Que Trap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Trapiko ang isa sa pinakamalalang problema sa pagtira sa lunsod, lalo na kung

usad-pagong na ang daloy ng trapiko na nagpapasikip sa mga kalsada at


nagpaparumi sa hangin. Nakakaungkot diba? hindi nababawasan ang araw-araw
na pahirap na ito na dinaranas ng milyun-milyong naninirahan sa lunsod. Maging
ang mga awtoridad ya hindi talaga makabuo ng sapat na solusyong lulutas sa
problemang ito. Patuloy ang pagdami ng mga tao sa lungsod, anupat halos
kalahati ng populasyon ng daigdig ngayon ay nakatira sa mga lunsod. Sa pag dami
ng tao sa lungsod hindi ba't madami din ang sasakyan dito?

Mas mabilis pa nga ito kesa sa pag gawa ng mga Highway. Isang dahilan ay ang
kawalan ng paradahan. Maraming kotse ang maaring mag paikot ikot sa mga
kalsada sa lunsod para lamang makahanap ng paradahan. Maraming tao din ang
namamatay dahil sa polusyon sa hangin na dulot ng trapiko na gawa ng mga
sasakyan. May magagawa pa kaya tayo sa sitwasyong ito?

Malaki ang idinudulot nito hindi lamang sa bawat indibidwal, kundi pati na rin sa
ekonomiya at pamumuhay ng bawat isa sa atin. Isa sa mga pinakamalalang
suliranin na dulot ng matinding trapiko ay ang pagkakaroon nito ng malaking
epekto sa ekonomiya ng bansa. Isa sa epekto ng trapiko sa mga apektadong
mamamayan ay ang pagka-ubos o pagkabawas ng oras. Sa ganitong pagkakataon
na may malalang suliranin sa trapiko, kailangan ang pagkakaisa at pagtulungan ng
lahat upang maibsan ang problema.

You might also like