Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pagsusulit sa Filipino 4th quarter

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Pansinin ang mga salitang
may salungguhit. Ibigay ang kahulugan nito ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap sa pagpipilian sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1.) banigin ng problema


a. iyakan at ikwento c. isipin at ikalungkot
b. tulugan at balewalain d. pag- aralan at isisi
2.) may tinititigan ang katarungan
a. may sinusuri c. may pinag-aralan
b. may pinapaburan d. may tinitimbang
3.) anak-pawis
a. magsasaka c. sobrang kapaguran
b. anak mahirap d. manggagawa
4.) kapit sa patalim
a. dumanas ng sobrang hirap c. nilabag ang batas
b. gumawa ng krimen d. natukso
5.) Ang pagdiriwang sa siglo ng nasyonalismo
a. sampung taon c. isang libong taon
b. isandaang taon d. limampung tao
Test II. Hanapin ang kaugnay na salita.Isulat ang letra ng tamang sagot.
6. uha ng a. orasan
7. mga tikatik ng b. ulan
8. mga tik-tak ng c. sanggol
9. mga lagitik ng d. kawayan
10. dambana ng e. katarungan
Test III. Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang letra ng tamang sagot.
11.) Tinaguriang ‘’Pambansang Bayani’’ ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal dahil sa
pagkakalimbag ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Nilalayon ng mga akdang
ito na
a. maiulat ang kalagayang panlipunan, pamumuhay, pag-asa at adhikain,
karaingan at kalungkutan ng mga Pilipino noon.
b. galitin ang mga Pilipino upang maghimagsik sa pamahalaang Kastila
c.maiparating sa mambabasa ng susunod na henerasyon na maaaring maisulong
ang pagbabago sa pamamagitan ng pagbabasa.
d. upang bigyang-pugay ang ating pambansang bayani.
12.) Nakaranas si Dr. Rizal ng kakaapusan sa aspetong pinansyal para sa
pagpapalimbag ng aklat na El Filibusterismo na noo’y nasa 112 pa lamang.
Himala na dumating ang tulong ng magpadala ng Kwalta ng matalik niya kaibigan
na si
a. Dr. Ferdinand Blumentritt c. Marcelo H. del Pilar
b. Graciano Lopez Jaena d. Valentin Ventura

13.) Sa paghahanay ng mga pangyayaring naganap sa kasaysayan, mabisang gamitin


ang
a. timeline o talatakdaan c. flashback o pagbabalik-tanaw
b. pantulong na grapiko d. footnote o talababa

