Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Talambuhay ni Dr.

Jose Rizal
Dr. Jose Rizal- ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang taong may matayog na pagtingin sa
kabutihan ng bawat nilalang, lalong-lalo na ng kanyang mga kababayan, ay karapat-dapat pag-ukulan
ng paghanga, pagpipitagan, at higit sa lahat ng puwang sa kaibuturan ng puso ng bawat Pilipino. Ang
dakilang taong ito, bagama’t patay na, ay buhay pa sa alaala ng bawat Pilipinong nagmamahal sa
kanyang simulain at idealismo.
Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Siya ay
ipinanganak sa lalawigan ng Laguna, noong ika- 19 ng Hunyo, 1861. Siya ay ikapitong anak ni Francisco
Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
Alinsunod sa kapasiyahan ng Gobernador-Heneral Claveria sa isang kautusan nito noong ika-21 ng
Nobyembre, 1849 ay ginamit ng pamilya ang apelyidong Rizal na nangangahulugang luntiang bukirin.
Ang kanyang inang si Donya Teodora ang kanyang naging unang guro. Hindi lamang pagbasa,
pagsulat, at pagbibilang ang natutuhan niya sa kanyang ina kundi maging ang pagdarasal at pagsagot
sa mga dasal. Para kay Donya Teodora ang mga ito ay totoong mahalaga sapagkat para sa inang
Pilipina noong mga panahong iyon, ang pagtawag sa Panginoong Diyos ang siyang dapat unang ituro
sa mga anak.
Siyam na taong gulang si Jose nang siya ay ipinadala sa Biñan, Laguna at ditoý nag-aral sa ilalim ng
pamamahala ni Ginoong Justiniano Aquino Cruz. Ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay
pinayuhan na siya ng guro na mag-aral sa Maynila sapagkat lahat ng nalalaman nito ay naituro na sa
kanya.
Siya naman ay nagsimulang pumasok sa Ateneo Municipal de Manila noong ika-20 ng Enero,
1872. Dito siya nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip, at nagtamo ng lahat ng mga
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralang ito ay tumanggap siya
ng katibayang Bachiller En Artes at pinarangalan ng sobresaliente (excellent), noong ika-14 ng Marso,
1977.
Sa Unibersidad ng Sto. Tomas, nang sumunod na taon, ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at
lumipat sa pag-aaral ng medisina. Nagtapos din siya ng kanyang Land Surveying sa Ateneo noong
1878. Nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Sa Madrid, Espanya, ay nagtuloy siya sa pag-aaral ng Medecina at Filosofia. Nang taong 1884 ay
nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles, marunong na siya noon ng Pranses, sapagkat nag-aaral na
siya ng wikang ito buhat nang umalis sa Pilipinas. Bukod sa wikang ito ay nag-aral din siya ng panahong
yaon ng Italyano at Aleman sapagkat naghahanda siyang maglakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa,
at alam niyang hindi magiging mahalaga ang paglalakbay na ito kung hindi niya malalaman at
magagamit ang mga nasabing wika sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba
nila sa Pilipino; at upang mag-aral din ng kasaysayan ng mga bayang nabanggit na mapaghahanguan
ng mga aral na mapakikinabangan para sa kanyang mga kalahi. Dahil dito ay naging dalubwika si Rizal.

Ayon kay Wenceslao Retana, unang sumulat ng talambuhay ni Rizal, ang unang kalahati ng Noli
Me Tangere ay isinulat ni Rizal sa Madrid noong magtatapos ang 1884 o nang magsisimula ang 1885;
ang sangkapat na bahagi ay isinulat niya sa Paris, at huling sangkapat ay sa Alemanya. Ayon sa natatala
sa manuskrito ay natapos ni Rizal ang Noli Me Tangere sa Berlin noong ika-21 ng Pebrero, 1887.
Ipinalimbag ang nobelang ito sa limbagan ng kapisanang itinatag ni Ginang Lette sa Berlin kung saan
natapos ito noong Marso 1887. Dalawang libong (2,000) sipi lamang ang ipinalimbag, at ang ibinayad
niya sa pagpapalimbag ay hiniram niya kay Dr. Maximo Viola, taga-San Miguel Bulacan. Ang nasabing
halaga ay umabot sa 300 piso ay binayaran niya kay Dr. Viola nang dumating ang ipinadalang pera ng
sa kanyang mga magulang.
Ang El Filibusterismo na siyang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere ay ipinalimbag naman sa
Ghent, Belgium , noong 1891. Noong ika-8 ng Hulyo, 1892, ay itinatag ni Dr. Rizal sa Maynila ang La
Liga Filipina, isang samahan na ang maithiin ay ang mabago ang naghaharing sistema ng pamahalaan
sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng paghihimagsik. Gaya ng nasabi sa
unahan, dalawampu’t isang taon pa lamang si Rizal nang lisanin niya ang Pilipinas noong ika-5 ng Mayo
1882 upang magpatuloy ng pag-aaral sa Espanya, Pransya, at Alemanya. Nagbalik siya sa Pilipinas
noong ika-5 ng Agosto, 1887.
Umalis siyang muli sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero, 1888 upang magtungo sa Europa, Hongkong,
Yokohama (Japan), San Francisco, New York (US), at Liverpool, London (UK). Nilisan niyang muli noon
ang Pilipinas sapagkat umiiwas siya sa matinding galit sa kanya ng mga Espanyol dahil sa nobela niyang
Noli Me Tangere. Muli siyang nagbalik sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1889.
Alinsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Despujol noong ika-7 ng Hulyo, 1892, ay
ipinatapon si Rizal sa Dapitan noong ika-15 ng Hulyo noong taong ding iyon dahil sa bintang na siyaý
may kinalaman sa kilusang ukol sa paghihimagsik. Ito ay maliit na isla sa hilagang-kanluran ng
Mindanao. Sa Dapitan ay nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan at nagturo sa mga batang lalaki
roon.
Samantalang nakikidigma ang Espanya sa Cuba, upang hindi madamay sa kilusang ukol sa
paghihimagsikan sa Pilipinas, ay hiniling ni Rizal na makapaglingkod sa Cuba. Siyaý binigyan ni
Gobernador-Heneral Ramon Blanco ng pahintulot na makapaglayag papuntang Cuba. Ngunit habang
naglalakbay si Dr. Rizal , patungong Espanya nang magtatapos ang taong 1896, ay hinuli siya sa
kanyang sasakyang barko nang dumaong ito sa Barcelona at ibinalik siya sa Pilipinas.
Ipiniit si Dr. Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap siya sa hukumang Militar at litisin,
ay hinatulan siya ng kamatayan. Isinulat ni Dr. Rizal ang “Mi Ultimo Adios” (Huling Paalam) bago siya
barilin sa Bagumbayan (Rizal Park o Luneta ngayon) noong ika-30 ng Disyembre, 1896. Kaya ang ika-
30 ng Disyembre ng bawat taon ay itinuturing na dakilang araw ng paggunita ng mga Pilipino sa
pinakadakilang bayani ng Pilipinas, si DR. JOSE RIZAL. Naging araw ng pangilin ang ika-30 ng
Disyembre ng bawat taon, alinsunod sa itinakda ng Pamahalaang Amerikano sa Pilipinas.
EL FILIBUSTERISMO

