Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ANG AKING PAGLALAKBAY SA PURLIEU BAHALINANA

Marami na akong napuntahang pasyalan sa iba’t-ibang lugar dito sa Bukidnon ngunit masasabi
kong isa sa pinakamagandang pasyalan na aking napauntahan ay ang Purlieu Bahalinana sa
Antiquera, Kadingilan, Bukidnon. Labis akong humanga sa ideya ng may-ari ng pasyalang ito.
Marami ang mga taong pumupunta dito at patuloy nila itong pinaganda. Halina’t iyong
tunghayan ang mga mahahalagang larawan na sumasalamin sa kagandahan at katiwasayan sa
Purlieu Bahalinana.

Alas-onse ng umaga ay nagtungo ako sa lugar. Talagang tanyag ang Purlieu Bahalinana sa
simple nitong mga materyal na ginamit ngunit napakaganda sa tanawin.

Ang Purlieu Bahalinana ay isang sikat na pasyalan. Ito rin ang pangunahing destinasyon ng mga
taga Bukidnon at maging ng mga turista.
Ito ay matatagpuan sa gitna ng sakahan,kung kaya’t marami ang mga tanawin na matatagpuan
dito. Hindi sementado ang daan kaya matagal-tagal rin na marating ang destinasyon

Iba’t-ibang selebrasyon ang kadalasan ay inisasagawa ng mga pumapasyal dito. Birthday at


thanksgiving ay ilan sa mga dahilan kung bakit bumabalik-balik ang mga tao dito.
0

Ang Purlieu Bahalinana ay mayroon ding nga produkto na ipinagmalaki. Isa na rito ang kanilang
tinatawag na “Suka Bahalinana. "

Sikat rin ang Purlieu Bahalinana dahil sa kanilang nga desinyo na gawa sa kawayan na siyang
nagdadala ng malamig at matiwasay na paligid para sa mga mamamasyal
Ang Purlieu Bahalinana ay masagana rin sa lupa. Magaganda at malulusog ang mga bulaklak
dito na kung saan ay pumupukaw sa damdamin ng nga mamamasyal.

Mayroon silang mga photo booth na kung saan ang mga mamamasyal ay naaaliw at
nagpapakuha ng mga litrato dito
Matapos mag libot ng mga bisita ay pwede rin silang mag-order ng makakain. Hinding-hindi rin
sila nagpapahuli sa mga pagkain na kanilang inihahanda para sa mga bumibisita dito. Hinding-
hindi ka magsisisi dahil kayang-kaya lamang sa budget at masasarap.

Sikat rin ang Purlieu Bahalinana sa kanilang masarap na buko na siyang binabalik-balikan ng
nga bumibisita dito.
Bawat pamilya, barkada at iba pa ay maaring bumisita at talagang wala silang pinipili. Patas ang
pagtingin ng mga namamahala dito sa mga taong bumibisata at pumapasyal dito.
Bukas ang Purlieu Bahalinana mula alas-dyes ng umaga hanggang alas-dyes ng gabi, kung jayact
sulit ang pag bisita rito. Hindi sila strikto at bisita lamang ang magpasya kung anong oras nila
gustong umuwi.

Mababait ang mga crew ng Purlieu Bahalinana kaya maraming nga bisita ang pilit na bumabalik
dito. Sila ay magaling mag-aruga ng mga customers at kitang-kita ang kanilang mataas na
respeto sa mga bisita rito.

You might also like