14.) Nagbigay ng inspirasyon kay Dr. Rizal upang isulat ang kanyang akdang El
Filibusterismo.
a. ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera kay Henry C.
Kipping
b. ang pagsiklab ng himagsikan sa pamumuno ni Andres Bonifacio
c. ang pagbitay sa pamamagitan ng garote sa tatlong haring mago
d. ang pagbitay sa tatlong paring martir na sina GomBurZa.
15.) Isa itong mahalagang kasanayan sa pag-aaral na siniksik at pinaikling bersyon ng
tekstong maaaring
nasa anyo ng isang argumento, salaysay na maaring narinig o nabasa na
ginagamitan ng sariling
pananaliita.
a. buod c. reperensya
b. talatakdaan d. panayam
16.Naging akma ang ibinigay na katumbas sa Filipino na El Filibusterimo na “ Ang
Paghahari ng
Kasakiman” sa dahilang
a. ang hari ng Espanya ang nagmay-ari ng lahat ng lahat ng kayamanan ng
bansa
b.umiral noong panahong iyon ang pagkaganid sa kapangyarihan at kayamanan
ng mga Espanyol
c. tanging mga Espanyol ang nag- mamay-ari ng lahat ng industriya sa bansa
d. naghahari-harian ang mga Espanyol habang nagpapatrolya ang mga gwardya
sibil araw at gabi
17.) Karamihan sa ipinalimbag na nobela ay ipinadala ni Dr. Rizal sa Pilipinas at
Hongkong. Ito ay
nagpapatunay na
a. ipinagbawal sa Europa ang kopya ng kaniyang nobela
b. wala siyang mautusang magdala ng nobela sa Europa.
c. naubos ang salapi niya kaya hindi nakapagpadala ng mga kopya sa Europa
d. isnulat niya ang nobela upang basahin sa Pilipinas at hindi sa mga bansa sa
Europa.
18.) Ang duguang lalaki na sinunog ay walang iba kundi si a. Pilosopong Tasyo b. Elias
C. Tarsilo d. Balat
19.) Si Basilio ay nakapag-aral sa Letran, Ateneo, Unibersidad ni Santo Tomas sa
pamamagitan ng sariling
Kasipagan at sa pagtulong ni a.Kapitan Tiyago b. Kapitan Basilio C. Elias D.
Crisostomo Ibarra
20.) Problema ang paglalakad ni Basilio sa napakadilim na gubat sapagkat siya ay
nabangga sa mga puno
at napapatid sa mga a.nagtatakbuhang usa b.nakausling ugat c.nakakalat na
sanga d.nalalaglag na
prutas.
21.) Ipinakita ni Juli ang pagmamahal sa ama nang siya ay magdesisyong a. magpaalila
b. mag-asawa
c. magtinda d. lumayas
22.) Sa masigasig na pagbabantay sa lupang pinaganda, nabihag si Tales ng mga a.
militar b. kura
c. tulisan d. kamag-anak
23.) Kahit nakabakya lamang at mukhang basahan ang kasuotan, kinapalan ni Basilio
ang apog matupad
lamang ang pangarap sa buhay. Lagi nitong sinasabi sa sarili na masuwerte siya
sapagkat ayon sa
kaniya
a. isang karangalan ang makapasok ng paaralan.
b. isang paraan upang makapaghiganti sa kaapihan ng kanyang ina at kapatid.
c. upang mapakasalan si Huli.
d. isang paraan upang makaahon sa hirap.
IV. TAMA O MALI para sa bilang 24-27
24.) Ang pagdadala ni Kabesang Tales ng baril, gulok at palakol sa pangangasiwa ng
kanyang bukirin ay
nangangahulugan lamang na handa siyang ipagtaggol ang karapatan sa lupang
kanyang sinasaka
25.) May takot na lumapit si Huli kay Padre Camorra sa dahilang may pagnanasa ito sa
kanya.
26.) Isa sa mga dahilang ng pagkahirang ni Tales bilang isang kabesa ay ang pagiging
matapang at
walang inuurungang laban
27.) Sa paniniwala ni Simoun, ang pag-aaral ng Wikang Kastila ay pagpatay sa
kakanyahan ng bansang
Sinilangan.
28.) “Tayong lahat ama ay isinilang na walang damit at mamatay ng walang ni
anuman,” ano ang
Kahulugan ng pahayag na ito ni Kabesang Tales?
a. pare-pareho lamang tayong isisilang at mamamatay
b. magkakatulad lamang ang taong may hangganan ang buhay
c. may pantay na Karapatan ang bawat isa mula sa pagsilang hanggang sa
kamatayan
d. kung saan tayo nagmula ay doon tayo magbabaliK
29.) Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapahiwatig ng pagkakapantay-
pantay ng bawat tao?
a. Isinilang tayong lahat na walang damit at mamamatay tayong walang
madadala ni anuman.
b. Ipagpalagay mo na lamang na natalo ka sa sugal ng tatlumpung piso
c.Ipagpalagay mong dumating ang mga kamag-anak ng buwaya
d. Isa para sa lahat, lahat para sa isa.
30.) Alin sa mga kautusan ng Diyos ang nilabag ng korporasyon ng mga Prayle sa
ginawa nilang
pagsamsam sa lupain ni Kabesang Tales?
a. Huwag magnanakaw
b. Huwag kang papatay
c. Huwag magnanasa ng hindi mo pag-aari
d. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
31.) Nagpasya si Kabesang Tales na huwag magbayad ng buwis at huwag isuko sa
korporasyon ng kura
ang lupang kanyang sinasaka sa dahilang
a. pagmamay-ari niya ang lupa
b. ibinigay niya ang kanyang anak na si Tano bilang pambayad sa prayle
c. walang maipakitang kasulatan ng pagmamay-ari ang mga Kastila.
d. maglilingkod si Huli bilang alila
32.) Napilitang ipagbili ni Huli ang lahat ng kanyang alahas maliban sa agnos na bigay
ni Basilio.

