Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

[INTRO]

(All) R-RNC. RADIO NEWS CHARITY 1.5 ON SET

(Jewish) Magandang araw, kababayan!

(Kobe) ito ang inyong lingguhang balita sa radyo.

(Althea) Na muling nagbabalik sa inyo upang mag bigay katotohanan, kaalaman, at


kabatiran.

(Rhianne) At ngayong araw kami ay malugod magbibigay daan sa mga pangunahing


kaganapan sa ating bansa.

(All) ngayong araw ng Nobyembre 14 2023.

(Jewish) ako si jewish at kasama ko sina

(Kobe) ako si kobe

(Althea) ako naman si

(Rhianne) at ako naman si

(Jewish) Abangan ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa West Philippine


Sea,

(Rhianne) Marcos Highway,

(Kobe) ang ating Weather Forecast,

(Althea) at ang kasalukuyang sitwasyon ng Inflation sa ating bansa.

(All broadcasters) R-RNC. RADIO NEWS CHARITY 1.5 ON SET.

[NEWS1]
(Kobe)
Magsisimula tayo sa paksang puno ng tensyon. Sa West Philippines Sea, patuloy ang
tensyon sa pagitan ng Pilipinas at china. Ayon sa huling ulat, patuloy na nagpapadala
ng mga barko ang china sa nasasakupan natin. May mga hakbang na ba ang ating
gobyerno ukol dito, Rhianne?
(Rhianne)
Oo, Kobe, ayon sa mga opisyal, patuloy ang diplomatic channels sa pagtutulungan
nating ipaglaban ang ating karapatan sa West Philippines Sea.

grabe ang mga taga China di na talaga nila tayo tinantanan noh

[NEWS 2]
(Jewish)
Apat na kabataang lalaki ang nasawi nang sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa
likod ng truck sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal. Ano pa nga ba ang ibang
detalye sa pangyayari, Althea?

(Althea)
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo Police, sinabing
pawang residente sa nasabing lungsod ang mga biktima na nasa edad 21 hanggang
22. Sa lakas ng kanilang pagkakabangga, pumasok ang unahan ng kotse sa ilalim ng
likuran ng truck. At sinisiyasat pa umano ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente
kung nakainom ang nagmamaneho o dahil nakikipag-karera. Nangangalap pa umano
ng CCTV footage sa lugar ang mga awtoridad, ayon kay

(Jewish) ano sa tingin mo ang nangyari kaya sila nag ka banggaan

(Kobe)Siguro nga jewish naka inom sila noh sana maging maayos na ang lahat

[NEWS3]
(Rhianne)
Malugod nating isalaysay ang kasalukuyang lagay ng panahon, Kobe. Ano ang mga
balita mula sa PAGASA?

(Kobe)
Ayon sa PAGASA, magiging maalinsangan sa malaking bahagi ng bansa sa mga
susunod na araw. Mainit na panahon ang inaasahan kaya't mahalaga na magdala kayo
ng sapat na pananamit at tubig upang mapanatili ang inyong kalusugan. Pero may ilang
lugar din na maaaring magkaroon ng mga isolated thunderstorms, kaya't mag ingat
kayo't huwag kalimutang mag dala ng inyong mga payong.

Tama dapat tayong mag dala ng payong uso pa naman ngayon ang hit
stroke
[NEWS4]
(Althea)
Inaasahan ang patuloy na pagtaas ng inflation ngayong. Sa pinakahuling estimate ng
Bangko Sentral ng Pilipinas, mananatiling mataas ang inflation rate sa mga susunod na
buwan at aabot ito sa average na 6.1 percent para sa buong taon ng 2023. Kasabay
nito ang kasalukuyang paglobo sa presyo ng bigas, sumipa rin sa 17.9% sa kabila ng
ipinataw na price cap. Ano bang mga hakbang ang ginagawa ng gobyerno ukol dito,
Jewish?

(Jewish)
Ayon sa Department of Finance, kanilang inaaral ang iba't- ibang paraan upang
ma-kontrol ang inflation, kasama na rito ang monitoring ng presyo ng mga pangunahing
bilihin tulad ng bigas.

[OUTRO]
(Rhianne) Ito lamang ang ilan sa mga pangunahing balita ngayong araw.

(Jewish) Abangan ang mga karagdagang update ukol sa mga ito at iba pang
mahahalagang kaganapan sa ating bansa.

(Kobe) Maraming salamat sa inyong pagtutok, mga kababayan!

(Althea)Muli, Ito ang inyong lingguhang balita. Nagbabalik sa inyo upang magbigay
katotohanan, kaalaman, at kabatiran.

(All) R-RNC. RADIO NEWS CHARITY 1.5 OFF SET

You might also like