Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KATITIKAN NG PAGPUPULONG BLG.

____ SERYE 2023


ORAS AT PETSA Disyembre 26, 2023, 9:00 AM, Barangay
Ambassador Hall
PAGDALO Dumalo:
SK Chaiperson Bench Bermudo
SK Secretary Jasmin Jane Pascual
SK Treasurer Darym Pearl Guzman
SK Kagawad Rouwen Ibarra
SK Kagawad Lerma Labisto
SK Kagawad Desiree Karyl Lopez
SK Kagawad Jeric Gabriel
SK Kagawad Harold Kho
SK Kagawad Christine Narbay
SK Kagawad Adrian Lomboy

AGENDA OFFICIAL DATE OF MONTHLY


SESSION
RULES & REGULATIONS
PROJECT SUGGESTION FOR
UPCOMING MONTHS

OFFICIAL DATE OF MONTHLY SESSION


MUNGKAHI/KATANUNGAN NAPAGKASUNDUAN
SK CHAIPERSON BENCH BERMUDO Napagkasunduan ng lahat na ang
Humingi ng suhestiyon patungkol sa Official Sangguniang Kabataan ng ambassador ay
Date of Monthly Session. kailangang magpulong ng isang beses sa
isang buwan at ang official date of monthly
session ay gaganapin sa ikaunang lingo, araw
ng sabado ng buwan sa ganap na ika-_____
ng hapon sa Barangay Liga hall.

Kung nagkataong may kalamidad sa araw ng


pagpupulong ay gaganapin ito sa susunod na
Linggo.

RULES AND REGULATIONS


MUNGKAHI/KATANUNGAN NAPAGKASUNDUAN
SK CHAIRPERSON BENCH BERMUDO 1. Ang Sangguniang Kabataan ng Brgy.
Binuksan na ang pagbibigay rules and Ambassador ay kailangang magpulong ng
regulations ng Pambayang Pederasyon ng beses sa isang buwan at ang araw ng mga
Sangguniang Kabataan ng Nampicuan. pagpupulong ay tuwing ikaunang lingo sa
araw ng sabado bawat buwan.

2. Sinuman ang hindi makadalo sa


pagpupulong ng walang sapat at katanggap-
tanggap na dahilan ay may karagdagang
multa.
Unang Paglabag-------P100.00
Ikalawang Paglabag- P200.00
Ikatlong Paglabag----P200.00 at bibigyan na
ito ng paalalang sulat.
Ika-apat na Paglabag----P500.00 at bibigyan
na ito ng suspensyong sulat.

3. Ang pagkolekta ng mga multa ay agad


nang ikakaltas sa buwanang honorarium ng
SK Chairperson, SK Secretary, SK Treasurer,
SK Kagawad na lumabag sa Bahay
Alituntunin.

4. Ang mga sumusunod ay ang mga hindi


maiiwasang dahilan sa hindi pagdalo sa
pagpupulong na siya lamang tatanggapin ng
konseho:

Kapag nag-anak ng binyag


Kapag nag-abay sa kasal
Kapag may namatay ng kapamilya o kamag-
anak
Kapag nagkasakit
May mga gawain sa eskwela na hindi
maaaring ipagpaliban(projects, research
studies, atbp.)
Pagkakaroon ng pribadong importante na
lakad

5. Ang pagpupulong ay mag-uumpisa sa


ganap na ika- _______ ng hapon sa Barangay
Hall ng Ambassador. Magbibigay ng
labinlima (15) minutong paghihintay. Kung
wala pa ang SK Chairperson/SK Kagawad
matapos ang itinakdang oras ng paghihintay,
siya ay itatalagang lumiban sa pagpupulong.

Ang mga sumusunod ay ang mga hindi


maiiwasang dahilan sa paghihintay sa
pagpupulong na siya lamang tatanggapin ng
konseho:
Traffic

Sinuman ang mahuli sa pagpupulong ng


walang sapat at katanggap-tanggap na dahilan
ay may karagdagang multa.
Unang Paglabag------- Warning
Ikalawang Paglabag- P50.00
Ikatlong Paglabag----P50.00 at bibigyan na
ito ng paalalang sulat.
Ika-apat na Paglabag----P250.00 at bibigyan
na ito ng paalalang sulat.

6. Kung hindi makakadalo ang SK


Chairperson/SK Kagawad sa tuwing may
gaganapin na aktibidad ng Sangguniang
Kabataan (SK) ay magpadala ng kinatawan o
agad na magsabi o magpadala ng mensahe sa
kalihim ng SK Ambassador. Isaad sa mensahe
ang katanggap-tanggap na dahilan ng hindi
pagdalo sa aktibidad.

7. Pagkaraan ng labinlima(15) minutong


paghihintay at wala pang sapat na bilang ang
konseho upang mabuo ang quorum, ang
Tagapangulo ay maaaring magdeklara ng
pagkansela ng pagpupulong.