Paghahambing ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo


NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO

Mula sa salitang Latin na Mula sa salitang “filibustero” na


nangangahulugangnHuwag mo akong nangangahulugang taong kalaban ng mga
Salingin na hango sa Bibiliya, sa prayle o ng Relihiyong Katolika Romana.
ebanghelyo ni San Juan 20: 13-17.
• Tumatalakay sa pamamahala ng
mga Kastila (Sibil at simbahan)
Sinimulang isulat sa Madrid, Spain noong Sinimulang isulat noong 1890 sa London,
1884, ipinanagpatuloy sa Paris, France at England at natapos sa Brussels, Belgium
natapos sa Berlin, Germany noong Pebrero noong 1891.
1887.
Alay sa Inang Bayan Inihandog kina Padre Gomez, Padre Burgos
at Padre Zamora (GOMBURZA)

Ang kasaysayang nakapaloob sa Naniniwala si Rizal na biktima lamang ng


aklat na ” Uncle Tom’s Cabin” ni Hariet kasakiman at kawalang katarungan ang
Beecher Stowe, na naglalahad ng mga tatlong paring martir na sina Padre
paghihirap ng mga aliping Negro sa
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at
kalupitan ng mga Amerikanong Puti ang
nagbigay ng ideya sa ating bayani. Nakita ni Padre Jacinto Zamora. Pinagbintangan ang
Rizal ang pagkakatulad nito sa kaapihang mga ito, kasama ang isang Sarhento
dinaranas ng mga Pilipino sa ilalim ng Lamadrid, na namuno sap ag-aalsa sa
pamamalakad ng mga Kastila. Cavite noong Enero 1872 at nahatulan ng
bitay sa pamamagitan ng garrote noong
Pebrero nang taon ding iyon.

Nobelang Panlipunan Nobelang Pampulitika


Tumatalakay sa pamumuhay, pag- Paghahari ng kasakiman mula sa mga
uugali at mga sakit ng mga mamamayan taong may matataas na katungkulan sa
noon. pamahalaan at impluwensiya ng mga
Sumasalamin sa kalagayang prayle hindi lamang sa pang-Simbahang
panlipunan ng mga mamamayang Pilipino usapin kundi maging sa pagpapasyang
sa Panahon ng Kastila. sibil.
Inilalarawan dito ang mga pang-aapi Ipinakikita rito ang pagnanasa ng
at pang- aabusong higit na nagpalala sa mga mamamayang makahulagpos mula sa
kanser ng lipunang napakahirap hanapan pagkakagapos at makamit ang tunay na
ng lunas at lalong nagpatindi ng kasarinlan maging sa marahas na
pagkauhaw sa diwa ng kalayaan. pamamaraan.

Nalimbag sa tulong ni Dr. Maximo Viola. Sinimulang ilimbag sa isang palimbagan sa


Ipinalimbag sa Imprenta Lette sa Berlin, Ghent, Belgium noong Mayo 1891. Kinapos
Germany noong Marso 1887. Bilang ng pera si Rizal Kaya’t nahinto ang
pasasalamat, ibinigay niya kay Dr. Viola
pagpapalimbag nito. Sa tulong ni Valentin
ang orihinal na manuskrito at ang plumang
ginamit niya sa pagsulat ng nobelang ito. Ventura, naipagpatuloy ang pagpapalimbag
nito at natapos noong Setyembre 1891.
Bilang pasasalamat sa pagtanaw ng utang
na loob, ibinigay ni Rizal kay Ventura ang
orihinal na manuskrito ng nobela, kasama
ang isang nilagdaang sipi ng aklat.

You might also like