Bakit hindi nagawang ipagbili ni Huli ang agnos?


a. iaalay niya ito sa simbahan
b. galing ito sa kaniyang mahal
c. may laman itong kayamanan
d. ipagbibili ito ni Kabesang Tales
33.) Isipin mo na lang na natalo ang tatlumpung piso mo sa sugal. O kaya, nahulog sa
ilog at kinain ng
Buwaya. “ Ano ang nais ipahiwatig ni Tata Selo kay Tales sa pahayag na ito?
a. Huwag nang labanan ang mga pari.
b. Kalimutan na ang kanyang salaping tila nalaglag sa ilog
c.Hanapin ang buwayang tinutukoy upang makuha ang salapi
d. Huwag maging sakim sa kaniyang mga nasasakupan sa barangay
34.) Isang taon ang lumipas, masagana pa rin ang ani. Dahil sa ibat ibang mga dahilan
ay itinaas ng mga
Prayle ang buwis sa lupa sa limampung piso. Bakit naging makatotohanan ang
bahaging
nabanggit?
a. maraming naghahangad sa hindi nila pag-aari
b. patuloy ang korapsiyon at pang-aabuso ng mga maykapangyarihang taglay
c .isang isyung panlipunan ang pagkakaroon ng maayos na tirahan sa panahon
ngayon
d. humihina ang agrikultura sa ating bansa dahil sa hindi maayos na
pamamalakad ng mga
nakatataas
35.) Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagbibigay patunay sa pagiging
makatotohanan ng mga
naganap kay Huli isa sa mga kabanatang nabasa?
a. marami sa nakatataas ang umaabuso sa kahinaan ng tao
b. mayroong mga taong nais tumulong sa mga taong nangangailangan
c.ang mga relihiyoso ay nay matibay na pananampalataya sa kaparian
d. mainit ang mata ng mayayaman sa mga mahihinang tao tulad ni Huli
VI. Pagsunud-sunurin ang mga pangungusap. Isulat ang wastong bilang sa patlang ( 5
puntos)
36.) 1. Napulmonya at namatay ang asawa ni Tales.
37.) 2. Namasukan si Tales kasama ang isang kapitalista.
38.) 3. Hinarap na muli ni Tales ang lupa sa tulong ng dalawa nitong anak na natira.
39.) 4.Nilinis ni Tales at ng kanyang pamilya ang isang bahagi ng kagubatan.
40.) 5.Matagal na nilagnat at sumunod na namatay ang anak na dalaga ni Tales.
a. 4,3,1,2,5 b. 3,1,5,2,4
c. 1,2,3,4,5 d. 2,5,4,1,3
41.) Nang umabot sa 200 piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay napilitan ng
tumutol si
Kabesang Tales. Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi siya
makapagbabayad ng
ay sa iba na lang ipalilinang ang lupa. Bakit makatotohanan ang pangyayaring
nabanggit?
a. Mayroon pa ring umaabuso sa kapangyarihan nilang taglay.
b. Nagiging makasalanan ang taon dahil sa kawalang pananalig sa
maykapal
c. Masalimuot ang sitwasyon sa kasalukuyan dahil sa mga hidwaang
panrelihiyon sa ating
mundo.
d. Patuloy na sinisira ng modernisasyon ang ating kalikasan para lamang
magkaroon ng kita
ang malalaking Negosyo.
42.) Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng paghahambing na
palamang?
a. Mas matimpiin si Tata Selo kaysa kay Kabesang Tales.
b. Sinamahan ni Hermana Bali si Huli papunta sa hukom
c. ‘ Di gaanong Malaki ang unang nagging buwis sa lupain ni Kabesang Tales.
d. Naging malungkutin at ayaw magsalita ni Tata Selo nang umalis si Huli
para manilbihan.
43.) Alin sa mga sumusunod ang salitang hindi ginagamit sa paghahambing?
a. ‘di magkatulad c. pagmamalabis
b. magkatulad d. pasahol
44.) Saang pangyayari maihahambing sa kasalukuyang pangyayaring naganap sa
kabanata kung
saan napilitang mamasukan si Huli para matubos ang kanyang ama?
a. Hindi pa rin malunasan ang kahirapan sa bansa.
b. Ang paninilbihan ay itinuturing pa ring mababang gawain.
c. Mahirap kalabanin ang mga nakatataas na posisyon sa gobyerno.
d. Marami ang nagnanais na magkaroon ng trabahong mataas ang kita.