8. Sa pagdalo sa pagpupulong, kailangan na


ang bawat isa ay nakasuot ng presentable at
naaayon sa dadaluhang aktibidad. Habang
wala pang bagong uniporme ang SK ay
kailangang suotin ang mga sumusunod:

 Sapatos
 Pantalon
 White Polo
 Uniporme sa Barangay
 Polo shirt
 T-shirt

9. Sa pagpupulong, kung may nais


magmungkahi o magsuhestiyon ay magtaas
lamang ng kamay at hintayin ang pahintulot
ng Tagapangulo.

10. Kailangang patapusin muna ang


kasalukuyang nagsasalita bago sumunod ang
kung sinuman ang nais magsalita. Hintayin
lagi ang pahintulot ng Tagapangulo bago
magpahayag ng opinyon o kung anumang
sasabihin.

11. Ang mga SK Chairperson/SK Kagawad


ay kailangang dumalo sa mga aktibidad na
kung saan ay SK ang nag-organisa. Kailangan
din nilang dumalo sa mga aktibidad na kung
saan ang presensya ng SK Chairperson/SK
Kagawad ay mandatory.

12. Kung nagkataong may kalamidad sa araw


ng pagpupulong ay gaganapin ito sa susunod
na Linggo.

PROJECT SUGGESTION FOR UPCOMING MONTHS


MUNGKAHI/KATANUNGAN NAPAGKASUNDUAN
SK CHAIRPERSON BENCH BERMUDO
Binuksan na ang pagbibigay suhestyon para
sa maaaring maging proyekto ng Sangguniang
Kabataan ng Brgy. Ambassador.
SK KAGAWAD ROUWEN IBARRA
Nagbigay ng suhestyon patungkol sa E- Napagkasunduan na magkakaroon ng ML
Sports (Mobile Legends and Call of Duty TOURNAMENT at CODM TOURNAMENT
Mobile). kapag naisaayos na ang pondo ng SK
Ambassador funds.

SK ADRIAN LOMBOY
Nagbigay ng suhestyon patungkol sa Napagkasunduan na magkakaroon ng gospel
GOSPEL CLASS para maging malapit at class isang beses sa isang buwan at ang
lumaki sila ng may takot sa Diyos. saklaw ng edad ay 13 anyos pababa.

SK HAROLD KHO
Humingi ng balita patungkol sa nalalapit
na fiesta at pa-liga ng SK.
“Patungkol sa fiesta ito ay gaganapin ng
February at sa pa-liga kung naitransfer at ayos
na ang mga files/papers ng SK Ambassador
kung kaya nating ihabol ang pa-liga sa ika-
apat na linggo ng enero ihahabol natin” sabi
ni SK Chairperson Bench
SK CHRISTINE NARBAY
Nais magkaroon ng PALARONG LAHI
bago mag fiesta ng barangay.
Napagkasunduan ng lahat na magkakaroon ng
palarong lahi at may limang (5) laro na
gaganapin sa edad 15 pababa.

Sack race
Patintero
Calamansi relay
SK LERMA LABISTO Pitik calamansi
Kapag available na ang free printing, free Pahabaan ng gamit
printing kapalit ng platic bottle para yung
mga maiipon na plastic bottle ay pwedeng
maibenta at pamalit sa gamit at Agad sumang-ayon ang lahat.
maintenance ng laptop at printer.

Sa dahilang wala ng dapat pang pag usapan ang pagpupulong ay itinindig ni SK


CHAIRPERSON BENCH BERMUDO at pinangalawahan ng lahat ng dumalo sa ganap na ika
10:17 ng umaga ng Disyembre 26 taong 2023.

JASMIN JANE PASCUAL


SK KALIHIM
IPINAGTIBAY NINA:
ROUWEN IBARRA LERMA LABISTO
SK Kagawad SK Kagawad

DESIREE KARYL LOPEZ JERIC GABRIEL


SK Kagawad SK Kagawad

HAROLD KHO CHRISTINE NARBAY


SK Kagawad SK Kagawad

ADRIAN LOMBOY DARYM PEARL GUZMAN


SK Kagawad SK Ingat-Yaman

BENCH BERMUDO
SK CHAIRPERSON
DECEMBER 26, 2023
ATTENDANCE:
SK Chaiperson Bench Bermudo SK Kagawad Desiree Karyl Lopez
SK Secretary Jasmin Jane Pascual SK Kagawad Jeric Gabriel
SK Treasurer Darym Pearl Guzman SK Kagawad Harold Kho
SK Kagawad Rouwen Ibarra SK Kagawad Christine Narbay
SK Kagawad Lerma Labisto SK Kagawad Adrian Lomboy

You might also like