Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Paglayo sa Pamilya at Separation Anxiety: Mga Implikasyon sa mga

Piling Mag-aaral ng Ateneo de Davao Senior High School


Taong Panuruan 2017 - 2018

Isang Tesis na Iniharap sa mga Guro sa Filipino


sa Ateneo de Davao Senior High School

nina:

Beatrice Mirafuentes
Tracy Nagangga
Enrico Nazario
Kimberly Ann Nocete
Anne Gizelle Pastrana

Marso 2018
Paglayo sa Pamilya at Separation Anxiety: Mga Implikasyon sa mga

Piling Mag-aaral ng Ateneo de Davao Senior High School

Taong Panuruan 2017 – 2018

Isang Tesis na Iniharap sa mga Guro sa Filipino

sa Ateneo de Davao Senior High School

Bilang Pagbibigay Katuparan sa Isa sa mga Pangangailangan

sa Asignaturang Filipino 12 (Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik)

nina:

Beatrice Mirafuentes

Tracy Nagangga

Enrico Nazario

Kimberly Ann Nocete

Anne Gizelle Pastrana

Marso 2018
Talaan ng Nilalaman

Pahina

1. Rasyunale ng Pag-aaral 1

2. Layunin 3

3. Metodolohiya
3.1. Disenyo ng Pananaliksik 4
3.2. Pook ng Pananaliksik 4
3.3. Respondente ng Pag-aaral 4
3.4. Mga Instrumento ng Pananaliksik 4
3.5. Hakbang sa Paglikom ng Datos 5
3.6. Pagsusuri ng mga Datos 5

4. Inaasahang Bunga 6
Rasyunale ng Pag-aaral

Isa sa mga pinahahalagahan ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng

edukasyon. Itinuturing ito bilang isang kayamanang hinding-hindi mananakaw

mula sa kahit sinuman sapagkat ito ay isang mutya na nakaukit sa isipan ng

isang tao. Dahil sa paniniwalang ito, maraming mga Pilipino ang

nakikipagsapalaran sa iba’t ibang lugar para makapag-aral, dahilan upang sila ay

lumayo mula sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan sa kanilang bayang

sinilangan at kinagisnan.

Bunsod ng pakikipagsapalarang ginagawa ng mga mag-aaral upang

makamtan ang ninanais na edukasyon, marami sa kanila ang nakararanas ng

mga sagabal sa kanilang araw-araw na pamumuhay katulad na lamang ng

academic stress na pinapalala pa ng kanilang mga responsibilidad na labas sa

kanilang pagiging estudyante kagaya ng pagababadyet sa kanilang araw-araw

na gastusin. Hindi maiiwasan sa mga pagkakataong ito ang makaramdam ng

pagkasabik at pangungulila sa mga naiwang mahal sa buhay.

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga implikasyon ng separation

anxiety sa mga kabataang lumuwas upang makapag-aral, natatangi ang

pananaliksik na ito sapagkat nakatuon lamang ito sa mga piling mag-aaral na

nasa baitang 11 ng Ateneo de Davao Senior High School na kung saan ang mga

mag-aaral ay napilitang mamuhay nang mag-isa upang maitaguyod ang pag-

aaral. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito,

makakapaglahad at makakapagbigay ng mga mahahalagang impormasyong


makatutulong sa pag-unlad ng bawat mag-aaral sa nasabing baitang na

nakakaranas ng magkatulad na suliranin, pagdating sa pagpapalawak ng

kanilang pag-unawa tungkol sa sitwasyon na kanilang kinasasadlakan upang

magabayan sila sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Sa pamamagitan din ng

pag-aaral na ito, makakakuha ang mga sikologo at mga dalubhasa ng mga ideya

upang makapag-isip ng mga hakbang na makakatulong sa sikolohikal at

emosyonal na pangangailangan ng mga mag-aaral na ito. Nililimitahan ang pag-

aaral na ito sa mga piling mag-aaral na nasa baitang 11 ng Ateneo de Davao

Senior High School na sakop sa taong panuruan 2017 – 2018.