45.) Isang taon ang lumipas , masagana pa rin ang ani. Dahil sa ibat-ibang masagana
pa rin ang ani.
Dahil sa ibat ibang mga dahilan ay itinaas ng mga prayle ang buwis sa lupa sa
limampung piso.
Bakit naging makatotohanan ang bahaging nabanggit?
a. Maraming naghahangad sa hindi naman nila pag-aari.
b. Patuloy ang korapsyon at pang-aabuso ng may kapangyarihang taglay
c. Isang isyung panlipunan ang pagkakaroon ng maayos na tirahan sa panahon
ngayon.
d. Humihina ang agrikultura sa ating bansa dahil sa hindi maayos na
pamamalakad ng mga
nakatataas.
46.) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng hambingang pasahol?
a. Nakita ni Huli na madilim pa nang siya ay magising.
b. ‘Di gaanong mahalaga para kay Huli ang ibang yaman kaysa sa regalo ni Basilio
c. ‘Di hamak na mas malupit si Hermana Penchang kaysa kay Hermana Bali sa
pagtrato kay Huli.
d. Nahirapang umalis si Huli upang manilbihan para mailigtas ang kanyang ama
mula
sa mga tulisan.

47.) Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng paghahambing na


di
magkatulad?
a. Nagalit si Hermana Bali ng ayaw sumama ni Huli sa kumbento.
b. Mas mahalaga ang laket na ibinibigay ni Basilio kay Huli kaysa sa iba pang mga
alahas ng dalaga
c. Nagtimpi si Kabesang Tales nang patawan ng mas mataas na buwis ng mga
prayle
ang kanyang lupa.
d. ‘ Di gaanong nalungkot si Hermana Penchang nang malamang nabilanggo
ang batang si Basilio
48.) “ Kung nagbigay ako ng limos sa pulubi para mawala na siya, mapipilit ba akong
ituloy ito kung
Sinasamantala niya ang aking kagandahang loob?” Ano ang ibig sabihin ng
pahayag na ito ni
Kabesang Tales?
a.Hindi niya gustong magbigay ng salapi sa mga pulubi.
b. May mga pulubing nagpapanggap lamang at nanghihingi pa rin.
c. Gusto ni Kabesang Tales na makamit ang katarungan at matigil ang pang-aabuso
ng mga
prayle
d. Nais ni Kabesang Tales na matuto ng leksiyon ng mga taong hindi naman talaga
nangangailangan ng tulong.
49.) Ano ang nais ipakahulugan ni Hermana Penchang sa pahayag niya na, “ Si Huli ay
may ulong
parang salaan-puno lamang habang nasa tubig.”
a. Walang maisaulo sa kanyanmg binabasa.
b. Nag-uumapaw sa kaalaman si Huli.
c. Sinasala lamang niya ang mga nais isaulo.
d. Higit n amabilis niyang maisaulo ang binabasa kapag siya ay nasa tubig.
50.) Anong magandang kaugaliang Pilipino ang ipinamalas ni Kabesang Tales sa
pagdating ni Simon sa
kanyang tahanan?
a. pagkamatulungin sa kapwa.
b. pagkamaawain sa nangangailangan
c. malugod na pagtanggap sa panauhin
d. pagiging masayahin ng mga Pilipino.sss

You might also like