ng Gobi D. Kagubatan at damuhan

_____ 37. Itinuturing na pinakaunang pinuno ng Sinaunang Tsina si Emperador Yu, ano ang
pinakamahaga nyang nagawa bilang pinuno ng Dinastiyang Hsia/ Xia?
A. Naipatayo nya ang Great Wall China.
B. Pinairal nya ang pagsusulat ng mga simbolo sa butong orakulo na tinatawag na Ideograph.
C. Nakaisip sya ng plano kung paano mapatitigil ang biglaang pagbaha sa Ilog Huang-ho.
D. Naibahagi nya ang isang makabagong paraan ng pagtatanim na tinatawag na Well-field
System.
_____ 38. Siya ay isang kilalang pilosopo sa Tsina na nagpairal ng kaisipang Confucianismo na
nagtataguyod sa maayos na ugnayan at pagkilos ng tao sa lipunan.
A. Lao-Tzu C. Mencius
B. Confucius D. Shang-di
_____ 39. Kilala si Lao-Tzu bilang pangunahing tagapagtaguyod ng kaisipang Taoismo, saang aklat
mababasa ang mga katuruan ng Taoismo?
A. Analects C. Ramayana
B. Dao De Jing D. Wren
_____ 40. Ang kaisipang ito ay nagmula kay Shang Yang na isinusulong ang paniniwala na nasa
pamahalaan ang kapangyarihan upang mapanatili ang kaayusan ng isang lipunan.
A. Legalismo C. Mandate of Heaven
B. Achivist D. Confucianismo

II. PAGKILALA
PANUTO: Alamin ang konsepto na tinutukoy sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.

___________________ 41. Siya ay isang siyentipikong Briton, na bumuo ng ‘’teorya ng ebolusyon’’.


___________________ 42. Ito ang tawag sa mga pinunong pari ng mga Sumerian.
___________________ 43. Ito ang pinakamatandang nabubuhay na relihiyon sa mundo.

___________________ 44. Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pinuno na mula sa


iisang angkan o ninuno.
___________________ 45. Siya ang kinikilalang diyos ng digmaan at bagyo ng mga Aryan.

III. PAG-IISA-ISA.
PANUTO: Itala ang mga hinihinging konsepto o salita sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa patlang
na nakalaan.

46-48. Magbigay ng tatlong dinastiyang umiral sa Tsina noong sinaunang panahon.

46. ____________________________________________________________
.
47. ____________________________________________________________

48. ____________________________________________________________

49-50. Magbigay ng dalawang mahalagang ambag ng Sumerian sa kasaysayan ng daigdig.

49. ____________________________________________________________

50. ____________________________________________________________

……………….. KATAPUSAN NG PAGSUSULIT ………………..

“Success is no accident. It is hard work, perseverance, learning, studying,


sacrifice and most of all, love of what you are doing or learning to do.”
― Pelé, Brazillian pro footballer

You might also like