Layunin o Paglalahad ng Suliranin

Ang mga mag-aaral sa Ateneo de Davao Senior High School ay nagmula sa

iba’t ibang lugar na nangangahulugang mayroong mga mag-aaral na kailangang

lumuwas at manirahan malayo sa kanilang mga pamilya upang makapag-aral.

Ang pagkakaroon ng separation anxiety ay hindi maiiwasan lalo na para sa

mga mag-aaral na karaniwang nakakasama lang ang kanilang mga pamilya

tuwing bakasyon. Madalas matalakay ang pagkakaroon ng separation anxiety ng

mga mag-aaral na ito na siyang nakakaapekto sa kanilang araw-araw na

pamumuhay.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto ng

separation anxiety sa mga piling mag-aaral na nasa baitang 11 ng Ateneo de

Davao Senior High School.

Ito ay naglalaman ng mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:

1.1. Strand (ABM, HUMSS, at STEM)

1.2. Lugar ng Kapanganakan at Paninirahan

2. Ano ang epekto ng separation anxiety batay sa:

2.1 Pagganap sa paaralan

2.2 Pakikisalamuha sa mga taong nakapaligid at pakikipagkapwa

2.3 Pagganap sa pamilya.


Metodolohiya o Pamamaraan

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya na

pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gumamit ng talatanungan (survey

questionnaire) para makalikom ng datos at malaman ang epekto ng

pagkahiwalay sa mga magulang ng mga estudyante.

Pook ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa loob lamang ng pribadong

institusyon ng Ateneo De Davao University, Jacinto Street, Davao City. Pinili ng

mga mananaliksik ang institusiyong ito upang makalakap ng sapat na datos at

impormasyong magagamit sa pagsagot sa suliraning nais nilang talakayin.

Respondente ng Pag-aaral

Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral na nasa

baitang 11 ng Ateneo De Davao Senior High School sa taong panunuran 2017-

2018. Ang mga estudyanteng ito ay naninirahan mag-isa sa dorm o apartment

dahil ang kanilang mga pamilya ay nakatira malayo sa kanilang paaralang

pinapasukan.

Mga Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay mga talatanungan o

sarbey kwestyuner na makapaglalahad ng mga karanasan at mga pagbabago o

epekto sa buhay ng mga Senior High School na estudyante dahil sa kanilang


pagtira na malayo sa kanilang mga magulang. Ang mga ito ay daan sa maingat

na pagsusuri ng mga balideytor upang matiyak na wasto ang pagkagawa ng mga

talatanungan.

Hakbang sa Paglikom ng Datos

Ang mga manananaliksik ay gagamit ng talatanungan upang

makapangalap ng mga makabuluhang datos. Ngunit, maaari din silang

makapangalap ng mga dagdag na datos at impormasyong makakatulong sa

kanila mula sa mga aklat, internet, at iba pang maaaring magamit na may

kauganayan sa kanilang pag-aaral.

Magkakaroon ng oryentasyon ang mga mananaliksik sa mga Senior High

School na estudyante na sasagot sa gagawing sarbey. Maingat at maayos din

nilang ipapaliwanag ang kahalagahan ng pagsagot nila sa mga katanungan na

wasto at tapat. Ang mga makakalap na kasagutan ng mga mananaliksik mula sa

mga respondante ay maingat na bibigyang interpretasyon.

Pagsusuri ng mga Datos

Maingat na susuriin at pananatilihing tiyak ang lahat ng mga datos at

impormasyong ilalahad ng pananaliksik na ito. Sisiguraduhin ng mga

mananaliksik na ang bawat interpretasyon mula sa mga sagot ng mga

respondente ay tama at mapagkakatiwalaan.


Inaasahang Bunga

Sa gagawing pananaliksik, nais ng mga mananaliksik na malaman ang

malaking kaugnayan ng separation anxiety sa pagganap ng mga mag-aaral.

Tinitiyak na sa pag-aaral na ito malalaman ang mga implikasyon ng pagkawalay

sa pamilya sa akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral sa Ateneo de Davao

Senior High School. Gayunpaman, ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay

magsisilbing gabay sa mga sikologo at mga dalubhasa tungkol sa mga tiyak na

implikasyon ng separation anxiety sa mga mag-aaral.

You might also like